Unang rumehistro sa utak ni Ahtisa nang magising ang diwa niya ay ang mahinang ugong mula sa air conditioning unit. Tapos ay ang malambot na kumot na nakabalot sa katawan niya. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata at mabagal na inilingap ang tingin sa paligid.
Napaungol siya nang gumuhit ang kirot sa kanyang sentido. Nasapo niya ang ulo at hinila ang sarili paupo. Napaigik siya nang sumakit ang kanyang likod at balakang. Pati ang mga hita niya ay parang nabugbog.
"Ano ba ang nangyari kagabi?" Hindi na niya kailangang halukayin pa ang utak, dahil kusa nang bumuhos ang mga nangyari nang nagdaang gabi. Parang aninong gumalaw ang mga eksena sa balintataw niya.
Apollo f*cked her all night until early morning. Inubos nito ang lakas niya, at halos himatayin siya sa walang tigil nitong pag-angkin sa kanya. O mas tamang sabihing hinimatay talaga siya. She was sure she fainted a few times, slipping in and out of consciousness.
Natutop niya ang tapat ng bibig, at sinilip ang katawan niya sa ilalim ng kumot. Nahigit niya ang paghinga nang makita ang ebidensiya ng maigting at marahas na pakikipagtalik sa kanya ni Apollo. Pinuno nito ng mga marka ng halik at bakas ng kagat ang balat niya. She remembered how his mouth feasted on her breasts, how he sucked her n*pples, and how his tongue licked her areola.
Bumaba ang kanyang mga mata sa tiyan niya ay umangat ang mga kilay niya dahil puno rin ng mga pulang marka ang kanyang tiyan at tagiliran, pati tadyang.
Hindi ganoon makipagtalik si Apollo sa kanya. Iba ang rubdob ng pag-angkin nito sa kanya nang nagdaang gabi. Nagalit ba ito dahil umuwi siyang lasing? O dahil nagpunta siya ng kompanya nito? O dahil umalis siya ng bahay nang hindi nagpapaalam dito? O dahil nagpunta siya ng bar?
Dumako ang mga mata niya sa lamesitang nasa tabi ng kama. Nakapatong doon ang baso ng tubig at isang pildoras.
May tila magaspang na kamay ang tumapik sa puso niya. Nahulaan agad ni Apollo na hindi niya nainom ang birth control pills na inireseta ng OB-GYN sa kanya, kaya may inihanda kaagad itong morning-after pill.
Binasa niya ang note na nakadikit sa baso kahit parang alam na niya kung ano ang nakasulat doon.
'Don't forget to take the morning-after pill.'
Ganoon kaikli ang mensaheng nakapaloob sa note. Pero ang maikling mensaheng iyon ay sapat na para pagsikipin ang dibdib niya.
Gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi niya. Ngiting naging mapait na tawa. Maikli at mapait na tawa. Ingat na ingat ang binatang hindi magbunga ang walang sawa nitong pag-angkin sa katawan niya. Napakapit siya sa kubrekama, ibinubuhos ang mabigat na emosyong namumuo sa kanyang dibdib sa mariing pagkuyom sa bedsheet.
Puwede bang hindi niya inumin ang pildoras? Napatingin siya sa CCTV na nakatutok sa direksiyon niya. Alam na kaagad niya ang sagot. Hindi puwedeng hindi siya sumunod sa utos nito. Hindi niya puwedeng isahan ang isang Apollo Altieri. Natitiyak niyang iri-review nito ang recording ng CCTV upang tiyaking hindi niya itinapon lang ang ibinilin nitong inumin niya.
Napabuntong-hininga siya, sinusubukang pagluwagin ang kanina pang nagsisikip niyang dibdib. Tapos ay kinuha niya ang pildoras at pikit-matang pinasok sa bibig niya, sa ibabaw ng dila. Sunod niyang kinuha ang baso ng tubig at lumagok. Naramdaman niya ang pagdaloy ng pildoras sa kanyang lalamunan. Nilunok niya iyon.
Bumaba na siya ng kama at dumerecho sa banyo. Nilunod niya sa ilalim ng malamig na lagaslas ng tubig mula sa showerhead ang mga hinaing ng puso niya. Pagkatapos maligo ay nagbihis na siya para tumungo ng sala. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang makita niyang nakaupo sa sofa si Apollo.
Lumapit siya rito.
Hindi ito nag-angat ng tingin mula sa binabasang newspaper. "Sit down," sabi lang nito.
Naupo siya sa pang-isahang silyang katapat ng inuupuan nito. "Ngayon na ba tayo mag-uusap?" tanong niya sa binata.
Nanatiling nakababa ang ulo nito, pero umangat ang bola ng mga mata ni Apollo at tumitig sa kanya. Ibinaba nito ang hawak na newspaper sa center table, at tinanggal ang suot na salamin sa mata. Pinagsalikop nito ang mga kamay sa ibabaw ng nakadekwatro nitong mga paa.
Tuluyan na nitong itinutok ang buong atensiyon sa kanya, bagay na nagpailang sa kanya. Kahit na isang taon na silang magkasintahan ay naiintimida pa rin siya rito. Because the look on his face held no warmth, no gentleness; if anything, it was cold.
"Yes, let's talk now," anito. "Bakit hindi ka nagpaalam sa akin na pupunta ka ng kompanya ko? Sinadya mo bang magpunta ro'n upang ipangalandakan sa mga tao ang tungkol sa relasyon natin?"
Napatindig siya, gilalas. "Hindi iyan ang dahilan kung bakit nasa Altieri Construction ako kahapon!" maigting niyang tanggi.
Hindi naman nagbago ang anyo ng mukha ni Apollo. Kaswal itong tumingala sa kanya at isinandal ang likod sa backrest ng sofa. "Then, why were you in my company yesterday?"
"Sa merkado lang talaga dapat ako pupunta. Pero nakasalubong ko si Nina. Isinama niya lang ako sa Altieri Construction."
"And you never thought of telling me ahead?"
"Akala ko kasi mabilis lang kami ni Nina ro'n. Hindi ko in-expect na makikita pa kita. At hindi ko alam na bawal palang ipaalam sa iba ang tungkol sa relasyon natin." Muli siyang naupo at nag-iwas ng tingin. Masama ang loob niya.
Pumitik-pitik ang mahahabang daliri ni Apollo sa braso ng sofa. Pormal na pormal pa rin ito. "The reason I didn’t recognize you as my girlfriend or fiancée yesterday is because I still haven’t informed my family about us. I didn’t want anyone else to hear it before they did."
Hindi pa rin nito ipinapaalam sa mga magulang at kapatid nito ang tungkol sa kanya. Nang pumayag siyang pumasok sa isang seryosong relasyon ay hindi niya inakalang magiging sekreto pala ang tungkol sa kanila.
"May balak ka bang sabihin sa kanila ang tungkol sa akin? Ang tungkol sa relasyon natin?" tanong niya rito.
Namayani ang katahimikan. Maririnig ang kaliit-liitang tunog ng mahinang kaluskos. Maririnig ang mabining pagdapya ng hangin sa mga dahon ng malalaking puno sa labas. Pati ang huni ng mga ibon ay dinig na dinig nila.
"I need more time, Ahtisa," sabi nito makaraan ang ilang minuto.
Hindi pa ba sapat ang isang taon? Kulang pa rito ang labindalawang buwan para masabi nito sa pamilya nito ang relasyon nila? Akala ba niya ay ikakasal na sila? Kung hindi pa alam ng pamilya nito ang tungkol sa kanya ay paano pala sila ikakasal? Napipiho pa naman niyang wala itong balak na pakasalan siya nang palihim at hindi ipinapaalam sa mga magulang nito. She saw how loving he was to his family, especially to his parents. Malaki ang respeto nito sa buong angkan ng Altieri, kaya hinding-hindi ito magpapakasal nang wala ang mga magulang, kapatid, at mga kamag-anak nito.
Napahugot siya nang malalim na paghinga. Pinuno niya ng hangin ang dibdib. "Gaano katagal akong maghihintay?" tanong niya.
"To be honest, I don't know," anito. "I don't know how long or how much time I'll need."
Tumango si Ahtisa. Nag-uulap na naman ang mga mata niya. Isang bagay lang ang gusto niyang malaman ngayon. "May plano ka ba talagang pakasalan ako?"
"Yes, of course. I will marry you."
Tumingin siya sa mga mata ni Apollo. Hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa loob ng utak nito. Sana ay kaya niyang silipin ang iniisip nito, sana ay kaya niyang tukuyin kung nililinlang lang siya nito.
"Bakit?" tanong niya.
Kumunot ang noo ng binata. "Anong klaseng tanong iyan?"
"Bakit gusto mo akong pakasalan?"
"Because I want you to be my wife," walang init nitong tugon. Kaswal na kaswal ang tono ng boses nito. Walang lambing, walang pagsuyo.
"O-okay," aniya, bagsak ang mga balikat. Bumaba ang mga mata niya sa suot na engagement ring. Bakit hindi na katulad ng dati ang nararamdaman niya tuwing pinagmamasdan niya ang singsing sa kamay niya? Hindi na siya masaya ngayon.
"Let's keep our relationship a secret for now, until I tell my family about us. Okay?"
"Kapag nasabi mo na sa pamilya mo, at naikasal na tayo, gusto mo bang magka-baby tayo agad?"
Umiling si Apollo. Ang bilis ng naging pagtugon nito sa tanong niya. Buong-buo sa utak nito ang kapasyahan—ayaw nitong magkaanak sila agad.
"We'll talk about the right time to have a baby after we get married and settle down."
Ginagap niya ang kamay ng nobyo. "Mahal mo ba ako, Apollo?"
Bigla itong tumayo, hinila ang kamay nito. "I need to go. I have a meeting in an hour. Let's talk some more when I get back from work."
Umahon din siya mula sa pagkakaupo. "Hindi ka ba kakain man lang muna, o magkakape?" tanong niya rito kahit alam na niyang tatanggi ito.
Hindi nga siya nagkamali, dahil mabilis na umiling ang binata. "I had already made coffee for myself before you woke up."
Napatingin siya sa mesa. May tasa nga ng kape ang nakapatong doon. Naalala niyang hindi nito nagustuhan ang pagkakatimpla niya sa kape nito nang nakaraan.
"Lock the door and call me if you need anything," bilin nito, bago tumalikod at lumabas na ng bahay.
Napailing na lang si Ahtisa. Muli siyang naupo sa silya at isinandig ang ulo sa sandalan ng upuan. Tumitig siya sa puting kisame, habang binabalikan sa utak ang napag-usapan nila ni Apollo.
Kumurba ang ngiting may hinagpis sa mga labi niya nang maalalang hindi nagawang tugunin ng kasintahan kung mahal ba siya nito. Madali lang namang sagutin iyon: oo o hindi lang. Pero imbes na sumagot ay umiwas ito.
Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, pero hindi niya kailangan ng college diploma para matantong hindi siya mahal ng kasintahan niya.
Hindi siya mahal ni Apollo.