Ikalabingsiyam Na Kabanata: Hindi Maipintang Kasiyahan

1024 Words
KANIYA-KANIYA nang nagpaalam ang tatlo sa isa't isa upang umuwi sa kani-kanilang tahanan. Gusto sanang ihatid ni Miko sina Milo at Vlad sa kanilang tirahan pero tumanggi ang dalawa dahil sobra-sobra na ang ginawa nitong tulong sa kanila. "No need na po, sir. Hindi po ba may mga pending appointments po kayo sa opisina at bahay ninyo?" biglang paalala ni Vlad sa kaniya. "Oo nga po, sir Miko. Nasabi mo po kanina," pagsang-ayon naman ni Milo sa sinabi ni Vlad. Napakamot pa sa ulo ang binata. Tila nawala nga pala sa isipan niyang sinabi niya iyon sa kanial. Hindi na rin pinilit ni Miko ang mga ito. Bagkus, nauna na siyang sumakay sa kaniyang sasakyan upang bumalik sa kaniyang opisina at iiwan muna roon ang ilang mga painting stuff. Bago pinaandar ang sasakyan ay kumaway na ito sa dalawa. "Mag-iingat po kayo, sir Miko. Maraming salamat po ulit," si Vlad. "Eyes on the road po, " si Milo. "Salamat din sa oras." Iyon na lamang ang isinagot niya sa dalawa at dahan-dahan isinara ang bintana ng kaniyang sasakyan. Ilang sandali pa ay pinaandar na niya ito at agad na umalis sa harapan ng simbahan. Habang binabagtas ang daan pabalik, ay hindi maubos-ubos ang ngiti sa labi ni Miko. Dalawang obra ang kaniyang nagawa. Naipamalas pa niya sa maraming tao kanina ang kakaibang talento niya rito. Kahit pa mangilan-ngilan lang ang nagtangkang lapitan siya upang humingi ng pabor ay masaya pa rin siya. Kahit pa hindi nga siya gaanong kilala sa lugar na iyon ay marami naman ang namangha sa ginawa niyang mga obra. Hindi tuloy niya maiwasang maging conceited minsan sa kaniyang sarili. "Siguro naman ay enough na ang araw na ito para sa nilalang na iyon. Dalawang tao ang kaniyang magiging pagkain bukas at sigurado akong sa susunod na araw ay makakasama ko na naman ang aking ina at makikitang muli ang mga ngiti niya." Bumuga pa nang malalim na buntong-hininga si Miko matapos sambitin ang mga katagang iyon sa isipan. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagmamaneho at tinahak na ang daan pabalik sa kaniyang opisina. Hindi na gaanong ma-traffic nang mga oras na iyon, kaya binilisan niya nang kaunti ang pagmamaneho. ... SA HARAPAN naman ng simbahan ay nagpaalam na rin si Milo kay Vlad, pero nag-suggest ang huli na sabay na sila. Iisa lang naman ang ruta ng dyip na sasakyan nila. Ang kaibahan lang ay mauuna si Milo na bumaba at huli naman si Vlad. "Sakay na tayo?" agad na pumara na ng dyip si Vlad nang makita itong padaan sa kanilang harapan. Ilang metro lang naman ang layo ng simbahan sa parke, at kadalasan ay nag-u-U-turn ang mga sasakyan doon. Kaya doon silang dalawa kani-kanina lang nag-abang. "Tara!" sagot na lamang ni Milo. Tahimik lamang ang dalawa sa loob ng sasakyan habang parehong yakap-yakap ang mga canvass na hawak nila. Pinagtitinginan pa ang mga ito ng ibang pasahero dahil panay ang ngiti ng mga ito nang walang dahilan. Nagmumukha tuloy na mga baliw sila sa loob ng pampublikong sasakyan. Hindi naman lingid sa kaalaman ng dalawa ang mga titig ng mga tao sa loob. Nginitian lang nila ang mga ito at inilipat ang tingin sa labas ng sasakyan. Magkaharap kasi ang dalawa, sa magkabilang parte ng upuan, kaya kapag napapangiti ang isa't isa ay napapatingin ang dalawa, bagay na lalong nagpagulo sa isipan ng ibang mga pasahero. "Para lang po sa tabi," sigaw ni Milo. Tinapik na lamang ni Milo sa balikat si Vlad bago bumaba. At nang makababa ay hindi na ito lumingon. Nagmamadali na lang si Milo na makauwi sa kaniyang bahay upang makita at masuri pa nang personal ang larawan ng kaniyang asawa. Kahit pa ilang beses na niya itong tinitigan kanina ay hindi pa rin siya nagsasawa. Iyon kasi ang pinakamagandang litrato ng kaniyang yumaong asawa. Makalipas naman ang labinglimang minuto ay pumara na rin si Vlad at bumaba ng dyip. Gaya ni Milo ay nakangiti rin ito. Ayaw sumara ng kaniyang bibig sa pagngiti. Sabik na rin siyang mapagmasdang muli ang mukha ng kaniyang pinakamamahal na ina. Sa loob ng dyip ay sinisilip-silip lang niya ang larawan. Ni hindi nga niya kanina matingnan nang diretso ito nang iabot iyon sa kaniya ni Miko. Gusto niya ay makita ito nang personal sa loob ng kanilang tahanan. ... SA LOOB ng unit kung saan mahimbing na natutulog si Agna sa kaniyang kuwarto, ay mag-isa namang lumitaw sa sala ang nilalang na iyon. Ramdam na niya kasi ang dalawang mukhang kanina pa masayang nakangiti habang yakap-yakap ang natapos na painting ni Miko. Kahit wala siya roon ay alam-alam niya kung ano ang reaksyon ng dalawang biktima niyang sisimulang takutin bukas ng tanghali at hatinggabi. "Sadyang napaka-suwerte mo talaga, Agna. May anak kang kayang gawin ang lahat mabuhay ka lamang. Pero ang mga salitang binitiwan mo noon sa akin ay walang kasing hapdi sa puso ko. Kung nagawa mo rin sanang panindigan ang isang tulad ko, hindi ako mawawala sa mundo, at hindi ako magiging isang ligaw." Nanatili lamang itong nakaupo sa sala. Malalim na nag-iisip kung sino ang uunahin niyang tanggalan ng hininga bukas at kung sino naman ang huling makakatikim ng napakabigat na kamatayan. Iyon na lamang ang nais na iisipin niya muna. Hindi pa tamang panahon upang magpakita kay Agna. Hangga't maaari ay gusto niyang matulog lang ito nang matulog pero hindi naman pumapayag ang kaisa-isang anak nito na hindi siya masilayang buhay. "Ibang klase talaga ang pagpapalaki mo sa anak mo, Agna. Sadyang ibinuhos mo ang lahat ng dugo at pawis mo sa kaniya. Isa kang ulirang ina, pero hawak ko ang buhay ninyong dalawa." Matapos sambitin ang mga salitang iyon sa isipan ay unti-unting naglaho ang nilalang. Tumunog na kasi ang pintuan sa labas at alam niyang papasok na si Miko Talavera. Muli siyang magtatago pansamantala sa loob ng kaniyang unit, at sisimulang maglakbay mamayang gabi upang siyasatin ang kinaroroonan ng painting na iginuhit nito. Hindi na rin niya pahihirapan pa ang anak ni Agna na puntahan pa isa-isa ang tirahan ng mga papatayin niya. Dadalhin na niya mismo pagpatak ng madaling araw sa loob ng silid ni Miko ang mga painting niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD