Chapter 28 - Clue

1444 Words
"MARAMING salamat po, Sister Teresa. Babalik po ako rito paminsan-minsan," sabi ni Grecela sa madre. Lumapit ito kay Grecela at hinawakan ang kamay nito. "Aasahan ko ang pagbabalik mo, iha." Tumingin din sa kanya. "Samahan mo rito si Grecela, Vas, sa susunod niyang pagpunta rito." Ngumiti siya sa madre at saka tumango. "Opo, Sister. Babalik kami." "Oh, siya sige, mag-ingat kayo. Medyo malayo-layo pa ang uuwian ninyo. Dahan-dahan lang sa pagmamaneho, iho," paalala nito. "Opo, Sister." Pinagbuksan niya ng pinto ng kotse is Grecela at nang makapasok ito ay agad din naman siyang sumakay. Habang tinatahak nila ang kahabaan ng kalsada ay tahimik lamang silang dalawa. Si Grecela naman ay nakatingin lamang sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga nadadaanan nila. "Bakit gusto mong mapuntahan ang simbahan dito, Grecela?" sabi niya habang nakatuon pa rin ang paningin sa kalsada. Bago niya ihatid si Grecela sa bahay nito ay gusto muna nitong puntahan ang simbahan sa lugar na ito. Akala niya hindi ito papayag na ihatid niya ito pero mabuti na lang at hindi na ito nagreklamo. Napansin niyang lumingon ito sa kanya. "Nakita ko lang sa diary ng mama ko ang picture ng simbahan rito kaya gusto kong makita sa personal." "Nagsusulat pala siya ng diary." "Yeah. She's been here many times before," sabi nito. "Nakita ko rin ang ibang litrato niya doon sa silid na ginagamit niya sa orphanage." Tinignan niya ito ng ilang sandali at muli niyang pinagtuunan ng pansin ang kalsada. She didn't know that it was him who contacted the hospital where she was working to conduct a medical caravan in the orphanage. Ito na ang tamang oras para malaman nito ang katotohanan. Ito na ang tamang oras para malaman nito ang lahat-lahat tungkol sa nakaraan. "Did you enjoy helping the kids in the orphanage?" tanong niya rito. "Yeah. Sobrang saya nila kasama." "I'm glad to hear it," nakangiti niyang sabi. Pero biglang nawala ang ngiti sa labi niya nang mapansin niyang parang may nakasunod sa kanilang isang kotse. Napansin niyang muling tumingin sa kanya si Grecela. "Hindi mo pa sinasabi sa akin, Vas, kung paano mo nalaman ang tungkol sa orphanage. How did you know about it, and why did you save it?" curious nitong tanong. Tumingin siya sa rear view mirror ng kotse niya at mukhang tama nga ang hinala niya na may nakasunod sa kanila. "Your mother and my uncle are in the same circle of friends," sabi niya rito. "Really?" gulat nitong sabi. Napansin niyang parang bigla itong napaisip. Ilang sandali lang ay muli itong lumingon sa kanya. "Do you have a picture of him? Can I meet him?" "No, baby. He's already dead," sagot niya rito. Napasinghap naman ito at napasandal sa upuan. "I-I'm sorry," mahina nitong bulong. "Kilala ko ang mother mo since minsan ko na siyang nakita noon kapag nagsasama-sama silang magkakaibigan sa bahay ng uncle ko. And year 2012, after I heard the news about your mother's passing, I decided to save the orphanage," pagliwanag niya rito. "Do you know all of their friends?" curious nitong tanong. Biglang pumasok sa isip niya na mukhang may kaunti ng nalalaman ito tungkol sa nakaraan. Nagtatanong na ito kaugnay sa mga kaibigan ng ina nito kung kaya't siguradong may ideya na ito na may mali sa nangyari sa nakaraan. "I know their faces but not their names, baby." Tumango-tango ito at muling umupo ng maayos. Tumingin ito sa labas ng bintana at tila malalim na nag-iisip. Muli niyang tinignan mula sa rear view mirror ang kotseng nakasunod sa kanila at hanggang ngayon ay nakabuntot pa rin ito. Pinagmasdan niya ito ng mabuti at mukhang hindi ito mga tauhan ng taong gustong pumatay sa kanya kahapon. Sa palagay niya ay may ibang taong gustong pumatay sa kanya, o di kaya ay gustong makuha si Grecela. Ilang sandali lang ay natanaw na niya ang simbahan. Ipinarada niya ang kotse ng maayos sa parking lot at sabay silang dalawa na lumabas ng kotse. Hinawakan niya ang kamay ni Grecela at napatingin naman ito sa kanya at ngumiti. Nakita niya sa peripheral vision niya na pumarada din hindi kalayuan ang kotseng nakasunod sa kanila. Huminto sila sa harap ng simbahan ni Grecela. Kinuha nito ang cellphone nito at sinimulang kunan ng larawan ang simbahan. "What's on your mind?" tanong niya kay Grecela nang mapansing tahimik itong pinagmasdan ang simbahan. "My mother has a picture of herself with the man she wanted to get married with. Nasa loob sila ng simbahan nung kinunan ang larawan pero hindi sila nagkatuluyan," malungkot nitong sabi. "It was a sad ending for them. But at least they shared a beautiful moment together that they will treasure for the rest of their lives," malumanay niyang sabi rito. "I want to meet the guy." "Why would you want to meet him?" "I just want to ask if they were happy before she got married to my father." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito. "I bet they were." Hinila niya ito papasok sa loob ng simbahan. Nagdadalawang-isip itong pumasok pero ngumiti siya dito. Wala na itong nagawa kung kaya't nagpahila na lang ito sa kanya papasok ng simbahan. May iilang taong nagdadasal sa loob. Umupo sila sa pinakadulo at pinagmasdan nila ang loob ng simbahan. "They took the picture in front," bulong ni Grecela sa kanya. "Let's take a picture in front too," sabi niya rito pero mabilis itong umiling. "Let's do it some other time. May mga taong nagdadasal. Nakakahiya naman sa kanila," sabi nito. "Okay. Let's go back here soon." Ilang sandali lang ay hinila siya nito patayo. Magkahawak-kamay silang lumabas at muling nagpalakad-lakad. Muli naman niyang nakita sa peripheral vision niya na may nakasunod sa kanilang apat na lalaki. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Grecela at napatingin naman ito sa kanya. "Why do you want to marry me?" biglang tanong nito. Ngumiti siya rito at hinalikan ang likuran ng kamay nito. "Because I want to spend my whole life with you," seryoso niyang sabi. "R-Really?" Napangiti siya nang mapansin niya ang pamumula ng pisngi nito. "Yes, baby. I want you in my life forever." Umakbay siya rito nang mapansing biglang naglabas ng baril ang isa sa mga nakasunod sa kanila. Ngumiti sa kanya si Grecela at tinuro nito ang rebulto ni Mama Mary. Sabay silang naglakad papunta sa rebulto. "Nakita ko rin 'to sa album ng mama ko," nakangiti nitong sabi sa kanya. "Is there any places na gusto mong puntahan?" tanong niya rito. Kailangan na kasi nilang umalis sa lugar. Alam niyang ang pakay ng mga nakasunod sa kanila ay si Grecela. Kailangan na nilang umuwi. "Hmmm. Madami, Vas. Pero sa susunod na natin puntahan." "Sure, baby." "Kailan ko munang gumamit ng restroom, Vas." Sinamahan niya ito papunta sa restroom. Nang makapasok ito sa loob ay mabilis niyang inilabas ang baril niya. Naglakad siya papunta sa isang rebulto at nagtago siya sa likuran nito. Dahan-dahan siyang sumilip at nakita niyang papalapit na sa kanya ang isa. Mabilis niyang binaril ito gamit ang silencer niya pero sinadya niyang madaplisan lamang ito sa balikat. Umalis siya mula sa likuran ng rebulto at saka naglakad. Nakita niyang papunta sa kabilang direksyon ang isang nakasunod sa kanila. Hindi siya nito nakita kaya dumaan siya kung saan makakasulubong niya ito. Nagtago siya sa likuran ng pader at nang mapadaan ito sa harapan niya ay mabilis niya itong sinuntok. Nagulat ito at bumagsak sa sahig. Mabilis niya itong dinaluhan ng ilang suntok. "Sinong nag-utos sa 'yong sundan kami?" mahinang tanong niya rito. Tumingin lang ito sa kanya pero hindi ito nagsalita. "Isn't it Fernando?" tanong niya ulit. Ngumisi ito bigla. "So it's not." Biglang nawala ang ngiti sa labi nito. "Tell that person that no one could ever hurt Grecela," matigas niyang sabi rito. "Akala mo alam mo ang lahat-lahat, Zakharov," seryoso nitong sabi sa kanya. "Hindi porket mayaman ka at makapangyarihang tao ay alam mo na ang lahat." Pero hindi siya natakot sa sinabi nito sa halip ay tumawa lamang siya ng mahina. "Hindi ko alam ang lahat. Sadyang maparaan lang ako kaya nalalaman ko ang lahat-lahat ng walang kahirap-hirap." Binitawan niya ito at tumayo siya. Itinutok niya rito ang baril at nagulat naman ito. Pero biglang nawala ang pagkagulat sa mga mata nito sa halip ay muling ngumisi. "You should have said goodbye to your princess earlier, Zakharov," nakangisi nitong sabi na ikinagulat niya. Bigla niyang naalala si Grecela. Mabilis niya itong binaril at iniwang wala ng buhay. Mabilis niyang tinahak ang daan pabalik sa restroom. Pumasok siya sa loob pero wala si Grecela. Sa unang pagkakataon ay bigla siyang kinabahan. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Grecela. ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD