08 – First Date

2331 Words
08 – First Date Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa opisina ay sinalubong na ako agad ng matamis na ngiti ni Sir Alexander. And it was the first time I ever saw him arrive earlier than me. Napaka-aliwalas ng mukha niya. He’s grinning from ear to ear. “Good morning, my dear Summer Heart,” aniya at kumindat pa sa akin. Tinapunan ko lang siya ng malamig na titig. Baka akala niya ay okay na kami. Hindi por que pumayag ako sa kondisyon niya ay ayos na rin ang ginawa niya sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya napapatawad sa pagnanakaw niya ng halik sa akin. “Why so cold, honey?” Huminga ako nang malalim dahil umagang-umaga pa lang ay sinusubok na niya ang pasensya ko. Pinili ko na lang na ‘wag siyang pansinin at dumiretso na lang sa desk ko para magtrabaho. Pero mukhang wala talaga siyang plano na tantanan ako anytime soon. Umupo siya sa kanto ng mesa ko at tumitig sa akin habang namumungay ang kanyang mga mata. “I still can’t forget how gorgeous you looked that night, babe. You were stunning.” Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. “I can’t wait to see that beauty again on our date,” dagdag niya pa. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at masama ko siyang tiningnan. “Sir, nasa trabaho po tayo ngayon. Mas maganda kung may ginagawa ka rin siguro, hindi lang purong pang-iistorbo sa akin,” matigas kong sabi sa kanya. “May I just remind you about the documents that you haven’t submitted yet,” dagdag ko. “And also, you have a scheduled meeting in the afternoon from 1:00 PM to 5:00 PM.” “That’s too much, my honey babe,” nakangusong sabi niya. “I can’t handle them all. Baka magka-wrinkles ako.” Naikuyom ko ang kamay ko. Hindi ko alam kung sinusubukan lang ba niya ang pasensya ko o nagda-drama talaga siya. But either way, he’s pissing me off. “Kung hindi n’yo magampanan ang trabaho n’yo, then find someone who will. If you really want to be free from any responsibilities, why not consider stepping down?” prangkang sabi ko sa kanya dahil napupuno na talaga ako sa kanya. Natigilan siya sa sinabi ko. Kumunot ang noo niya at tumingin sa akin. “You want me to step down?” Umiling-iling siya. “There’s no one who can manage the company better than me,” confident niyang dagdag at kumindat pa sa akin. “Ako lang ang natatangi at kaisa-isang may kakayahan na palaguin ang kompanyang ‘to.” Napaawang na lang ang bibig ko dahil sa laki ng ulo niya. Puno na yata ito ng hangin. “Then start proving it, sir. Show me that you’re really capable,” hamon ko sa kanya. “As someone who’s always been with you, hindi ko pa nakikita sa ‘yo ang qualities ng isang competent na CEO,” prangkang sabi ko. “Ouch!” Nagdrama siyang sumasakit ang puso niya. Ngumiwi pa siya habang nakatingin sa akin. “That hurts, baby! How could you say such cruel things to me.” Naikuyom ko ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Konting-konti na lang talaga at ihahampas ko ang monitor nitong computer sa pagmumukha niya at nang mahimasmasan siya. Kung walang kumatok sa pinto ay baka bumulagta na siya sa sahig. Mabilis akong tumayo para pagbuksan ang dumating. At halos lumuwa ang mata ko nang makita ko si Sir Anton. Agad siyang ngumiti nang magkasalubong ang mga mata namin. “Good morning, Summer,” bati niya sa akin gamit ang baritono at gwapo niyang boses. “G-Good morning, sir,” bati ko pabalik bago nilakihan ang awang ng pinto. “Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” “Oh, I’m just here to give these to Troy,” aniya at ipinakita sa akin ang hawak niyang folder. “Okay po,” nakangiti kong sagot. “What would you like to have, sir: water, coffee, or tea?” “Tea would be nice.” “Got it,” sabi ko at dali-daling pumunta sa pantry para ipaghanda siya ng tsaa. Mabilis ang bawat kilos ko at puno ng pag-iingat. Gusto kong makapagtimpla ng masarap na tsaa para kay Sir Anton. “How about me?” tanong sa akin ni Sir Alexander nang ilapag ko sa harapan ni Sir Anton ang tsaa niya. “Hindi naman po kayo nagsabi, sir,” sagot ko sa kanya pero sa mas kalmado at malumanay na boses. Ayokong taasan ang boses ko dahil maririnig ni Sir Anton. Ayoko ring isipin niya na pangit ang ugali ko. “Pero ano pong gusto n’yo? Ipagtitimpla ko kayo agad.” “Oh, just black coffee.” “Okay po,” malumanay kong sagot at bumalik sa pantry para ipatimpla siya ng kape. Binilisan ko ang kilos ko at tinantsa ko lang ang pagtitimpla. Wala akong pakialam sa lasa. Kung pwede nga ipapapak ko na lang sa kanya ang coffee powder, eh. “Ang sarap ng tsaa mo, Summer,” salubong na puri sa akin ni Sir Anton nang makabalik ako. Ngumiti pa siya nang pagkatamis-tamis dahilan para sumilay ang perpekto at napakaputi niyang mga ngipin. Ang gwapo talaga! “Salamat po, sir. Kung gusto n’yo po, ipagtitimpla ko kayo—” “Ang pangit naman ng lasa nito, Heart! Leche, ang pait!” bulalas ni Sir Alexander dahilan para hindi ko matapos ang sinasabi ko. Aalukin ko pa naman si Sir Anton na kung gusto niya ay ipagtitimpla ko siya ng tsaa araw-araw. Kamuntik nang lumabas ang sungay ko dahil sa narinig ko mula sa hinayupak kong boss. Mabuti na lang at nakontrol ko ang sarili ko at hindi ko siya nasungitan. “Gano’n po ba? Ulitin ko na lang po.” “’Wag na. Ayoko na. Nawalan na ako ng gana,” aniya bago hinarap ang pinsan niya. “So, what brought you here, Anton?” Pasimple ko siyang sinamaan ng tingin. Kailangan ba talagang sabihin niya ‘yon sa harapan ni Sir Anton? Nakakainis. Minabuti ko na lang na bumalik sa desk ko at ituloy ang ginagawa kong trabaho. Ayoko namang gawing masyadong obvious na masaya ako na makita si Sir Anton dahil baka mahalata niyang may gusto ako sa kanya. Baka mailang pa siya sa akin. Ayos na sa akin ang pagmasdan siya mula sa malayo. Isa rin siya sa nagmo-motivate sa akin na pumasok araw-araw, eh. Palagi akong nananalangin na sana ay makasabay ko siya sa elevator nang kaming dalawa lang. Matapos ang halos dalawampung minuto ay natapos na ang pag-uusap nilang dalawa. Tumayo na siya at kumaway sa akin, “Gotta go, Summer. It was a good tea.” “Thank you, sir. Kung gusto n’yo po ng tsaa ulit, bumisita lang po kayo rito,” nakangiting tugon ko sa kanya. “I’ll think about it,” nakangiting sabi niya bago siya tuluyang lumabas. Kaylapad ng ngiti ko. Pero agad ‘yong nawala nang humarang sa harapan ko ang pagmumukha ni Sir Alexander na may panguso-nguso pa ng labi. “Bakit ang bait mo kay Anton, huh?” aniya at pinaningkitan ako ng mata. “You’re like a sweet, little bunny to him, pero sa akin, daig mo pa ang leon. Tell me why,” pang-uusisa niya. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuloy ko na lang ang ginagawa ko. Dahil wala na ang sunshine ko, purong kulog at kidlat na lang ang nararamdaman ko. At kapag hindi na ako nakapagpigil ay mahampas ko na talaga ang pagmumukha ng boss ko. “Anyways, I already decided where our next date would be,” pag-iiba niya sa usapan at matamis na ngumiti. “I’m sure you’ll like it there.” Tuluyan nang nawala ang masayang mood ko dahil sa pinagsasasabi niya at sa ngising ibinibigay niya sa akin. Isang tingin pa lang ay alam ko na talagang may binabalak siya, eh. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Pumayag na ako kaya wala na akong choice kundi ang makipag-date sa kanya. --- Sabado. Ito lang yata ang Sabado na hindi ako excited. Ito kasi ang araw ng first date namin ni Sir Alexander. At hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin at kung ano ang mangyayari mamaya. Alas kwatro ng hapon ang napag-usapan naming oras. Nag-set na rin siya ng lugar kung saan niya ako susunduin. Gusto niya pa sanang sa bahay mismo namin, pero hindi ako pumayag. “Len, ikaw na muna ang bahala kay mama, ha?” bilin ko sa kapatid ko bago inayos ang salamin na suot ko at humarap na sa full-length mirror namin sa sala. Tiningnan kong muli ang ayos ko. Nakasuot ako ng puting long sleeves na ipinares ko sa mahabang palda at flat shoes. Nakatirintas din ang buhok ko para hindi gaanong magulo. Hindi na ako nag-abalang maglagay ng make-up dahil hindi naman ako marunong. Pulbos at lipstick lang ay sapat na. Pagkatapos ay nagpaalam na ako kina Lenlen at mama na aalis na. Nag-jeep lang din ako papunta sa sinasabi niyang lugar. Pagkarating ko roon ay medyo pawisan na ako lalo na’t may kainitan ang suot ko. Idagdag mo pa ang maalinsangan na panahon. T-in-ext ko na si Sir Alexander. ‘I’m coming,’ reply niya. At ilang minuto lang ay may tumigil na magarang itim na kotse sa harapan ko. At pagkababa ng salamin ay nakita kong dumungaw si Sir Alexander na pormadong-pormado. Nakasuot ito ng kulay abong long sleeves na bumagay sa kutis niya. Maayos ding nakasuklay ang kanyang buhok at humahalimuyak ang lalaking-lalaking amoy niya kahit pa medyo malayo ako sa kanya. Kita ko kung paano bumaba ang tingin niya mulo ulo hanggang paa ko. “Seriously, Heart?” aniya na tila dismayado sa nakita. “You didn’t even bother dressing up for our date,” tila nagtatampong dagdag niya. Kumunot ang noo ko. “This is my best attire, sir.” Medyo na-offend ako sa sinabi niya. Kung alam niya lang kung paano ko pinaghandaan ang araw na ‘to. Oras din ang ginugol ko para piliin ang mga damit ko ‘no. Napabuga na lang siya ng hangin bago lumabas sa sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto. “Get in.” Pasimple lang akong umirap sa kanya bago ako pumasok sa loob ng sasakyan niya. Nang makapasok siya ay hihirit pa sana siya na siya ang magkakabit ng seatbelt ko pero pinigilan ko na siya at baka kung ano na naman ang gawin niya. “Saan po ba tayo pupunta ngayon?” tanong ko. “Drop the ‘po’, Heart,” matigas niyang sabi. “We’re on a date, remember? Today, I am not your boss but your suitor,” sambit niya sa baritonong boses niya at kumindat pa sa akin sabay ngitin nang matamis. Hindi ko na lang siya pinansin kahit na nakaramdam ako nang bahagyang kiliti sa ginawa niya. “So, saan nga?” Ngumisi lang siya sa akin bago pinaandar ang sasakyan. “You’ll soon find out.” Ayawp pang sabihin. As if naman may magbabago kung mamaya ko pa malalaman. Napailing na lang ako bago ibinaling ang atensyon ko sa labas. At habang bumabiyahe kami ay kaswal siyang nagtatanong ng tungkol sa akin—gaya ng mga paborito kong kulay, ulam, at kung ano-ano pa. Sinasagot ko lang din siya nang maiikli para iparamdam sa kanya na hindi ako interesadong makipag-usap sa kanya. “Ako, hindi mo ba ako tatanungin sa mga gusto ko?” aniya. Napabuga na lang ako ng hangin at napairap bago siya hinarap. “Ikaw, anong mga gusto mo?” Ngumiti siya sa akin. “Isa lang ang gusto ko, eh.” “Ano naman ‘yon?” walang gana kong tanong. Muli siyang ngumiti sa akin bago niya binagalan ang takbo ng sasakyan sabay tingin nang diretso sa mga mata ko. “Ikaw. Ikaw lang ang gusto ko.” Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang makaramdam ako ng kiliti sa aking tiyan at bahagyang pagbilis ng tibók ng puso ko. Dama ko rin ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. “Baliw,” nasabi ko na lang. Ngumiti lang siya bago itinuon ang atensyon sa daan. “Baliw sa ‘yo,” hirit niya pa pero hindi ko na pinansin dahil abala ako sa pagpapakalma sa sarili ko. Nanahimik na ako at hindi ko na pinansin ang mga tanong at sinasabi niya hanggang sa makarating kami sa sinasabi niyang lugar. Nang una ay akala ko sa isang hindi pamilyar na restaurant kami pupunta, pero nang makalabas kami ng kotse ay nanlaki na lang ang mga mata ko nang makitang sa isang underwater aquarium kami pumunta. Mabilis akong napatingin sa kanya at sinalubong ako ng matamis niyang ngiti. “You like it?” “P-Paanong...” Hindi ko alam kung paano ko bubuohin ang mga salitang naglalaro sa isipan ko. “I heard you like the sea and everything in it. But since we’re too far to go to an actual sea, I thought this place would be a perfect substitute for that,” aniya bago inilahad ang kanyang kamay. “Let’s go?” Napakurap-kurap na lang ako. Ayoko sanang ipakita sa kanya na nagustuhan ko ang ginawa niya, pero hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa labis na tuwa. “I told you to dress nicely like how you did on that blind date, but...” Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya. At doon nagkasalubong ang mga mata namin. “...but seeing your genuinely smile like this, I think you’re gorgeous just the way you are, Heart.” Biglang kumabog ang dibdib ko sa narinig. Dama ko rin ang ragasa ng dugo papunta sa aking pisngi. At bago pa man ako makapagsalita ay agad na niyang kinuha ang kamay ko. He locked our fingers and sweetly smiled at me. “Let’s make our first date memorable, Heart,” bulong niya sa akin at tuluyan akong hinila papasok sa loob ng gusali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD