Kahit naiinis ay wala naman siyang magagawa pa kaya sumandal na lang at pumikit. Ayaw muna niyang mag isip dahil baka sumakit lang ang ulo niya. Subalit lumipas na ang halos twenty minutes ay hindi pa rin bumabalik ito. Kaya kinuha ang mobile para tawagan na ito, ngunit wala itong signal kaya napilitang bumaba siya at sinundan ang binata. Palinga linga siya habang naglalakad, nakaramdam siya ng kaba nang may maulinigang mga boses. Sa isang maliit na bahay iyon nagmumula, maingat na lumapit at sumilip sa maliit na siwan. Ngunit natigagal siya sa nakita, hindi siya maaring magkamali si Nathan ito at si Greta. Sa kabilang side ay may dalawang lalaki at isang babae nakasalampak ng upo sa sahig. “Bilisan ninyo ang kilos, ayaw kong papalpak kayo! At ikaw Greta bakit kinakalawang na yata ang ka