Tinawagan nang ilang beses ni Danilo ang numero na nakalagay sa flyer na ibinigay sa kaniya ni Samuel pero hindi niya ito ma-contact.
"Baka close pa? Wala namang nakalagay na hours of operation dito."
Ilang beses ding tiningnan at binasa ni Danilo ang laman ng flyer. Hindi naman siya bobo. Nakakaintindi naman siya ng salitang Ingles. Tinuruan naman siya ni Samuel kung paano magbasa. Kaya alam niyang tama ang kaniyang nababasang mga salita. At naintindihan niya ang mga nakasulat doon.
Sinubukang idayal ni Danilo ang mga numero gamit ang kaniyang cellphone. Nakailang attempt ulit siya pero ganoon pa rin. Nang umabot sa ikasampu ay nag-ring ito at lumiwanag ang kaniyang mukha. Senyales na may sasagot na. Nang may nagsalita sa kabilang linya ay nakinig si Danilo nang mabuti.
"Thank you for calling the hotline number of Paint With A Cause. This is Senya. How can I help you?"
Biglang natahimik si Danilo nang marinig ang boses sa kabilang linya. Hindi naman sa hindi niya naintindihan. Mabilis lang magsalita ang naririnig niya. Nang magsalita itong muli ay doon na siya sumagot.
"Hello? Is anybody listening there on the other line?"
"Ahm. Yes. I. I'm here. My name is Danilo Ortiz. I want to register."
"Oh, really? Okay. I will enter your name in our system for the registration."
"Sure po. Thank you."
Kinabahan naman ang binata. Akala niya hindi siya makakapagsalita kahit papaano ng Ingles. Naintindihan naman siguro ng nakikinig sa kabilang linya ang punto niya. Gusto niyang mag-register sa exhibit.
"Gusto ko lang po linawin na kailangan po ninyong mag-send ng sketch o personal po ninyong dalhin sa aming opisina ang inyong obra para maisama po namin sa Exhibit sa susunod na buwan, Mr. Ortiz," paliwanag nito sa sariling wika.
Nakahinga naman nang maluwag si Danilo dahil salitang Tagalog na ang wikang ginamit ng nasa kabilang linyang nagngangalang Senya. Tumango-tango lamang si Danilo nang mga oras na iyon habang nakikinig nang maigi sa kabilang linya.
"Nakuha mo po ba, sir Danilo?" paglilinaw nito sa kaniya.
"Opo. Naintindihan ko po. Malinaw na malinaw po. Kailangan ko pong magsumite ng obra ko o gawa ko. Hindi po ba? Free po ba ang registration? Wala pong babayaran na kahit na amount?" sagot ni Danilo. Nilinaw na rin niya ang tungkol sa pera. Gusto niyang makasiguro na wala siyang ilalabas na kahit singkong duling sa kaniyang bulsa.
"Tama po kayo, sir Danilo. Free registration po. As in, wala po kayong babayaran sa pagre-register. Ang mismong obra po ninyo na ipipresenta ang siyang aming kikilatisin at kapag nagustuhan po ng aming punong pintor, isasama po namin sa exhibit ang gawa po ninyo. May katanungan pa po kayo, sir Ortiz?"
Naliwanagan na rin sa wakas si Danilo. Klarong-klaro na sa kaniya ang mga narinig niya. Ngumiti muna ito bago nagpasalamat at nagsalita. "Wala na po akong katanungan, ma'am Senya. Maraming salamat po."
"Wala pong anuman. Na-input ko na po ang pangalan mo sa listahang magpiprisinta ng obra para sa evaluation. Iko-confirm ko lang po ang numero ninyo, Mr. Ortiz," may pahabol pa pala ito at ibinigay sa kaniya ang numero niya.
Nang makuha ito ni Senya ay muli siyang nagsalita. "Aasahan ko po ang inyong obra sa aming opisina sa susunod na linggo, Mr. Ortiz. Ang address o lokasyon po ng opisina ay ise-send ko na lang po sa number ninyo. Klaro na po ba ang lahat bago po mag-end call?"
"Klaro na, Senya. Maraming salamat."
"Thank you for calling Paint With A Cause. Have a nice day!"
At doon na natapos ang kanilang pag-uusap. Nakahinga rin nang maluwag si Danilo. Ang kailangan na lamang niyang gawin ngayon ay ang mamili sa mga paintings na ginawa niya upang personal na ipakita ito sa kanilang opisina. Pansamantala itong nagpahinga sa upuang gawa sa kawayan nang makatanggap siya ng mensahe. Nang tingnan niya ito, galing ito kay Senya at naroon ang lokasyon na pupuntahan niya sa susunod na linggo.
...
DALAWANG ARAW na ang matuling lumipas ay balisa pa rin si Miko. Hindi pa rin siya nakakahanap ng isang prospect para magpaguhit sa kaniya. Nakailang post na rin siya sa kaniyang social media accounts nang libreng pagpapaguhit. Kahit na sikat na siya sa larangan ng mga exhibits ay bihirang-bihira siyang makakakita ng interesadong kakagat sa libreng painting na ino-offer niya sa kanila.
Itim na itim na ang kulay ng pang-ilalim nitong mata. Alaalang-alala na siya sa inang muli na namang nakatulog at tumigil ang paghinga dahil expired na ang isang linggong buhay niya. Paulit-ulit ding sumasagi sa isipan niya ang boses ng nilalang na iyon. Pinapaalala sa kaniya ang dapat niyang gawin kapalit ng isa na namang linggong pagkabuhay ng kaniyang ina.
"Nauupos ang kandila ng iyong ina, Miko. Hindi ba mahal na mahal mo siya?" bulong nito nang hindi nagpapakita sa kaniya. Para lang itong itim na usok na hindi rin makita ni Miko sa paligid niya pero naririnig niya ang boses nito.
"Puwede ba, huwag mo akong istorbohin. Manahimik ka. Alam ko ang ginagawa ko. Makakahanap din ako."
Inis na inis na siya. Kulubot na ang noo niya sa kakaisip ng isa pang paraan makakuha lamang ng kahit isang buhay ng tao para sa kaniyang ina. Hindi na niya napigilan ang mapataas ng boses sa tinig na iyon. Mabuti naman at tumigil din ito sa pagbulong at paulit-ulit na paalala sa kaniya.
Panay na ang check niya ng inbox niya sa messenger, f*******:, at maging sa g*******m account niya. Hanggang sa tumunog ang cellphone niya at isang text message ang kaniyang narinig.
"Hello po, sir Miko. This is Liyan. Gusto ko po sanang magpaguhit bilang souvenir ng larawan ng aking kakambal na si Liyon. Maaari po ba? Nakita ko po ang post ninyo at nakuha ko po ang numero doon din po sa f*******: page po ninyo. Ano po ang kailangan ko?"
Sumilay nang unti-unti ang mga ngiti sa labi ni Miko. Ang kaninang malungkot nitong mga mata ay biglang nagsikislapan na parang nakatagpo ng bagay na hinahanap niya. Ang mga daliri naman nito ay agad na nagtipa ng isasagot kay Liyan. Pagkakataon na niya. Isang puso at buhay lang naman ang kailangan niya para sa kaniyang ina. Wala na siyang pakialam kung may pamilya pa si Liyan o wala, kung sakaling siya ang magiging alaya niya sa nilalang na iyon.
"Magandang araw, Liyan. This is Miko Talavera. Salamat at interesado kang maiguhit ko ang iyong kakambal na si Liyon. Maaari kang pumunta sa address ng aking opisina at doon tayo mag-usap. Puwede ka ba ngayong oras na ito? 10 a.m. sharp. Would that be okay?"
May pangininig pang naghihintay si Miko Talavera sa sagot ng kaniyang kliyente. Sabik na sabik na kasi siya. Kating-kati na rin ang mga paa niya at mga kamay. Hindi na nga siya makapaghintay sa sagot ni Liyan. Ilang segundo ang nakalipas ay natanggap niya ang reply nito.
"Sige po, sir Miko. I am available right now. I mean today."
"Then, it's settled. Just bring a photo of your twin and I'll draw it for you. I'll give it to you for free as your souvenir. Let's talk in my office later at 10 a.m. today. Okay?"
"Okay po. Salamat po. Excited na po ako."
Hindi na nag-reply si Miko. Sin-een na lang muna niya ang sagot ng kliyente niyang si Liyan. Agad siyang tumayo sa kaniyang study table at laptop. Sa pananabik nito ay agad niyang tinalon ang kaniyang kama at lumundag-lundag pa sa tuwa. Nagtagumpay siya. Dalawang araw na ang lumipas at akala niya ay aabot pa ito sa pangatlong araw. Ngunit, heto at naghihintay na lamang siya ng dalawang oras bago ang itinakdang pagkikita nila ni Liyan.
"Kailangan ko munang maidlip. Power nap kahit isang oras lang. Malapit lang naman ang opisina ko sa mansyon ko. Tama. I need a power nap. Fifteen to twenty minutes will do. I'll set my alarm first before taking a power nap."
Ganoon nga ang kaniyang ginawa Dalawang oras pa bago ang itinakdang pagkikita nila ng kaniyang kliyente. Sin-et na niya ang alarm sa phone niya at inilagay ito sa gilid ng unan niya nang sa ganoon ay marinig niya ang vibrate at ring nito. Gagawin niya ito alang-alang sa kaniyang ina. Hindi niya gustong matulog na naman ito nang matagal. Ayaw na ayaw niyang makitang nahihirapan ang ina. Siya na lamang ang natitirang tao sa kaniya. At gagawin niya ang lahat makamit lamang niya ang gusto nitong magising ang ina.
"Napakagaling naman, Miko. Binabata na kita ngayon pa lamang sa kliyente mong magiging aking pagkain na naman para sa buhay ng iyong ina. Matulog ka muna pansamantala. Ganoon din ang gagawin ko. Iidlip din ako para sa paggising ko ay nasa loob na akong iyong naipintang obra."
At nakatulog na nga si Miko sa kaniyang malambot na kama. Yakap-yakap ang malaking unan ay tuluyan na ngang tumigil pansamantala ang isipan niya sa nalalapit na pagkikita ng kaniyang kliyente. Nakangiti pa itong yakap-yakap ang unan.
...
WALA NAMANG KAMALAY-MALAY si Liyan na isang patibong ang naghihintay sa kaniyang pagkikita sa sikat na pintor na si Miko Talavera. Matagal na niyang kilala ang pintor buhat nang mapadpad ito sa siyudad. Sa Lungsod ng Makati ay naging matunog ang kaniyang pangalan hanggang sa maging viral online ang mga paintings nitong animo ay buhay na buhay. Kaya, naghanda na rin siya dahil anumang oras ay magkikita na sila ng hinahangaan niyang pintor at makakakuha pa siya ng souvenir na maiguhit ang kakambal niyang si Liyon.