Kabanata 25 "What the hell are you doing here? Are you following me?" nagdudumilat ang mga mata niyang tanong dito. "This restaurant is my favorite and as you can see, there's no left table." "At ang malas ko naman dahil nakita mo ako rito at dito ka pa talaga kakain sa mesa ko." Kumikit-balikat naman ito at tumayo. Sinundan niya ito nang tingin. Kinuha lang pala nito ang food tray at agad din namang bumalik sa mesa. Umupo ito at nagsimula na ring kumain. "Isipin mo na lang na wala ako sa harapan mo," ani Kei at nagsimula na itong kumain. Gigil na gigil niyang tinusok ng tinidor ang steak na nasa kanyang plato. Tinaasan lamang siya ng kaliwang kilay ni Kei. Inirapan niya ito at nagpatuloy na rin siya sa pagkain. She wants to imagine that she's alone but she can't stop taking a pe