Ikalabingtatlong Kabanata: Hiling Ng Isang Konstru

1046 Words
Isang linggo pa lamang ang nakararaan nang mawalay sa kaniyang mahal na asawa si Vlad. Hindi niya inakalang huling araw na pala iyon ng kanilang pag-uusap. Wala pa man din silang anak na dalawa. Halos dalawang buwan pa lamang kasi silang kasal na dalawa at hindi niya inasahang sa isang iglap, kinuha na ang kaniyang asawa. Sariwa pa sa alaala nito ang lahat ng masasayang alaala at pinagsaluhan nilang dalawa. Ang makasal sa kaniya ang pinakamahalaga at masayang araw na nangyari sa kaniyang buhay. Tinanggap siya ng buong-buo ni Lala. Pinakasalan siya kahit pa construction worker lamang siya. Kumpara kay Lala na may kaya sa buhay ay masasabi niyang masuwerte siya sa naging asawa niya. Pinunan niya ang bawat pagkukulang na mayroon siya nang itinakdang nga ngang magpakasal silang dalawa. Ang makita itong naglalakad, suot ang traje de boda niya ang isa sa hindi niya makakalimutan. Maluha-luha pa siya noon habang pinagmamasdan ang paglalakad nang marahan ng dalaga patungo sa kaniyang kinatatayuan, kung saan siya naghihintay upang dalhin siya at iharap sa altar. Mahalaga din sa kaniya at isa sa nagpaantig din ng kaniyang puso ang palitan nila ng mga vows sa isa't isa noon. Hinding-hindi niya maiwaksi sa isipan kung paano siya inantig ng mga salitang mula sa kaniya. "Sa lahat ng wala ka ay naroon ako, Vlad. Sa bawat oras na hindi ko magawang punan, ay ikaw ang pumupuno. Ang mga bagay na hindi ko kaya, ay ikaw ang nag-e-encourage sa akin na gawin ko. Kasi ang sabi mo, nandiyan ka lang palagi para suportahan ako. Wala ako ngayon sa harapan mo kung hindi dahil sa iyo. Ikaw ang una at huli kong minahal, Vlad." Pigil ang pag-iyak niya noon. Nakangiti na parang baliw pa siya habang pinakikinggan ang lahat ng mga salitang binitiwan nito para sa kaniya. Hindi nga niya matandaan kung tuluyan ba siyang umiyak sa tuwa sa harapan ng altar o hinayaan na lamang niyang ang mga luha ang kusang pumatak sa pisngi niya. "Alam kong isang hamak ng construction worker lamang ako. Walang permanenteng trabaho. Pero noong araw na magkrus ang ating landas, tila nahanap ko na ang other half ko. Ikaw ang babaeng una at huling nagpatibok din sa aking puso, Lala. Sa iyo ko natutunan ang mag-impok. Ang maging masaya. Ang maging mapagpatawad. Maging mabait. Maging mapagmahal. Kaya sinong hindi magpapakasal sa isang tulad mo?" Iyon ang mga salitang hindi kailanman mawaglit sa kaniyang isipan. Ang lahat ng mga sinabi niya sa harap ni Lala ay totoo. Siya ang bukod-tanging babaeng nagturo ng magagandang asal sa magulo at masalimuot din niyang nakaraan. Hindi rin naging hadlang kay Lala ang ugali niya noong napamainitin at walang pasensya. Siya lamang ang nagpakalma sa kaniya. "Kaya sa bawat araw na magiging asawa na kita, sisiguraduhin kong pupunan ko ang bawat sandaling maging masaya ka kasama ko. Wala nang tampuhan. Wala nang pansamantalang hiwalayan. Wala nang mainitin at walang pasensyang Vlad na makakasama mo habambuhay. Mahal na mahal kita, Lala." Nakatingin lamang si Vlad sa kawalan. Sa labas ng maliit na apartment niya sa may Alabang, ay naroon siya at nakatingin sa kalangitan. Maalinsangan na ang panahong iyon. Nanunuot na rin ang init sa kaniyang balat. Tagaktak na rin ang pawis sa kaniyang mukha. Kahit wala itong pang-itaas ay hindi niya pa rin maiwasang mapawisan. Lalo lamang siyang humagulgol nang maalala ang mga huling sinabi niya sa asawa. Halos sisihin naman niya ang sarili nang araw na umalis siya at nagpaalam upang bibili sana ng isosorpresa niya sa kanilang first monthsary bilang mag-asawa. Hindi niya inakalang iyon na pala ang huling araw, ang huling halik, at huling yakap na matatanggap niya kay Lala. Pagkauwi na pagkauwi niya ay tumambad sa kaniya ang bukas na gate. Nagkalat na mga kagamitan sa labahan sa labas, at nang pumasok siya sa loob, isang nakahandusay at wala nang buhay na katawan ng asawang tadtad ng saksak sa iba't ibang parte ng katawan. Naroon pa ang punyal na ginamit na nakabaon sa dibdib nito. Hindi siya makagalaw. Nabitawan niya ang sorpresang keyk at mga balloon. Napaluhod pa siyang bigla pagkat hindi kinaya ng kaniyang paa ang makitang sinapit ng kaniyang asawang si Lala. Sigaw nang sigaw pa ito ang pangalan niya habang niyayakap siya. Halos ayaw pa nga niyang bitiwan ang katawan ng asawa nang dumating ang mga pulis at kinuha na ang kaniyang bangkay upang dalhin sa morgue. Ayon sa mga narinig niyang mga tsismis, nilooban daw sila. May magnanakaw na nakapasok sa kanilang bahay nang tanghaliang tapat at hindi raw nagpatalo ang asawa niya sa magnanakaw. Iyon nga lang ay namatay pa rin ito sa huli. Bagay na hindi matanggap ni Vlad na wala na ang pinakamamahal niyang si Lala. Isang linggo matapos ilibing ang asawa ay laylay pa rin ang balikat ni Vlad. Nakatingin lamang siya sa kawalan at nang kunin ang cellphone niya at mag-browse ay nahagip ng paningin nito ang isang post. Hindi niya kilala ang pintor pero ang nagbigay ng interes sa kaniya ay ang libreng pagguhit ng larawang in-offer niya online. Wala raw siyang babayaran at maipipinta pa niya raw ang mukha ng mga mahal nila sa buhay. Alam niyang hindi siya papansinin kung sakaling mag-text siya sa numerong nakalagay roon sa post nito pero nagbakasakali din naman si Vlad. Binasa pa nga niya ang pangalang nakalagay sa post, sa itaas ng numerong ibinahagi nito. Miko Talavera. Sikat daw na pintor ito na hindi niya alam. Biglang sumagi kasi sa isipan niyang makakatulong siya kahit paano na maiguhit ang mukha ng kaniyang mahal na asawa. "Ako po ay magbabakasakali na sana ay mapansin po ninyo itong aking text, sir Miko. Isang construction worker lamang po ako na nawalan ng asawa. Isang buwan pa lamang kaming kasal nang mapaslang siya ng isang magnanakaw, na sa katanghaliang tapat ay nilooban ang aming bahay. Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang mailibing siya at hindi ko pa rin matanggap ang kaniyang pagkawala. Kung mamarapatin po ninyo ay nais ko pong ipaguhit ang kaniyang larawan nang araw-araw ko po siyang masilayan. Ako nga po pala si Vlad." Isang linggo na rin ang nakaraan mula nang ma-i-send ni Vlad ang text na iyon pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natanggap na reply. Magkagayunpaman ay umaasa pa rin siyang mapansin siya ng pintor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD