Kabanata Trenta: Ang Nakaraan ni Helya

1561 Words
Walong Daang Taon Ang Nakaraan Sa labas na parte ng lupain ng Elementu, sa pagitan ng dalawa hanggang apat ng bundok ay may isang bayang ang nakatira ay mga itim na salamangkero at mangkukulam. Ang mga ito ay tahimik na naninirahan malayo sa mga lupain ng mga tao. Ang baya nila na kung tawagin ay Salamang ay pinakatago-tagong lugar sa labas ng Elementu. Mula nang lumayo ang mga ito sa mundo ng mga tao, nakahanap sila ng bagong tirahan sa bundok na iyon. Ang mga itim na salamangkero at itim na mangkukulam ay hindi magkasundo nang una dahil sa parehong mga ugali ng mga itong mapagmataas. Halos masira ang Salamang sa unang pagdating nila sa bundok na iyon. Ang mga ikinokonsidera kasi nilang mga pinuno ang puno at dulo ng labanan at awayan noon. At ang isa roon ay ang matigas at matapang na ina ni Helya. “Kami ang naunang dumating rito sa bundok na ito, kaya nararapat lamang na ako, bilang pinuno ng itim na mangkukulam ang magdesisyon sa kung sino ang dapat na may karapatan sa lugar na ito!” matapang na turan nito. Hindi ito takot sa pinuno ng itim na salamangkero. “Isang labanan ang susukat sa kung sino sa atin ang may karapatan. Bakit hindi mo subukan, binibini?” sagot naman nito. Isang lalaki ang nakatayo sa kaniyang harapan. Handang-handa na ito para siya laban. Ngunit... “Wala akong oras na makipag-argumento sa iyo o labanan ka. Kung hindi lang ako nagdadalang-tao ay baka tinanggap ko na ang iyong hamon,” mabilis humupa ang galit nito pero hindi pumayag ang kaharap niyang kalaban. “Sa tingin mo ba ganoon lang kadaling tumanggi sa aking alok?” nakatalikod na nang mga sandaling iyon ang ina ni Helya nang maramdaman niya ang malakas na enerhiya ng nasa likuran nitong kalaband. Nang lumingon ito ay nagliliyab na sa itim na apoy ang kalaban nitong hindi niya inalok ang hamon. Nag-aapoy na rin ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Handang-handa nang makipagsukatan ng lakas sa kaniya. Dahil sa nakikitang mukha at ugali ng kaharap nito, wala itong magawa kung hindi ang pagbigyan ang hiling nito. “Mukhang hindi ka nakakaintindi ng mga salitang binanggit ko, Soliman. Kung iyan ang iyong nais ay pagbibigyan kita nang taos puso!” matapang na sagot nito. “Kung ang labanan lang ang magiging sagot sa hidwaang ito, ibibigay ko ito sa iyo.” “Iyan nga ang gusto kong mangyari, Yahel. Tingnan natin kung sino sa atin ang mas may karapatan!” sigaw nito sa kaniya. Hindi pa nakakapaghanda nang mga oras na iyon si Yahel nang atakihin na siya ni Soliman. Tinamaan ito sa pisngi at nasugatan ang kaliwang pisngi nito. Dahil sa ginawang iyon ni Soliman ay umibwal ang galit ni Yahel. Pareho na ngayong nagsasalpukan ang itim na kapangyarihan ng dalawa. Lumalakas na rin ang ihip ng hangin. Nagsisimula nang mamuo ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Yumayanig na rin ang lupa sa kinatatayuan nilang dalawa. Walang anumang pisikalan na nangyayari. Makikita mo lamang ang mga bibig nitong may sinasambit ng hindi maintindihang wika o lenguwahe. Maging ang mga puno ay nagsisimulang liparin ng kani-kanilang mga kapangyarihan nang mga oras na iyon. Walang gustong bumitaw sa kanilang dalawa. Lalong lumalakas ang mga boltahe ng kani-kanilang mga kapangyarihan at ang mga kasamahan ng mga ito ay nakahawak na rin sa mga malalaking puno upang hindi sila liparin. Ang iba ay nagtatago na muna pansamantala hanggang sa... “Pagod na ako. Tama na itong laban na ito. Hindi ikaw ang tunay na kalaban ko, Soliman kung hindi ang mga tao,” aniya ni Yahel at bumalik sa normal ang kaniyang sarili. “Tama ka,” sagot naman ni Soliman at gaya ng ginawa ni Yahel ay tumigil na rin ito. “Hindi rin ikaw ang kalaban ko, kaya walang kuwenta rin kung maglaban pa tayo.” “Tao!” magkasabay pang sagot nitong dalawa. “Tama ka, ang tao ang naging dahilan kung bakit ako nasadlak sa sitwasyong ito. Tawagin na lamang nating Salamang ang lugar na ito. Sa iyo ang silangan at sa amin naman ang kanlurang bahagi, Soliman,” mabilis humupa ang galit ni Yahel at hinayaan na lamang magbigay ng suhestyun kay Soliman. “Magandang suhestyun, Yahel. Sige, pumapayag ako. Amin ang silangan, iyo ang kanluran. Mga kasama, tayo na at magsimulang manahan sa silangang bundok na ito ng Salamang!” sagot naman ni Soliman at inutusan na ang mga kasama nitong maglakad patungong silangan upang simulan ang kanilang paninirahan sa Salamang. “Sa kanluran tayo naman ay magtungo,” utos ni Yahel at agad namang sumunod ang mga ito sa kaniya. ... MATULING LUMIPAS ang panahon sa bundok Salamang. Ang batang iniluwal ni Yahel ay isa nang ganap na babae. Ngunit sa paglaki nito ay hindi nito nakuha nang buo ang atensyon at pagmamahal na hinahanap niya sa kaniyang ina. Lagi na lamang itong sinasaktan ni Yahel. Hindi rin ito kinakausap noon. Lagi siyang iniiwan sa mga kakilala nitong mga mangkukulam. Sa paglaki at pagdalaga niya nalaman ang tunay na katotohanan na tuwing sumasapit ang hatinggabi ay nagiging mga matatandang hukluban, pangit, at nakakadiring mga nilalang sila. Iyon din ang naging dahilan para konprontahin ni Helya si Yahel. “May paraan ba para matanggal ang sumpa, ina?” tanong niya rito. “Wala akong dapat na isagot sa iyo, Helya. Ang mabuti pa ay asikasuhin mo na lamang ang iyong sarili bilang susunod sa aking yapak,” tumanggi ang ina nito pero dahil atat na atat si Helya na malaman ang totoo upang hindi na niya danasin ang pagiging pangit na mangkukulam kapag sasapit ang gabi. “Hindi kita titigilan, ina! Sabihin mo sa akin ang totoo!” sigaw nito na ikinagulat ni Yahel. “Anong karapatan mong sigawan ako, Helya? Baka nakakalimutan mong ako ang iyong ina. Ako ang nagluwal sa iyo!” pasigaw rin ang tono ng boses ni Yahel sa kaniyang anak. “Karapatan? Hindi ba dapat matagal mo nang ipinagkaloob sa akin iyan? Hindi ba, ina?” tumataas na rin ang tono ng boses nito sa harapan ng kaniyang ina. Ramdam na rin nito ang malakas na awra ng kaniyang kapangyarihan dahil sa ginagawang pang-iinsulto bunsod ng kaniyang galit. “Kahit kailan hindi mo ako itinuring na anak! Bakit? Dahil sa aking amang mortal, tama ba?” “Ulitin mo ang sinabi mo, Helya! Ulitin mo!” bulyaw na nito sa kaniyang anak. Hinding-hindi niya ito uurungan. “Hindi mo alam ang mga sinasabi mo, Helya!” “Alam ko ang sinasabi ko, ina. Alam ko ring matagal ninyong itinago sa akin ang tunay na dahilan. Na kaya kayo lumipat rito sa Salamang ay upang kalimutan ang lahat ng tungkol sa aking amang mortal!” hindi na nga mapigil si Helya nang mga oras na iyon at nakatikim na siya ng isang malakas na sampal mula sa kaniyang ina. “Uulitin ko sa iyo, Helya! Kapag binanggit mo pa ulit ang tungkol sa iyong ama, hindi lang sampal ang aabutin mo!” pananakot nito sa kaniya. Upang hindi na lumaki pa ang kanilang usapan ay kusa nang tumalikod si Yahel ngunit... “Sabihin mo sa akin kung paano matatanggal ang sumpa! Alam kong alam mo na kaya ka nandito ay upang pagbayaran ang ginawa mong pagpatay sa aking ama. Hindi ba?” Ang mga salitang lumabas sa bibig ni Helya ang naging dahilan upang hindi na makontrol ni Yahel ang kaniyang galit. Kanina pa ito nagtitimpi pero dahil sa pamimilit ng anak ay lumuwag na ang pisi ng kaniyang pasensya. “Gusto mong marinig ang tunay na kasagutan sa iyong mga tanong ha? OO! Pinatay ko ang iyong ama! Ang lunas para hindi ka na tuluyang mamuhay katulad kong isang pangit na mangkukulam kapag gabi ay isang halik! Alam mo ba kung anong klaseng halik iyon ha, Helya? Halik ng isang tao. Isang taong may busilak at tunay na mamahalin ka bilang ikaw. Bilang isang mangkukulam!” Ang mga katagang iyon ang nagpatigil kay Helya pero hindi ang galit na nakikita nito sa kaniyang ina. Lumalabas na rin ang mga enerhiyang itim mula sa katawan nito. Alam na rin ni Helya ang gagawin, kaya napaghandaan na nitong kalabanin ang ina sa sitwasyong siya rin naman ang may gawa. “Ngayong alam mo na ang sagot sa mga tanong mo, Helya, sa tingin mo ay pakakawalan kita? Binalaan na kita hindi ba? Matitikman mo ang disiplina ng isang inang hindi mo pa natitikman sa buong buhay mo, Helya!” Tumitindi ang galit ni Yahel. Si Helya naman ay hindi nagpatinag. Nanatili lang itong nakatayo sa harapan ng ina. Matapos marinig ang kasagutan ay handa na rin itong hamunin ang ina sa paraang siya lamang ang nakakaalam. “Alam ko. Pero isa lang ang masasabi ko, ina. Hindi mo ba alam na ang anak ang mas makapangyarihan na ngayon kaysa sa iyo? Sa tingin mo hindi ko kayang kalabanin at talunin kita. O baka nga mapatay pa kita nang hindi mo nalalaman!” taas ang noo nitong nakatitig ng masama sa kaniyang ina. “Tingnan natin kung hanggang saan ka kayang dalhin ng katapangan mong iyan, Helya! Ipapatikuim ko sa iyo ang galit ng isang ina!” sigaw na nang sigaw nang mga oras na iyon si Yahel at nagsimula na ring magsalpukan ang kapangyarihan sa labanang sisimulan ng isang anak laban sa kaniyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD