Kabanata Nuwebe: Pangalawang Kalaban sa Gororiya

1500 Words
Sa Kagubatan ng Gororiya “Mag-isa ka yata rito, prinsipe Ulay?” tanong sa kaniya ng isang kauri niyang nasa anyong gorilla. Nakangiti ito sa kaniya. Tinititigan lang ni Ulay ito nang may pagtataka. Tila kinikilatis kung sino siya sa noong tao pa sila. Dahil nga hindi niya ito maalala, magalang itong nagtanong. Nasa maliit na batis kasi siya at nagpapahinga. Inaalala ang mga napag-usapan ng kaniyang amang hari at reyna. Narinig kasi niya ang dalawa habang nagpapahinga siya. Nagkunwari lang naman itong natutulog. Pero ang totoo ay hindi siya makaidlip. “Paumanhin, pero hindi kita matandaan. Sino ka sa aming kaharian?” aniya. Nakangiti pa rin ito sa kaniya habang siya ay nagtataka na. Napakamot pa siya sa ulo. Hindi kasi alam ang magiging isasagot pagkat hindi niya ito nakikilala. “Mahal na prinsipe, paumanhin sa abalang aking ginawa sa iyong pamamahinga. Nakaligtaan kong hindi mo pala ako nakikilala. Ang pangalan ko po nga pala ay si Aurora. Anak po ako ng isa sa inyong tagasilbi,” paliwanag at pagpapakilala niya. “Hindi ka naman nakakaabala. Hindi ko lang kasi matandaan ang iyong pangalan. Kung anak ka nga ng isa sa aming tagasilbi, makikilala kita. Ang mali lang kasi pare-pareho ang ating mga mukha sa anyong unggoy at gorilla,” sagot naman nito at ibinaling ang tingin sa mala-kristal at salaming lamig ng tubig. “Naiintindihan ko po. Nagbabakasakali lang po naman akong makausap po kayo at maging kaibigan. Kung mamarapatin po ninyong magkaroon ng isa,” yumuko ito at tila halatang nahihiya na kinikilig. “Ganoon ba? Maaari naman, Aurora. Ulay nga pala,” sagot nito at inilahad ang kanang kamay. Gusto lang naman niyang pormal na magpakilala rito. Gulat naman at hindi makapaniwala si Aurora sa ginawa ng prinsipe. “Paumanhin, prinsipe. Ang pakikipagkamay mula sa inyo ay napakalaking kasalanan po sa aming inyong mga tagasilbi. Hindi ko po iyan matatanggap.” Iling ito nang iling. Napapaatras pa ito nang bahagya sa prinsipe. “Huwag ka nang mahiya,” kusang kinuha ni Ulay ang kamay nito at nakipagkamay. “Hindi tayo tao, Auroroa. Mga malalaking hayop tayo at pantay-pantay tayo rito. Kahit naman noong nasa anyong tao ako ay hindi ko itinuring na ibang tao ang mga tagasilbi sa kaharian natin. Iyan ang iyong pakatandaan, Aurora. At isa pa, gusto mong magin magkaibigan tayo, hindi ba?” Nginitian niya ito at ipinaliwanag ang kahalagahan ng isang pantay na pakikitungo sa lahat, nasa anyong tao man sila o hindi. Tila natauhan naman si Auroro at naalala ngang siya pala ang humingi ng permiso sa prinsipe na maging magkaibigan. Naging pormal lang ito sa harapan niya. “Maaari ka nang umupo sa aking tabi, Aurora. Huwag kang mahiya. Wala kang dapat na ikahiya sa akin. Tandaan mo lamang ang mga sinabi ko dahil kung si amang hari at inang reyna ang kausap mo ay itutuwid ka sa iyong mga tinuran,” muling paalala sa kaniya ng prinsipe. Nahihiya namang sumunod sa utos si Aurora. “Paumanhing muli, prinsipe Ulay,” paghihingi ulit nito ng paumanhin. Lihim na lang na natatawa si Ulay sa paulit-ulit na paghihingi nito ng paumanhin. “Kung hindi ka titigil sa paghihingi ng paumanhin, itatapon kita sa malayo. Sa malayong-malayo,” binigyan niya ito ng isang nakakatakot na tingin. Pero panandalian lamang iyon nang makita ang takot sa mukha ni Aurora. “Biro lang.” Nakahinga naman nang maluwag si Aurora at hindi na muli pang nagtanong pa. Sinabayan niya ang pagtatampisaw ng mga paa nito sa tubig habang parehong nananahimik ang dalawa. Tanging lagaslas at agos ng mga tubig lamang ang naririnig ng dalawa. Isama pa ang mga huni ng ibon sa kagubatang iyon. Pero dahil ayaw ni Ulay ng nakabibinging katahimikan. “Anong libangan mo pala noong tao pa tayo?” binasag ni Ulay ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “Lihim na humahanga sa iyo este katulong po ng nanay sa kusina, prinsipe,” sagot nito pero hindi nakaligtas sa malakas na pandinig ni Ulay ang unang salitang binanggit nito. Napailing na lamang ito at ngumiti. Iwinaksi na lamang ni Ulay ang sinabi nito at magtatanong pa sana nang maramdaman nilang pareho ni Aurora ang paggalaw ng tubig sa batis at pagyanig ng lupa. Mabilis na tumayo si Ulay at hinawakan si Aurora. Tumayo na rin ang dalaga at nakiramdam sa paligid nila. Parehong tinalasan ng dalawa ang kanilang pandama hanggang sa... “Mahal na prinsipe, umilag ka!” Naitulak ni Aurora si Ulay at nagulat nang makita ang kalmot ng sa likuran nito. “Kumusta ka, Aurora?” nag-aalalang tanong ni Ulay. Hindi sumagot ang huli dahil alam niyang kumikirot ang likuran nito sa kalmot. At nang tingnan ay napansin nga nito ang malaking hiwa ng kuko mula sa isang mabangis na hayop na hindi niya alam kung saan ito nagmula. Isang malaki at mabangis na tigre ang kaharapa nilang dalawa ngayon. Gustuhin mang protektahan ni Ulay si Aurora ay hindi niya magawa. Nabahag na naman ang buntot nito. Napansin naman ni Aurora ang takot ng prinsipe at naalala ang sinabi ng reyna sa kaniya kanina. Ipinatawag siya ng reyna at binilinan na bantayan ang prinsipe na natutulog. Sumaglit lang ito kanina para kumuha ng pagkain sana nang mawala ito sa paningin. Sinabihan din ito na kapag nawala ang prinsipe, sa paboritong batis nila ng reyna ang punta nito. “Ibibilin ko ang prinsipe muna sa iyo, Aurora. Nagpapahinga lang siya. Kapag nawala siya sa iyong paningin, sa batis mo na lang siya puntahan. Anu't anuman ang mangyari, kailangan mong protektahan ang prinsipe. Naiintindihan mo?” Naalala ni Aurora ang bilin ng reyna. Dahil may kalayuan ang batis mula sa sentro ng kagubatan ng Gororiya, hinding-hindi siya makakahingi ng tulong. Kailangan niyang iasa ang kaligtasan nilang pareho sa kaniyang sarili. Pinilit na tumayo ni Aurora. Takang-taka naman ang prinsipe sa ikinikilos niya. Sinubukan niyang pigilan ito pero nakikita na niya ang matatalim na titig nito sa harapan ng nagngangalit at handa nang lumapa ulit na malaking tigre sa harapan nila. “Aurora? Huwag mong babalaking—” hindi natapos ni Ulay ang kaniyang sasabihin dahil mabilis na lumundag si Aurora sa harapan ng tigre at nakipaglaban ito gamit lamang ang kaniyang mga malalaking kamay. Kahit anong pagbubuno nito sa tigre ay nasusugatan lamang si Aurora. Nang makita ito ni Ulay na malakas na sumigaw nang kagatin ng malaking tigre, biglang nagising ang galit sa kaniyang katawan. Wala na itong takot na hinuli ang buntot ng malaking tigre at pinaikot nang pinaikot ito. HIndi pa rin nito binitiwan ang buntot dahil hindi pa siya kuntento sa ginagawa. Inihampas niya ang katawan ng malaking tigre sa katawan ng malalaking puno at sa lupa. Nang ihagis niya ito sa isang malaking puno, kitang-kita ang pagkahilo ng malaking tigre. Kahit na sugatan at nanghihina naman, nasaksihan pa rin ni Aurora ang ginagawa ni Ulay. Ang inakala niyang matatakuting prinsipe at poprotektahan ay ito pa ang pumoprotekta sa kaniya. Kanina pa ito napapasuntok sa kaniyang dibdib at sa lupa upang ipakita sa malaking tigre na mali ang kinalaban niyang hayop. Ngunit, mas ikinagulat niya nang mabilis itong nagtungo sa nahihilo pang tigre at hinawakan ang magkabilang bunganga nito. Kahit na matatalim ang ngipin ng tigre at panay ang kalmot ng mga kuko nito sa katawan at mukha ni Ulay, tuloy-tuloy pa rin ito sa pagbabali ng bunganga ng tigre. At nagtagumpay nga ito sa kaniyang ginawa dahil nabali niya ang bunganga ng tigre. Nag-iingay pa rin ito at nagsusuntok sa kaniyang dibdib habang inaapakan ang wala nang buhay na malaking tigre. Ngunit nang dumako ang paningin niya sa sugatang si Aurora, doon na tumigil si Ulay at sa isang iglap, pumikit ang mga mata nito, natumba, at nawalan nang malay. Napagapang tuloy nang wala sa oras ang sugatan at nanghihinang si Aurora. Saktong nakalapit siya sa nakahandusay na si Ulay nang dumating ang hari at reyna. Nakita nito ang nangyari kina Aurora at Ulay. “Paumanhin, mahal na hari, at reyna. Hindi ko po naprotektahan si prinsipe—” Hindi natapos ni Aurora ang sasabihin dahil bumigay na ang katawan nito at sa harapan nina haring Yalu at reyna Aliya, nawalan ito ng malay. ... “Nakakainis ka na talaga, Ulay! Hindi mo na nga ako pinagbigyang maging kabiyak mo, napapatay mo pa ang mga alaga ko! Hinding-hindi kita titigilan!” Inis na inis. Gigil na gigil. Galit na galit. Nanggagalaiti. Iyan ang makikitang ekspresyon sa mukha ni Helya. Inip na inip na kasi itong nang gabing iyon dahil matagal pa bago sumapit ang umaga. Gustong-gusto na kasi niyang simulang ang pang-aakit at panghuhuli ng mga kalalakihang gagawin niyang alipin sa kaharian ng Bahaghari. Ngunit, dismayado siya dahil natalo na naman ang tigreng ipinanlaban niya kay Ulay. Kaya ganoon na lamang kung umibwal ang kaniyang galit sa loob nang walang kahit na sinong nakakarinig o mapagbubuntungan niya. “Hinding-hindi kita tatantanan, Ulay. Kayong limangdaan ay uubusin ko sa Gororiya. Hinding-hindi ko hahayaang may makakaligtas sa inyo at makababalik pa sa anyong tao! Hinding-hindi, Ulay! Hinding-hindi!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD