09 – Butterflies Summer’s Point of View Nakatitig lang ako sa magkahawak naming kamay ni Sir Alexander. Kahit pinagtitinginan na kami ng ibang mga tao ay hindi pa rin siya bumibitaw. Ako na lang ang naiilang dahil nakikita ko kung paano ma-weirdo-han sa amin ang mga nakakasalubong namin. Pakiramdam ko’y nagtataka sila kung bakit magka-holding hands ang isang gwapong lalaki at manang na babae. Hanggang sa hindi ko na natiis at huminto na ako sa paglalakad, dahilan para matigilan din siya. Tumingin siya sa akin ng may nagtatakang mga mata. “What’s wrong, Heart?” “Sir, pwede bang bitawan n’yo ang kamay ko?” mahinang tanong ko sa kanya at sinubukang hilain ang kamay ko pero hindi siya pumayag. “Why? Hindi naman nagpapawis ang kamay ko, ah?” “A-Ayoko lang po,” sagot ko at yumuko na lang n