Ikasiyam Na Kabanata: Ang Huling Araw Sa Mundo ni Liyan

2106 Words
Hindi na napigilan pa ni Liyan ang umiyak. Sa loob ng bakanteng cube ng rest room ay doon siya tahimik na umiyak. Tuloy-tuloy ang daloy ng mga luha sa kaniyang mga mata. Pigilan man niyang huwang pumalahaw ng iyak ay hindi niya magawa. Sadyang mabigat pa rin sa dibdib ang pagkawala ng kaniyang magulang at kakambal. Naroon pa rin ang labis na pagsisisisi sa sarili. Mabuti na lamang at walang ganoong taong pumaparoon upang magbanyo. Kasalukuyan lamang siyang mag-isa loob ng rest room na iyon at malaya siyang nakakaiyak. Hindi na alam ni Liyan kung ilang minuto na siyang umiiyak nang mga sandaling iyon. Kaya naman, siniguro niyang huling mga luha na ang pumatak sa kaniyang pisngi bago lumabas sa cube na iyon. Sinipat niya ang orasan sa kaniyang cellphone. Mahigit twenty minutes na rin pala ang nakalipas mula nang pumasok siya sa rest room. At naalalang may naghihintay palang isang tao sa kaniya. Minabuti na lamang na mag-retouch nang mabilisan ni Liyan at agad na lumabas ng rest room na iyon upang balikan ang pintor na gumuhit ng family photo nila. Nang makabalik sa puwesto ng pintor at nakita siya, ngumiti ito sa kaniya at ibinalik naman niya ang ngiting iyon pagdating na pagdating niya. "Finishing touch na lang ang kailangan ko, Liyan at matatapos ko na ang family portrait ninyo. Maupo ka muna riyan." Umupo si Liyan sa iniwan niyang mahabang telang nakalaan sa kaniya. Habang naghihintay sa portrait ay muling pinagmasdan ni Liyan ang mga tao sa paligid. Mukhang tanghaling tapat na at marami-rami na rin ang bumibisita sa Ayala Park Triangle. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin ang mga pusang galang naglalaro na rin sa mga damuhan ng parkeng iyon. Ang nakaagaw ng kaniyang pansin ay ang mga taong tumitigil sa harapan at likuran ng pintor. Titig na titig ang mga ito sa painting na iginuguhit niya. Lihim namang napangiti si Liyan. Malaking bagay na rin sa pintor kung may isa o dalawa pang interesadong magpaguhit sa kaniya o kokontakin ito para iguhit sila. "Napakagandang obra." "Pintor ba siya?" "Siya yata si Miko Talavera. OMG! Ang sikat na pintor na nag-viral ang mga paintings. Siyang-siya nga." "Tapusin muna natin ang obra niya bago tayo magpa-picture. Paguhit na rin tayo. Baka naman pumayag siya, friend. Once in a lifetime lang natin makita ang sikat na pintor." "Totoo nga ang sinasabing mga comments online. Buhay na buhay at parang totoo talaga ang mga larawan sa iginuguhit niya. I cannot let it slip away like this. I have to give my calling card to schedule a portrait making of myself." Iilan lamang sa mga salitang naririnig ni Liyan. Pokus lang si Miko Talavera sa kaniyang finishing touch ng canvass. Naririnig din niya ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid.. Napapangiti din ito. Pabor sa kaniya na madagdagan ang mga kliyente niya pero hindi sa ganoong pagkakaton. Mag-iimbak siya kung saka-sakali nang hindi siya mawalan ng iguguhit para sa kaniyang ina. "Tapos na!" Napakalapad ng ngiti ni Miko nang makita ang huling mukha ng ginawa niyang family photo. Nasa likuran naman niya ang mga taong napapanganga at kinikilig nang makita ang family portrait na kaniyang iginuhit. Kinuha niya ito at iniabot kay Liyan. Hindi naman makapagsalita ang dalaga nang mahawakan na niya at makita nang personal ang mismong family portrait nila. "Maaari ko bang hingin na lang sa iyo itong orihinal na larawan, Liyan? Kung iyong mamarapatin ay gagawin ko lang sanang souvenir," pakiusap nito sa dalaga na hindi nakatingin sa kaniya kung hindi nasa portrait. "Opo, sir Miko. Sa inyo na lamang po ang family picture namin. Nasa akin naman po ang malaking obra ninyo." Mangiyak-ngiyak pa itong nagsalita at humarap sa kaniya. "Maraming salamat. Nagustuhan mo ba?" muli niya itong tinanong kahit ang totoo ay alam na niya ang kasagutan sa tanong nito mula sa ekpresyon ng mukhang nakikita niya sa dalaga. "Gustong-gusto ko po, sir Miko. Siyanga po pala, fan po ninyo ako. Baka puwede po bang makihingi ng isang selfie shot kasama kayo at ang ginawa po ninyong portrait ng family ko? Kung maaari po sana?" Nahihiya pang magtanong si Liyan nang mga oras na iyon kay Miko. Tinugon naman ng pintor ang hiling niya. "Oo naman. Huwag kang aalis diyan sa kinauupuan mo. Ako ang lalapit at kukunin ang cellphone mo." Tumango ang dalaga nang makalapit sa kaniya si Miko at agad na inabot ang cellphone nito sa kaniya. "A, makikisuyo lang po ako na kung maaari ay kunan mo po kami ng larawan gamit ang cellphone na ito?" Humarap ito sa isang dalagang nanonood na kanina pa nakangiti at kinikilig sa kaniya. Agad naman itong pumayag at kinuha ang cellphone. Umupo sa tabi ni Liyan si Miko at inakbayan pa ito sa kaliwang braso ng dalaga. Lihim namang napangiti at kinilig si Liyan nang mga oras na iyon. Matutupad na rin ang isa sa mga pinapangarap niyang maka-selfie ang paborito niyang pintor na si Miko Talavera. Sunod-sunod na shutter ang narinig nila mula sa cellphone ni Liyan. Nang matapos silang kunan at ibinalik ng babae ang cellphone. Nagpasalamat naman si Miko sa kumuha ng larawan sa kaniya. Hindi naman niya in-expect na magpapakuha din ang mga ito ng larawan sa kaniya. Pinaunlakan naman niya isa-isa ang mga hiling ng mga ito. Ang iba naman ay nagbigay ng calling card upang kontakin sila dahil magpapaguhit din raw ang mga ito sa kaniya. Quota na si Liyan ngayong araw at handa na siyang bumalik sa kaniyang condo. Hindi na siya makapagpaalam kay Miko dahil kinuyog na ito ng mga naroroon upang magpakuha ng litrato sa kaniya. Nagpasiya na lamang siyang tumayo at nag-text muna sa numero ng pintor bago nilisan ang Ayala Park Triangle. "Maraming salamat po sa canvass, sir Miko. Napakalaking bagay po para sa akin ang iginuhit ninyong larawan ng aking pamilya. Dalangin ko pa po ang inyong tagumpay sa larangan ng pagpipinta. Maraming salamat din po sa isang selfie na kasama kayo. Hinding-hindi ko po makakalimutan ang araw na ito. Hindi na po ako makakapagpaalam sa inyo, sir Miko. Mauuna na po akong aalis. Muli, ay maraming salamat." Tumalikod na ang dalaga nang hindi napansin ang paglingon sa kaniya ni Miko Talavera. Hindi pa rin siya makaalis sa mga nagpapa-selfie sa kaniya. Pero naramdaman niya ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone at alam niyang kay Liyan galing iyon. Mamaya na lamang niya babasahin ito at tinapos muna ni Miko ang mga hiling na selfies ng mga naroroon bago isa-isang niligpit ang kaniyang mga kagamitan. Natapos at naubos din ni Miko ang kaniyang pananatili sa Ayala Park Triangle. Naisaayos na rin niya ang kaniyang mga kagamitan sa pagpipinta. Naisakay na rin niya ang mga ito sa kaniyang Ferrari na kulay pula. Nakaparada lang ito sa labas sa isang parking lot malapit sa Ayala Triangle. Nang makasakay sa loob ay napabuga siya nang malalim na hininga at agad na napangiti nang mapansin ang mga calling cards sa front seat. Hindi siya ang nag-initiate nito kung hindi ang mga taong kanina ay nagpapa-selfie sa kaniya. Bonus pa nang magbigay ang mga ito ng kani-kanilang mga calling cards. May mga immediate na client. May mga chill lang at maghihintay na lamang daw sila kung kailan siya available. May mangilan-ngilan naman na ang nais lamang makausap siya tungkol sa kaniyang pagpipinta. Lahat ng mga iyon ay tinanggap niya nang walang pagdadalawang-isip. Pabor na pabor na kasi sila sa kaniyang mga plano. Kahit pa may tatlong linggo pa ulit bago niya kailangan humanap ng kliyente ay may nakahanda na at hindi na niya kailangan pang magpuyat para maghanap ng mga prospect clients. Tatawagan na lamang niya ang mga calling cards, na sa tantiya niya ay nasa mahigit dalawampu yata ang bilang. Umayos siya ng upo sa driver seat at isinuot ang seat belt. Bago paandarin ang sasakyan ay binasa niya muna ang mga mensaheng natanggap niya. Ang ilan sa mga ito ay galing sa kaniyang sekretarya na, nagpapaalala sa kaniya sa nalalapit nitong exhibit na gaganapin. Kailangan din niyang personal na makita ang mga gawa ng mga participants. Mag-e-evaluate lamang siya at ang sekretarya niyang si Senya na ang bahala kumontak sa mga nakapasa. Ang isa sa mga mensaheng binasa niya ay ang galing kay Liyan. Nawala sa isip nito kanina na magpaalam sa dalaga, matapos nitong iabot sa kaniya ang painting at magpa-selfie. Kinuyog na kasi siya ng kaniyang mga tagahanga at hindi na niya nakita ang pag-alis nito. "Maraming salamat po sa canvass, sir Miko. Napakalaking bagay po para sa akin ang iginuhit ninyong larawan ng aking pamilya. Dalangin ko pa po ang inyong tagumpay sa larangan ng pagpipinta. Maraming salamat din po sa isang selfie na kasama kayo. Hinding-hindi ko po makakalimutan ang araw na ito. Hindi na po ako makakapagpaalam sa inyo, sir Miko. Mauuna na po akong aalis. Muli, ay maraming salamat." Hindi na niya ito ni-replayan. Ini-start na lamang niya ang engine ng sasakyan at agad na tinungo ang guard's post upang magbayad ng parking fee. Nang makapagbayad ay pinaharurot nang mabilis ni Miko ang kaniyang sasakyan upang makauwi sa bahay at makapagpahinga. Buo na ang araw niya dahil sa family portrait na iginuhit niya para kay Liyan at ang mga nakaabang ng mga future clients niya. Matapos ang halos forty-five minutes na biyahe ay nakarating si Miko sa kaniyang condo at sinuri muna ang kalagayan ng ina sa loob ng silid nito. Ganoon pa rin ito. Walang malay at nakaratay. Humihinga pa naman pero muling comatose ang katawan. Wala na rin naman siyang dapat ipag-alala dahil hawak na ni Liyan ang painting. Ang nilalang naman na iyon na ang bahala sa gagawin nito sa kaniya. "Malakas yata ang hatak mo ngayon, Miko. Mukhang marami kang nadagit na mga kliyente. Kailan mo sila tatawagan? Kailan ko sila matitikmang? Hindi na ako makapaghintay sa hatinggabi at uunahin ko ang kliyente mong si Liyan." Hindi pinansin o sinagot man lamang ni Miko ang mga bulong sa kaniya ng nilalang. May pakialam lang ito sa kaniya kapag may nangyari na namang masama sa kaniyang ina o sabik na sabik na naman itong makapatay ng buhay. Pumasok na lamang si Miko sa kaniyang silid at isa-isang tinanggal ang kaniyang mga damit sa katawan at hubo at hubad na tinungo ang banyo upang makapag-shower. ... SA CONDO na tinitirhan naman ni Liyan ay masaya itong nakauwi. Ingat na ingat niyang inilapag ang canvass sa sofa. Inayos niya muna ito bago tiningna ang cellphone kung nag-reply na si Miko. Pero kanina pa siya naghihintay ay wala man lamang isang text na galing sa pintor. Hindi naman importante sa dalaga ang reply nito dahil may souvenir naman siyang nakuha at iyon ay ang litrato nilang magkasamang dalawa sa Ayala Park Triangle Tiningnan niya ang photo gallery sa kaniyang cellphone at unti-unting humulma ang ngiti sa kaniyang labi. Saglit na naman itong kinilig nang makita ang kamay ng pintor na naka-akbay sa kaniya. Kulang na lang ay sumigaw siya nang malakas sa loob ng kaniyang condo. Soundproof naman ito kaya malaya siyang gawin ang nais niya, maging ang pagsigaw nang walang makakarinig sa kaniya. Itinabi niya ang cellphone at napatingin sa painting na iginuhit ng hinahangaan niyang pintor. Binuhat niya at muling niyakap. Ilang minuto rin ang tinagal ng yakap niyang iyon bago niya ito isinabit sa living room. Gusto niyang makita ito sa pinakasentrong bahagi ng condo niya, sa tuwing lalabas at papasok siya sa loob. Nang sa ganoon ay buhay na buhay pa rin sa alaala niya ang kaniyang kapatid at magulang. "Ayan, bagay na bagay talagang ilagay tayo rito sa gitna. I can see you na agad kapag papasok ako at lalabas ng condo ko. Makakapag-flying kiss pa ako sa inyo araw-araw. I miss you, Liyon, Mom, and Dad." Bago pa magtubig ang kaniyang mga mata ay tumalikod na si Liyan at pumasok sa kaniyang kuwarto upang makapag-shower. She needs to take a shower dahil sa init sa labas. Napaka-maalinsangan pa nang mag-travel siya pabalik sa kaniyang condo. Kaya a quick shower and a good rest would make her feel better. Walang kaalam-alam naman si Liyan na may isang itim na usok na pumasok mula sa nakabukas na terrace ng kaniyang condo at lumipad-lipad itong hinanap ang isang bagay. Nang makita ang pakay nito ay agad siyang pumasok doon sa family portrait at pansamantalang nagtago roon. "Dito lang muna ako hanggang pumatak ang hatinggabi. Magigising ang tatlong taong ito at sila na ang bahalang kumitil ng buhay ng natitira nilang pamilyang si Liyan." Humahagikgik pa ito nang mahina sa loob ng painting na iyon. Hindi naman siya naririnig ni Liyan dahil tuloy-tuloy naman ang pag-agos ng warm water mula sa shower ng kaniyang banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD