Ikadalawampu't Limang Kabanata: Isang Kakaibang Painting Na Iginuhit ni Danilo

1120 Words
Nagpuyat nga hanggang alas sais ng umaga si Danilo sa kapipinta. Naabutan pa ito ni Sam na mugtong-mugto ang mga mata at napapakit na. Uminat-inat pa muna si Sam bago tumayo at tiningnan ang iginuhit nitong larawan. "Ano 'yan? Bakit ganiyan ang painting mo, Nilo?" biglang nagising ang natutulog pang diwa ni Sam nang makita ang halos balutin na ng kulay pulang pastel ang kabuuan ng naiguhit nito. Nang humarap naman sa kaniya si Sam ay mas lalo itong natakot sa mukha ng kaibigan. "Kagulat ka, Nilo. Hindi ka talaga natulog? Tapos magigising akong kakabahan sa iginuhit mo? Ano ba 'yang iginuhit mo?" Ibinalik ni Danilo ang tingin sa painting upang tapusin na ito. Nanatili lamang na nakatayo sa likuran nito sa Sam. Nang matapos ang ginawang painting ay agad itong humarap kay Sam. Magsasalita pa sana ito upang sagutin ang tanong niya pero hindi na kinaya ang bigat ng talukap ng mga mata at biglang napapikit at nakatulog na lamang bigla sa balikat ng kaibigan. "Hay naku, Nilo. Bakit ka kasi nagpuyat?" Niyakap na lamang ni Sam ang kaibigan upang buhatin ito at ilipat sa kama. Napapailing pa ito nang maihiga sa kama si Danilo. Kinumutan niya ito at bago umalis sa kama ay pinagmasdan pa niya ito nang mabuti. "Mahal na mahal mo talaga ang pagpipinta, ano?" kausap nito ang kaibigang humihilik na rin nang mga sandaling iyon. Nanatili pa siyang nakaupo sa tabi nito at inilapit pa ang mukha upang suriin ang kabuuan ng mukha nito. Bumaba pa ang tingin nito sa tiyan nito at isang nakakalokong plano ang rumihestro sa kaniyang isipan. "Mukhang magagawa ko ngayon ang matagal ko nang binabalak sa iyo, Nilo. Pero hindi kita hahalayin ha? May gusto lang akong makita, kahit pa nakita ko na rin naman ang lahat sa iyo. Pero mas mainam na makita ko ito nang tulog ka." Kinakabahan man ay humugot muna nang malalalim na paghinga si Sam bago unti-unting inilapit ang ang labi nito sa mukha ni Nilo at mabilis na hinalikan ang kaibigan sa labi. Nakatihaya pa rin si Danilo. Hindi man lamang ito gumalaw. Smack lang naman at mabilisang paghalik sa bibig lang ang ginawa ni Sam. Sumunod namang ginawa nito ay ang tanggalin pansamantala ang kumot na itinakip niya sa katawan nito. Marahan niyang inangat ang laylayan ng damit nito at napagmasdan ang bato-bato at walang kataba-tabang tiyan. Inayos na nito ang damit at ang panghuli ay marahan nitong binuksan ang butones ng short at maingat na ibinaba ang zipper nito. Tumambad naman sa kaniyang harapan ang maumbok nitong alaga. Napapalunok-laway na naman si Sam at wala nang inaksayang oras na hawakan ang garter ng brief ni Danilo at sinilip ang patay pang alaga nito. Pigil naman ang hinigan niya nang bitawa nang marahan ang garter ng brief nito at inayos ang zipper at pagkakabutones ng short. Muli niya itong kinumutan at tumayo. Binalikan niya ang mga kagamitan nito sa pagpipinta at isa-isang niligpit. Napapalingon talaga siya sa painting na iginuhit nito. Sa paglalarawan nito ay parang isang silid ito na nagkalat ang mga dugo at nang ilapit pa ang mukha ay doon na napa-sign of the cross si Sam. ... MABILIS na dumaan ang tanghaling tapat at mahimbing pa ring natutulog sina Agna at Miko Talavera sa kani-kanilang mga silid nang magsimulang lumabas ang itim na usok sa binata ng condo unit ni Miko. Dahil alam na nito ang pupuntahan ay nagmadali itong lumipad patungo sa Parañaque. At ang pumasok sa loob ng painting ng namayapang ina ni Milo ang susunod niyang target. Abala naman sa paglilinis ng buong bahay nito si Milo. Maliit lang din ang bahay na naiwan sa kaniya ng ina pero buwanan pa rin nama niya itong binabayaran. Dahil nabaon din siya sa utang nang magkasakit ang ina nito. Kaya hindi niya masasabing kaniya o siya ang may-ari ng bahay kung saan siya nanunuluyan. Nakatapos na rin siya sa pagkain ng tanghalian at ang paglilinis ng buong bahay ang naisip niyang atupagin. Wala pa nga itong pakialam kung malakas ang volume ng lumang casette na tumutugtog sa apat na sulok ng kaniyang bahay. Naisaayos na rin naman niya ang pinagsabitan ng painting ng kaniyag yumaong ina, kaya masiglang-masigla na ito sa paglilinis. Nakalimutan na rin nito kaninang madaling araw ang nakitang itim na usok na lumilipad na inakala niyang totoo ay ilusyon lang sa kaniyang isipan. Pasayaw-sayaw pa ito at pakanta-kanta habang naghuhugas ng mga plato, kubyertos, at kaldero sa lababo. Ganoon din ang ginawa nito sa paglalampaso ng sahig at paglilinis ng banyo. Hindi naman namalayan ni Milo ang pagpasok ng itim na usok mula sa bintana ng nakabukas nitong silid. Hinanap nito ang kinaroroonan ng painting at nang matagpuan ay pansamantala itong pumasok sa loob at pinakinggan ang ginagawa ng susunod niyang biktima. "Mukhang hindi ko yata matatapos nang maaga ang plano ko sa isang ito. Dilat na dilat kasi ang mga mata pero mukhang mas mainam ngang gulatin siya nang gising na gising sa paglitaw ng kaniyang ina." Humahalakhak ito nang malakas na hindi man lamang narinig ni Milo na kasalukuyang naliligo na nang mga oras na iyon sa banyo. Natapos na rin kasi nito ang paglilinis sa apat na sulok ng bahay na tinutuluyan niya. Lagkit na lagkit ang katawan nito nang pumasok sa banyo. Pinagsabay na rin nito ang pagligo at paglalaba ng mga marurumi niyang damit. Iyon na rin kasi ang susunod niyang gawin at maglalaba siya nang nakakakamay. Nailipat na rin ni Milo ang cassette sa loob ng banyong kalahating bukas at sinimulan pagkukusot ng lalabhang damit. Hindi pa rin ito tumitigil sa nauna niyang ginagawa na sinasabayan ang bawat ritmo at kantang naririnig habang naglalaba. Wala namang kaalam-alam si Milo na gumalaw na ang mga mata ng painting. Kaliwa at kanan pa itong nagmasid sa loob ng silid nito at nang walang maramdamang papalapit o papasok ay dahan-dahang lumalabas ang ulo nito. Sumunod ang mga kamay at katawan hanggang sa ang mga paa nito ay tuluyang lumabas sa painting na iyon. Humarap pa ito sa maliit na salaming nakasabit sa taas ng tokador ng mga damitan at ipinakita ang mala-demonyo nitong mga ngiti. Ilang sandali pa ay lumabas ito nang silid at parang tuko na dikit nang dikit sa pintuan upang magmasid at makinig sa kinaroroonan ng musikang kaniyang naririnig. Sinundan nito ang tunog at nakita ang bahagyang nakabukas na pintuan ng banyo kung saan naroroon ang kumakantang si Milo habang naglalaba. "Humanda ka ngayon, Milo. Hindi ko na hihintayin pang pumikit ka, umidlip, o makatulog dahil kukulangin ako sa oras upang magawa ang aking plano sa iyo." Tahimik pa itong humahagikgik at nang makalapit sa pintuan ng banyo napansin ni Milo ang imahe ng isang hindi niya inaasahang makikitang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD