Ikadalawampu't Tatlong Kabanata: Sa Kamay Ng Yumaong Asawa

1007 Words
Matagal bago rumihestro sa utak ni Vlad ang mga nangyari sa kaniya. Nasa magandang panaginip siya kasama si Lala pero hindi niya inasahan ang pagbabagong-anyo nito at nang magising nga siya mula sa panaginip na iyon ay tumambad sa kaniya ang asawang nakasampa sa kaniya at sakal-sakal siya. Labis ang pagtataka nito. Doon lang din niya namalayang mahigpit na mahigpit pala ang pagkakasakal sa kaniya at naramdamang unti-unti na siyang nauubusan ng hininga. Pambihira din ang lakas nito dahil hindi normal para sa isang babae na manakal at malakas. Kaya, hindi niya agad matanggal-tanggal ang mga kamay nitong mahigpit na nakasakal sa kaniya. Walang inaksayang oras si Vlad kung hindi ang mag-isip ng paraan kung paano niya matatanggal ang kamay ng yumaong asawa. Wala yata sa matinong pag-iisip ito at nagawa siyang sakalin. Ang mas nakakapagtaka pa sa kaniya ay kung paanong nasa harapan na niya ngayon ang asawa. "Panaginip pa rin ba ito?" bulong niya sa isipan at kunot ang noong napapahawak na lamang sa kamay nito upang mabawasan ang pagkakasakal niya sa kaniyang leeg. "Papatayin kita! Mamamatay ka sa aking kamay!" Ang boses nito ay iba na rin sa dating tinig na kilalang-kilala niya. Ang mga mata nito ay pulang-pula na nababalutan ng maiitim na usok ang balintataw. Nag-aapoy ito sa galit na hindi niya maintindihan. "Mahal. Hindi ba at gusto mo akong makasama? Kaya oras na para sunduin ka!" Muli na naman itong nagwawala at lalo pang hinigpitan ang pagkakasakal sa kaniya. Naluluha na si Vlad nang mga oras na iyon sa kaniyang kama. Ang liwanag ng buwan ang tumutulong sa kaniya upang makita ang kabuuan ng asawang si Lala na nanggagalaiti sa galit. Napapapikit na lamang si Vlad at sinubukang puwersahin ang pagkakatanggal ng mga kamay nito. Kung kanina pagkadilat niya ay may hawak itong patalim, hindi na niya ito nakita pa dahil bigla itong nawala sa kaniyang mga kamay at dalawang kamay nito ang sumasakal sa kaniya. Kaya naman naisip ni Vlad na dinedemonyo na siya sa kaniyang silid. Kailangan na rin niyang matanggal ang mahigpit na mga kamay nito dahil unti-unti na rin niyang nararamdaman ang mga kuko nitong bumabaon sa kaniyang leeg. Nagbilang muna ng tatlong beses sa isipan si Vlad bago dumilat. At nang buksan ang mga mata ay pinuwersa ng kaniyang dalawang kamay ang pagkakasakal sa kaniya. Hindi niya gustong saktan ang mukha ng yumaong asawa pero nagawa niya at nahulog ito sa kama. Nanginginig pa ang mga kamay nito habang dahan-dahang gumagapang sa kama upang tingnan kung ano ang nangyari kay Lala. Nang kaniyang suriin ang magkabilang gilid ay wala na siyang makitang anino roon. Dahan-dahan din siyang bumaba upang buksan ang ilaw ng kuwarto. At nang makapa ang switch at na-i-on ang ilaw, isang matulis na bagay ang bumaon sa kaniyang tagiliran dahilan upang mapalingon siya sa sumaksak sa kaniya. "Hindi ba sabi ko sa iyo na isasama kita sa kung saan man ako ngayon, mahal?" Matatalim ang mga titig nito at ang hawak nitong patalim ay ginamit na naman niya upang tagain siya sa mata. Napahiyaw sa sakit si Vlad. Hindi pa nakuntento si Lala sa kaniya at ang kabilang mata na naman nito ang tinaga niya. Takip-takip ng dalawang kamay ang duguang mga mata habang umaatras naman sa harapan niya ang nakangiting si Lala. Dinig na dinig ni Vlad ang mala-demonyong halakhak nito pero hindi niya kayang idilat ang mga mata. Muli na namang gumalaw ang mga kamay ni Lala at hinawakan ito sa buhok niya at iniuntog nang limang beses sa pader ng kaniyang kuwarto. Pagkatapos untugin nang untugin ang mukha sa pader ay parang damit lang sa gaan nitong inihagis sa kama si Vlad. Habol pa rin ang hininga ni Vlad nang mga oras na iyon. Hindi pa nga siya nakaka-recover sa pagkakasakal, sa pagkakasaksak sa kaniyang tagiliran, at pagkakataga sa kaniyang dalawang mata, ay natikman naman niya ang paghagis sa kaniya sa kaniyang kama. Sinubukan nitong buhatin ang sarili upang tumayo pero isang mabigat na bagay ang dumagan sa kaniya. "Malapit na tayong magsama, mahal. Lulubusin ko na ang paghihirap mo ha?" Bumulong ito sa kaniyang tainga at naramdaman ang lima hanggang sampung beses na taga sa kaniyang likuran. Punong-puno na nang dugo ang kama ni Vlad. Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga ito mula sa kaniyang mga mata. Dumaloy din sa likuran nito ang mga dugong dulot ng saksak. Kahit tadtad na nga ito ng mga saksak ay pilit pa ring lumalaban si Vlad. Napansin ito ni Lala kaya umalis siya sa pagkakadagan sa kaniya at pinatihaya ito. "Tikman mo ang huling talim na tutusok sa iyong puso, Vlad. Makakasamam na rin kita sa kabilang buhay, mahal ko!" Malakas ang pagkakabaon ng patalim na iyon sa dibdib ni Vlad. Ibinaon pa niya ito nang ibinaon hanggang sa umabot ang tulis nito sa puso ni Vlad. Hindi napansin ni Lala ang huling patak ng mga luha sa mata nito. Hinugot ni Lala ang punyal at muling ibinaon iyon. Halos tatlong beses niyang ginawa iyon hanggang sa tuluyan na ngang tumigil ang pagtibok ng kaniyang puso. "Magaling, Lala. Maaari ka nang bumalik sa loob ng painting. Ako na ang bahala sa kaniya." Ang kaninang itim na usok ay biglang lumitaw sa wala nang buhay na si Vlad. Kontrolado nito si Lala at siya rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng masayang panaginip muna si Vlad bago niya ito pinaslang. "Nakakaawa ang iyong kalagayan, Vlad. Matagal mo na ring gustong makita ang iyong asawa, hindi ba? Kaya tama lamang ang mga ginawa niya upang maisakatuparan ang iyong hiling. Hanapin mo na lamang siya sa kabilang buhay, Vlad." Hindi na nag-aksaya pa nang oras ang nilalang na iyon. Tumayo siya sa harapan ng canvass at ibinuka ang bibig nito. Unti-unti niyang hinigop ang larawang iyon hanggang sa mawala na itong tuluyang nakasabit sa pader. Pinatay niya muna ang liwanag sa silid na iyon at makalipas ang ilang segundo ay bumalik ito sa pagiging usok at dumaan sa nakabukas na bintana upang pansamantalang lisanin ang lugar ni Vlad at bumalik sa condo ni Miko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD