Dahil magaling at masiglang nang muli ang kaniyang ina, mas pinili ni Miko Talavera na samahan siya pansamantala sa loob ng kaniyang unit. Hindi niya muna ito pinayagang umuwi sa kanilang nabiling mansiyon sa loob ng Dasmarinyas Village, doon din sa Makati.
Anumang appointments mayroon siya ay ipinaalam niya muna kay Senya, na kaniyang sekretarya na ipadala na lamang via email ang lahat ng inquiry tungkol sa nalalapit nitong exhibit. Sinabihan niya rin ito via call na kunan na lamang ng litrato ang mga paintings na ipapakita ng participants. He made her sure na clear at hindi edited ang photos na ise-send nito sa kaniya. Nagawa naman iyon ni Senya nang maayos pero hindi niya muna ito pinagtuunan nang pansing tingnan o suriin.
Abalang-abala din ang kaniyang ina sa pag-aasikaso sa kaniya sa loob ng condo. Noong una ay hindi siya pumayag sa gusto nitong maglinis o gumalaw-galaw sa loob ng kaniyang condo. Ngunit, sadyang mapilit talaga ang ina at wala na rin siyang magawa. Nariyan naman siya upang tingnan, kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa kaniya.
Isang linggo pa lamang kasi ang nakalipas mula nang bumalik ang dating sigla ng kaniyang ina, at ayaw ni Miko na iwan itong mag-isa sa loob ng kaniyang ina. Hindi siya puwedeng mawala sa kaniyang paningin. His mother even insist of letting him do the things he want outside the condo, but he refused.
"Ma, minsan lang tayong magkasama. Kaya ayaw kong lumabas. Mas makabubuting nandito ako. Hindi natin alam kung kailan ka ulit ko-collapse. Mas mainam na nandito ako para kung saka-sakali. Kung sakali lang, Ma ha? Nandito agad ako para masaklolohan ka," minsang pagpapaliwanag nito.
"Ang bait-bait talaga ng anak ko. Mana ka sa akin," puri naman ng kaniyang ina. Binigyan pa siya nito ng isang halik sa pisngi. Napapangiti na lamang si Miko kapag naaalala ang mga ngiting iyon mula sa kaniyang ina.
Kasalukuyan siyang nakaharap sa kaniyang laptop nang makarinig siya ng kalabog mula sa kusina. Mabilis pa sa kidlat itong tumayo at nagtatakbo na tinungo ang kinaroroonan ng ingay. Nang makarating sa loob ng kusina, tumambad sa kaniya ang wala nang malay na kaniyang ina.
"Ma!"
Dali-dali niyang sinuri ang pulso nito at nakahinga naman siya nang maluwag dahil may sign pa ito ng paghinga. Dahan-dahan naman niyang binuhat ang ina at dinala ito sa loob ng silid nito. Hindi na naman napigilan ni Miko na mag-alala. Pero ang mas ipinagtataka niya ay kung bakit nawalan ito nang malay, gayong isang linggo pa lamang ang nakaraan. Matapos kumutan ang ina ay lumabas ito ng silid at galit na galit na tinawag ang nilalang na iyon.
"Magpakita ka! Ipaliwanag mo sa akin ang dahilan kung bakit nawalan ng malay ang aking ina! Magpakita ka ngayon din!"
Soundproof naman ang bawat sulok ng kaniyang condo unit, maliban na lamang kung iniwang bukas nito ang bintana o veranda. Kaya, magagawa ni Miko na sumigaw at tawagin ang nilalang na iyon. Hindi lumitaw ang tinatawag niya pero nagparamdam ito.
"Bakit mo inistorbo ang isang linggong pahinga ko, Miko?" Bumulong ito sa kaniya habang si Miko naman ay hindi siya nakikita.
"Ipaliwanag mo sa akin kung ano ang nangyari sa aking ina. Hindi ba at tatlong linggo pa dapat bago siya muling mawalan nang malay? Bakit bigla siyang hinimatay?" palinga-linga pa ang binata sa apat na sulok ng kaniyang condo. Nagbabaka-sakaling magpakita ang kaniyang kausap.
"Ooops. Sareh! Hindi ko pala sinabi sa iyo na lumalala na ang kalagayan ng iyon ina. Tatlong mukha nga ang iginuhit mo pero isang buhay lang ang kapalit. Kaya ganoon ang nangyari. Nabawasan ng dalawang linggo ang pising nagdudugtong sa buhay ng iyong ina, Miko. Alam mo ang solusyon diyan." Mala-demonyo pa itong humahalakhak sa kawalan. Busangot naman ang mukha ng binata at muling kinumpirma ang sinabi nito.
"Ang ibig mong sabihin ay kapag tatlong tao ang ipapaguhit, tatlong buhay rin dapat ang magiging kapalit?"
"Tumpak, Miko. Ngayong alam mo na ang tinutukoy kung lunas, bakit hindi mo simulang tawagan ang mga calling cards ng kliyente mo, Miko?"
Hindi na nakapagsalita pang muli si Miko. Naglaho na rin ang tinig ng nilalang na iyon na kanin-kanina lang ay kausap niya. Nakapangalumababa itong umupo sa sofa at lumamlam ang mga mata. Laylay din ang balikat nito. Hindi niya in-expect na ganoon ang mangyayari sa ina. It was a sudden change and he has to do the right thing again to let her mother live with him.
Agad na pinuntahan ni Miko ang kaniyang silid at hinanap ang mga calling cards, na kung hindi siya nagkakamali ay mahigit sa dalawampu ito. Inisa-isa niya itong tingnan at nang may mapili ay kinuha niya ang kaniyang cellphone. Bago pa man niya i-dial ang numero ng kliyenteng tatawagan niya ay isang text ang hindi niya pinalagpas na basahin.
"Magandang araw po. Nabasa ko po ang post ninyo online tungkol sa libreng pagpapaguhit. Ulilang lubos na rin po ako at araw-araw ko pong hinihiling na sana ay makausap ko man lamang kahit sa aking panaginip ang aking yumaong ina. Siya ang huli kong nakasama bago ito malagutan nang hininga. Matagal na rin siyang nasa malayong lugar. At nais ko po sanang ipaguhit ang kaniyang larawan. Sana ay mapaunlakan mo po ang aking kahilingan."
Sinuri ni Miko ang date and time ng sender ng unknown number na iyon. Napag-alaman niyang halos isang linggo na rin pala itong naka-text sa kaniya pero ngayon lamang niya nabasa. Walang inaksayang oras si Miko at agad na nireplayan ang sender nang sa ganoon ay malaman niya ang pangalan nito at ang eksakto nitong tirahan.
"Ipagpaumanhin mo kung ngayon lamang ako naka-reply. Gusto kong matupad ang kahilingan mo. Nais ko ring malaman ang kumpleto mong pangalan at ang eksaktong lugar kung saan ka nakatira. Kung mamarapatin mo ay ikaw na mismo ang mag-set ng lugar kung saan tayo magkikita. Ihanda mo na lamang ang larawang ipapaguhit mo at dadalhin ko naman sa lokasyong gusto mo ang aking mga kagamitan sa pagpipinta. Salamat."
Dalawang minuto rin ang hinintay ni Miko bago mag-reply ang sender. Masaya itong nagpakilala at ibinigay din ang kumpletong pangalan nito, maging ang tirahan, at lokasyon kung saan sila magkikitang dalawa. Hindi na rin nagpatumpik-tumpik pa si Miko. Agad siyang naghubad at pumasok sa banyo at n ag-shower. Ihahanda na rin niya pagkatapos maligo ang mga kagamitan niya sa pagpipinta at dire-diretso na niyang pupuntahan ang lokasyon ng sender.