Kabanata Bente Siyete: Ang Pagtutuos at Nakaraan

1615 Words
Sa Kagubatan ng Gororiya Sa Pagtatapos ng Limangdaang Taon “Salamin, bilisan mo ang pagkuha sa mga unggoy na iyan nang makaalis na tayo!” sigaw ni Helya sa kasamang sa nakalutang na salamin. Kanina pa inis na inis si Helya dahil hindi man lamang malapitan ni Salamin ang mga ito. Nakaharang kasi sina Ulay, Satur, at Aurora. Lumalabas sa salamin nito ang itim na enerhiya at panay naman ang iwas nga mga gorilyang sina Aurora at Satur. Si Ulay naman ay nakaabang lang sa likuran at binabantayan ang mga batang unggoy. “Ano ba, Salamin?! Dapat ay makapangyarihan ka rin na katulad ko. Ipakita mo sa kanila ang kakayahan mo!” sigaw ni Helya rito. Nanatiling nakatayo lang sa harapan ng mga ito si Helya. Isang puso na lamang ang kailangan niya. At iyon na lamang ang sangkap na kailangan niya upang magawa ang gayuma. Pero hindi niya inasahan na ganoon pala kahirap ang gagawing pagkuha sa isang unggoy na dating tao. Ngayon ay nakaarko na ang kilay nito pataas at nakapamaywang na rin dahil sa pag-iwas nina Satur at Aurora sa mga tira ni Salamin sa kaniya. Patitigilin na sana niya si Salamin nang makita nito ang biglaang paglabas ng kapangyarihan niya. “Ganiyan nga, Salamin. Ganiyan nga. Sugatan mo ang dalawang pasaway na iyan. Kung hindi natin makuha ang mga batang unggoy, kahit isa na lamang sa kanila ang mapaslang mo. Isang puso lang ang kailangan natin, Salamin. Isa lang,” masayang turan nito habang pinapalakas ang kapangyarihang mayroon si Salamin. Kaliwa at kanan lang na nakatingin nang mga sandaling iyon si Ulay. Palipat-lipat ang tingin kina Satur at Aurora. Hindi pa niya ginigising o nagigising ang galit nito para tulungan ang dalawa. Nasa kaniyang mga kamay ang kaligtasan ng mga batang unggoy. Ngunit, hindi rin napapakali ang kaniyang isipan nang marinig ang sinabi ni Helya sa lumulutang na salamin. May balak itong paslangin ang isa sa kanila. Kapag hindi makuha ang mga batang unggoy ay sina Aurora o si Satur ang papatayin niya. Bagay na kinatatakutan ni Ulay na mangyari. Habang iniisip ang tamang gagawin ay nagulat si Ulay sa ginawa ni Salamin. Ang kaninang isang salamin lamang na nakalutang ay naging lima ito at nakapaligid sa dalawang sina Satur at Aurora. Sa magkabilang direksyon, limang mga salamin ang nakaikot sa bawat isa dahilan para makitaan ng panghihina ang mga ito. Sa tuwing tatangkain nina Satur at Aurora na sirain ang mga salamin ay binabalikan sila ng itim na enerhiya. Kinukuryente nang pagkalakas-lakas. Bolta-boltahe ang lumalabas na kuryenteng mula sa mga salaming iyon. “Magaling, Salamin. Ituloy mo lang iyan at ako na ang bahala kay Ulay,” sigaw ni Helya at mabilis itong lumutang at lumipad patungo sa kinatatayuan ni Ulay. Mabilis namang nakabalik sa kaniyang wisyo si Ulay at siniguradong walang isang mga batang unggoy ang nawawala sa kaniyang likuran bago ibinaling ang tingin kay Helya na kasalukuyang nakatayo na sa harapan niya ngayon at nakataas ang kanang kilay nito sa galit sa kaniya. “Anong karapatan mong ilayo sila sa akin, Ulay? Kahit isa lang kung papayag ka, ibigay mo sa akin!” sigaw nito na tila nanghahamon pa. “Matagal ka nang walang karapatan, Helya! Mas lalong wala kang karapatan na kunin kahit isa man sa mga batang unggoy dahil hindi kita papayagang bawasan mo ang mga isinumpa mo na!” galit na turan naman ni Ulay sa kaniya. Parehong nagtititigan at matatalim na pinanlilisikan ng mga ito ang isa't isa. Walang gustong kumurap sa mga titig na iyon. Walang nais na tumigil. Nagliliyab ang mga ipinupukol ng mga ito sa isa't isa. Ngunit ang hindi alam ni Ulay, na habang tuloy sa pakikipagtitigan, nagawang gumawa ni Helya ng replika ng sarili at nakuha ang isang batang unggoy sa kaniyang likuran. Natulala naman at hindi makapagsalita si Ulay nang marinig ang sigaw ng isang batang unggoy. “Sa tingin mo ay hindi ko kayang kunin ang isa, Ulay? Pwes, nagkakamali ka! Nalinlang kita!” Humalakhak at pagmamayabang ni Helya nang mga oras na iyon. Nasa kaniyang mga kamay na ang isang batang unggoy at napasailalim na rin ito ng kaniyang kapangyarihan. Gustuhin mang makaalis at makawala sa kapangyarihan ng salamin ni Helya ay hindi naman magawa nina Satur at Aurora. Malapit na rin silang mawalan ng lakas dahil sa sunod-sunod na ginagawang pangunguryente nito sa kanilang dalawa. Ang kaligtasan naman ng batang unggoy na iyon ay nakasalalay na kay Ulay. Na nang mga oras na iyon ay ginigising na ang natutulog na galit sa loob ng kaniyang katawan. Lumilitaw na ang malalaking ngipin nito at umuusok na rin ang kaniyang ilong nang mga oras na iyon at handang-handa nang bumuwelo para kunin sa mga kamay ni Helya ang batang unggoy. “Sinabi ko na kanina, Helya. Na wala kang babawasan sa mga isinumpa mo na. Pagsisisihan mo ang ginagawa mo ngayon. Hinding-hindi ko palalagpasin ang panlilinlang mo!” Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay mabilis na inilapat ni Ulay ang dalawang kamao sa lupa at tumalon ng mataas. Hindi naman inasahan ni Helya ang ginawa ni Ulay at nang makitang nasa itaas na nito ang pababang si Ulay, mabilis siyang umilag pero nakaligtaan niyang hawakan ang kaniyang hawak na batang unggoy. Naging dahilan tuloy iyon ng mabilis na paghablot ni Ulay at nakuha sa mga kamay nito ang wala nang malay na unggoy. “Tuso ka rin pala, Ulay! Sa tingin mo panalo ka na?” nagsasalita pa ang galit na galit na si Helya nang makita niyang hindi siya pinansin ni Ulay nang mga sandaling iyon. Nakita nitong ibinalik niya ang batang unggoy sa kung saan niya ito kinuha at agad na tumakbo sa kinaroroonan ni Salamin. Isa-isang pinagsusuntok, pinagbabagsak, pinagsisira, at pinagtatapon ni Ulay ang mga salamin at iniligtas sina Aurora at Satur sa tiyak na kamatayan. Pilit namang binubuksan nina Aurora at Satur ang kanilang mga mata at nakita si Ulay na nagwawala. “Ulay,” sabay pa nitong sambit sa pangalan ng kanilang prinsipe bago tuluyang nawalan ng malay. “Salamin, bumalik ka sa aking tabi!” utos at sigaw nito sa natitirang salamin nang makitang pinagsisira ni Ulay ang mga replika din nitong mga salamin. Mabilis namang lumipad patungo sa tabi ni Helya si Salamin. Nang makita naman ni Ulay ang pag-iwas ni Salamin at nasa harapan na ito ni Helya, sila naman ang puntirya niya at doon ay nagtatakbo upang kalabanin sila. Dahil alam ni Helya na hindi siya titigilan ni Ulay hanggang hindi ito nakakaganti sa kaniya. “Hindi mo ako matatalo, Ulay! Salamin, repleksyon ng hipnotismo!” utos nito kay Salamin at mabilis na lumipad patungo sa harapan ng gorilyang si Ulay. Napatigil si Ulay nang makita nito ang repleksyun ng dating sarili sa salamin. Ang kaniyang inang reynang si Aliya at ang kaniyang amang haring si Yalu na masayang-masaya nang ito ay nasa anyong tao pa lamang. Karga-karga siya ng kaniyang inang reyna habang nakangiti naman ang amang hari nitong nakatitig sa kaniyan nang sanggol pa lamang siya. Pagkatapos ng eksenang iyon ay isa na namang eksena ang nakita niya kung saan tinuturuan siya ng kaniyang magulang kung paano maging isang mabait at mapagmahal na bata. Pinapangaralan siya ng mga ito kapag nagkakamali pero buong puso pa ring inaalagaan at inaalalayan. “Ganiyang nga, Salamin. Ituloy mo lang hanggang sa makuha ko ang isang batang unggoy nang hindi niya nalalaman. Bagsak na rin naman at walang malay na sina Aurora at Satur. Ang mga sumunod na eksena ay hinding-hindi makakalimutan ni Ulay. Iyon ang huling panahon nila bilang isang tao. Iyon din ang araw na bumisita si Helya na inakala nilang isang dayo sa kanilang kaharian. “Ano ang tunay mong pakay sa aming kaharian, Helya?” tanong noon ni haring Yalu sa kanilang bisita. “Isa lang ang nais ko, kung katotohanan ang nais ninyo. Nais kong maging asawa ang inyong prinsipe na si Ulay, mahal na hari,” sagot naman noon ni Helya. Walang alam si Helya na siya na ang nasa repleksyon ng salamin ni Salamin. Ang kaninang nakangiting mga mata ni Ulay ay napalitan ng galit nang maalala ang ginawang pagsumpa ni Helya sa kaniya at sa limangdaang mga taga-Bahaghari. “Wala akong balak na ikaw ay pakasalan, Helya. Wala pa ako sa tamang edad para maging iyong kabiyak,” sagot naman noon ni Ulay. “Pagsisisihan mo ang iyong maling kasagutan, prinsipe Ulay. Dahil sa oras na ito, ikaw, ang magulang mong hari at reyna, at ang limangdaang tao rito sa Bahaghari ay isinusumpa kong maging unggoy sa Gororiya sa loob ng limangdaang taon! Kayong lahat ay mamamatay roon at hinding-hindi ko pahihintulutang mabuhay!” Narinig ni Helya ang mga katagang iyon at nang makita kung saan nanggagaling, mabilis niyang inutusan si Salamin na ihinto na ang repleksyon ng hipnotismo kay Ulay. “Ihinto ang repleksyon ng hipnotismo, ngayon din Salamin!” Nagawa namang sundin ni Salamin ang utos ni Helya at hindi nila inasahan ang muling pag-ibwal ng galit ni Ulay. Dahil sa nakikitang bagong panganib ay mabilis na hinablot ni Helya ang isang batang unggoy at ginamit ang kapangyarihan upang maglaho sa nagngangalit at hindi na napipigilang si Ulay. Takang-taka nama si Ulay nang mawala sa paningin niya sina Helya at Salamin. Nang ibaling ang tingin sa mga nakahandusay at wala pang malay na sina Aurorat at Satur, kumalma na ito pero bago pa man puntahan sila ay tiningnan niya muna ang mga batang unggoy at binilang. Nang makitang kulang ito ng isa, doon na siya nanghinalang, nakuha ito ni Helya. “Paumanhin, hindi ko nagawang iligtas ang inyong kaibigan,” malungkot na sabi nito sa mga batang unggoy na laylay ang mga balikat dahil sa isang nakuha ng kalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD