Kabanata 9

1709 Words
Kabanata 9 Sinalubong siya nang mahigpit na yakap ni Maggie. "I brought you some food Maggie." "Oh, I'm touch! Halika. Doon tayo sa garden." Tumango lamang siya at kinayag na siya nito. Dumiretso sila sa malaking garden nito sa likod ng bahay. Nakita niyang may mga ibang tao na ang nag-aayos ng mga mesa at upuan. "Stage is a bit bland," malungkot na wika ni Maggie. Nang bumaling siya sa maliit na podium sa gitna ay wala pa nga itong design. May nasimulan namang outline pero hindi pa talaga totally nagagalaw. "Ako na bahala riyan. I need two people to assist me," aniya agad. Nagtawag din naman agad si Maggie ng dalawang babae. Pagkatapos niyon ay pumunta na siya sa gitna ng podium. Since all the designs were at the table. All she have to do was to fix and arrange it to make if more lively and lovely. Habang nasa kalagitnaan na siya sa pag-aayos ng stage ay natigilan siya dahil parang narinig niya ang boses ni Kei. Nang bumaling siya sa may pool area ay namilog ang kanyang mga mata. Kei was really here! Now she's curious what the hell he was doing here, gayong wala namang sinabi sa kanya si Maggie na pupunta rin pala ang mabait niyang asawa. Napasimangot siya. Hindi niya na lamang ito pinansin at iisipin niya na lamang na wala ang presensiya nito. Inabala niya na lamang ang kanyang sarili sa kanyang ginagawa at konti na lang ay talagang matatapos na siya. Nang tapos na talaga siya ay sandali pa siyang tumitig sa ginawa niya. Bigla siyang napangiti. Minsan din namang sumagi sa kanyang isip ang ganitong event. Iyong magkakaroon siya ng ganito ka engrandeng baby shower party. Ngunit nang maisip niyang si Kei nga pala ang asawa niya ay agad siyang nayamot sa ideyang iyon. Agad na nawala ang mga ngiti niya sa labi. "Kristina! Is it done?" Bumaling siya kay Maggie na nasa kanyang likuran. "Okay na," nakangiti niyang ani. "Aw, it's so beautiful! Come here, join us," ani Maggie, pagkatapos ay umuna ito sa pagpunta sa pool side kung saan naroon si Lucas at Kei. Huminga siya nang malalalim. She shake her hands to get away the tension she was feeling. Kagagaling lang nila sa away ni Kei at sigurado naman siyang hindi ito magpapanggap na gusto siya nito sa harap ng kanyang pinsan. Ihahanda niya na lamang ang kanyang sarili, sa oras na mapahiya siya. Bumaba na siya sa stage at tinungo ang pool side. Lumapit siya kay Lucas at nakipagbeso-beso rito. Lucas just tap her back gently. "Congratulations!" bati niya at umupo sa tabi ni Maggie pero bigla namang tumayo si Maggie. Lumipat ito sa tabi ni Lucas, kaya ang ending ay magkatabi sila ngayon ni Kei. Bigla siyang nailang. Kei was just silent. "Thank you Kristina," sagot naman ni Lucas. "Kei, can you join me. Kukuha lang ako ng pagkain sa kitchen," ani Lucas. Tumayo naman agad si Kei at nagsabay na ang dalawa sa pagpasok sa loob ng bahay. Napabuga siya ng hangin. "Kristina, are you okay?" pukaw sa kanya ni Maggie. "Kanina ka pa tulala," segunda naman nito. "Ha? Wala, may iniisip lang ako." "Nag-away ba kayo ni Kei?" She bitterly smile. "May bago ba roon Maggie? Lagi naman." Maggie sighs. "Sorry kung pinapunta rin ni Lucas si Kei rito. It's about business and you know Kei has talent with architecture. Kahit hindi pa iyon nakaka-graduate, super genius naman." "Alam ko naman iyon Maggie. Huwag mo na lang kaming pansinin," nakangiti niyang ani kahit na ang totoo sa loob-loob niya ay parang gusto niya na namang maiyak. Lalo na iyong mga sinabi sa kanya ni Kei. Maggie sighs again and nod. Bumalik naman na sina Lucas at Kei. May dala itong mga pagkain. Nagsimula na silang kumain hanggang sa matapos ito na wala silang imikan ni Kei. Hindi rin naman sila kinukulit na mag-imikan na dalawa dahil alam naman nina Lucas at Maggie na hindi talaga sila in good terms ni Kei. "Kristina, iiwan na muna namin kayo, okay? Pasensiya na. May schedule pa kasi ako sa doctor ko," ani Maggie. "No worries Maggie. Uuwi na rin naman ako—esti kami," sagot naman niya. Tumango ito at niyakap siya. Pagkatapos niyon ay agad din naman itong lumapit kay Lucas na kausap pa rin si Kei. Pagkatapos nitong magpaalam kay Kei ay agad din naman nang umalis ang mga ito. Si Kei naman ay bumalik sa puwesto niya at naiwan silang dalawa. Hindi niya ito pinansin at nakamasid lamang sa mga taong busy pa rin sa pag-aayos ng party. "Let's go home," ani bigla ni Kei sa kanya. Hindi siya sumagot. Kinuha niya ang kanyang bag at tumayo na. Hindi niya ito pinansin at umuna sa paglabas ng bahay. Napansin naman niyang sumunod din ito. Sasakay na sana siya sa sasakyan niya pero bigla naman siyang pinigilan ni Kei. Nagtataka naman siyang bumaling dito at sa kamay nitong nakahawak sa kanya. He let go of her. "You're angry?" "I'm not but I'm disappointed. Ayoko makipagtalo sa iyo Kei. Not here and I don't want to hear your scolds again," sagot niya at agad din naman na sumakay sa kanyang sasakyan. Pinaandar niya na ito at agad din naman itong pinasibad, palabas ng bakuran nina Lucas at Maggie. Dumiretso siyang umuwi ng bahay. NANG naroon na siya ay agad din naman niyang ipinasok sa garahe ang kanyang sasakyan. Pumasok din naman siya agad ng bahay at pumanhik sa hagdan. Diretso siya sa kanyang kuwarto. Dadapa na sana siya sa kama niya nang bigla namang may kumatok sa pinto. Inis siyang napaungol at agad na lumapit sa pinto. "Ano!?" inis niyang tanong agad pero agad din naman siyang natigilan dahil si Maya pala ang kaharap niya. Ang akala niya kasi ay si Kei. "Sorry Maya. Hindi ko sinasadya," paumanhin niya. "Ayos lang po ma'am Kristina. May sulat po pala kayo. Kanina lang po iyan hinatid," ani Maya sabay abot sa kanya nang puting sobre. Kinuha naman niya ito at tiningnan kung kanino galing. Namilog ang kanyang mga mata. Application niya ito from abroad, kung saan nag-apply din siya bilang professor sa Cambridge. "Salamat Maya. Kung puwede, huwag mo na lang sabihin kay Kei ang tungkol dito sa sulat." Bigla namang napakamot sa ulo si Maya. "Ma'am, si sir Kei rin po pala nag-abot niyan sa akin. Napasama po iyan sa mga sobre ng bills po rito sa bahay." "Crap," she mumbles. "Sige po ma'am. Balik na po ako sa trabaho ko." Tumango lamang siya kay Maya. Isinirado niya na ang pinto. Laglag ang kanyang mga balikat. "God Kristina! Bakit ba ang malas mo sa lahat!? Lagi na lang!" galit niyang litanya sa kanyang sarili. She's so dumb! Umupo siya sa kanyang working table. Inis niyang pinunit ang dulo ng envelope at tiningnan ang laman nito. She take a deep breath before reading it. When she read it, parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa. She didn't passed the application due to lack of credibility. It was her parents fault. Kukuha pa sana siya ng Masteral Degree sa Cambridge noon kung hindi lang siya naipit sa arrange marriage na ginawa ng kanyang parents. Now she feels like everything deprived her from getting all the goals she wanted to achieve. Because of this freaking marriage, she can't do things on her own free will. Damn it! Pinunit niya ang envelope. Naiiyak na naman siya at hayun na nga. Hindi niya na napigilan ang kanyang sarili. She feel so unfair. Bigla namang may kumatok sa pinto. Agad niyang pinahiran ang kanyang mga luha. "Can I come in?" Natigilan siya. It was Kei. Hindi niya alam kung kikibo ba siya o hindi pero kusa na nitong binuksan ang pinto dahil hindi naman ito naka-lock. Kei went inside her room. This was his second time, getting inside her room. Gusto niya sanang sigawan ito at palabasin pero naubusan na yata siya ng lakas. Sa dami ba namang nangyari ngayon, talagang mawawalan siya ng gana. She noticed Kei, sat at the edge of the bed. Hindi niya ito nilingon at hinayaan lamang ito. "You did not pass?" "Kei, wala ako sa mood makipagtalo sa iyo. Lumabas ka na," sagot niya at pinipigilan na huwag mag-breakdown sa harap nito. She heard Kei sighs. "I guess you didn't pass." "Puwede ba Kei, kung nandito ka para buwesitin ako, please lang. Huwag muna ngayon. Wala akong time makipag-argue sa iyo. Wala akong time na makinig sa mga pangaral mo sa akin at kung ano-ano pang mga bagay na gusto mong ibato sa akin. Pagod ako! Please lang!" aniya saka tumayo. Nagulat naman siya nang bigla siyang niyakap ni Kei mula sa kanyang likuran. "I won't say sorry for being rude and for scolding you always but I think you need a hug for now," he says. She can feel his warm breath at the side of her neck. Dahil sa sinabing iyon ni Kei ay agad na nag-unahan sa pagtulo ang kanyang mga luha. Talagang humahagulhol siya. Kei hug her tight. He even rub her back. "I guess you can't really have the freedom you want." "Nandito ka ba para damayan ako o para buwesitin ako lalo?" inis niyang wika habang umiiyak. "I'll say both." Inis niya itong pinalo pero hindi ito nag-react sa ginawa niya. "Stop crying Kristina. You will look ugly." "Pangit naman talaga ako sa paningin mo." He don't answer her. Nang mahimasmasan siya ay siya na ang kusang kumalas sa yakap nito. "Okay na ako, puwede ka nang lumabas." "Don't forget to eat your dinner. Mas mabuti na iyong busog ka kapag inaaway kita para naman may lakas ka," anito pa at lumabas na ng kanyang kuwarto. Gigil na gigil naman niyang kinuha ang libro at binato rito pero ang pinto na ang tinamaan. "Buwesit talaga! Okay na sana! Nagawa pang mangbuwesit!" inis niyang wika. Pinahiran niya muli ang magkabila niyang pisngi. May kumatok naman ulit sa pinto. Padabog siyang lumapit dito. Nang buksan niya ito ay si Maya pala ulit. May dala itong dinner niya. Kinuha niya ito nang walang kibo. She close the door again and place the food tray on her working table. Sandali niya pang tinitigan ang pagkain bago siya tuluyang nagka-interest na kainin na lamang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD