Chapter 29 - My Enemy

1502 Words
INAYOS muna ni Grecela ang buhok niya bago lumabas ng restroom. Paglabas niya ay nagtaka siya nang hindi na niya makita si Vas. Kunot-noo niyang inikot ang paningin sa paligid pero hindi niya ito makita. "Nasaan kaya siya?" mahinang bulong niya. Maglalakad na sana siya pero napansin niya ang lalaking naglalakad papunta sa kanya. Bigla siyang kinabahan nang makitang may dala itong baril. Napaatras siya ng ilang hakbang at tatakbo na sana siya papunta sa kabilang direksyon pero biglang may humawak sa braso niya. Kinabahan niyang nilingon ito at isa itong babae. Makakahinga na sana siya ng maluwag pero nakita niyang may dala din itong baril. Babawiin na sana niya ang braso niya pero hindi siya nito binibitawan. "Sumama ka sa amin ng tahimik kung ayaw mong masaktan," bulong nito sa kanya. Napaigtad naman siya nang maramdaman niya ang malamig na baril sa gilid niya. Wala na siyang ibang nagawa pa kundi ang tumango na lamang. Mahigpit na nakahawak sa braso niya ang babae habang naglalakad sila. Kinabahan niyang pinagmasdan ang paligid, nagbabasakaling makita si Vas pero hindi niya ito makita. Nasaan kaya siya?! Ayos lang kaya siya!? Anong gagawin ko ngayon!? Mas lalo siyang kinabahan nang makitang papalapit sila sa isang itim na van. Naiiyak siyang lumingon sa likuran niya pero sa kasamaang palad ay walang ibang tao. Wala siyang mahihingan ng tulong. Vas! Vas! Help me! Itinulak siya ng babae papasok sa loob ng van. Wala siyang ibang nagawa kundi ang pumasok na lamang. Sobrang lakas na ng t***k ng puso niya dahil sa kabang nararamdaman niya. Tila nakakabingi ang lakas ng pagtibok ng puso niya. Biglang may sumakay na dalawang lalaki. Umupo ang mga ito sa driver's seat at passenger seat. Ilang sandali lang ay mabilis nitong pinaandar ang sasakyan. "S-Saan niyo ko dadalhin?" kinakabahan niyang tanong sa babae pero hindi ito sumagot sa kanya. Hindi na siya mapakali nang makitang papalayo na sila sa simbahan. Nagsimula na ring manginig ang kamay niya at pinagpapawisan na din siya ng malamig. "Nakasunod na siya." Napatingin siya sa lalaking nakaupo sa passengers seat nang marinig niya ang sinabi nito. Nagulat siya nang bigla itong maglabas ng dalawang baril. Napaigtad din siya sa gulat nang maglabas din ng baril ang babaeng katabi niya. Muli siyang napaigtad sa gulat nang biglang pumutok ang baril ng lalaking nasa passenger seat. Nakatuon ang baril nito sa likuran nila kung kaya't mabilis siyang lumingon sa likuran. Napasinghap siya nang makitang nakasunod sa kanila ang kotse ni Vas. Muling pinutukan ng lalaki ang kotse ni Vas. Mabilis siyang tumingin sa likuran at biglang bumagsak ang luha sa mga mata niya nang makitang natamaan ang gulong nito at napahinto sa tabi ng daan. "Vas," ang tanging nasabi niya habang pinagmamasdan ang kotse nito. Nanlulumong sumandal siya upuan habang tahimik na umiiyak. Hindi na niya matanaw ang kotse ni Vas dahilan para tuluyan na silang nakalayo. Nanghihina niyang ipinikit ang mga mata niya. Ano na ang gagawin ko ngayon? May mangyayari bang masama sa akin? Muli niyang pinunasan ang luhang bumagsak sa pisngi niya. Pero napaigtad siya gulat nang biglang nabasag ang bintana ng kotse sa passengers seat at tumalsik ang dugo sa windshield. Malalaki ang mga matang napatingin siya sa lalaki pero hindi na ito gumagalaw at tumutulo na din ang dugo mula sa ulo nito. "F*ck! F*ck! F*ck! Nakasunod sila!" sigaw ng babaeng nasa tabi niya at mabilis nitong inilabas ang baril nito. Lumingon siya sa likuran ng van at may isang motor na nakasunod sa kanila. May dala itong baril at napagtanto niyang ito ang bumaril sa lalaking nasa may passenger seat. Napahawak siya ng mahigpit sa seatbelt niya nang biglang mas lalong bumilis ang takbo ng Van. Lumingon siya sa likuran niya at medyo malayo na ang naka-motor. Ilang sandali lang ay biglang huminto ang van sa harapan ng mga lumang bakanteng gusali. Mabilis na lumabas ang babae at hinila naman siya nito. Lakad-takbo nilang tinahak ang daan papasok sa isang lumang gusali. May dala itong baril at nakatutok sa kanya kung kaya't hindi niya magawang tumakas. Pero nang mapansin niyang hindi sumunod sa kanilang dalawa ang driver ng van ay biglang pumasok sa isip niya na kaya niyang takasan ang babae. "Sinong nag-utos sa'yo?" matigas niyang tanong rito. Pinipilit niyang maging matapang kahit na parang mamamatay na siya sa kaba. Hindi ito sumagot kung kaya't huminto siya sa paglalakad. Kunot-noo naman itong tumingin sa kanya at itinutok ang baril. "Lakad!" matigas nitong sabi pabalik. "Tinatanong kita. Sinong nag-utos—." Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bigla siya nitong sinampal sa mukha. "Lakad! O baka gusto mong barilin kitang babae ka!" Hinila siya nito kaya muli siyang napalakad. Napangiwi siya nang magsimulang mamanhid ang pisngi niya na sinampal nito at nalasahan din niya ang dugo sa bibig niya. "Alam mong ilang minuto lang ay may sasagip na sa akin," panimula niya habang naglalakad sila. Ikinuyom niya ang kamay niya at pinilit ang sariling hindi kabahan. Naghintay siya sa sagot nito pero tahimik lamang ito. Napaigtad sila sa gulat nang biglang may putukan silang narinig. Bigla siyang nabuhayan ng loob nang maisip na si Vas iyon at ililigtas siya nito. "Sabihin mo sa akin kung sinong nag-utos sa'yo." "Lumakad ka kung hindi babarilin ko 'yang utak mo!" Itinulak siya nito kaya muli siyang napalakad. Kunot-noo siyang napatingin sa unahan ng makitang may dalampasigan at may isang yacht. Mas lalong kumunot ang noo niya nang maging pamilyar sa kanya ang yacht na nakita niya. Huminto siya sa paglalakad at tinitigan ito. Parang bigla siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang mapagtantong pag-aari ng ama niya ang yacht. "Sakay! Bilis!" Napaigtad siya nang biglang narinig ang putok ng baril at tinamaan ang baril na hawak ng babaeng kasama niya. Itinulak niya ito at tatakbo na sana siya paalis pero biglang may sumulpot na lalaki at hinila siya pasakay sa yacht. Mabilis itong umandar at saktong nakita niya si Vas at ang kaibigan nitong si Paul na nakatayo sa may dalampasigan. At dahil hindi pa masyadong nakalayo ang yacht ay naisipan niyang tumalon pero mabilis siyang nahawakan ng babae. Nagulat siya nang bigla siya nitong sinampal sa mukha ulit. "Ikaw ng bahala sa babaeng 'yan," sabi ng lalaki at pumasok ito sa loob. Kumuha ng lubid ang babae at itatali sana siya nito pero mabilis niya itong sinuntok na ikinagulat nito. "F*cking s**t! Papatayin kitang babae ka!" Lalapit na sana ito sa kanya pero biglang lumabas ang lalaki. "Relax. Kapag pinatay mo 'yan ay mananagot ka kay boss." "Kapag hindi ako nakapagpigil ay talagang papatayin ko 'yan!" "Pumasok ka na nga lang sa loob. Ako na ang bahala sa kanya." Nakita niyang pumasok naman sa loob ng yacht ang babae. Bigla siyang kinabahan nang nakangiting lumapit sa kanya ang lalaki habang dala-dala ang lubid. "Hindi kita sasaktan, princess," nakangisi nitong sabi. Iba ang pakiramdam niya rito. Parang ang manyak nitong makatingin sa kanya. Hinila siya nito at saka itinali ang dalawang kamay niya sa likuran niya. Napaigtad siya nang maramdaman niya ang mainit nitong hininga sa leeg niya. "Papatayin ka rin naman ng boss namin kaya mas mabuti sigurong tikman muna kita," bulong nito sa kanya. "S-Sinong boss ninyo?" kinakabahan niyang tanong rito. Sa halip na sumagot ay ngumisi lamang ito sa kanya. Hinawakan nito ang buhok niya at muling suminghot sa leeg niya. "Ang bango mo talaga. Ang sarap mo sigurong tikman," bulong nito sa tenga niya. "Lumayo ka sa'kin," matigas niyang sabi pero tumawa lang ito. Bumagsak ang luha sa pisngi niya nang maramdamang niya ang labi nito sa leeg niya. Mahigpit namang umikot sa bewang niya ang mga braso nito. Vas! Please, help me! Bigla siya nitong itinulak sa isang couch kaya pabagsak siyang napaupo. Mabilis naman itong lumuhod sa harap niya at nakangising inilabas ang isang pocket knife. "Aalisin ko lang naman ang sagabal, princess," nakangisi nitong bulong. Hinawakan nito ang tshirt na suot niya at sa isang iglap lang ay nagawa nitong maputol ang tela. Napatawa ito ng malakas nang makita ang dibdib niya. "Ohhh! F*ck! Ang sarap talaga!" Hahawakan na sana nito ang dibdib niya pero nagulat siya nang bigla itong bumagsak sa sahig. Puno ng dugo ang ulo nito at hindi na ito gumagalaw. Mabilis siyang napatingin sa dalawang jet ski na papalapit sa yacht. Tumayo siya at naiyak siya ng tuluyan nang makita niya si Vas. Napalingon siya sa babae nang bigla itong lumabas. Ilalabas na sana nito ang baril nito pero mabilis itong naunahan ni Vas. "Grecela!" Humagulgol siya ng iyak nang tuluyang makasampa sa yacht si Vas at makalapit sa kanya. Tinanggal nito ang tali sa kamay niya at saka niyakap siya nito ng mahigpit at mahinang hinahagod-hagod ang likuran niya. "I'm sorry, baby. I'm so sorry. I shouldn't left you even for a minute." "It's okay, Vas. Thank you for saving me." Ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman niyang hinalikan siya nito sa noo. Pero muling bumagsak ang luha sa pisngi niya nang maalalang may posibilidad na ang ama niya ang may pakana nito. ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD