One week later..........
“ELLA.” Napalingon si Grecela sa co-worker niyang si Jane. “Iwanan mo na ‘yan dyan. Ang mga interns na ang bahalang magligpit dyan. Mag-snacks na muna tayo, siguradong kanina ka pa nagugutom,” nakangiti nitong sabi sabay kapit sa braso niya.
Biglang tumunog ng malakas ang tiyan niya. “Oh! Haha— tara na!” At sabay silang nagtawanan.
Pagkatapos nilang kumain ay nag-picture taking muna sila. Another good and heart whelming remembrance for another successful Medical Caravan.
“Thank you po, Nurse Ella.”
Napatingin siya sa batang lumapit sa kanya. Nakangisi ito at napangiti siya nang makitang may dala itong isang rose. Agad naman niya itong tinanggap at lumuhod sa harapan nito.
“You're welcome, Enzo. Stay healthy, okay?” nakangisi niyang sabi sabay gulo sa buhok nito. “...at kumain ka ng maraming gulay at prutas," pahabol niyang sabi.
“Opo. Kakain na po ako ng madaming gulay at prutas,” nakangiti nitong sabi.
“That's great!” masigla niyang sabi.
“Ingat po!” Kumaway ito sa kanya at saka patakbong umalis.
Tumayo siya at pinagmasdan ang papalayo nitong likuran. It has been a very long busy day but her heart is full of joy and contentment knowing that she helped a lot of orphan children today. Talagang natupad ang pangarap niyang maging nurse at makatulong sa ibang tao ng buong puso. Nawala ang bigat ng pakiramdam niya habang tumulong na gamutin ang mga batang may sakit.
“I bet you like all the children here in the orphanage.”
Napalingon siya sa co-worker niya at nakatingin ito sa mga batang naglalaro. Napansin niyang kumikislap din ang mga mata nito marahil ay nasisiyahan ito na nakatulong din sa ibang tao.
Nagkibit siya ng balikat. “Yeah. Ang bait nilang lahat at ang galang pa. Sana mas maging blessed pa ang taong patuloy na nag-sponsor sa orphanage na ito.”
“Ibang-iba talaga ang mga bata dito sa probinsya kompara sa syudad,” tugon nito. “Mas gusto ko nga sanang manatili sa probinsya namin kaso mas madami kasing opportunity sa city," may panghihinayang ang boses na sabi nito.
“Kahit ako ang tatanungin kung saan ko gusto— mas pipiliin ko ding manatili sa probinsya,” sang-ayon niya sa kaibigan.
“Mas tahimik kasi at mas matiwasay sa probinsya,” dugtong nito. “Na-miss ko tuloy ‘yong makulit kong pamangkin.”
Lumingon siya rito. “I think may one week vacation tayo next month.”
“Talaga?” gulat nitong tanong sa kanya.
“Nadinig ko lang last week mula sa co-workers natin. Hehehe. Pero hindi ako sure,” walang-kasiguraduhang sabi niya.
“Haysss! Sana naman totoo ‘yan! Uuwi talaga ako sa probinsya namin,” mangiyak-ngiyak nitong sabi habang inilapat ang dalawang kamay na parang nagdadasal.
Natatawa niyang hinawakan ang balikat nito. “Let's pray na sana totoo nga.”
“Pssst! Nurse Ella! Nurse Jane!”
Sabay silang dalawang napalingon sa co-worker nila. Hinintay nila itong makalapit sa kanila. “Hindi ba kayo sasabay sa van pabalik sa city?” tanong nito.
“Ah! Sasabay ako,” mabilis na sagot ni Jane. “Ikaw Ella? Sasabay ka ba?”
“Hindi na ako sasabay. Gusto ko kasing puntahan muna ang simbahan dito sa lugar na ito,” sagot niya. “Mauna na kayo. Sanay naman ako na mag-commute kaya huwag kayong mag-alala," nakangisi niyang sabi.
“Sigurado ka?” paniguradong tanong ni Jane.
Mabilis naman siyang tumango. “Yup! So see you guys next week,” nakangisi niyang sabi.
“See yah, Ella. Mauna na kami sa’yo,” sabi ni Jane at saka hinila ang isa nilang kasamahan.
Bumalik siya sa table kung saan niya inilagay ang bag niya. Iniligpit niya ang mga personal na gamit at pagkatapos ay tinulungan ang mga interns sa pagliligpit. Sinigurado niyang maayos na ang lahat bago nagpaalam sa ibang kasamahan.
“Greciana.”
Paalis na sana siya papuntang simbahan pero napahinto siya nang marinig niya ang pangalan ng ina niya. Biglang tumibok ng mabilis ang puso niya dahil sa kaba. She never heard that name again after her mother died.
Kunot-noo siyang napalingon sa isang madre. Magkalapat ang mga kamay nito habang nakatitig sa kanya.
“Greciana,” muling sabi nito.
Lumingon siya sa kanan, kaliwa, at likuran niya pero walang ibang tao kundi siya lamang. Kunot-noo niyang pinagmasdan ang madre hanggang sa tuluyan itong makalapit sa kanya. Matanda na ito at sa palagay niya ay nasa setenta na.
“S-Sister? Ako po ba ang tinutukoy ninyo?” takang tanong niya.
Ngumiti ito sa kanya at mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya. Napansin niya ang namumuong luha sa mga mata nito kaya mas lalo siyang nagtaka. Mas lalo tuloy siyang kinabahan.
“Greciana,” ulit nito. “Akala ko ikaw si Greciana,” mangiyak-ngiyak nitong sabi.
“S-She’s my mother— I-I mean it's my mother's name,” mahinang bulong niya rito.
“Oh diyos ko! Kamukhang-kamukha mo si Greciana, iha. Akala ko talaga ikaw siya," natutuwang sabi nito.
Biglang nabuhayaan ang loob niya. “Kilala nito po ba ang ina ko?”
Ngumiti ito sa kanya at tumango. “Kilalang-kilala ko ang ina mong si Greciana. Hinding-hindi namin siya makakalimutan dito sa orphanage.”
Mas lalo siyang nagtaka dahil sa sinabi nito. Naramdaman niya ang pagtibok ng puso niya. A lot of questions still linger in her mind because of her mothers’ diary. And maybe, those people who knew her mother could help her find answers. At baka, itong madre na hulog ng langit ay makakasagot sa mga katanungan niya.
“Halika, iha. Sumama ka sa akin,” nakangiti nitong sabi at saka hinawakan ang kamay niya. Agad naman siyang sumunod rito.
Pumasok sila sa orphanage na may apat na palapag. Habang naglalakad sila sa mahabang pasilyo ay pinagmamasdan niya ang mga painting na pambata na nakasabit sa dingding. Pamilyar sa kanya ang iba dahil nakita niya ang mga ito sa kwarto ng ina niya.
Mukhang talagang nakapunta na rito si Mama. Pero anong ginagawa niya rito?
“Nakapunta na ba rito sa orphanage ang mama ko, Sister?” tanong niya.
Lumingon ito sa kanya at ngumiti. Pero napansin niyang ang ngiti nito ay hindi umabot sa mga mata nito. Parang may bahid ng kalungkutan at pagsisisi.
“Mukhang hindi mo alam ang tungkol sa orphanage na ito, iha," biglang sabi nito sa kanya.
Huminto sila sa harap ng isang pinto. Kinuha nito ang maraming susi sa bulsa nito at isa-isang tinignan ang susi. Ilang sandali lang ay nahanap nito ang susi ng kwarto at agad itong binuksan.
“Halika, iha, pumasok ka.”
Sumunod siya sa madre at pagpasok niya ng silid ay tumambad sa kanya ang malaking portrait ng ina niya. Napahinto siya at napatitig rito. Nakalugay ang buhok ng kanyang ina sa larawan at nakangiti ito. Parang ang saya-saya nito nung kinunan ito ng larawan. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit rito. Parang nakatitig sa kanya ito.
Ipinalibot niya ang paningin sa loob ng malaking silid at napako ang mga mata niya sa ibabaw ng isang pahabang kabinet. Lumapit siya rito at pinagmasdan ang mga larawan ng ina niya na nakalagay sa mga picture frame.
Kinuha niya ang isang larawan at tinitigan ito. Nakasuot ito ng school uniform kaya napagtanto niyang mukhang teenager pa lang ito ay nakapunta na ito dito sa orphanage.
Tumabi sa kanya ang madre at pinagmasdan din nito ang mga larawan. "Sobrang sayang tignan ng iyong ina sa mga larawang ito," komento nito.
"Hindi ko alam ang tungkol dito sa orphanage, Sister. Mukhang masayang-masaya siya sa tuwing pumupunta siya rito."
"Oo naman, iha. Hindi lang siya ang masaya sa tuwing pumupunta siya rito kundi pati na rin ang mga batang nandito."
Napahinto siya nang may makita siyang larawan ng ina niya na may kasamang lalaki. Pero hindi ito ang ama niya. Kinuha niya ito at pinagmasdan niya nang mabuti. Magkahawak-kamay ang mga ito. Nakatitig sa ina niya ang lalaki samantalang ang ina niya ay nakangising nakatingin sa harap.
"Nobyo iyan ng iyong ina," biglang sabi ng madre.
"T-Talaga po?"
"Sa tuwing pumupunta rito ang iyong ina ay sasama naman ang nobyo niya. Masayang-masaya ang mga bata lalong-lalo na at nakikipaglaro 'yang dalawa."
"Nasaan po ba ngayon itong dating nobyo niya?"
"Hindi ko rin alam, iha. Hindi namin alam at wala na din kaming balita," malungkot nitong sabi.
Muli niyang tinignan ang larawan. Biglang nagsimulang maglaro sa isip niya ang alaala ng yumaong ina niya.
She was so happy, but why did she end her happy world?
********