Ikalabingwalong Kabanata:Pagsabayin ang Pagpipinta ng Dalawang Larawan

2129 Words
"Nandito na ako sa harapan ng simbahan. Magse-set up lang ako at puwede na kayong pumunta rito. Salamat sa paghihintay." Parehong nakatanggap ng mensahe sina Milo at Vlad mula kay Miko. Naroon na raw ito sa tapat ng simbahan at naghihintay sa kanila. Naghahanda na raw ito sa iguguhit na mga larawang ipapakita nila. Magkasabay pang napatayo ang dalawa at hindi napansin ng isa't isa na sa parehong direksyon ang punta nila. Ilang minuto lang naman kasi ang lalakarin nila mula sa pampublikong parke patungo sa harapan ng simbahan. Wala pang picture na nakita si Vlad sa kung ano ang hitsura ni Miko Talavera, pero si Milo ay pamilyar na sa kung sino ang kikitain niya. Nagpatuloy sa pagmamasid ang mga mata ni Vlad sa paligid nang marating ang harapan ng simbahan. May nakita siyang matangkad na lalaking nag-aayos ng mga kagamitan nito pero hindi niya pinansin. Hindi niya alam na iyon na pala ang hinahanap niya. Si Milo naman ay agad na lumapit sa naghahandang pintor at binati ito. Doon na napalingon sa kinaroroonan nila si Vlad at nagtatakbong lumapit dito. "Magandang hapon po, sir Miko Talavera. Ako po si Vlad." Nilingon ni Miko ang nagsasalita at ngumiti ito. "Nice meeting you, Vlad. Miko Talavera. Pasensya na kung hindi ako sumipot sa mismong oras. Na-traffic lang ako nang kaunti." Inabot nito ang kaniyang kaliwang kamay at tinanggap naman ni Vlad ang handshake na hinihingi nito. Naagaw naman ang atensyon ng dalawa nang magsalita sa harapan nila si Milo. "Sir, ipagpaumanhin po ninyo kung hindi ko kayo nakilala. Ako nga po pala si Milo. Hindi ko pa po kasi kayo nakita nang personal. Kaya wala po akong ideya sa kung sino kayo." Napayuko pa nang bahagya sa hiya si Milo nang magsalita at humingi ito nang paumanhin. "Okay lang iyon. Ako nga ang humihingi ng pasensya kasi na-late ako sa takdang oras. Huwag mo na masyadong isipin na hindi mo ako kilala nang personal o kahit mukha ko ay hindi mo kilala. Normal lang naman iyon." Tinapik-tapik pa ni Miko ang balikat ni Milo upang hindi na ito masyadong magdamdam. "Dala ba ninyo ang mga larawan ipapaguhit ninyo?" tanong ni Miko. "Opo." Magkasabay pang sumagot ang dalawa. "Kung ganoon, dito lang muna kayo at tatapusin ko na ang pagse-set up ng aking mga gamit. Okay?" Ngumiti ang pintor sa dalawa at tumango naman ang mga ito. "Gusto po ba ninyo ng tulong?" boluntaryong tanong ni Vlad at nag-offer itong tulungan ang pintor sa paghahanda. "Hindi na. Kaya ko na ito," mariing tanggi naman ni Miko. Nanatili na lamang na nakatayo si Vlad, katabi ni Milo. Habang parehong pinagmamasdan ng dalawa ang paghahandang ginagawa ng pintor ay napatingin naman ang dalawa sa isa't isa. "Milo." "Vlad." Nagpakilala pa ang dalawa sa isa't isa at tahimik na nagpatuloy sa panonood sa ginagawa ng pintor. "Ikaw pala ang nasa harapan ko kaninang nakaupo. Akala ko may masama kang balak kasi ang sama ng tingin mo," bulong ni Milo sa katabing si Vlad. Ikinagulat naman ng isa ang sinabi nito pero bahagyang napangiti. "Ikaw rin naman e. Akala ko may gusto ka sa akin. Joke lang. Peace, Milo." Nag-peace sign pa ito sa katabi at parehong napahagikgik ang dalawa. "Sino ang ipapaguhit mo?" seryosong tanong ni Vlad. "Asawa kong namayapa. Ikaw?" matipid na sagot naman ni Milo. "Nanay ko. Sorry for your loss, Brad." Tinapik naman sa balikat ni Vlad ang katabi, matapos na sagutin ang tanong nito. Tumango lang si Milo at ibinalik ang tingin sa papatapos nang set up ng pintor. "Tapos na ako sa pagse-set-up, so uunahin ko munang hingin ang larawa ng iyong yumaong asawa, Milo. Pasensya na, Vlad kung siya ang mauuna dahil siya ang unang napansin ko sa mga text messages ko. Pero kukunin ko na rin ang larawan ng namayapa mong ina, nang maisunod ko na siya. Okay lang ba?" Tinitigan pa nang maigi ni Miko si Vlad. Nakangiti namang tumango ang huli at inabot ang litrato ng kaniyang ina. Ganoon din si Milo. Isang sinserong ngiti din ang ibinalik ni Miko sa kanila at tumalikod sa kanila. Pinagmasdan niya nang mabuti ang mga larawan at may ideya siya kung paano ang gagawin niyang pagpipinta. Bihira lang itong makita ng mga kliyente niya. Ngayon lamang niya ito gagawin. At kung gagawin man niya ay sigurado akong magiging laman na naman ng social media ang ang gawa niya. "Sandali lang ha, Milo, Vlad? May kukunin lang ako sa sasakyan ko. Maiwan ko muna kayo rito at pakibantayan ang aking mga gamit. Salamat." Pansamantala itong nagpaalam sa dalawa at tinakbo ang kinaroroonan ng sasakyang naka-park ilang metro lang mula sa harapan ng simbahan. Sinundan naman ng tanaw ng dalawa ang papalayong pintor. Curious din ang mga ito kung bakit bumalik sa sasakyan. "May nakalimutan pa kaya siya?" mahina lang ang tanong na iyon pero narinig ni Milo. "Baka may isang gamit siya sa pagpipinta na hindi nadala rito o baka may kukunin lang talagang importante," sagot naman ni Milo at napatango na lamang ang huli. Matapos ang dalawa hanggang tatlong minutong paghihintay ay nakabalik na si Miko. Curious nga ang mukha ng dalawa nang makitang bitbit nito ang isa pang canvass at painting stand. Itinabi niya ito sa nakahanda ng isang canvass at inayos nitong maitabi sa isa pang canvass na dala niya. Tumahimik muna pansamantala ang dalawa. Pinagmasdan ang susunod na gagawin ng pintor. Nang maisaayos nito ang isang canvass ay humarap ito sa kanila. "Puwede na muna kayong magliwaliw at balikan na lamang ako rito pagkatapos ng tatlumpung minuto, Vlad, Milo." "Okay lang po ako, sir. Marunong po akong maghintay. At saka, nais po naming personal na makita kung paano po ninyo iguguhit ang aking asawa," nagdesisyon itong huwag umalis sa harapan ng simbahan. Gusto niyang makita ang obra at ang gagawing pagpipinta ni Miko. "Ako man ay hindi rin sasang-ayon na umalis po rito, sir Miko. Nais ko rin pong makita ang gagawin ninyo dahil dalawang canvass po ang kaharap mo. Kung hindi ako nagkakamali ay ipagsasabay mo po ba na iguhit ang mga larawang ibinigay namin sa iyo?" Si Milo ang nakahula ng gagawin ng pintor. Nginitian niya ang dalawa at nagsalita sa kanila. "Kung iyan ang inyong nais, sige, puwede ninyo akong tingnan sa iguguhit ko. Tama ka, Milo. Pagsasabayin ko ang mga larawang itong iguhit sa harapan ninyo. Watch and judge my masterpiece later. " Ngayon lamang talaga gagawin ni Miko ang pagguhit ng dalawang larawan na magkasabay. Inilagay na niya sa ibaba ng canvass ng painting stand ang mga larawan. Ilang sandali pay kinuha na niya ang normal na paintbrush nito. Dalawa ang hawak niya at isa-isang pinagmasdan nang mabuti ang bawat features ng mga mukha ng iguguhit niya. Nang masuri ang lahat ng parte ng mukha ay sabay din niyang iginuhit ang mga ito sa magkabilang canvass. Nasa likod naman sina Milo at Vlad upang panoorin ang ginagawa nitong pagguhit. Mula sa hugis bilog ay isa-isa na niyang nilagyan ng mga ilong at mata ang iginuguhit niya. Ang dalawang kliyente nito ay napapanganga sa ginagawa niya. Sa bawat strokes na ginagawa niya gamit ang mga paintbrush ay nakikita ng dalawa ang kakaibang talentong mayroon si Miko Talavera. Isang bihirang pangyayari sa buhay ng dalawa na makasaksi nang personal ang larawang iginuguhit nito. Nagpatuloy lamang sila sa panonood at hindi na namalayang pareho ng tatlo na marami na ang nanonood sa likod at harapan nila. "Ang galing!" "Parang kilala ko ang gumuguhit." "Hindi ba si Miko Talavera iyan?" "Parang hindi naman siya iyon. Baka kamukha lang niya? Hindi kasi gumuguhit si Miko nang dala-dalawang larawang kagaya ng ginagawa ng isang iyan." Iilan lamang sa mga naririnig ng tainga ni Miko. Tahimik lang din ang dalawang kliyente niya. Kaliwa at kanan ding nakabukas ang mga tainga nila sa anumang mga salitang binibititwan ng mga ito sa kilala nilang pintor. Ayaw ng dalawa na kumpirmahin sa mga nanonood na siya nga si Miko Talavera. Kanya-kanyang tutok naman ang iba ng video at litrato habang naka-pokus si Miko sa kaniyang ginagawang pagguhit. Hindi niya pinapansin ang lumalapit upang pagmasdan ang kaniyang ginagawa. Binabakuran na lamang siya ng kaniyang dalawang kliyente kapag napapansin ng mga ito na gustong dumikit pa ng iba. Masuwerte si Miko na mababait ang kaniyang kliyente. "Ang galing nga niya, Vlad. Akalain mong malapit na niyang matapos nang sabay ang mga ipinapaguhit nating larawan?" Mahinang bulong ni Milo kay Vlad nang muli silang magkatabing nakatayo sa likuran ni Miko. Kanina kasi ay sadyang may makukulit talagang mga nakikiusyosong mga tao at hindi napigilan ang lumapit at istorbohin sana ang ginagawa ng pintor. Mabuti na lamang at napansin ito ni Vlad at sinaway ang manggugulo sanang nanonood. Ganoon na rin ang ginawa ni Milo. Panaka-naka siyang tumitingin sa dumaraming mga taong nais na masilayan ang ginagawa ng pintor, sa harapan ng mismong sikat na simbahan. "Oo nga, Milo. Ito ang unang beses ko talagang makakita ng gumuguhit na pintor. At ang iguhit ng sabay ang mga larawan ng ating namayapang mga mahal sa buhay ang kakaibang talentong bihira sa isang pintor na katulad niya. Sikat ba talaga siya?" sagot naman ni Vlad. Mahina rin ang pagsasalita niya pero sapat na iyon para marinig din ni Milo. Napatikhim pa si Milo nang marinig ang huling sinabi nitong tanong, kung sikat ba si Miko o hindi. "Oo, sikat siya. Kamakailan nga e, nakita kong pinagkaguluhan siya doon sa Makati, sa Ayala Triangle. Madaming nakakilala sa kaniya roon. Dito kailangan nating ilihim baka lalo siyang kuyugin e." "Ganoon ba, search ko nga mamaya ang mga obra niya sa sss niya nang makita ko rin." Iyon na lamang ang sinagot ni Vlad kay Milo. Tumango na lang din ang huli at ibinalik nilang pareho ang tingin sa mga taong hindi mabawas-bawasan sa dami. Nang sipatin nila ang tinatapos na painting ni Miko ay lalong nanlaki ang mga mata ng dalawa nang makita kung ano ang background ng larawang ipinaguhit nila. "Grabe, ang ganda. Finishing touch na bakay 'yang background ng simbahan?" "Ito ang unang beses kong makitang gumuhit ang lalaking iyan na may background ng sikat na Bamboo Organ Church. Napakahusay niya!" "Kunan natin ng litrato ang finishing piece niya!" At sunod-sunod na mga click at shutters ng mga camera nga ang narining nina Miko, Milo, at Vlad sa mga spectator na naroon upang masilayan ang kaniyang obra. Pokus na pokus talaga si Miko sa kaniyang talentong pagpipinta at makalipas nga ng trenta hanggang kwarenta y minutos ay natapos niyang ipinta ang dalawang larawan ng kaniyang dalawang kliyente. "Nagustuhan ba ninyong dalawa?" tanong nito kina Milo at Vlad nang humarap sa kanila. Tila naurong pa yata ang mga dila nito at hindi nakapagsalita. Bumalik lamang ang kanilang diwa nang marinig nila ang malalakas na hiyawan at palakpakan ng mga taong nakakita sa ginawa niyang obra. Bigla namang nahiya si Miko at ang dalawang kliyente nito sa papuring ibinigay sa kaniya. "Heto na ang larawan ng iyong yumaong asawa, Vlad. At ito naman ang para sa iyo, Milo, ang litrato ng iyong mahal na ina." Isa-isang iniabot ni Miko ang hugis-kwadradong canvass sa dalawang kliyente. Magiliw at nakangiti namang tinanggap ng dalawa ang mga painting na iginuhit ng pintor para sa kanila. Magpapasalamat na sana ang dalawa ang magsalitang muli ang pintor. "Dahil libre ko na iyan sa inyong dalawa, baka pu-puwede, o kung maaari ay iwan na ninyo sa akin itong orihinal na litrato ng inyong mga mahal sa buhay. Okay lang ba sa inyong dalawa?" Titig na titig ang pintor sa kanila at naghihintay ng sagot. "Malaking bagay na po para sa akin ang painting. May isa pa naman akong kopya ng larawan ng aking yumaong asawa, kaya binibigyan ko po kayo ng permiso na gawing souvenir na lamang po iyan, sir," tila nabunutan naman ng tinik sa lalamunan si Miko nang marinig ang sagot ni Vlad. "Ibang klase po ang inyong ginawa at sadyang ipinamalas mo po sa aking harapan ang galing mo po sa pagpipinta, sir. Pinahanga mo po ako. Kaya, ibinibigay ko na po sa inyo ang larawan ng aking ina, tanda ng aking walang humpay na pasasalamat sa iyo." Napayuko pa si Milo matapos pasalamatan at payagan si Miko na isama na rin ang larawan ng kaniyang sa mga koleksyon niya. "Kung ganoon, ako ay lubos na nagpapasalamat din sa inyong dalawa at binigyan ninyo ako ng pagkakataong maipakita sa harapan ninyo ang bihirang talentong mayroon ako sa pagguhit. Paano, kailangan ko na ring magligpit at ako ay may mga naka-pending pang appointments sa opisina." Nagsimula na itong magligpit pero hindi naman pinayagan ng dalawa na hindi ito tulungan. Hindi na rin pinigilan ni Miko ang dalawang kliyente na tulungan siya. Nang mga oras ding iyon ay isa-isa na ring nabawasan ang mga tao at ipinagpatuloy na lamang nila ang pagliligpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD