Quick shower lamang talaga ang ginawa ng dalaga. Naibsan din pansamantala ang init na dulot ng maalinsangang panahon sa labas. Warm water in a shower could take away the heat she felt earlier. Nakatapis lamang ito ng tuwalya paglabas ng banyo at agad na humarap sa malaking salamin sa kaniyang silid.
Matapos tingnan ang sarili sa salamin ay pinuntahan naman nito ang closet at kumuha ng pantulog. Lagpas na ng tanghali nang mga oras na iyon. Malapit na rin dumating ang dapit-hapon. Kaya naman, pantulog na agad ang isinuot niya. Magluluto lamang siya o hindi naman kaya ay gagawa lang vegetable salad. Malakas siyang lumamon pero umiiwas naman siya sa mga pagkaing mataas ang cholesterol. Kaya ganoon na lamang siya kaalaga sa kaniyang katawan.
Kulang na lang nga ay sumali siya sa mga beauty pageants dahil sa vital statistics nito at height na pasok naman sa qualifications at requirements ng beauty pageant industry, particularly Binibining Pilipinas. Ngunit mas gusto niyang tahimik na buhay. Matagal na siyang mag-isa sa buhay. Mabuti na lamang at may kaunting naipundar ang kaniyang magulang at may naiwang para sa kaniya at iyon ang ginamit niya upang makapag-aral at makapagtapos sa kolehiyo.
Business Management ang tinapos ni Liyan na kurso sa isa sa mga branches ng St. Benilde University sa Maynila, major in Human Resource Development. Kaya aware na siya sa mga attitude and personalities ng mga spectator ni Miko Talavera kanina sa Ayala Park Triangle. Gamay na gamay o nababasa na nito ang mga galaw at kilos ng mga tao.
Sa dirty kitchen, nagsimulang maghanda ng kakainin si Liyan. Binuksan niya ang fridge at nakita roon ang spinach at cabbage, at saka mayonnaise. Kumuha din siya ng tatlong pirasong itlog at nilaga ito agad. Habang naghihintay na malaga ang itlog ay isa-isa niyang hinati ang mga spinach at cabbages at inilagay ito sa malaking bowl at nilagyan ng mayonnaise.
Kumuha din siya ng malaking gatas at kaunting chips habang hinihintay ang pagkulo at paglaga ng itlog. Five to ten minutes passed ay isinalin na nito ang nilagang itlog at binalatan bago inilagay sa bowl na may spinach at raw cabbages. Ilang sandali pa ay lumabas siya ng kusina at sa sofa bed ay doon siya umupo at nilantakan ang kaniyang pagkain habang nanonood ng telebisyon.
Matuling lumipas ang mga oras at hindi namalayan ni Liyan na nakatulog pala siya sa sofa. Naalimpungatan lamang siya sa ingay ng telebisyon na naiwan niyang nakabukas. Agad niyang pinatay ito at nag-inat-ina. Nang tumayo at muling nag-inat ay nagpaalam ito at nag-flying kiss muna sa family portrait nila.
"Matutulog na po ako, mommy, daddy, Liyon. Sana mapanaginipan ko kayong magkasama tayong buo sa aking pagtulog. Bantayan po ninyo ako ha? Goodnight po. Mahal na mahal at miss na miss ko na po kayo."
Parang bata si Liyan na ilang beses nag-flying kiss sa harapan ng painting. Tumalikod na ito at nagtungo sa kaniyang kuwarto. Iniwan niya itong nakabukas at hinayaan ang sariling makatulog sa malamig na kuwarto at malambot na kama.
Muling dumaan ang mga oras nang napakabilis. Maliwanag pa rin ang buong condo ni Liyan nang tumapat na ang maliit na kamay at malaking kamay ng orasan sa alas dose. Nakaligtaan marahil ni Liyan na patayin ang ilaw sa loob ng kaniyang unit bago humiga sa kama. Pero ang dalaga ay mahimbing na mahimbing ang tulog nang mga oras na iyon. Walang kaalam-alam na may isang nilalang na unti-unting lumabas mula sa family portrait ni Liyan.
Sumilip-silip pa muna ito bago tuluyang inilabas ang buong mukha at katawan mula sa loob ng painting. Tumayo ito sa harapan ng painting at pinagmasdang maigi ang mga mukha ng nasa litrato. Nang masuri na niya ito nang maayos ay hinanap naman niya ang kusina at pansamantalang naghanap ng makakain.
Nang makita ang refrigerator at buksan ito ay tumambad sa kaniya ang mga prutas. Kumuha lamang siya ng mansanas at iyon ang kinagat-kagat. Pagkatapos ay bumalik ito sa living roo ng condo at umupo ng nakataas ang dalawang paa sa maliit na glass table sa harapan niya.
Dahil pasado limang minuto na ang nakalipas mula nang lumabas siya ay ikinumpas niya ang kaniyang kaliwang kamay at lumabas mula roon ang itim na usok na dahan-dahang pumasok sa painting. Ang itim na usok na iyon ay nagkaroon ng sariling isip at biglang gumalaw ang mga mata ng nasa loob na larawan, maliban sa mukha ni Liyan.
Isa-isa rin itong lumabas mula sa painting. Patuloy lamang siya sa pagkagat ng mansanas habang sunod-sunod na lumabas sa painting ang ama, ina, at kapatid ng dalaga na si Liyon. Humarap ang mga walang emosyong mukha nga mga ito sa nilalang na iyon at may ibinulong sa kanilang isipan.
"Say hi to your remaining child, and sister. You must kill her, so Miko Talavera's mother can live. Understand? Go and kill her in her room."
Tumango ang tatlo sa ibinulong ng nilalang na iyon. Isa-isa namang naglakad na parang mga zombie at robots ang mga ito sa nakabukas na silid ng dalagang si Liyan. Nang nasa loob na ang tatlo ay tumayo ang mga ito sa harapan ng natutulog na dalaga.
Tila nakaramdam yata ng kakaibang presensya at amoy si Liyan nang mga oras na iyon. Sinubukan niyang idilat nang marahan ang mga mata at hindi niya inasahan ang mga mukha ng taong pinanabikan niyang makita. Nasa gitna o paanan niya si Liyan. Ang mommy at daddy naman niya ay nasa magkabilang gilid ng kama niya. Walang pag-atubili siyang tumayo at niyakap isa-isa ang ama, ina, at ang kakambal na si Liyan.
"Panaginip ba ito? Nandito kayo? Liyan? Mommy? Daddy? Kung panaginip man ito ay ayoko nang magising pa sa napakagandang panaginip na ito."
Nakadikit pa ang mga kamay nito na parang nananalangin ng pagpapasalamat at natupad ang kaniyang kahilingang makita ang tatlong taong mahalaga sa kaniya. Nakatayo lang ang mga ito sa tatlong sulok ng kaniyang silid. Napansin ni Liyan na parang may kakaiba sa kanila dahil hindi man lamang tinugon ng mga ito ang kaniyang mga yakap. Nakaupo pa rin siya sa kaniyang kama. Nakangiti pero tila unti-unting nakaramdam ng pangingilabot sa katawan nang umangat ang mga mata nito at napasigaw nang wala sa oras si Liyan.
Biglang nawala ang mga balintataw ng mga ito at kulay itim na usok ang lumalabas roon. Agad siyang tumalon sa kaniyang kama pero nahawakan siya ni Liyon sa buhok at malakas na itinapon pabalik sa kaniyang kama. Napatihaya ang dalaga at hindi niya inasahan ang paglundag ng kaniyang ina sa kaniyang tiyan. Hawak-hawak na rin ng kaniyang ama ang kaniyang dalawang kamay at ang mga paa naman nito ay mahigpit na ring hinahawakan ni Liyon.
Sisigaw na sana si Liyan nang mga oras na iyon pero mahigpit na mahigpit siyang sinasakal ng kaniyang ina. Nagpupumiglas din ang kaniyang mga kamay at paa pero ganoon din kahigpit ang kapit ng mga ito sa kaniya. Hindi siya pinapakawalan. Nasa kamay ng kaniyang pamilya ang kaniyang kamatayan. Tuloy pa rin sa pagwawwala at pagpupumiglas si Liyan nang mga oras na iyon. Ginagawa ang lahat ng paraan makaalis lang sa mga hawak ng inakala niyang pamilyang bumisita sa kaniya sa panaginip.
Hindi panaginip ito. Nasa reyalidad siya at ang pamilya niya ang pumapatay ngayon sa kaniya. Nagawi ang tingin ng dalagang si Liyan sa pintuan ng kaniyang kuwarto at nakita roon ang isang nilalang na nakangiti sa kaniya. Kumakain pa rin ito ng mansanas at pinagmamasdan ang nangyayari sa kaniya. Nang makita ang sitwasyon niya ay bigla itong naglaho at nang lumitaw ito, nasa gilid na niya at may hawak ng isang patalim.
Nakita niyang pumasok ito sa katawan ng kaniyang ina at agad na itinarak sa kaniyang dibdib ang patalim na iyon. Tumilamsik pa sa mukha ng ina nito ang dugong nagmumula sa sugatan niyang dibdib. Hindi pa ito nakuntento. Hinila nito ang kord ng lampshade at inihampas ang lampara sa kaniyang ulo. Itinali pa nito nang mahigpit ang kord na iyon sa kaniyang leeg.
Lumipat naman ng katawan ang nilalang at sa katawan naman ito ng ama ni Liyan pumasok. Isang butcher knife naman ang hawak nito na hindi alam ng dalaga kung saan ito nagmula. Pilit na humihinga ang dalaga. Pero lalo lamang siyang nakaramdam ng panghihina nang pinutol ng kaniyang ama ang kaniyang mga kamay. Dumako naman ang nilalang na iyon sa nakakapit pa sa paa ng dalaga na si Liyon at gaya ng ginawa ng ama ay pinagtataga niya ang dalawang paa hanggang sa maputol.
Dilat na dilat na si Liyan nang mga sandaling iyon. Hindi na rin ito makagalaw. Tumigil na rin ang pagtibok ng kaniyang puso pero patuloy pa rin sa pagtarak ang kaniyang ina sa kaniyang dibdib hanggang sa ang nilalang na mismo ang nagpatigil dito.
"Bumalik na kayo sa loob ng painting."
Parang mga robot naman itong kumilos at isa-isang naging itim na usok na bumalik sa loob ng family portrait. Naiwan namang duguan, putol ang mga kamay at paa, at patuloy sa pagsirit ang pulang likido sa nakadilat pa ring mata pero wala nang buhay na katawan ng dalagang si Liyan.
Ngumiti ang nilalang. Bago nilisan ang condo ng dalaga ay humarap ito sa family portrait at nag-isip ng paraan kung paano madadala ang painting sa condo ni Miko nang hindi na kailangan pang personal na kunin ito ng pintor sa condo ni Liyan. Ibinuka nito ang bunganga at unti-unting hinigop ang painting na iyon. Ilang sandali pa ay bumalik ito sa pagiging itim na usok at lumusot sa bintana ng nakabukas pang terrace sa condo ng dalaga.
Lumipad-lipad ang itim na usok na iyon sa labas hanggang sa makalayo ito sa condo na pinaslang niya at iniwang dilat ang mga mata sa loob ng kaniyang kuwarto. Naglakbay pa ito hanggang sa unti-unting nawala na parang bula sa hangin.
Sa condo naman ni Miko ay mahimbing na itong natutulog. Maagang nakaidlip dahil sa dalawang araw na pagod. Nakaligtaan pang kumain at hinayaan na lamang na humilata sa kaniyang kama bago nakatulog nang mahimbing.
Lingid sa kaalaman ni Miko Talavera, umalis na ang nilalang na iyon at nagawa na ng nilalang na iyon ang kaniyang pakay na patayin si Liyan. Ngayon ay nasa harapan na ni Miko ang nilalang. Nakatayo ito sa natutulog na binata. Ilang saglit pa ay ibinuka nito ang bibig at iniluwa ang itim na usok na unti-unting nagkakahugis at naging isang canvass na may family portrait ng pamilya ni Liyan.
Inilapag niya ito sa gilid ng kama ng biinata at naglaho. Lumipat ito ng lokasyon at sa silid naman ng ina ng binata ay tumayo ito at nagpakawala ng itim na usok. Pinapapasok nito ang usok na iyon sa bunganga ng matanda at ang katawan nitong comatose ay unti-unting nagkakalamang muli. Gumalaw na rin ang mga daliri nito.
"Tatlong linggo. Tatlong linggo ka na namang mabubuhay muli, Agna Talavera. Makakasama mo na naman ang iyong anak na si Miko Talavera. Magagawa mo na naman ang iyong nais. Tatlong linggo, Agna. Tatlong linggo."
Matapos sabihin ang mga katagang iyon sa harapan ng matanda ay naglaho na ang nilalang. Iniwan na nito ang matandang mahimbing na ring natutulog at nakakahinga na rin nang maayos.
KINABUKASAN, nagising si Miko at agad na bumango upang tingnan ang orasan sa kaniyang cellphone. Nang makitang lagpas alas siyete nang umaga, nagmamadali itong umalis sa kama pero biglang napansin ang painting sa gilid nito. Doon ay kinuha ng binata ang canvass at nang tingnan ay family portrait pala ito ni Liyan at ng kaniyang pamilya.
"Mukhang hindi ko na kailangang kunin pa sa mismong condo ni Liyan ang painting. Inihatid na marahil ng nilalang na iyon ito dito sa aking condo. May silbi din pala ito kahit paano."
Naisiwalat na lamang ni Miko ang mga katagang iyon sa kaniyang isipan. Hindi man lamang nag-alala o inalam ang sinapit ni Liyan. Sanay na sanay na siya at hindi na niya kailangan pang makonsensya dahil hindi naman siya ang pumapatay. Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang maamoy ang masarap na pagkaing niluluto mula sa kaniyang kusina.
"Sino kaya ang nagluluto? Don't tell me..."
Napatakbo agad si Miko sa kusina at tama ang hinala niya. Ang kaniyang ina ay nasa kusina at naghahanda ng kanilang almusal. Masiglang-masigla na rin ito na parang walang karamdaman o hindi man lamang dinapuan ng sakit. Maluha-luhang lumapit ang binata at niyakap ito sa likuran habang nagluluto ng bacon at sausage.
"Naku, anak. Matatalsikan ako ng mantika sa mukha. Bumitaw ka muna sa pagkakayakap at ihanda mo na ang mga plato at kubyertos. Tatapusin ko lamang ito nang makakapag-almusal na tayo pareho."
Hindi naman nakinig ang binata. Ayaw niyang bumitaw sa pagkakayakap sa ina. Sabik na sabik kasi itong makitang muli. Pero nakatikim tuloy siya ng kurot sa tagiliran upang bitawan siya. Napabitaw naman si Miko at hinalikan na lamang ang ina sa pisngi at isa-isang kumuha ng plato, kubyertos, at mga baso. Dinala niya ito sa dining area at inayos ang mesa. Napapangiti pa itong pinagmamasdan ang inang tutok na tutok sa simpleng pagkaing niluluto niya.
"Thank you."
Iyon lamang ang nasambit na salita ni Miko. At alam nitong narinig ito ng nilalang na iyon. Hindi na niya hinintay pa itong sumagot o bumulong sa kaniya. Pagod siguro kaya tinulungan na lamang niya ang ina sa kusina.