05 – Got No Choice

2024 Words
05 – Got No Choice 05 – Got No Choice Summer’s Point of View I have been Latrisse’s substitute for quite a while now. She gets me dressed, put some make-up on, and pay me. In exchange, I have to pretend that I am her and then discourage anyone by showing my nasty, undesirable side. Gusto niya kasing kumalat sa mundo ng mga elitista na isa siyang hindi kanais-nais na babae. She wants to be painted as a nasty woman so anyone would avoid her and she can continue living her life in peace. Pero hindi siya ang nakaisip no’n. It was me. And that plan has been working ever since. Ever since! But not until today. Right in front of my eyes is my boss—nakatingin sa akin habang nanlalaki ang mga mata. He’s shocked. He didn’t even bother hiding it. Titig na titig siya sa akin. Pero mas nabigla ako. Hindi ko lubos akalain na siya ang ka-date ni Latrisse ngayon. Sa dami ba naman ng mga lalaki, maiisip ko pa ba siya? And first of all, there’s no way he’d be considered by Latrisse’s parents lalo na’t underqualified siya. And I am pretty sure they have heard the rumors about this man’s promiscuity. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung ano ang pumasok sa kokote nila para pumayag na i-set up si Latrisse sa lalaking ito. “My, my…” aniya na mukhang nakabawi na sa pagkabigla. “So you’re ‘Latrisse’, huh,” dagdag niya at ngumisi sabay lahad ng kamay. “It’s nice to finally meet you, Ms. Latrisse. Such a gorgeous lady you are.” Tumingin lang ako sa kanya at sa kamay niya. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ito at itutuloy ang pagpapanggap ko. “I am Troy Alexander Conjuanco,” pagpapakilala niya na para bang ngayon lang kami nagkita. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya, pero hindi ko nagugustuhan ang takbo ng gabing ito. “Sir, look...” “Sir? Kilala mo ba ako, Ms. Latrisse?” aniya at nakakunot pa ang noo. “I believe this is the first time we met.” Naikuyom ko ang kamay ko dahil nagsisimula na akong mairita sa kanya. “I got to go.” “Already? Kakarating ko lang,” tila dismayado niyang sambit at ngumuso pa. “Hindi pa nga natin nakikilala ang isa’t isa. Our parents went all through the troubles just to set this date for us. Let’s at least honor their efforts,” dagdag niya sabay kindat sa akin. “Sir, let’s stop this,” sabi ko sa kanya at akmang tatayo na sana pero muli siyang nagsalita. “You’re really leaving?” aniya at seryosong tumingin sa akin. “I wonder what would happen if I told Mr. and Mrs. Yapchengco that their daughter asked someone to attend this date instead of her?” Natigilan ako’t natuod sa kinatatayuan ko. “How about you give Latrisse a call and tell her that her plan didn’t work?” Naikuyom ko ang kamay ko at tumitig sa kanya. He may be grinning, but I know he’s not kidding. Huminga ako nang malalim. “Ano po bang gusto n’yong mangyari?” “Stay,” agarang tugon niya. “Sit and act like it’s our first time meeting each other.” “Bakit?” naguguluhang tanong ko sa kanya. Itinukod niya ang siko sa mesa sabay lapat ng palad sa kanyang pisngi bago tumitig nang diretso sa mga mata ko. “Because I want to know you more. Consider this as our date, Heart,” malambing niyang sabi at matamis na ngumiti. “It’s my first time seeing you this gorgeous.” May kung anong kumiliti sa akin dahil sa narinig ko. “N-Ngayon lang din naman ako nag-ayos nang ganito,” mahinang tugon ko bago inayos ang pagkakaupo. “You should do it more often. You look good in it. You look pretty,” pagpapatuloy niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang sinasabi ang mga salitang ‘yon. Titig na titig sa akin ang kanyang itim na mga mata. I don’t want to admit it, but I’m flattered. Hindi ako sanay na nakakatanggap ako ng papuri dahil sa hitsura ko. Alam ko sa sariling pangit ako. Alam kong hindi ako kagaya ng ibang babae na ang galing mag-ayos. Kung hindi nga dahil kay Latrisse ay baka hindi ko mararanasang mag-ayos nang ganito. “I’m serious, Heart. Do it more often. Bagay sa ‘yo ang ganyang ayos,” giit niya at matamis na ngumiti sa akin. “No, I changed my mind. Hindi pala pwede. If you go to the office looking that hot and pretty, baka dumami ang kaagaw ko,” dagdag niya at ngumisi. “Akin ka lang, okay?” aniya at kumindat pa. “Hindi n’yo po ako pag-aari,” matigas kong sabi sa kanya. “At walang magmamay-ari sa akin.” “Ikaw nga ang secretary ko,” nakangisi niyang sabi at napailing na lang. “You’re the only one who can talk to me like that.” “Yes, this is me, Summer Heart,” walang gana kong sabi. “And yes, you’re right. Latrisse asked me to meet you,” pag-amin ko dahil wala na rin namang saysay para magpanggap pa. “Well, I’m quite relieved na ikaw ang nandito,” aniya bago tinawag ang waiter para um-order ng pagkain. “I like you more than any random stranger,” dagdag niya pa. Natigilan ako sa narinig. May kung anong pumitik sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Napakagat na lang ako ng labi nang maramdaman kong umaangat ang sulok ng labi ko. “Nakapili ka na ba ng kakainin?” kaswal na tanong niya sa akin. “H-Hindi pa,” utal kong tugon. Napamura na lang ako sa isipan ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang akong nailang sa kanya. “Okay. I’ll choose a good meal for you, gorgeous,” aniya. Napatitig na lang ako sa kanya. And I don’t know what happened, but I suddenly realized how good he looks. I mean, alam kong gwapo siya. I have always been aware of that fact. Pero ngayon, ibang-iba ang dating niya sa akin. Amoy na amoy ko rin ang maskulado niyang pabango, which made him look more manly and…attractive. Ito ang unang pagkakataon na na-appreciate ko ang kagwapuhan niya. Pero bakit? Bakit ngayon? “So, is Latrisse your friend?” tanong niya matapos niyang um-order. “Or did she just hire you to do this for her?” Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot sa tanong niya. Baka hinuhuli niya lang ako at gamitin niya ang malalaman niya to take advantage of me and Latrisse. Mabuti na lang at dumating ang isang waiter na may dalang champagne. Nagkaroon ako ng rason para hindi sumagot sa kanya. Pero nang umalis ito ay muli na naman akong tinanong ni Sir Alexander. “Just tell me. It won’t change anything either,” pangungulit niya kaya wala na akong nagawa kundi ang magsabi sa kanya nang totoo. “So she’s your friend, huh,” aniya at tumango-tango pa. “Why didn’t you ask her to help you get a job in their company?” “Hindi pa po pwede, sir,” tugon ko sa kanya. “Dahil scholar ako ng foundation ng mga Conjuanco, I have to render at least three years of service sa kompanya nila,” paglalahad ko. “Wait, so you’re our company’s scholar?” gulat niyang tanong. Ako naman ang nagulat sa reaksyon niya. “Hindi n’yo po alam?” “No. I…I have no idea at all.” Kunot-noo siyang tumingin sa akin. “Wait, is that the reason why you lasted this long? Be honest.” Napainom ako ng champagne nang wala sa oras. Ayaw ko pa sanang sumagot, pero mukhang ito na rin ang tamang pagkakataon para maging tapat ako sa kanya. “Well, aside sa existing loan ko sa kompanya, yes; it’s the reason why I stayed until now,” tugon ko at pilit na ngumiti sa kanya. “So if given the chance na maghanap ng ibang trabaho, aalis ka sa kompanya?” “Depending on the benefits, sir. If ever mas maganda ang offer, the who am I to refuse, right? I have to be practical. May pamilya akong binubuhay,” tapat kong sagot sa kanya. “I see. But I doubt if there’s any other companies that offer the same rates and benefits as we do,” kumpiyansa niyang saad. “Our company’s the best.” I can’t argue with that. Tama naman siya. Napakaganda ng benefits ng kompanya. Siya lang talaga ang problema. Siya lang. “By the way, how much are you getting paid for this?” pag-iiba niya ng usapan. “I’m sure you’re getting paid for doing this.” “It’s something I can’t disclose, sir. Pero sapat na ‘yon para mabayaran ko ang mga kailangang bayaran.” “I see…” Tumango-tango siya. “But I still can’t believe the things I was able to discover tonight. I’m shocked,” aniya at tumingin sa akin. “Lalo na sa ‘yo. Lalo na sa ganda mo.” There it is again—the tickling sensation inside me. “You’re really gorgeous tonight, Heart. So gorgeous.” Napagdikit ko ang mga hita ko at napakagat ako ng labi. What’s happening to me? “Thank you, sir.” I tried to keep my voice as neutral as possible. Nagkuwari din akong may ginagawa dahil nakaka-distract ang mga titig niya, His eyes were so dangerous. Pakiramdam ko’y isa akong pagkain na minamanmanan ng isang gutom na leon. Mabuti na lang at dumating na ang pagkain. Pero akala ko safe na ako sa mga titig niya, pero hindi pala. He kept on staring at me even while we’re eating. Naco-conscious na tuloy ako sa dahilan. “S-Sir, if you wouldn’t mind me asking, bakit kayo tingin nang tingin sa akin?” diretsong tanong ko sa kanya. Akala ko ay tatanggi siya, pero hindi. Sinalubong niya ang mga mata ko at matamis na ngumiti. “Because I’m captivated by your beauty, Heart. There’s just something in your beauty that makes me want to keep staring at you—like a beautiful piece of art in a gallery,” sambit niya sa baritonong boses niya. Ramdam ko ang mumunting mga kiliti sa aking tiyan kasabay ng paglakas ng tibòk ng puso ko at pag-iinit ng aking magkabilang pisngi. “How about we go somewhere else after this dinner?” aniya. “P-Po?” “Let’s go and find some good place to talk more about ourselves,” paglilinaw niya. “Because we haven’t really gotten the chance to get to know each other outside work, Heart. And I think this is the perfect time to do that”, dagdag niya bago niya inabot ang kamay ko at marahang pinisil. “Because I really want to get to know you, Heart.” Mabilis kong binawi ang kamay ko. Hindi pa ako nakasagot agad dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin. “B-Busy ako, sir. M-May pupuntahan pa ako pagkatapos nito,” sabi ko na lang sa kanya. “At isa pa, hindi mo na ako makikitang nakaayos nang ganito pagkatapos ng gabing ‘to,” dagdag ko at napainom na lang ng tubig. “I’ll be back to the plain, boring, and ugly Summer Heart you know.” “That’s not gonna happen,” aniya bago malambing na tumingin sa akin ang mga mata niya kasabay ng pagsilay ng matamis niyang ngiti. “Because I know, starting this night, mag-iiba na ang tingin ko sa ‘yo. Your gorgeous face is now tattooed in my head, so whether you go back to the usual you, I’ll still see like how I see you right now.” Napahigpit ang hawak ko sa kutsara nang kumabog nang pagkalakas-lakas ang dibdib ko. Ramdam ko rin ang labis na pag-init ng aking pisngi. Just what the hell is happening to me? Bakit ako nagkakaganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD