8 months later……
NAPAHINTO si Grecela sa ginagawa niya nang biglang namatay ang ilaw at huminto ang hair dryer na hawak niya. Napaigtad siya sa gulat nang biglang kumulog. Napahawak siya sa dibdib niya nang biglang tumibok ng mabilis ang puso niya.
“Mukhang nandito na ang bagyo,” mahinang wika niya sa sarili.
Inilapag niya ang hair dryer at saka ibinalot ang tuwalya sa katawan. Kagat-labi niyang hinawakan ang doorknob at saka humugot ng malalim na hininga. Natatakot siyang lumabas ng bathroom dahil sobrang dilim ng paligid at wala siyang makita dahil sa sobrang dilim. Hindi niya inasahan na mawawalan ng kuryente dahil sa bagyo. Hindi pa naman niya nadala ang cellphone niya.
Muli siyang humugot ng malalim na hininga at saka dahan-dahan na binuksan ang pinto. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa mesa kung saan nakalagay ang cellphone niya. Kabisado na naman niya ang silid kung kaya't alam niya kung saang direksyon siya pupunta.
Napalingon siya sa bintana nang biglang kumidlat. Kunot-noo siyang napahinto sa paglalakad nang may makita siyang bulto ng tao na nakatayo sa gilid ng bintana. Mas lalong domoble ang bilis ng pagtibok ng puso niya.
Napalunok siya ng ilang beses at napaatras. Umusbong ang takot at kaba sa dibdib niya habang hindi inaalis ang paningin sa may bintana.
Napaigtad siya nang muling kumidlat at kumulog. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang naglalakad papalapit sa kanya ang tao.
Mabilis siyang tumakbo papunta sa pinto ng kwarto. Bubuksan na sana niya ang pinto pero napasigaw siya sa gulat nang maramdaman ang dalawang kamay sa balikat at braso niya.
“No! Please! No!” sigaw niya habang nagpupumiglas.
“Baby, it's me!”
“No! Let me go! Please! No! Help!” mangiyak-ngiyak niyang sabi.
“Baby, listen to me. It's me.”
Napahinto siya sa pagpupumiglas nang marinig niya ang boses nito. “V-Vas?” sabi niya at mabilis itong hinarap.
“Yes, baby. It's me.”
Nang muli niyang marinig ang boses nito ay mabilis siyang yumakap rito at agad din naman siyang niyakap nito pabalik. Naglandas ang luha sa pisngi niya at nakahinga siya ng maluwag.
“V-Vas, I'm glad it's you,” mahinang bulong niya habang umiiyak.
Biglang bumalik kasi sa alaala niya ang nangyari noong tumakas siya mula sa bahay ng ama niya. At akala niya ay natunton siya ng mga tauhan nito at kukunin siya. Mukhang na-trauma siya sa nangyari noon.
Mabilis na lumipas ang walong buwan simula noong tumakas siya pero masaya siya sa loob ng mga panahon na iyon. At malaki ang pasasalamat niya sa lalaking nagligtas sa kanya.
Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya at hinalikan ang noo niya. Pinunasan din nito ang luha sa pisngi niya.
“I'm sorry if I scared you, baby.”
“Hmm. I-it’s okay.” Lumayo siya ng kunti rito at ngumiti pero bigla siya nitong hinila at niyakap ng mahigpit. Napangiti siya at niyakap din ito pabalik. “I thought you would be back next week, Vas.”
Tatlong linggo sana itong mawawala dahil sa business trip na pinuntahan ito at dalawang linggo pa lang ang lumipas.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang maramdaman niya ang labi nito sa balikat at leeg niya. “You were always in my mind while I was away for three weeks," paanas nitong bulong sa tenga niya.
Wala sa sariling napangiti siya. Heto na naman ito sa pagiging clingy nito sa kanya. Nanghahalik ito bigla-bigla at yumayakap ng walang pasabi.
At dahil sa halik nito ay nawala na ng tuluyan ang kaba at takot sa puso niya at napalitan na ito ng kilig at saya. Blessing in disguise nga talaga siguro ang desisyon niyang tumakas dahil nakilala niya ang hero niya. Wala na siyang ibang mahihiling pa.
“I miss you so much, baby,” bulong nito sa kanya.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at hinayaan itong halikan at dilaan ang leeg at tenga niya. Ipinikit niya ang mga mata at dinama niya ang mainit nitong halik. Ngayon niya lang napagtanto na nasanay na siyang gawin ito sa kanya.
“Did that coworker of yours give you flowers?”
Napahinto siya dahil sa sinabi nito. Binigyan kasi siya kanina ng bouquet ng bulaklak ng isa sa katrabaho niya sa coffee shop. She graduated from college with a nursing degree and has already gotten her license. Pero mas pinili niyang magtrabaho muna sa coffee shop na malapit lang sa bahay ni Vas para maiwasang makasalamuha ang mga taong may ugnayan sa ama niya. Kailangan pa rin niyang mag-ingat.
Napapikit siya nang bigla nitong dinilaan ang earlobe niya at saka sinipsip. “V-Vas,” mahinang ungol niya.
“I'm asking you, baby.”
“Hmmm?” Naidilat niya ang mga mata niya nang bigla siyang inalsa nito at inihiga sa kama. Agad naman itong pumatong sa ibabaw niya at gulat niya itong tinignan.
“I don't want you to accept any flowers from other guys,” seryoso nitong sabi sa kanya.
Napalunok siya ng sariling laway. Tinitigan niya ang mukha nito. Those dark blue menacing eyes would always make her weak. He is so handsome that sometimes it makes her think if he's really a human.
Tumitibok ng mabilis ang puso niya sa tuwing kasama niya ito lalong-lalo na kapag nakatitig at nakadikit ito sa kanya. At inaamin niya na tuluyan ng hulog ang loob niya rito. Gusto niya ito. Gustong-gusto.
Sa loob ng walong buwang kasama niya ito simula noong tumakas siya sa bahay nila at iniligtas siya nito ay hindi niya napigilan ang sariling hindi magkagusto rito.
Sino ba namang babaeng hindi magkakagusto sa lalaking katulad nito na parang kalahi ng mga Greek Gods. Sobrang gwapo nito at nakaka-attrack ang malaki nitong katawan lalong-lalo na ang six pack abs nito.
“Vas!” napasigaw siya nang bigla nitong kinagat ang leeg niya.
“Did you hear me?” bulong nito ulit.
“Y-yes. I'm sorry. Tinanggap ko ang flowers but I turned him down. Sinabi ko sa kanyang may boyfriend na ako,” sagot niya rito.
Napangiti ito sa sinabi niya. "Good. But next time I don't want you to accept any gifts from them.”
“Okay. I promise.”
"At ayaw kong makitang may ibang lalaking dumidikit sa'yo, Grecela," seryoso nitong sabi sa kanya.
Dahan-dahan naman siyang tumango na parang isang maamong tuta. "O-Okay," ang tanging nasabi niya.
Ngumiti ito at hinalikan siya sa pisngi. "Can you promise me that you're just mine?"
Napakapit siya sa buhok nito nang maramdaman niya ang labi nito sa leeg niya.
“I just want you to be mine,” bulong nito sa tenga niya.
“V-Vas—.”
Naipikit niya ang mga mata nang maramdaman ang mainit nitong labi na umangkin sa labi niya. Napakapit siya sa leeg nito at tuluyang nalunod sa halik nito.
Naramdaman niya ang mga braso nitong umikot sa bewang niya at mas idiniin ang sarili sa kanya. It feels so satisfying and peaceful being kissed and hugged by him.
"Tell me you're mine, Grecela," hinihingal nitong bulong sa kanya. "Tell me I'm the only one who is allowed to touch and kiss you."
Idinilat niya ang mga mata at sinalubong ang paningin nito. "Yes, Vas. I'm only yours."
Muling itong ngumiti. “I want you to be mine forever.”
Muli nitong sinakop ang labi niya at wala siyang ibang nagawa kundi hayaan itong angkinin ang labi niya. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahil sa saya, kaba, at excitement na nararamdaman niya. At ayaw niyang matapos ang sandaling ito.
Ilang sandali lang ay bumaba ang labi nito sa leeg niya kaya mabilis niyang hinabol ang hininga niya. Kagat-labing napaliyad siya dahil sa kiliting nararamdaman niya. Dinilaan nito at sinipsip ang leeg niya.
Bababa na naman sana ito sa dibdib niya pero mabilis niya itong pinigilan. Hinihingal itong tumitig sa kanya. Puno ng emosyon ang mga mata nito at hindi niya maipaliwanag kung ano itong bugso ng damdamin na umusbong sa puso niya.
Ngumiti ito at hinalikan siya sa pisngi. "You're mine, Grecela," bulong nito sa kanya. "And I'm all yours," dugtong nito dahilan para mapangiti siya.
"You're mine, baby. You're mine."
********