Kabanata Sais: Ang Paglusob ng Kalaban sa Karbo

1460 Words
Sa Nakalipas na Limangdaang Taon, Sa Mundo ng Elementu, Karbo, Elementu Sa nakalipas na limangdaang taon, dumating na nga ang araw na kinatatakutan ng matandang engkantado. Isang hindi inaasahang bisita ang nakapasok sa lupain ng Elementu, at isa-isang nilusob ang mga bayan ng Karbo, Auru, Beryl, Sixila, at Perrue. At ang unang hinintuan ng mga ito ay ang bayan ng Karbo, kung saan namumuno na ang limangdaang taong si Diyamande. Pero bago pa man makarating sa Karbo ang mga ito, niligaw sila ng kapangyarihan ng nagbabantay dito. “Kanina pa tayo paikot-ikot dito. Bumabalik lang tayo sa kung saan tayo pinadala ni Helya,” reklamo ni Giginto. “Gutom na ako. Kailangan kong kumain ng mga bato,” aniya naman ni Vatu. “Baligtad yata kayo ni Giginto. Hindi ba dapat ay siya ang mahilig kumain ng mga bato at hindi ikaw?” singit naman ni Bulcan nang marinig ang mga hinaing ng dalawa. “Wala man lamang direksyong binigay sa atin ng mangkukulam na iyon kung saan ang Karbo, Bulcan. Sirain ko na lang kaya ang daan nang makita natin kung saan natin makikita ang bayan ng Karbo,” hihipan na sana ni Bagyo ang daraanan nila sa kanilang harapan nang basain siya ni Ururu. “Ang iingay ninyo. Ayan, nilunod ko na lang ang daanan,” inis namang sabi ni Ururu at gumawa na ng paraan nang hindi nagtatanong o humihingi ng permiso kay Bulcan. Si Bulcan ang inatasang maging pinuno ng mga halimaw ni Helya. Bago sila ipadala sa lupain ng Elementu upang nakawin ang mga bato ay inutusan siyang gabayan ang mga kasama pagkat si Bulcan lamang ang may matitinong pag-iisip na halimaw at may mahabang pasensya. “May magagawa pa ba tayo? Hayun, nakikita ko na ang Karbo. Pero bago tayo pumaroon, may nais lamang akong sabihin.” Humarap si Bulcan sa apat. Seryoso ang mukha nito at ipinagpatuloy ang sasabihin. “Akin ang Karbo. Ako ang dapat na papatay sa kung sinuman ang pinunong naroon. Kayo na ang bahala sa iba kapag nalaman na natin kung sino ang pinuno at kung saan ang bato ng apoy, ang pulang diyamente. Naiintindihan ba ninyo?” Walang may sumagot pero nakita niya ang pagtango ni Ururu at Giginto. Ganoon din si Bagyo pero inirapan lang siya ni Vatu nang mga oras na iyon. Dahil sa mga nakitang sa mga ito ay nagbigay na ng hudyat si Bulcan na magpatuloy sila sa bayan ng Karbo. SA BAYAN ng Karbo ay tila natigil ang kasiyahan at tahimik na pamumuhay ng mga ito. Nakita kasi nilang parang may umapaw na tubig sa hindi kalayuan sa kanilang bayan at basang-basa naman ang lupang kinatatayuan ngayon ng mga ito. Si Diyamande naman ay hindi mapakali pagkat naalala niya ang sinabi sa kanila noon sa tuktok ng bundok ng Elementu na pagdating ng limangdaang taon ay may bibisita sa kanilang kalaban at iyon na marahil ang hudyat upang protektahan niya ang kanilang bayan at ang nasa katawan niyang pulang diyamenteng limangdaang taon din niyang iningatan nang hindi alam ng kaniyang mga kababayan. “Magsilikas ang lahat at magtungo sa tuktok ng bundok ng Elementu. Ngayon din!” utos at malakas na sigaw ni Diyamande nang makitang papalapit na ang kalaban. Tanaw na tanaw na niya ito. “Ang mga babae at mga bata lamang ang magsisilikas, Diyamande. Kaming mga lalaki ay maiiwan dito upang tulungan ka sa kung sinuman ang paparating sa ating bayan,” suhestyun ng isa sa mga kasama niya. Hindi ito tumingin para sumagot sa kasama pero tumango lamang ito habang tinitingnan ang nalalapit nang mukha ng mga kalaban. “Bilisan ninyo at paparating na sila!” Binilisan ng mga Karbona (tawaga sa mga taong nakatira sa bayan ng Karbo) ang paglalakad. Ang mga babae lamang at mga bata ang nagmamadaling umalis sa bayan upang tumakbo patungo sa tuktok ng Elementu. Saktong dumating na nga ang mga halimaw sa Karbo ay nakaalis na rin ang mga Karbona. Ito naman ang napansin agad nina Bulcan at ang tanging taong nakita lamang niyang nakatayo sa harapan nila ay puro mga lalaki lang. “Natimbrehan ba natin sila?” tanong agad ni Giginto nang makita ang sampung katao sa harapan nila. “Ikaw ba ang pinuno ng Karbo?” matikas at taas-noong tanong ni Bulcan nang mga sandaling iyon. “Ako nga? Sino kayo at bakit kayo nandito sa bayan ng Karbo?” maotoridad ding tanong ni Diyamande sa mga halimaw na nagsasalita sa kaniyang harapan. “Ikaw ba ang pinuno? Nasaan ang pulang diyamanteng pinangangalagaan ng bayang ito? Nasa iyo ba?” sunod-sunod na mga tanong ang pinakawalan ni Bulcan kay Diyamande na hindi pa nagpapakilala. Ikinagulat naman iyon ng mga kasama ni Diyamande at lahat ay tumingin sa kaniya upang malaman kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ng halimaw na nasa harapan nila. “Anong pulang diyamante ang sinasabi niya, Diyamande? Ikaw ang pinuno naman at may karapatan kaming malaman kung ano ang tinutukoy nila?” nangungusap ang mata ng mga kasama niya. Gustong malaman ng mga ito ang sagot. Ngunit, imbes na sagutin ang tanong ng mga kasama, matapang na nagpakilala si Diyamande sa kanila. “Ako ang pinuno ng bayan ng Karbo. Kung ang pulang diyamante ang kailangan ninyo, kailangan muna ninyo akong mapatay bago mo makuha ang batong nasa loob ng aking katawan!” Gulat na gulat ang mga kasama ni Diyamande sa mga nasabi nito. Napangiti naman si Bulcan matapos ngang magpakilala ito sa kaniya at sinabing nasa katawan nito ang pulang diyamente. “Ang pulang diyamante ang pakay namin, kaya walang sinuman ang makakapigil sa amin para makuha ito sa iyo. Kung kailangan kong buksan ang katawan mo at patayin makuha lang ang diyamante, mas masaya. Matutuwa sa amin ang aming pinunong si Helya!” Humalakhak ito sa harapan nina Diyamande. Natigil lamang iyon nang sirain ni Bagyo ang pagsasaya niya. “Boom! Tanggal na ang isa. May walo pang nakatayo,” anito at hindi man lamang nilingon ang nagliliyab ng si Bulcan. Napailing na lamang ang iba pang kasama sa ginawa nito at hindi na umimik. Naghintay na lamang ito ng hudyat mula sa pinuno nila. Nang makita ni Bagyo na walang natutuwa sa kaniyang ginawa, sarkastiko itong humingi ng paumanhin. “Siya, paumanhin sa aking inasal.” “Ako lang ang pakay ninyo, hindi ba? Ako na lang harapin ninyo!” muling nagsalita si Diyamande upang hindi na galawin ang iba pang kasama niya. “Kung papayag ang mga kasama kung hindi sila gagalawin, mananatili silang nakatayo riyan at manonood lamang. Papayag ba kayo, Giginto, Ururu, Bagyo, at Vatu?” tanong ni Bulcan sa kaniyang kasama. “Kating-kati na ang mga kamay kong pumaslang...” si Bagyo ang unang sumagot. “sa pangalawang pagkakataon.” “Gutom na ako, Bulcan,” hindi na nakasagot ang dalawang sina Ururu at Giginto nang magsalita si Vatu. Naging dahilan na lamang iyon ng pagkainis ng iba pa. “Kung gusto nilang kalabanin ka, poprotektahan ka namin, Diyamande!” nagpakita ng pagiging responsable ang sagot ng kaniyang kasama nang mga oras na iyon. Na ikinatuwa naman at dumagdag ng tiwala sa kaniyang sarili. “Kung ganoon, para sa Karbo, hindi tayo patatalo!” malakas ang sigaw ni Diyamande. Matatalim na rin ang mga matang ipinupukol ng mga ito kina Bulcan. Ginantihan na rin ng nagliliyab na mga mata at pangil ang mga Karbona ng mga kasamahan nito. At ang sumunod na nangyari ay lumikha ng ingay sa lupain ng Elementu. Dahil sa pangyayaring iyon, sinadya ng matandang engkantado na ikulong sa mismong Karbo lamang ang labanan na iyon at hinayaang makaalis ang mga babae at batang mga Karbona na makarating sa tuktok ng bundok upang doon magtago. Kahit alam na ng engkantado ang mangyayari kay Diyamande ay hinayaan niyang lumaban ito nang patas sa kalaban. Alam din niyang pagkatapos ng labanang iyon ay magtutungo na naman ang mga ito sa susunod nilang pakay— ang kanlurang bahagi ng Elementu, ang bayan ng kulay gintong mga bagay, ang Arum. Makakalaban naman ni Auru si Giginto. Ganoon din ang ibang sina Ururu na makakasagupa naman si Aquarina sa karagatan ng Beryl; kalabanin ni Shila si Bagyo; at ang panghuli ay ang pinakamabait sa lahat at mapagmahal na si Feru, sa bayan. “Nagsimula na ang panganib sa Elementu. Nag-uumpisa na rin ang sagupaan sa pagitan ni Diyamande at ni Bulcan. Mapagtagumpayan man o hindi ng aking mga sugo ang kanilang misyon, darating pa rin ang tagapagligtas pagkatapos ng limangdaang taon.” Ang mga katagang iyon ay winika ng engkantando. Nasa tuktok siya ng bundok ng Elementu at naghihintay sa una niyang bisitang aakyat— ang mga Karbona. Pero habang hindi pa ito dumarating ay panonoorin muna niya ang kasisimula pa lamang na labanan sa pagitan ni Diyamande at Bulcan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD