Tatiana
“THIS is Coen, Abel, and Jacco,” pagpapakilala ni Chaos sa tatlong lalaki. “They are my…bodyguards.”
Tumaas ang isang kilay ko at tumingin kay Chaos. The bodyguard has his own bodyguards. How ironic.
“Nice meeting you, Miss Tatiana.” Inilahad ni Coen ang kanyang kamay sa akin ngunit nang samaan siya ni Chaos ng tingin at mapansin na hindi ko rin naman hahawakan ang kamay niya, itinago niya rin iyon sa likod niya.
“It’s great to finally meet you, Miss Tatiana,” sabi naman ni Abel, kung hindi ako nagkakamali sa pangalan niya.
“We heard so much things about you—” Humarang si Chaos sa harapan ko kaya’t naputol ang sinasabi ni Jacco. Tinakpan din nina Coen ang bibig nito.
“Shall we go?” Ngumiti sa akin si Chaos.
Binuksan niya ang kotse at pinapasok ako sa passenger’s seat. Hindi kaagad ako pumasok at tumingin ako kay Chaos.
“You are driving?”
Tumamgo si Chaos sa akin. Naamoy ko ang pabango niya at natigilan ako sandali.
Something changed.
“Yes, the bodyguards will follow us using another car, Miss.”
Hindi na ako nagtanong at pumasok na sa loob. Sumunod si Chaos at pumasok na rin sa driver’s seat.
Lalo kong naamoy ang pabango ni Chaos nang pumasok siya sa loob ng kotse. It wasn’t the same cologne he used the other day. It was…pleasant to my nose.
Napatitig ako kay Chaos at nang mapansin niya iyon, sandali siyang tumingin sa akin bago tumingin sa daan.
“May problema ba, Miss Tatiana?”
Whenever he calls me Miss Tatiana, it irritates me for some unknown reason.
“You changed your cologne.” Kung kanina ay hindi pa ako sigurado at may pagdadalawang isip pa, ngayon ay sigurado na ako.
“Ah!” Inamoy niya ulit ang sarili. “Oo, kasi ang sabi mo noong nakaraan ay hindi mo gusto ang amoy ko kaya’t nagpalit ako. Mabango naman ba ako sa pang-amoy mo?”
Malawak ang ngiti ni Chaos sa akin at hinihintay niya siguro ang reaksyon ko.
“It’s…okay.” It's actually nice, but praising him for that is a little weird.
Natahimik kami sandali sa byahe, nakikita ko nga ang isang kotse na sumusunod sa amin. Iyon siguro ang kotse kung nasaan ang tatlong tauhan ni Chaos.
“I don’t need the bodyguards,” I said out of nowhere.
“I’m sure,” sabi niya at marahang tumawa.
Masama kong tiningnan si Chaos. I thought he was mocking me, pero hindi naman. It was one genuine laugh.
“Pero mas mabuti nang sigurado, hindi ba?”
He has a point. Siguro sa akin, walang magtatangka sa buhay ko ngayon, pero who knows if someone is after Chaos’ life.
Alam ko na kaya ni Chaos na protektahan ang sarili niya. He is skilled even when he was still working for my family under the name Russell, but no matter how skilled you are, if you’re outnumbered, death can knock on your door anytime.
Malayo ang mall sa bahay ng mga Van Aalsburg, kaya’t nagkaroon pa ng oras at pagkakataon si Chaos magtanong sa aking tungkol sa bagay na ayokong pag-usapan.
“If you don’t mind, Miss Tatiana…” sabi ni Chaos sa akin. “Can you tell me something about the man who…got you pregnant? I will relay the description of the man to my men so they can help you find him.”
Tumingin ako kay Chaos. Napansin ko na mahigpit ang hawak niya sa manibela.
Ayoko na sana siyang sagutin. Kung sa normal na araw, hindi ko na lang papansinin ang tanong niya at mananatiling tahimik. But this is not a normal day.
“I don’t remember anything from that night.” Hindi ko alam kung sobrang lasing lang ba ako kaya’t wala akong maalala. Everything was a blur to me.
Napatingin sandali si Chaos sa akin. “Were you rape—”
“No, hindi ko lang talaga maalala ang mga pangyayari,” sabi ko sa kanya.
Para bang nakahinga nang maayos si Chaos. “I will try to investigate. If you remember anything, Miss Tatiana, you can tell me.”
Nakarating na kami sa mall. Sandali lang naman siguro kami rito dahil damit ko lamang naman ang bibilhin ko. Hindi ako maluhong tao, kaya hindi ako natatagalan sa pamimili. Hindi rin ako mapili sa mga damit o gamit ko.
Pagbaba ko pa lamang ng sasakyan at pagpasok ko ng mall, may iba na akong nararamdaman.
Tiningnan ko ang paligid at tiningnan kung may tao bang nagmamasid sa akin pero wala naman. I wonder if I’m just being paranoid now o kasama rin ito sa pagbubuntis ko at pakiramdam ko ay may nagmamasid at sumusunod sa akin?
“Miss Tatiana?”
Nilingon ko si Chaos. Siguro ay natagalan ang pagtigil ko dahil sa pag-iisip kung nagmamasid sa akin.
“Nothing. Let’s go.”
Nakasunod si Chaos sa akin sa bawat galaw ko. Nilingon ko ito dahil hindi niya naman kailangan na gawin ito.
“Baka may kailangan ka ring gawin, you don’t have to follow me all day.”
Tiningnan ako ni Chaos at ikiniling niya ang kanyang ulo.
“Call me if you’re done. There are things I need to buy.”
Tumango lang ako sa kanya. Alam ko na naman ang number niya dahil ibinigay niya sa akin.
Umalis si Chaos habang ako naman ay nagpatuloy sa pamimili ko.
Napadaan ako sa baby’s section. Napatingin ako roon pero nagdadalawang-isip kung dapat ba akong tumingin ng mga gamit. Unang-una, hindi ko pa naman alam kung anong kasarian ng anak ko.
But before I knew it, nakikita ko na ang sarili ko na naglalakad at tumitingin ng gamit ng baby.
Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang tinitingnan ko ang mga gamit na naroroon. Hinawakan ko pa ang isang kulay pink na damit at iyong kulay blue. Naalala ko noon, ang mga gamit namin ni Zeke ay kulay pink para sa akin at kulay blue naman sa kanya. Ang sabi sa akin ng mga tita ko, noong bata raw kami ni Zeke, ang kulay ng damit namin ang nagsasabi sa kanila kung sino si Tati at kung sino si Zeke. Magkamukhang-magkamukha raw kasi kami noong mga bata kami and it was hard to determined back then who is who.
“Hello, Ma’am!” Bati sa akin ng saleslady. Mabilis kong binitawan ang damit na hinahaplos ko kanina. “How can I help you po—”
Bago niya pa matapos ang kanyang sasabihin, mabilis na akong tumalikod at umalis doon.
Nagmamadali akong umalis sa baby’s section.
Tapos na akong mamili and I texted Chaos. Naalala ko na hindi ako sanay sa ganito, because usually, I have someone to buy my things for me. Pumila na lamang ako para makapagbayad na kahit hindi ako sigurado kung tama ba itong ginagawa ko.
May isang lalaki na tumabi sa akin. Sobrang tangkad niya na halos lamunin ako ng laki niya. Bahagya akong lumayo sa kanya as I patiently waiting for my turn.
Kapansin-pansin ang paglapit pa rin ng lalaki sa akin. Ibinaba ko ang kamay ko sa leg holster na mayroon ako. Parati ko itong dala, just in case.
Sobrang lapit na ng lalaki sa akin. I was about to get the knife in my holster when…
“Miss Tati!”
May pumagitna sa aming dalawa kaya’t mabilis na lumayo ang lalaki. Nakita ko si Jacco.
Kumunot ang noo ko sa kanya dahil sa tinawag niya sa akin. No one calls me Tati unless I give you permission. Hindi ko maalalang close kami para tawagin niya ako sa nickname ko.
“Patapos na po kayo? Ako na po ang magbibitbit niyan,” sabi ni Jacco at kinuha sa akin ang basket kung saan nakalagay ang mga pinamili ko.
Tiningnan ko ulit iyong lalaki na gumigitgit sa akin kanina. Wala na siya at hindi ko makita.
I had a short glimpse of his face, kaya alam ko na sa oras na makita ko siya, makikilala ko kaagad.
Who is that? If my hunch was correct, may sumusunod at nagmamasid nga sa akin. But who was behind it? My family or…
As much as I hate to think about that, maaaring mula ito sa mga kalaban ng pamilya ko. Pero paano nila nalaman ang tungkol sa kinaroroonan ko ngayon? Maging sa pamilya ko ay wala akong pinagsabihan kung saan ang punta ko nang umalis ako.
“May problema po ba, Miss Tati?”
Nakuha muli ni Jacco ang atensyon ko, lalo na nang harangan niya kung saan ako nakatingin.
“No, nothing.”
Hindi ko na lang binanggit kay Jacco. There will be a lot of unnecessary questions after that. I can deal with my problem.
“Where’s Chaos?” tanong ko. I can see Jacco as someone like Russell. Magkasing-ingay silang dalawa ni Chaos nang nagtatrabaho pa ito sa kapatid ko.
“May inaasikaso lang po.”
Pinagmasdan kong mabuti si Jacco. I can feel that he’s hiding something from me. Ganoon man, hindi na ako masyadong nagtanong pa. I mean, whatever Chaos’ doing right now, it’s none of my business.
Nang ako na ang magbabayad, sinabi sa akin ng staff ang total bill ko. Kinuha ko ang wallet ko at bago ko pa makuha ang card ko, inabot na ni Jacco ang isang gold credit card.
“Wait—”
“Ang utos ni Sir Chaos ay bayaran ko raw po gamit ang card niya ang lahat ng pinamili mo, Miss.”
Malamig kong tinitigan si Jacco. “I can pay my own bills,” sabi ko sa kanya.
“Utos lang po ni Sir. Nasunod lang po ako.” Lumapit si Jacco sa akin. “May black card ‘yon tsaka platinum card, pero ang authorization na binigay niya sa amin ay hanggang gold cards niya lang.”
Hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni Jacco. Matapos ang aming transaction doon ay umalis na kami.
I told him, kaya kong buhatin ang mga bags pero ayaw niyang ibigay sa akin kaya’t hinayaan ko na lang din.
I asked Jacco, kung saan namin hihintayin o kikitain sina Chaos.
“Sa parking na po, Miss. Para makapagpahinga na rin po kayo. Unless may gusto pa po kayong puntahan?”
Umiling ako dahil wala na naman akong pupuntahan pa. Hindi rin ako nakakaramdam ng gutom. I like the idea of resting, too. Napagod ata ako sa paglalakad kanina.
Nakarating kami sa parking. Inilagay ni Jacco ang mga pinamili ko sa trunk ng kotse ni Chaos. Pagbubuksan niya na sana ako ng pinto nang dumating sina Chaos.
Lumayo kaagad si Jacco sa akin at lumapit kina Coen at Abel. May pinag-usapan silang tatlo at tumango sina Abel sa kung ano mang sinabi ni Jacco sa kanila.
“Are you done, Miss Tatiana?”
Tiningnan ko si Chaos. I nodded my head. “Yes, I owe you a few bucks. I’ll transfer it to you later.”
Tumaas ang kanyang noo na akala mo ay hindi naiintindihan ang sinabi ko.
“You pay for my clothes earlier, I will pay you back.”
Ngumiti si Chaos sa akin at umiling. “You don’t have to.”
Bumagsak lalo ang ekspresyon ko. “And you don’t have to pay for my expenses, Chaos. I will pay.”
Naisip niya siguro na hindi siya mananalo sa akin kaya’t nagkibit-balikat na lamang ito. Sa ayaw at sa gusto niya, babayaran ko sa kanya ang mga damit.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse pero bago ako pumasok doon ay may napansin ako sa kanyang suot na shirt.
Kung tutuusin ay wala naman sana akong pakealam doon at dapat ay hindi na lang ako nakialam. Sabi ko nga, kung ano mang ginagawa ni Chaos, wala na dapat akong pakealam doon.
Lumapit ako kay Chaos. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin niya ang paglapit ko sa kanya.
“Miss Tatiana—”
Hinawakan ko ang shirt ni Chaos. Inilapit ko ang mukha ko roon upang maobserbahang mabuti dahil baka nagkakamali lamang ako. Ngunit nang mapagtanto ko na tama ang hinala ko, nagtaas na ako ng tingin kay Chaos.
“Why do you have blood on your shirt?” tanong ko sa kanya.
Pinagmasdan ko pa siyang mabuti at hindi lang siya sa may shirt niya may dugo, mayroon din siyang dugo sa kamay.
“What did you do, Chaos?”
Tiningnan ko nang diretso ang mga mata ni Chaos. Kung kanina ay para bang maamong tupa ang ekspresyon na mayroon ang mga mata ni Chaos, ngayon ay nakikita ko kung anong tunay niyang nararamdaman.
Sinister and vicious. Blood-thirsty.
I always see Chaos as someone who was a happy-go-luck guy, na hindi ko na masyadong inisip na maaaring hindi iyon ang tunay na pagkatao niya.
Because right now, I can’t see the Russell I know. All I can see is someone foreign to me…a menacing human being who’s thirsty for blood and killings and someone who will charge straight to the battlefield for the sole reason that ending someone’s life is entertaining for him.
This is probably a glimpse of…the real Chaos Van Aalsburg—a blood-lusting creature.