Matapos ang halos isang oras na pag-iisip ay napagpasiyahan ng pintor na si Miko Talavera na papuntahin na rin si Vlad sa mismong lugar kung saan sila magkikita ni Milo. Pero bago niya replayan si Vlad ay nagtanong muna ito sa nilalang sa loob ng kaniyang condo. Alam niyang binabantayan niya ito at doon na rin ito halos nakatira.
"Naririnig mo ako, hindi ba? O mas tamang sabihin na nakikita mo ang ginagawa ko at nababasa mo rin ang mga messages sa cellphone ko nang hindi mo nalalaman. Tama ba ako?"
Nakiramdam pa muna si Miko nang mga oras na iyon sa kaniyang silid habang naghihintay ng sagot mula sa nilalang na laging nakabuntot sa kaniya. "Naririnig mo ba ako? Sumagot ka!"
"Ano ba 'yan! Ang ingay mo naman, Miko. Nagpapahinga ako e," biglang sagot naman ng nilalang na iyon matapos na sumigaw si Miko. "Sumagot na ako. Ano ang iyong nais na malaman?"
"Maaari mo bang pagsabayin ang dalawang kliyente kong kikitain mamaya? Alam mo ang tinutukoy ko, hindi ba?" muling nagtanong si Miko sa nilalang na iyon.
"Maaari. Puwede. Kung isang buong araw lang naman, kayang-kaya ko. Isa sa tanghali, isa sa gabi. Puwede ring umaga, tanghali, gabi, Miko," sagot nito sa kaniya. "Iyan lamang ba ang tanong mo? Kailangan ko ring magpahinga. Kagaya mo, exhauested din ako."
"Sige. Maaari ka nang magpahinga."
Hindi na muli pang nagsalita ang nilalang na iyon. Nanatili na lamang pansamantalang nanahimik si Miko at agad na nag-isip ng i-re-reply kay Vlad. Sinipat niya muna ang oras sa kaniyang cellphone. May dalawang oras pa siya bago ang itinakdang alas kwatro sa tapat ng Bamboo Organ Church. Ilang saglit pa ay nag-send na rin ng mensahe si Miko kay Vlad.
"Ipagpaumanhin mo kung ngayon lamang kita mare-replayan. Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong mahal na asawa. Masyado lamang akong abala sa aking trabaho, kaya hindi ko napansin ang iyong mensahe. Napakarami ding mensahe ang natanggap ko, kaya hindi ko maisa-isa o mabasa nang sabay-sabay ang mga iyon." Huminga muna ito nang malalim bago nagpatuloy sa kaniyang susunod na i-rereply.
"Maaari ka bang pumunta mamayang alas kuwatro sa Parañaque? Doon tayo mag-usap at magkita tungkol sa iyong kahilingan, na pagbibigyan ko. Pakidala na rin ng larawang nais mong ipaguhit nang sa ganoon ay matupad ko kahit na papaano ang iyong hiling. Hihintayin kita roon sa itinakdang oras, mamaya, Milo."
Miko press the Send button on his mobile phone and waiting for response from Vlad. Hindi naman siya binigo ni Vlad dahil agad din naman itong nag-reply sa kaniya.
"Hindi mo po alam kung gaano mo po ako napasaya, sir. Sige po. Pupunta po ako sa lokasyong sinabi mo. Isang sakay lamang po ako mula sa aking tinutuluyan patungo sa eksaktong lugar na itinalaga mo. Maghihintay po ako roon. Kung sakali mauna po ako sa iyo, hihintayin ko pa rin po kayo. Dadalhin ko po ang larawan ng aking yumaong asawa. Salamat po, sir."
Napangiti na lamang si Miko at agad na humiga sa malambot na kama nito. Saglit lamang iyon. Hindi niya kasi puwedeng balewalain ang appointment niya sa mga ito. Kaya, matapos ang pansamantalang pagpikit at paghiga ay agad siyang nagbihis. Tumayo siya at pumunta sa kinaroroonan ng kaniyang closet at pumili ng isang simpleng puting T-shirt, at kupasing itim na pantalon. Tenernuhan na rin niya ito ng black sneakers.
...
SAMANTALA, maagang bumiyahe si Vlad upang mauna itong makarating sa tagpuan nila ng pintor. Sakay ng pampasaherong dyip ay dumiretso na ito patungo sa kinaroroonan Bamboo Organ Church, matagal na panahon nang nakatayo roon sa Las Piñas City, sa Parañaque.
Habang nakasakay sa dyip ay hindi maipinta ang mukha ni Vlad. May halong kaba at excitement ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Sabik na sabik na rin kasi siyang mahawakan ang larawang ipapaguhit niya sa pintor. At gusto niyang mauna siyang dumating upang makapagpanalangin sa loob ng mismong Makaluma at Makasaysayang simbahan.
Mayroon pa siyang isa at kalahating oras bago ang itinakdang pagkikita sa harapan ng simbahan. At hindi na makapaghihintay si Vlad na makita si Miko at personal na makita ang ipapaguhit nito sa kaniya. Iyon na lamang ang matitirang alaalala niya mula sa yumaong asawa. Hindi niya puwedeng palagpasin ang pagkakataong minsan lang kung dumating sa kaniya.
...
DALAWANG ORAS kanina bago ang itinakdang pag-alis ni Milo sa kaniyang tahanan ay nabasa niya ang mensahe ng pintor sa kaniyang cellphone. Nanginginig pa ang kamay nitong hindi makapaniwala sa mensaheng natanggap niya.
"Maaari ka bang pumunta mamayang alas kuwatro sa Parañaque? Doon tayo mag-usap at magkita tungkol sa iyong kahilingan, na pagbibigyan ko. Pakidala na rin ng larawang nais mong ipaguhit nang sa ganoon ay matupad ko kahit na papaano ang iyong hiling. Hihintayin kita roon sa itinakdang oras, mamaya, Milo."
Dahil doon ay agad siyang gumawa ng reply upang maging kumpirmasyon sa text nito sa kaniya.
"Hindi mo po alam kung gaano mo po ako napasaya, sir. Sige po. Pupunta po ako sa lokasyong sinabi mo. Isang sakay lamang po ako mula sa aking tinutuluyan patungo sa eksaktong lugar na itinalaga mo. Maghihintay po ako roon. Kung sakali mauna po ako sa iyo, hihintayin ko pa rin po kayo. Dadalhin ko po ang larawan ng aking yumaong asawa. Salamat po, sir."
Isang oras na lamang ang nalalabi bago ang itinakdang pagkikita nito sa lokasyong ibinigay niya. Nagmamadali pa si Milo na pumunta ng banyo at agad na naghubad ng kaniyang mga damit. Wala siyang itinira at agad na binasa ang sarili gamit ang tabo at nagsalok ng tubig upang makaligo siya nang mabilis.
Habang nagsasabon ay sumagi sa isipan nito ang mga huling alaala ng kaniyang yumaong ina.
"Ang bawat paglisan ay may dahilan, Milo. Kung sakali mang mawala ako sa mundong ibabaw, iyong pakatandaan na panibagong araw na naman ang iyong masisilayan upang magpatuloy ka sa buhay na ibinigay sa atin ng Panginoon. Mag-iingat ka palagi, Milo. Mahal na mahal kita."
Hindi tuloy niya napigilan ang pag-iyak nang mga oras na iyon. Pero saglit lamang pagkat iwinaksi niya muna sa isipan ang alaalang iyon ng kaniyang ina. Hindi siya puwdeng mahuli sa tagpuang iyon. Dahil baka hindi na tuparin ng pintor ang ipinangako nito sa kaniya. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagsasabon at pagbabanlaw nang mabilisan upang makapagbihis at umalis na.