KABANATA 5

2199 Words
Tatiana LUMABAS AKO ng kuwarto ko. Madilim na ang paligid pero may mga wall lamp naman na nagbibigay ng liwanag sa buong paligid kahit papaano. Bumaba ako ng hagdanan at nagtungo sa kusina. Naghanap ako ng makakain ngunit nang may makita naman ay parang nawalan ako ng gana. Ang hirap ng pagbubuntis kong ito. Hindi ko alam kung anong gusto ko sa hindi. One moment, I am craving for something, and a minute late, biglang ayoko na. Kumuha na lang ako ng tubig. There’s a mini refrigerator in my room, pero hindi ko ba alam kung bakit ayoko ng tubig doon ngayon. Akala mo naman ay mag-iiba ang lasa ng tubig sa kuwarto at dito sa kusina. “Tatiana?” Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Kahit medyo may kadiliman ang paligid, nagawa kong makita kung sino ang tumawag sa akin. Binuksan niya ang ilaw sa kusina at hindi nga ako nagkamali sa iniisip kong tumawag sa akin. Nakita ko si Chaos. He’s still wearing his suit. Mukhang kakauwi niya lamang galing sa party na binanggit ni Elin sa akin kanina. “Anong ginagawa mo rito? Bakit gising ka pa? May nararamdaman ka ba? Should I call the doctor—” “I’m fine.” Ipinatong ko sa sink ang baso at naglakad na pabalik sa kuwarto. “If you need anything, just tell me, Miss Tatiana.” Sa gilid ng mata ko, nakita ko na ngumiti si Chaos sa akin. Why is he being nice to me? Kahit hindi ko siya masyadong pinapansin, mas pinipili niyang pakitunguhan ako nang maayos. Akala ko ay nagalit siya sa akin dahil pinagtulakan ko siya papaalis dulot ng amoy niya. Even before, kapag nakakasama ko siya bilang Russell, maayos ang pakikitungo niya sa akin. Madalas ay nilalayuan ako ng ibang tauhan namin dahil natatakot sila sa akin, kaya kapag nagtatanong si Zeke kung sinong gustong magbantay sa akin sa tuwing aalis siya, walang nagbo-volunteer. No one volunteered except for him. Chaos as Russell freely offered himself to served me, kahit ang ibang kasamahan niya ay iniiwasan ako. Siguro iyon ang dahilan kaya kapag aalis si Zeke at hindi niya kailangang isama si Russell, awtomatikong ito na ang maiiwan sa akin. Dahil tanging si Russell lamang o si Chaos ang nagpapakita ng kagustuhan na makasama ako o mapalapit sa akin. That was before when my brother was still single at hindi pa nagpapakasal. Umawang ang aking labi pero walang lumabas na kahit anong salita. Itinikom ko na lang ulit iyon at mas minabuting umalis doon. Why is it so hard for me to say thank you? “Chaos!” Napatigil ako sa pag-akyat sa hagdanan nang marinig ko ang matinis na boses ng isang babae. Napatingin ako sa unang palapag at nakita ko na may isang babae na nakalingkis sa braso ni Chaos. “Should we rest to your room now? I know you’re tired, darling. I can give you a massage.” May kung anong laman sa bawat salita ng babae. Hinahaplos niya rin ang dibdib ni Chaos. Hindi ko naiwasang titigan ang kamay ng babae na dahan-dahang humahaplos sa dibdib ni Chaos. I didn’t intend to look for too long. Napansin siguro ni Chaos na nakatitig ako sa kanila. Ikinagulat niya na naririto pa rin ako, subalit bago pa ito makapagbigay ng reaksyon ay nag-iwas na ako ng tingin at naglakad papunta sa pangalawang palapag kung nasaan ang kuwarto ko. Nang gabing iyon, pinilit ko ang sarili na makatulog kahit pakiramdam ko ay sobrang abala ng utak kong mag-isip para magpahinga. I am now eating my breakfast. Iniisip ko na lumabas mamaya at pumunta sa pinakamalapit na mall. Napapansin ko kasi na nauubos na ang damit ko. Kailangan kong bumili ng mga magagamit ko habang naandito sa Puerto Rivas. I could go back to Manila to get my things, but that would be a hassle for me. Habang kumakain, naalala ko iyong babaeng kasama ni Chaos kagabi. Base sa narinig ko, mukhang dito matutulog ang babae. I wonder if they slept in the same room. Otherworldly ideas run through my head. Hindi ko dapat iniisip kung anong maaaring ginawa nila sa loob ng isang silid kung tunay na magkasama sila roon. Chaos is a grown-up man and the girl looks someone who’s legal. Walang masama kung ano mang gawin nilang dalawa. “Elin,” pagtawag ko rito. Mabilis na lumapit si Elin sa akin, iniisip niya siguro na may kailangan ako. “Do you know the woman who was with Chaos last night?” Sandaling natahimik si Elin. Siguro ay iniisip niya kung sino ang tinutukoy ko. “If you’re referring to his date last night, Miss, yes po at kilala ko. Siya po si Miss Maeve Calnan. Anak po siya ng isang business partner ni Sir Chaos.” Lumapit si Elin sa akin. “Kapag po may mga ganyang party, madalas pong kinakausap ni Mr. Brian Calnan, ang ama ni Miss Maeve, si Sir Chaos para isama ang anak na babae. Pakiramdam ko po ay gusto nila na ipareha ang anak kay Sir Chaos.” Malamig kong tiningnan si Elin. Napakurap siya at nang mapagtanto ang ginawa ay agad na tinakpan ang kanyang bibig. “Ay, sorry, Miss Tatiana. Alam ko po na tinatanong ninyo lang kung sino ang babae, pero ang dami kong sinabi.” Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain ko. Sa iilang araw na kasama ko si Elin, kahit papaano ay nagagamay niya na ang ugali ko. Ngunit hindi iyon ang dahilan ng pagtatapon ko ng malamig na titig sa kanya. Tahimik ang aking pagkain nang makarinig ako ng yabag ng mga paa. Binati siya ng mga kasambahay at naupo ito sa kabisera. Nagtaas ako sandali ng tingin sa kanya at napataas ang aking isang kilay nang makita ko si Maeve Calnan. What is she doing there? Didn’t she know that the one who should sit at the center of the table is the head of the family o maaaring iba ang nakaugalian nila? “Hi,” bati niya sa akin. Agad siyang pinagsilbihan ng mga kasamabahay. She’s still wearing her nightgown. Hindi ako nagsalita at tinatapos na lamang ang pagkain. “Didn’t you know that if someone greeted you, you should greet back? You’re so rude.” Hindi ko pa rin siya pinansin. I don’t care if she sees me as someone rude. She scoffed when she realized that I was still not going to greet her. “Anyway, who are you? Ngayon lang kita nakita rito, and judging that you’re eating with me here, hindi ka katulong ni Chaos.” Hindi ko pa rin siya binigyan ng atensyon. I don’t want to waste any time for the likes of her. Kapansin-pansin ang pagtiim ng bagang niya. Siguro ay naiinis siya dahil hindi ko siya pinapansin. “Are deaf or someone who couldn’t speak? Tinatanong kita pero hindi mo ako sinasagot. Really, now?” At this point, I know she’s pissed off. Nararamdaman ko ang pagkainis niya sa akin dahil hindi ko siya sinasagot. Nakarinig ako ng ingay mula sa silya. Tumayo siya at naglakad papalapit sa akin bitbit ang isang baso ng tubig. Tumigil siya sa gilid ko. “Do you know what people who disregard my presence get from me?” Ibinuhos niya sa akin ang malamig na tubig. Natigilan ako dahil sa ginawa niya. The maids gasped when they witnessed what happened. Ang iba ay sinubukang lapitan si Maeve pero mukhang nagbanta ito sa mga iyon. As much as I hate interacting with other people, I don’t tolerate those who disrespect me. “There. Siguro naman ay papansinin mo na ako—” Kinuha ko ang tasa ng kape ko at ibinuhos iyon sa kanya. Napasigaw siya dahil sa ginawa ko for the obvious reason na mainit ang kape. Mabilis kong kinuha ang maliit na knife sa leg holster ko at itinapon sa gilid niya. Matalas ito kaya’t nang sumagi sa kanyang buhok ay naputol iyon at nasugatan siya sa may leeg. Nanlaki ang kanyang mga mata sa bilis ng nangyari. Tumama sa pader ng kutsilyo ko. “If people weren’t paying attention to you, get the message and leave them alone.” Napahawak siya sa dumurugo niyang leeg at nagniningas ang kanyang titig sa akin. Itinaas niya ang kamay niya. If she’s going to slap me, I might as well destroy her pretty face. “How dare you!” Bago pa ako masampal ni Maeve, may humawak na sa kamay niya. I keep seated, unflinching. Hindi ako iilag sa sampal niya, pero sana alam niya ang mangyayari sa kanya kapag ginawa niya iyon. “What are you doing?” Nakuha ni Chaos ang aking atensyon nang marinig ko ang talim sa boses niya. Nakatingin siya kay Maeve at hindi man niya ipahalata, galit siyang nakatingin sa babae. “Chaos…” Agad niyang inayos ang ekspresyon ng mukha niya, halatang nagpapaawa. I looked at her with a bored expression. Here comes the victim card. So annoying. If Chaos Van Aalsburg will be on her side, hindi ako magdadalawang-isip na umalis dito sa bahay niya. I accepted his offer to find out if he was somehow connected to the father of my child or…he was, indeed, the father. “Binuhasan niya ako ng mainit na kape! Look at my neck; it’s burning, and there’s a scratch of the knife she threw at me! This b***h—” Marahas na binitawan ni Chaos ang kamay ng babae. Halos mawala ito sa balanse. “Get out of my house.” Mahinahon ngunit may talim, ganoon ko ipapaliwanag ang tono ng boses niya. “What—” “You heard me. Don’t make me repeat myself. Out!” Nanunubig ang mga mata ng babae. “You’re going to regret this, Chaos—” “The only people who are going to regret this is your family, once I decide to stop sponsoring the Calnan family, Maeve. Don’t you dare disrespect my guest again.” Doon na napatigil si Maeve. Tumingin ang babae sa akin pero pinanatili ko ang walang ekspresyon kong mukha. “I hate you!” Nagmartsa ito papaalis. Kung saan siya pupunta, wala akong pakealam. Humarap si Chaos sa akin, ang ekspresyon niya kanina ay agad na nagbago. His face softens when he turns his head to me. “Are you okay, Miss Tatiana?” Tinitigan ko ang mga mata niya at may kakaiba na naman akong naramdaman kaya’t mabilis akong nag-iwas ng tingin. “I’m fine. Siya dapat ang tinatanong mo niyan.” Naupo si Chaos sa tabi ko. Mabilis niyang kinuha ang malinis na tuwalya. Nang akmang pupunasan niya ang buhok ko, nagdalawang-isip siya. Maybe he’s thinking that I don’t want to be touched. Hindi ako kumilos at nanatiling nakatingin ng diretso. Naramdaman ko ang maingat at marahan na paglapat ng malambot na tuwalay sa ulo ko as he started to dry my hair. I let him. Totoong hindi ako basta-basta nagpapahawak kahit kanino, kaya isa ring malaking hiwaga na hinahayaan ko siyang gawin ito sa akin. “I would like to apologize about what happened—” “You don’t have to,” pagputol ko sa kanya. “I poured the poor girl a hot coffee; we’re even.” Tiningnan ko si Chaos. Napatigil siya sa ginagawa niya at muli kaming nagkatitigan. Hindi ko na naman nagawang i-maintain ang eye contact kaya’t nag-iwas ako. Why do I keep avoiding his gaze? “I need to go to the mall later. Nagpaalam lang ako because I am living under your roof.” It’s natural. Tumango siya. “I will come with you.” Kunot-noo ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niya.”I don’t need you, babysitting me, Chaos. Kaya ko ang sarili ko.” Ngumiti si Chaos sa akin. “I know that very well, Miss. Gusto ko lang samahan ka dahil alam ko ring hindi mo kabisado ang Puerto Rivas. And you’re pregnant. I want to give you the utmost care, while we haven’t see the father of your child.” Parang may kung anong nanunuyo sa aking lalamunan, kaya imbis na magsalita ay nanahimik na lang ulit ako. Ngayon lang ata kami nagkaroon nang maayos na pag-uusap ni Chaos. Madalas kasi ay hinahaluan niya ng kalokohan. Nag-iwas akong muli ng tingin kay Chaos at nagpanggap na lang na tinatapos ko na ang pagkain ko kahit pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana. Sa gilid ng aking mga mata, kitang-kita ko ang paninitig ni Chaos sa akin. Nang maramdam ko ang pagiging hindi komportable, tumingin ulit ako sa kanya. “Why are you looking at me? Stop that.” Ngumiti si Chaos sa akin pero hindi man lang niya iniiwas ang titig sa akin. “That’s an order, Russell. Stop staring.” He flinched when I called him using that name. Maya-maya pa ay tumawa si Chaos at ngumisi sa akin. “Yes, Ma’am.” Tumayo siya at inayos ang sarili. “I will see you later.” May sinabi siya kina Elin at umalis na. Tinitigan ko si Chaos hanggang sa makaalis siya. Hindi ko maipaliwag kung bakit nakakayanan kong tumingin sa kanya kapag hindi niya nakikita, yet I am having a hard time maintaining an eye contact.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD