Kabanata Singko: Si Ulay at ang Dambuhalang mga Ahas

1517 Words
Kagubatan ng Gororiya Ulay's Point of View Takot na takot pa rin ako. Nasa anyong unggoy pa rin kaming lahat dito sa kagubatan ng Gororiya. Nakayakap sa akin nang mahigpit ang nanghihina kong ina habang pinagmamasdan namin ang pakikipaglaban ng aking amang haring si Yalu at ang mga Bahagharian. Bahagharian ang tawag sa mga sakop ng aming maliit na kaharian. Kahit nasa anyong unggoy kami ay mahal pa rin nila ang pamumuno ng aking ama. Ang ilan sa mga ito ay galit lang sa akin. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko kung paano nakipaglaban ang aking ina gamit lamang ang kaniyang mga malalaking kamay at katawang pang-depensa para maprotektahan ako. Lalo lamang akong kinabahan at nilamon ng takot nang makita ang tatlong malalaking dambuhalang ahas na hindi ko alam kung paanong sumulpot ang mga ito at basta na lamang kaming pinuntirya bilang pagkain ng unang ahas na kinalaban ng aking inang reyna Aliya. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot nang makita ang ahas na iyong inaatake kami kanina. Mabilis ang mga galaw ng kamay ng aking inang reyna at naprotektahan niya ako habang ako naman ay natumba lang sa isang tabi kanina at hindi alam ang gagawin. Ngayon namang yakap-yakap ako ng aking ina, napatingin ako sa kalagayan niyang pilit na ipinupulupot ang kamay sa aking katawan. “Yalu! Mag-iingat kayo!” sigaw nito at naibaling ko ang aking tingin sa aking ama. Kung hindi ako nagkakamali ang mga sumunod sa kaniya ay dating mga sundalo ng aming kaharian sa Bahaghari. Hindi lumingon ang aking ama. Bagkus, tuloy lang ito sa pag-atake sa mga dambuhalang ahas. Dalawang malalaking unggoy na lahi ng mga gorilla kung titingnan ang aming buong hitsura at katawan. Kaya siguro tinawag na Gororiya ni Helya ang lugar dahil itinakda nga marahil kaming isumpa ng babaeng iyon dito sa kagubatang ito. “Yalu!” muling sigaw ng aking inang reyna. Napayakap ako nang mahigpit nang makita ang pgagtilapon ng aking ama, hindi kalayuan sa direksyon naming dalawa. Napabitaw ang aking ina sa pagkakayakap sa akin at mabilis na nagtungo sa nanghihinang katawan ng aking ama. Mabilis din ang pagkilos ng isang dambuhalang ahas patungo sa kinaroroonan nila pero mabuti na lamang at may isang pumagitna upang depensahan ang aking amang hari at reyna. Ngunit, kagaya ng nangyari sa aking ama, isang malakas na hampas gamit ang buntot nito ang nagpatilapon sa isang malaking gorilla na pumrotekta sa aking ama at ina. Muling pumagitna ang iba pang nakikipaglaban sa dalawa pang dambuhalang ahas nang makita ang nangyayari sa hari at reyna. Subalit, sa kasamaang palad pare-pareho ang sinapit ng mga ito kagaya ng nangyari sa kaniyang ama. Kahit nanghihina at sugatan ang mga ito ay tinangka pa rin nilang pumagitna sa aking ama at ina para protektahan ang mga ito. Ngunit natuklaw lamang ang mga ito. Nang mapansin kong paralisado na ang mga ito at hindi makakilos ay doon na lalong lumakas ang t***k ng dibdib. “Ako na ang bahala, Aliya. Bumalik ka kay Ulay,” dinig kong protesta ng aking ama at pilit na ibinabangon ang sarili at pinapaalis na ito ay hindi pumayag ang aking ina. “Kaya ko pa, Yalu,” aniya. “Aliya?!” matigas ang ulo ng aking ina. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na narinig ko ang pagtaas ng boses niya. “Ang mga babae ay hindi lang isinilang upang maging kabiyak. Upang umupo sa katabing trono ng isang hari. Upang maging paanakan. Upang maging tagasilbi at tagapangalaga ng sanggol. Ang babae ay ipinanganak upang maging tagapagtanggol din ng kaniyang asawa at anak sa oras ng matinding labanan. Nawa ay naintindihan mo ang ibig kong sabihin, Yalu.” Ang mga salitang iyon ang nagpa-unawa sa isipan ko. Ipinaiintindi nito sa aking puso at isipan ang kahalagahan ng pagmamahal ng ina at ng ama para protektahan hindi lamang ang kaniyang mga anak, kung hindi pati na rin ang mga sakop nito, kahit noong mga tao pa lamang kami. Nakaangat na ang ulo ng tatlong dambuhalang ahas sa harapan nilang lahat. Nakahanda na rin ang aking inang reyna at nakatayo na rin sa tabi nito ang aking amang hari para proteksyunan ako at ang mga sugatan. Nang mga sandaling iyon ay nagtatalo ang aking isipan. Hindi ako mapakali. Gusto kong tumulong pero naroon pa rin ang takot. Pero dahil sa mga narinig ko mula sa aking inang reyna at amang hari ay nakaramdam ako ng kakaibang galit. Iwinaksi ko sa aking isipan ang takot na nararamdaman ko dahil nasa panganib ang aking mga mahal sa buhay. Tumayo ako at kinontrol ang pangangatog ng aking malalaking paa. At nang makita ang sabay-sabay na paggapang ng tatlong dambuhalang ahas patungo sa aking ama at ina, wala na akong inaksayang oras. Mabilis akong lumundag at hindi pinansin ang mga ekspresyon sa mukha ng aking magulang. Inihanda ko na rin ang malalaking kamao ko upang isa-isang suntukin ang mga ulo ng dambuhalang mga ahas. Nang tumalon ako sa harapan ng aking amang hari at inang reyna, walang anumang imik ang mga ito. Abala ako sa pagsuntok at pagsasakal mag-isa lang sa mga dambuhalang ahas. Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng lakas at tapang para ipakita sa mga dambuhalang ahas na iyon na mali sila ng kinalaban. Dahil mabibilis ang mga galaw ng mga dambuhalang iyon ay binilisan ko rin ang paghuli sa kanila isa-isa. Gamit ang aking lakas ay nakita nila kung paano ako sumigaw nang pagkalakas-lakas at hinawakan sa malaking bunganga nito ang isang ahas at buong puwersang binale ang ulo nito. Mabilis ko itong binitiwan nang may isa pang dambuhalang tutuklaw sana sa akin Nahawakan ko ang buntot nito at kaliwa at kanan kong pinaghahampas ang ulo sa katawan ng malalaking kahoy. Nang hilong-hilo ito ay ginawa ko ring balian ang bunganga nito. “Isang dambuhala na lang ang natira, Yalu. Hahayaan ba nating ang anak lang nating si Ulay ang tumapos?” bulong ni reyna Aliya sa asawa at naintindihan naman nito ang ibig sabihin. “Tama ka. Atin na lamang ang huling dambuhalang ahas na iyan, Aliya. Kaya na natin iyan kahit tayong dalawa na lamang. Kung nandito lamang ang aking espada ay naputol ko na ang ulo niyan. Tara?” sagot ni Yalu at ngumiti sa asawa. Isang matamis na ngiti ang iginawad ng reyna at sabay pa ang mga itong tumango. ... Nang makitang kaharap ng huling dambuhalang ahas na iyon si Ulay na hingal na hingal na at kitang-kita na rin ang pagod, ininda ng hari at reyna ang sakit at mabilis na hinuli ang buntot nito at magkasabay na hinila palayo kay Ulay. Nakahawak pa rin sa buntot si Yalu habang si Aliya naman ay suntok nang suntok sa ulo ng dambuhala. Muling hinila ni Yalu ang buntot nito at ginaya ang ginawa ni Ulay. Inihampas nito ang ulo kaliwa at kanan sa katawan ng malalaking puno at ang huling halakhak ay napunta sa reyna nang siya naman ang bumali ng bunganga ng huling dambuhalang ahas na kanilang kinalaban. Nasaksihan ni Ulay ang ginawa ng kaniyang amang hari at inang reyna. Napangiti ito nang tinapos na ng mga ito ang huling laban sa huling dambuhalang ahas. Nakangiti pa rin ito hanggang sa matumba ito at mawalan nang malay. “Ulay!” sabay-sabay pang tinawag nina haring Yalu at reyna Aliya ang pangalan ng anak at mabilis na pinuntahan ang nakahandusay na katawan. ... GIGIL NA GIGIL naman at inis na inis si Helya nang makita ang sinapit ng mga galamay nito mula sa kamay ng mga gorilla na kaniyang isinumpa. Hindi niya inakalang magagawa iyon ni Ulay. Matapang din ang hari at reyna maging ang mga sundalo nito sa pagprotekta sa kanila. “Hindi ako makapapayag! Hinding-hindi ko pahihintulutang mamuhay kayo as Gororiya nang tahimik, Ulay! Nagtagumpay kayo ngayon pero hindi sa susunod pang mga patibong at atakeng gagawin ko upang hindi na kayo bumalik sa pagiging isang tao. Kapag namatay na kayo, akin na ang buong Bahaghari!” Dumadagundong ang boses ni Helya as bulwagan, sa harapan ng trono ng kaharian ng Bahaghari na ninakaw lang naman niya at isinumpa ang mga taong maging unggoy at malaking Gorilla. Galit na galit itong inalis ang nakalutang na salamin sa harapan at tumayo mula sa tronong kinauupuan. Habang nakapamaywang itong naglalakad sa bulwagan ay naalala niyang wala na pala siyang puwedeng tawaging mga tagasilbi na mga tao para tawagin niya at dalhan siya ng makakain. Lalo tuloy itong nanggigil nang malamang wala man lamang pala siyang mapag-utusan. Ni sundalo o guwardiya ay wala siyang makita. Napagtanto niyang mali ang ginawa niyang isumpa ang limangdaang tao sa kagubatan ng Gororiya. “Sino ang tatawagin at pagbubuntungan ko ng galit dito sa maliit na kahariang ito kung wala akong mapapagalitan?” Dahil sa isiping iyon ay may naiisip na paraan si Helya. Kailangan niyang mang-akit ng mga lalaki sa mundo ng Elementu at dalhin ang mga ito sa kaharian ng Bahaghari upang gawing tagasilbi niya. Gagamit niya ang kapangyarihan niya upang gumawa ng gayuma para sa sarili. Isang gayumang gagawin siyang maganda sa umaga upang mang-akit at babalik sa pagiging isang pangit na mangkukulam kapag gabi naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD