06 – Slowly

2229 Words
06 – Slowly Alexander’s Point of View Pasimple kong tiningnan si Heart habang nagmamaneho ako ng sasakyan. I still couldn’t believe that behind her old-fashioned clothing and thick eyeglasses hides a hot and gorgeous lady. I am so glad I went to this blind date, dahil kung hindi, baka hindi ko na makita ang side na ‘to ni Heart. “Where do you want me to drop you?” tanong ko sa kanya. Wala na kasi siyang nagawa kundi ang pumayag na ihatid ko siya pauwi dahil tinakot ko siya na sasabihin ko sa mga magulang ni Latrisse na nakikipagsabwatan siya sa anak nila para isabotahe ang mga blind date na sini-set up nila. I used to worry about how am I going to melt her defenses, but I just found the perfect kryptonite for that. I can use this chance to get closer to her and weaken her defenses. I can’t wait to see her vulnerable side. “Paki-drop na lang po ako sa pinakamalapit na pharmacy, sir,” aniya at tumingin sa labas. “Why?” “Siguro dahil may bibilhin ako?” suplada niyang tugon kaya napangisi na lang ako. Somehow, I felt challenged. I wanted to see how far can she resist my charms. How far can she keep her tough act without melting right before my eyes. “Are we gonna buy condóms, baby?” hirit ko. Masama siyang tumingin sa akin. “Pwede rin po, tapos isusuot ko sa mukha ko dahil mukha ka namang...” Natigilan siya sa sinasabi niya. “Mukhang ano?” nakangising tugon ko. “A díck?” pagtutuloy ko. Nag-iwas siya ng tingin. She glued her eyes outside and pretended she didn’t hear my response. Mas lalo lang tuloy akong napangisi. “Have you ever seen a díck, Heart?” diretsong tanong ko sa kanya. I saw how she froze before she looked at me with disgust in her eyes. “Alam ko pong bastos kayong tao, sir, but at least choose a place to do that,” walang emosyon niyang sabi. “And choose the right people to be like that.” “Why, are you the wrong people?” Sinalubong niya ang mga mata ko. “Yes. Hindi ako kagaya ng mga babaeng pumapayag lang na bastusin n’yo, and I will never be like them,” prangkang sagot niya. “At isa pa, sana maisip n’yo rin na secretary n’yo po ako. Hindi n’yo po ba naiisip na baka maapektuhan ang corporate relationship natin sa mga sinasabi at ginagawa n’yo sa akin?” “Well, I don’t mind,” mabilis kong tugon at ngumisi sa kanya. “Well, I do.” “Oh...” Tumango-tango ako. “So you want to keep it slow, huh.” Tumingin ako sa mga mata niya at ngumiti. “I don’t know how to take things slow since I like it fast and rough, but I’ll try to match your pace,” dagdag ko at kinindatan siya. I was expecting her to at least show some reaction, but she just turned her head away as if she heard and saw nothing. Napabuga na lang ako ng hangin. She’s tough. Ang hirap niyang pakiligin. Most girls would already fall for that and start spreading their legs for me. Mukhang pinapangatawanan talaga niya ang sinasabi niya na hindi siya kagaya ng iba. Well, let’s see. “Would this pharmacy be fine?” tanong ko sa kanya nang mapadaan kami sa isang sikat na pharmacy. “Yes po,” aniya. Tumango ako at itinabi ang sasakyan. At pagkapatay ko ng makina ay hinarap ko siya at nginitian. “At least let me take your seatbelt off,” I offered, leaning closer to her. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na magsalita. I held her seatbelt. Sinadya ko ring mas ilapit ang mukha ko sa mukha niya para makita ang magiging reaksyon niya pero nakatingin siya sa labas ng bintana. “Heart,” I called her, almost whispering. “Look at me,” dagdag ko. I made sure to make my voice as seductive as it could. “Hey...” malambing na tawag ko sa kanya nang hindi talaga siya lumilingon. Marahan kong hinawakan ang baba niya saka siya iniharap sa akin. And as soon as her lips were on sight, I did not waste a second and claimed them. I was expecting her to kiss back since no woman could ever resist my kisses, but what I got in return was a cracking slap that shook me to hell. “Sir!” bulalas niya at marahas akong itinulak. “Bakit mo ‘yon ginagawa?!” inis niyang tanong sa akin. Hindi ko magawang magsalita dahil pakiramdam ko’y nahilo ako sa lakas ng sampal niya. That slap was personal! Napahawak na lang ako sa pisngi ko habang nakatingin sa nanlilisik niyang mga mata. “Heart, I...” Magsasalita pa sana ako pero muli niya akong sinampal at doon na ako nabingi nang ilang segundo. Ramdam na ramdam ko ang palad niya sa aking pisngi. I feel like naiwan ang kamay niya sa mukha ko. “Ano po bang hindi n’yo maintindihan, sir?” matigas niyang tanong. Her eyes were looking at me with disgust and dismay. “At ano po bang nakain n’yo at ako ang pinagtitripan n’yo?” Naunat ko ang bibig ko dahil pakiramdam ko’y namanhid ang kaliwang pisngi ko. “T-That hurts...” naibulalas ko na lang. “Really, ‘yan pa talaga ang sasabihin n’yo instead of an apology?” hindi makapaniwalang tugon niya. “You kissed me without my permission!” “Well, I thought you’d like it,” sabi ko sa kanya at mas lumala pa ang tinging ibinibigay niya sa akin. “You thought?” Umawang ang bibig niya at napailing na lang. “There’s no way I’d like to be kissed by the likes of you, sir. Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko kayo gusto. At hinding-hindi ako magkakagusto sa inyo!” pasigaw niyang dagdag. I can see the rage and frustration in her eyes. Ouch. Am I being rejected? “Don’t deny it, Heart. I know you like me,” giit ko pa. “You’re being delusional, sir. Hindi lahat ng babae ay may gusto sa ‘yo. Hindi lahat ng babae ay gusto ang mga kagaya mong lalaki,” she said with emphasis. “Kaya mag-sorry ka sa akin sa ginawa mo. Apologize for kissing me without my permission.” “I won’t. Bakit ako magso-sorry? Maraming babaeng nangangarap na makuha ang kiss na ‘yon, and I willingly gave it to you. Shouldn’t you be grateful for that? Dapat nga ak—” Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang panibagong sampal na naman ang natanaggap ko. “Pinatunayan mo lang sa akin na isa kang basura, sir,” malamig niyang sabi bago niya binuksan ang pinto ng kotse sabay baba. “You’re the worst person any woman can fall in love with. And I am glad na kahit minsan ay hindi ako nakaramdam ng pagkagusto sa ‘yo. Dahil kung sakali mang nangyari ‘yon, that would be the biggest mistake I will regret my whole life!” dagdag niya at malakas na isinara ang pinto. And I was left there, dumbfounded. Her words rang in my head like a radio on replay. Paulit-ulit. At sa bawat pagkakataong naririnig ko ‘yon ay unti-unti akong nagigising sa katotohanan na baka nga ay hindi niya ako gusto. Naikuyom ko na lang ang kamay ko habang tinitingnan siya mula sa malayo. There’s no way in hell that I was straight up rejected by the likes of her! God, no! My 20 million! --- I stayed up all night, not because I wanted to, pero dahil hindi talaga ako makatulog dahil sa mga sinabi sa akin ni Heart. Hindi ako makapaniwalang sa kanya ko pa maririnig ang mga salitang ‘yon. At isa pa, iniisip ko rin ang mangyayari kapag natapos ang tatlong buwan na wala akong napapatunayan sa mga kaibigan ko. I signed a contract. And knowing Thadeus, he probably got that notarized. Losing 20 million would somehow be fine with me, but doing their requests for losing the bet? Hell no! Alam ko kung anong ipapagawa nila sa akin. They’ll surely set me up with someone. Ipapakasal nila ako! And I can’t let that happen. Never. Hinding-hindi magpapakasal ang isang Troy Alexander Cojuanco! Pagkapasok ko ng opisina ay naroon na si Heart. She’s already working on something. Her face was blank but her eyes were full of rage. I can also already sense her anger from a distance. “Good morning, Heart!” I greeted her as cheerful as I could, but she just gave me a quick, cold glance and continued whatever she was doing. Napabuga na lang ako ng hangin bago umupo sa table ko. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya. “Hindi pa ako kumakain. Do you want to eat with me?” “Kumain na po ako,” malamig niyang tugon. “I have also sent the documents that need your signature and approval, sir. Please review them within this week dahil ibabalik ko pa ito sa respective departments,” dagdag niya habang nasa screen lang ng computer nakatingin. “Heart...” tawag ko sa kanya. I waited for her to respond pero hindi siya kumibo. “Heart...” tawag ko ulit, but still, no response at all. Huminga ako nang malalim. “Heart...” “Ano?!” pasigaw niyang tugon sa akin dahilan para mapaigtad ako sa gulat. Napanguso ako. “Galit ka ba sa akin?” mahinang tanong ko. “Hindi!” “Pero bakit ka sumisigaw?” She looked at me in disbelief. “Bakit naman ako magagalit, sir? May ginawa ka ba sa akin na ikakagalit ko?” she sarcastically replied. “Meron ba?” “I think so?” alanganing tanong ko. Kita ko kung paano niya marahang ipikit ang mga mata niya sabay hinga nang malalim. “Sir, please lang, don’t make me lose the little respect I have for you,” mahina niyang sabi bago siya nagmulat ng mata at diretsong tumingin sa akin. “Let’s keep our relationship professional.” “O-Okay.” I was left speechless. Kahit mahinahon ang pagkakasabi niya, ramdam ko pa rin ang galit niya sa akin. Was kissing her last night such a big deal? It was just a kiss. Just a freaking kiss! At hindi pa ba sapat na sinampal niya ako nang tatlong beses? I have to do something. Hindi pwedeng magpatuloy na ganito. I have to get closer to her. I have to win her over. I can’t lose the bet! --- Buong maghapon akong hindi kinausap ni Heart. She was cold to me. So cold. Kinakausap niya lang ako kapag tungkol lang sa trabaho. And when I ask her about some things outside work, hindi siya sumasagot. She would pretend as if she didn’t hear anything. Pagkasapit ng 5:00 PM ay nagpaalam na siyang umuwi. Hindi ko na siya pinigilan pa dahil wala rin namang rason para gawin ‘yon. I also have some matters to attend to—matters that would help me win the bet. Umalis na rin ako ng opisina at pumunta sa restaurant kung saan ko imi-meet ang taong makakatulong sa akin na mapalapit kay Heart—and that is her friend, Latrisse. I was able to get her number through my father. Tinawagan ko siya kanina at sinabi kong secretary ko si Heart at nabuko ko ang ginagawa nila; na kapag hindi siya nakipag-cooperate sa akin ay sasabihin ko sa mga magulang niya kung bakit umaayaw ang mga lalaking sini-set up nila para sa kanya. “What do you want from me, Mr. Alexander?” matigas na tanong sa akin ni Latrisse nang makarating siya. Masama siyang tumingin sa akin habang umuupo siya. Ngumisi lang ako sa kanya. “Woah, calm down, Miss Latrisse. I won’t bite you.” “Tell me what you want,” giit niya. “Are you mad at me dahil nabuko ko ang kalokohan n’yo?” nakangising tanong ko sa kanya. “Well, it wasn’t my fault that your friend happened to be my secretary.” “Just tell me what the hell you want.” “Okay, okay. I’ll tell you,” tugon ko at ngumisi sa kanya. Tiningnan ko siya nang diretso sa kanyang mga mata. “I want you to help me set a date with Heart. And not just one date, but a series of dates,” diretsong sabi ko. I saw how confusion took over her face. “But why?” “It’s none of your business,” mabilis kong tugon. “Your job is to convince her to go on dates with me. And if you fail, you know what will happen.” “Are you blackmailing me?” “Yes. So, you better get your áss working or we’ll both suffer in the end,” nakangising sabi ko sa kanya. “If you want to keep your freedom, your only choice is to do it. No other options,” dagdag ko at kinindatan siya. I know she can’t say no. She values her freedom more than anything else. Kaya humanda ka na, Heart. I will make sure you’ll fall for me and win the bet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD