Ikalabing-anim Na Kabanata: Habang Naghihintay

1047 Words
Nakarating din sa wakas si Vlad sa tagpuan. Isang oras pa bago ang itinakdang pagkikita nila ni Miko. Kaya naman sa loob ng simbahan, dumiretso muna roon si Vlad para magdasal ng pasasalamat. Pagdating ng kaniyang mga paa sa tapat ng pintuan ay nag-sign of the cross muna siya sa pamamagitan ng pagbasa nang kaunti sa kaniyang mga daliri mula sa maliit na hugis batong palangganang hawak-hawak ng isang maliit na kerubing hugis bato rin. Pagkapasok sa loob ay tumambad sa kaniya ang maliwanag na maliwanag imahe ng mga paintings sa itaas. Habang naglalakad ay nagmamasid ang kaniyang mga mata sa nasa loob. Wala namang gaanong tao o hindi naman ganoon karami ang mga taong naroon. Kaya, sa pangalawang hanay ng mahabang upuan doon lumuhod si Vlad. Pinagsalikop na nito ang mga kamay at pumikit. Sandaling panalangin ng pasasalamat lamang ang kaniyang ginawa bago binuksan ang mga mata. Hindi muna siya tumayo mula roon. Pinagmasdan niya muna ang malaking Bamboo Organ ng simbahan. Daang-libong taon na nga itong nakatayo sa loob ng simbahan at tila inalagaan nang maayos ng mga kura-paroko, pari, at mga konsehal ng barangay roon. Napakaganda pa ring tingnan ng mga mahahaba at mamalaking organ pipe sa harapan niya. Nagmistulang isang palabas para sa kaniya ang makita ang malaki at mataas na organ na iyon. Ilang minuto rin ang inilagi ni Vlad roon bago naisipang lumabas at magpahinga muna sa isang maliit na parke sa tapat ng simbahan. Doon sa isang bakanteng bench umupo siya. Kumuha siya nang kaunting biskwit sa loob ng bag niya. Nakasanayan na niya ito kung saan siya magpupunta. May dala siya laging pagkain kahit pa mga crackers o biscuits ang mga ito. Hindi siya puwedeng magugutom. Kung nabubuhay lang ang kaniyang mahal na asawang si Lala ay mapapagalitan siya nito kapag nakalimutan niyang magdala ng pagkain. Kaya habang kinakagat at nginunguya ang skyflakes na hawak niya ay hindi niya maiwasang maalala ang asawa. Napakabata pa nito para sapitin ang ganoong pangyayari sa buhay niya. Tumingala na lamang muna si Vlad sa kalangitan nang hindi tuluyang mahulog isa-isa ang mga butil ng luhang nagbabadya na namang pumatak sa kaniyang pisngi. "Maraming salamat sa paalala, mahal ko. Tingnan mo, kumakain ako ngayon ng dala kong skyflakes. Hindi ba ikaw palagi ang naglalagay nito sa sling bag ko? Salamat ha? Kasi hindi mo ako kinakalimutan. Kahit wala ka na ay parang nandito ka pa rin sa aking tabi. Miss na miss na kita, Lala." Tumingala siya sa kalangitan pero nang magsalita siya isipan ay hindi naman niya napigilan ang pagluha. Para siyang baliw na kumakagat ng biskwit at lumuluha. Pinahiran na lamang niya iyon nang makitang may dumaang mag-ina at napansin ng bata ang kaniyang pag-iyak. Ngumiti ito sa bata at inalok ng kaniyang biskwit. Umiling ang bata at nagpasalamat na lang ang ina nito at agad na nagpatuloy sa kanilang paglalakad. ... SAMANTALA, stuck naman sa traffic si Milo nang mga oras na iyon. Mabuti na lamang kamo at inagahan niya ang pag-alis mula sa kaniyang tinutuluyan. Hindi niya puwedeng palampasin ang pagkakataon na makalibre ng isang painting. At ang painting pa na iyon ay ang mismong larawan ng kaniyang yumaong ina. Habang nasa loob ng pampasaherong dyip ay kinuha niya ang pitaka at tiningnan roon ang larawan ng nakangiting mukha ng kaniyang ina. "Parang kailan lang, masaya ko pang nakikita ang napakalapad mong mga ngiti, Ina. Kung nasaan ka man ngayon ay masaya akong nakapagpahinga ka na. Sabik na sabik pa rin akong makita ang masaya mong mukha, Ina. At ang larawang ito lamang ang mayroon ako. Makakasama naman kitang muli kapag napalaki ko na ang larawan mo. Isasabit ko ito sa loob ng aking kuwarto o hindi kaya ay itabi sa aking pagtulog." Nag-flying kiss pa si Milo at itinapat ang mga palad na iyon sa larawan ng kaniyang nakangiting ina. Nang mapalingon sa labas ay doon na pumara si Milo dahil puwede na niyang lakarin ang destinasyon niya. Pagkababa na pagkababa niya ay tiningnan muna niya ang kaniyang relo. Saktong may trenta y minutos pa siya bago marating ang kinaroroonan ng simbahan. Marami-rami na rin ang mga tao sa paligid. Mukhang halos ilan sa mga ito ay patungo sa lokasyon ng kaniyang nilalakaran. Tanaw na tanaw na kasi mula sa kaniyang nilalakaran ang mataas na simbahan. Doon na lamang nag-pokus ang kaniyang mga mata at ipinagpatuloy ang paglalakad. Ngunit, hindi maiwasan ng kaniyang tainga ang makarinig ng iba't ibang uri ng mga ingay sa paligid niya dahilan upang mapailing na lamang ito. Napapalatak pa siya isipan, napapamura, at nalulungkot sa iilan sa mga narinig niya. "Bakit ba ayaw mong aminin na may iba kang babae ha? Ano! Sumagot ka!" "Dahil wala naman talaga!" "Anong wala e, sino iyang nakakapit na parang linta sa mga braso mo ha? Deny ka pa?" Sinong hindi mapapamura sa inis at galit kapag ang eksena nang kabit at legal ang personal mong masasaksihan. Ayun, todo sampal sa mukha ang babae sa lalaki at mag-asawang sampal naman sa babaeng kumalas sa pagkakapit nito sa lalaki. "Magnanakaw! Tulong! Hoy, ibalik mo ang bag ko. Tulong!" Hindi rin nakaligtas kay Milo ang matitinik na mga batang magnanakaw na sumasalisi sa paligid. Gustuhin man niyang tumulong pero hindi na lamang niya ito pinansin. Hindi iyon ang pakay niya. "Sana po suwertehen po ako ngayong araw na manalo sa lotto." "Pagalingin po ninyo sana ang anak kong may sakit. Kahit pa uugod-ugod na akong magtatrabaha basta gumaling na siya. Kung gusto po ninyo ay buhay ko na lamang po ang kunin ninyo. Huwag lang po ang anak ko. Bente-singko pa lamang po siya." Dinig na dinig ni Milo ang panalanging iyon ng matanda. Napatigil pa siya at pinagmasdan ang matandang taimtim na nananalangin, ilang metro lang ang layo mula sa kinatitirikan ng simbahan. Magkadikit ang mga palad nito at nasa harapan niya ang naka-wheelchair na binatang, kulang na lang ay kalansay na ang hitsura. Napapailing na naaawa na lamang si Milo nang mga sandaling iyon. Pagdating talaga sa nanay ay hindi niya kayang makita ang mga ito na nagdurusa para sa kanilang mga anak. Naalala niya tuloy ang mga huling sandali ng kaniyang inang nakaratay sa loob ng maliit na pagamutang binabantayan niya. Hindi niya inakalang iyon na rin pala ang huling araw na makakasama niya ang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD