Kabanata 26 "Bakit wala ka man lang sinabi sa akin tungkol sa pagbili mo ng resort at tungkol sa invitation ni Tita Cielo?" "I forgot about it. Matagal na rin naman iyon. Two months ago, I guess." "Hindi pa matagal ang two months Kei. Muntik na ako kanina. Paano pala kung wala ka roon nang tanungin niya? Baka iba masagot ko." "Well, hindi naman nangyari ang iniisip mo so relax. Nangyari na at tapos na." "Paano matatapos iyon!? Walang alam si Tita Cielo sa sitwasyon nating dalawa at alam mong hindi ko nahihindian iyon kapag may favor sa akin. Paano kung i-push niya iyong honeymoon vacation natin sa Japan?" naghy-hysterical niyang wika. "Can you breathe? You're just overthinking. Ano naman ngayon kung mag-insist siya na magbakasyon tayo sa Japan? Puwede maman tayong pumunta roon na