Kabanata Siyete: Kapangyarihan O Kakayahan?

1635 Words
Sa Kagubatan Ng Gororiya Ulay's Point of View “Ulay? Ulay? Ulay!” Kanina pa ako walang malay. Kanina ko pa naririnig ang mga pagtawag sa akin pero tila ayaw ko pang gumising o buksan ang aking mga mata. Naaalala ko pa kasi ang sagupaan ng aking inang reyna at amang hari sa malalaking dambuhalang iyon. Ngunit dahil alam kong nag-aalala na sila sa akin ay dumilat na ako. Tama nga ang hinala ko dahil nakita ko ang aking ina nakaupo habang ako naman ay nakahiga sa kaniya. “Mahabaging langit, salamat kay Bathala at nagising ka na, Ulay,” naiiyak na bati ng inang reyna sa akin. “Gising na ang prinsipe! Gising na si Prinsipe Ulay!” dinig kong pag-uulit ng isa sa aming mga kawal sa aking pangalan. Bumangon ako upang hindi na sila mag-aalala. Pero ramdam ko ang bigat at sakit ng aking ulo. Napahawak pa ako rito habang inaalalayan ako ng aking inang reyna. “Salamat sa pagliligtas sa amin, anak. Hindi namin inasahan ang iyong kakayahan at lakas,” masiglang komento ng ama sa akin. Pero sa kasuluk-sulukan ng mga mata nito ay nakikita ko rin kung gaano siya nag-alala sa akin. “Ano ba ang nangyari sa iyo, Ulay at tila nagkaroon ka ng lakas at tapang para harapin ang mga dambuhalang ahas na iyon ng ikaw lang?” nakangiti namang tanong ng aking inang reyna. Kagaya ng nakikita ko sa aking ama, ganoon rin ang pakiramdam kong mas nag-alala ang aking ina dahil kami ang magkasamang namulot ng mga isisigang mga kahoy. Hindi ko muna sinagot ang mga katanungan nila. Iginala ko pa ang aking mga mata at nakita ang mga grupo pa ng mga unggoy at gorilla na nasa aming harapan. Huli ko nang napagtantong nasa sentro na pala kami ng kagubatan ng Gororiya. Bigla tuloy akong nahiya nang makita kong nakatingin silang lahat sa akin. Naghihintay marahil ang mga ito ng aking sagot sa tanong ng aking inang reyna. Dahil sa tanong na iyon ay pinilit kog alalahanin ang mga nangyari. Napapailing pa ako para lang ipaalam sa kanilang wala akong maalala. Totoo naman dahil wala nga talaga akong maalala sa mga huling nangyari. Ang tanging alam ko lamang ay nasa bingit na ng kamatayan ang aking ama hari at inang reyna. “Paumanhin, amang hari, inang reyna. Wala po akong matandaan na niligtas ko kayo. Ang huli ko pong naalala ay kayo ang nasa panganib. Na kayo ang nasa bingit ng kamatayan. Na ibinuwis ninyo ang inyong mga buhay kasama ng ating matatapang na kawal para protektahan ako. Paumanhin po, ama, ina.” Napayuko ako. Pagkatapos kong sabihin ang mga iyon ay hindi ako tumingin sa kanila. Pero ramdam kong napansin ng aking ama at ina ang aking pananamlay at narinig ang isa sa kanilang inutusan ang mga nasa harapang magsibalik na muna sa kani-kanilang mga tahanan. “Pagod lamang ang prinsipe. Maaari na muna kayong bumalik sa inyong mga tahanan,” ani ng inang reyna. “Bigyan po sana muna natin ng pagkakataong makapagpahinga pa ang ating prinsipe. Mainam nang makita ninyong nasa mabuti na siyang kalagayan. Maraming salamat sa pagpapakita ng suporta at pag-aalala sa aming lahat. Kami ay taos-pusong nagpapasalamat,” utos naman ng aking amang hari. Hindi pa rin ako tumingin. Hindi ko pa rin inangat ang aking ulo. Nahihiya pa rin ako na natatakot. Ewan ko ba kung bakit bumalik na naman ako sa ganitong pakiramdam. Ang mga malalaking yabag ng mga nasa harapan ko ay dahan-dahang nagsialisan. Nasa pagyuko pa rin ako nang maramdaman ko ang paghawak sa aking balikat at pag-aangat ng aking mukha. “Ulay, tumingin ka sa aking mg mata, anak,” utos sa akin ng inang reyna. Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Hindi pa man ito nagsasalita ay alam ko na kung ano ang ibabato niyang tanong sa akiin. “Totoo bang wala kang maalala sa iyong ginawang pagligtas sa amin?” “Opo, ina. Ang naalala ko lang po ay kabadong-kabado po ako at hindi alam ang gagawin nang makita kong malapit na kayong tuklawin ng mga dambuhalang iyon. Sugatan na po si ama at ang iba pero matapang pa rin kayong humarap sa kalaban. Pagkatapos niyon ay nakaramdam lang naman po ako ng kakaibang emosyon sa katawan. Parang galit po na hindi ko po maipaliwanag,” pagpapaliwanag ko. Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimulang magkuwento. Tinitigan lang niya akong puno ng pag-aalala. Sinusukat sa aking mga mata ang katotohanang gusto niyang malaman mula sa akin. Ganoon rin ang aking amang hari nang ibaling ko ang aking tingin sa kaniya. Pareho silang naghahanap ng kasagutan kong totoo ba o hindi ang aking mga tinuran. Magkasabay pa silang nagkatitigan habang ako naman ay tila hiyang-hiya pang muli silang tingnan. “Yalu, alam nating pareho na pinalaki nating matino at nagsasabi ng katotohanan si Ulay, hindi ba? Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?” tanong ni ina sa aking amang hari. “Oo, Aliya. Wala kang dapat ipag-alala dahil alam kong nagsasabi ng totoo si Ulay. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit wala siyang maalala sa kaniyang ginawang pagliligtas sa atin?” sagot ng aking ama na ipinagtaka ko naman. Sa kanilang dalawa lang nagpalipat-lipat ang aking tingin. May gusto akong malaman sa kung ano ang ibig nilang sabihin. “Maging ako man pero narinig mo ang sinabi niyang nang nasa bingit tayo ng kamatayan, nasa panganib, nang makita niya tayong tutuklawin na ng mga dambuhalang iyon ay nakaramdam siya ng galit. Hindi kaya iyon ang dahilan?” muling pagsasalita ng aking ina. Hindi ko alam kung ano ang punto niya pero mukhang alam niya ang dahilan kung bakit wala akong maalala. “Posibleng mangyari, Aliya. Kung napukaw ang emosyon ng ating anak dahil nasa matinding panganib tayo o dahil alam niya ang kahihinatnan natin kapag hindi siya kumilos, maaari nga iyon ang totoong rason. Alam din nating pareho na hindi pa natin nakikita kung paano magalit ang ating anak,” dagdag paliwanag naman ng aking ama na hindi pa rin malinaw para sa akin. “Pareho tayo ng pagkakaintindi sa nangyari sa kaniya. Alam ko ring hindi pa nga natin nakitang nagalit nang matindi si Ulay sa buong buhay niya. Kahit noong nasa kaharian pa tayo ng Bahaghari. Kaya posibleng may kinalaman ang sitwasyon na iyon upang gisingin ang natutulog na kakayahan ng ating anak,” malalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng aking ina pero isang napakasinserong ngiti naman ang ibinigay niya sa akin nang humarap ito. “Hindi kaya ay kaakibat ng pagsumpa sa atin ay ang kapangyarihang mayroon si Ulay?” Parehong nagulat at luwang-luwa ang mga mata namin ng aking ina sa huling tanong ng aking ama. Lalo tuloy na hindi malinaw sa akin ang pinagsasabi ng aking amang hari. Ako naman ang napailing dahil kanina pa ako lipat nang lipat ng tingin sa kanilang dalawa sa pagtataka. “Ama, ina, hindi ko po naintindihan ang inyong mga sinabi pero hihingi po ako ng permiso na maidilip na lamang po at magpahinga. Saka ko na lamang po kayo tatanungin sa mga narinig ko mula sa inyo ngayon. Maaari po ba?” humingi na lamang ako ng pahintulot sa kanilang dalawa dahil tila sumakit lalo ang aking ulo sa mga narinig sa kanila. “Paumanhin, Ulay. Hindi namin sinasadyang iparinig ang mga iyon. Alam naman naming nagsasabi ka ng katotohanan. Sige, magpahinga ka na muna. Dito lang kami ng iyong ama para bantayan ka,” hinalikan ako ng aking ina sa noo at ako naman ay humiga na lang. “Matulog ka na muna, anak. Kami na muna ang bahalang maghanap ng kasagutan sa mga sinabi mong wala kang naalala sa ginawa mong pagliligtas sa amin. Magkagayunpaman, malaki ang utang na loob namin sa iyo, Ulay. Kung ano ka man sa hinaharap, o kung mabubuhay pa kami pagkalipas ng limangdaang taon at makabalik na tayong lahat sa anyong tao, sana ay basbasan at gabayan ka pa ng Bathala na maging malakas at matulungin. Mahal na mahal ka namin, anak,” parang naghahabilin naman ang mga salitang lumabas sa bibig ng aking amang hari. Tumango na lamang ako at hindi na sumagot pa. Ayaw kong isipin na naghahabilin na nga ang mga ito sa akin. Wala akong balak na hayaan silang mawala sa aking landas nang hindi ko alam ang tunay na dahilan. Iisipin ko na lamang na panaginip lamang ang aking mga narinig. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at nagkunwaring matutulog dahil baka marinig ko pa ang mga nais pang pag-usapan ng aking amang hari at reyna. At tama nga ako dahil hindi pa nga tapos ang kanilang pinag-uusapan tungkol sa akin. “Sa tingin mo, Yalu tama ang naiisip nating kapag nasa panganib na sitwasyon lang magigising ang kakayahan ni Ulay na maging matapang?” “Naiisip kong baka may kapangyarihan ang ating anak, Aliya nang hindi natin nalalaman. Alam mo namang mangkukulam si Helya at baka nga may kung anong dinagdag ito sa ating anak. Kitang-kita naman nating pareho kung paano nagwala ang ating anak sa tatlong dambuhalang ahas na muntik nang maging dahilan ng ating kamatayan.” “Iyan ang ikinakatakot ko. Mas mainam na makitang mawawalan lang siya ng malay pagkatapos ng matinding pagwawala o bakbakan pero paano kung maging dahilan iyon para malagay sa panganib ang lahat?” “Huwag na nating munang isipin iyan, Aliya. Ang mahalaga, alam na nating hindi tayo pababayaan ng ating anak kapag nasa panganib.” “Sana nga, Yalu. Sana nga dahil malakas ang pakiramdam kong marami pa tayong haharapan na panganib sa kagubatang ito hanggang ito tayo nakababalik sa pagiging isang tao.” “Ipanalangin na lamang natin sa Bathala na huwag maging dahilan ang ating anak na si Ulay para kainisan at kamuhian pa siya ng ating mga sakop.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD