KABANATA 4

2303 Words
Tatiana ISA LANG ang napansin ko sa bahay ni Chaos. Wala kang makikitang kahit anong picture ng pamilya niya. No pictures of his mother, father, or anyone from his family. Maging picture niya ay wala kang makikita sa kahit saang sulok ng bahay. “Anong klaseng pamilya ang Van Aalsburg?” The internet isn’t enough. May nakikita akong tungkol sa Van Aalsburg pero parang ibang pamilya naman iyon. Bukod sa ilang impormasyon na nagsasabi tungkol sa mga matatagumpay nilang mga businesses, wala ka nang ibang makikita. It’s not new to me. Kahit naman pamilya ko, hindi rin gusto na pinagpipiyestahan ng ibang tao ang tungkol sa amin kaya’t wala ka ring mahahanap basta-basta kung normal na research lamang ang gagawin mo. “Ah!” Elin flinched with my sudden question. Napalagok siya at halatang kinabahan. Kapansin-pansin na para bang hindi niya alam kung paano sasagutin ang katanungan ko. I don’t think there’s something wrong with my question unless they are hiding something from me about the said family. Not that I care. “You don’t have to answer if you don’t want to.” Iniisip ko na baka kagaya ng pamilya namin, parte ng mafia ang mga Van Aalsburg. After all, hindi naman kakabahan ng ganito si Eli sa ordinaryong tanong na ibinato ko sa kanya. “They are originated from Netherlands, Miss. Dutch po ang mga Van Aalsburg. Pero sa pagkakaalam ko, rito na lumaki si Sir Chaos sa Pilipinas.” Of course, I know that fact. Sa amin na lumaki si Chaos. Kaya nakakapagtaka na ngayon ko lang nalaman na mula siya sa ganitong pamilya. Marami pa akong gustong itanong. I am curious about Chaos Van Aalsburg at paano siya napadpad sa pamilya ko. But then, kung hindi ako sasagutin ni Elin sa mga tanong ko, mas magandang huwag na lang din itanong. Naisip ko na kay Chaos na mismo lumapit, but knowing his personality, ayokong isipin niya na may interes ako sa kanya. I don’t. Napakunot ang noo ko habang iniisip iyon. Bakit nga ba sumagi sa isip ko si Chaos? Why am I thinking about him in the first place? This might be due to my pregnancy hormones. Siguro nga. Ganoon na lang ang gusto kong isipin. Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ng asawa ng kapatid ko. Kumunot ang noo ko at nagdalawang-isip pa kung sasagutin ko ba. Sa huli, naisip ko na sagutin na lang. Wala akong problema kay Eula, ang asawa ng kapatid ko. Hindi lang talaga ako makapaniwala na nakayanan niyang baguhin ang kapatid ko at lahat ng pinaninindigan nito. “Hello?” I made sure that no one can track my phone calls. Kaya hindi ako natatakot kung sagutin ko ang mga tawag nila. Even with that, wala naman akong dapat itago. I am not hiding from my family. “Hi, Tati!” Eula greeted me. As far as I know, Eula is one timid girl. Hindi siya maingay o iyong expressive rin na tao. “Itatanong ko lang sana kung busy ka?” “…” Hindi ako sumagot. Hinintay ko kung anong susunod niyang sasabihin. “Iniisip ko kasi na tanungin ka kung pwede tayong magkita? Gusto lang kitang makausap.” Bumuntong-hininga ako. I know Eula is intimidated with me. Kahit ano pang napagsamahan namin nitong nakaraan, hindi nawawala na takot siya sa akin. Well, she should be. Everyone should. “I am kind of busy. Wala rin ako sa bahay. Why not tell me now? We can save ourselves time by doing that.” Hindi siya nakapagsalita kaagad. Natahimik panandalian si Eula. Napapikit ang aking mga mata. Alam ko, I sounded harsh and cold with my words. I didn’t mean it, though. Ayokong isipin ni Eula na may galit ako sa kanya o hinanakit. Tutulungan ko ba siya kung galit ako sa kanya? Hindi ko lang siguro kayang baguhin ang pakikitungo ko sa ibang tao. I don’t trust people easily. Isang beses lang din ako nagbibigay ng tiwala. Once you break it, that’s the end of it. I never give second chances. If you ever betrayed me, you could walk out of my life. The things a trauma can give to you. “If you’re not going to say anything, I am ending the call—” “No, wait,” sabi ni Eula. Huminga siya nang malalim bago muling magsalita. “I heard what happened to you and Zeke. Gusto kong humingi ng paumanhin.” Kumunot na naman ang noo ko sa sinabi niya. Why is she apologizing? “Nabanggit sa akin nina Miles ang nangyari noon sa ospital.” Miles is one of my brother’s guard, just like Russell—sorry, I mean Chaos. “Alam ko na medyo late na. Alam ko rin naman na nagkaayos na kayo ni Zeke. It’s just…I’m sorry. Alam ko na nagkasagutan kayo nang dahil sa akin at kung ano man ang sinabi ni Zeke sa iyo noon, you know he didn’t mean any of that.” Truth to be told, I don’t want to remember how my brother and I fought that night. Marami akong naaalala. Bukod sa hindi magandang mga salitang natanggap ko sa kapatid ko, nagpakalasing ako at ito nga’t nagbunga pa ang pagiging careless ko. One careless night, and I am now pregnant. “Is that all?” Bumuntong-hininga ulit ako. “I’m hanging up.” “Oh, alright. Bye, Tatiana.” Ibinaba ko na ang cellphone ko. Tinitigan ko pa ito sandali bago ako huminga nang malalim. I don’t really know how to express myself properly. May mga bagay akong gustong sabihin but for some reason, I cannot say them. Whatever. I don’t care if people misunderstood me. I don’t live for their opinions. Sanay na rin naman ako na ma-misinterpret ako ng ibang tao. Sumama ang pakiramdam ko noong hapon. Panay ang pagsusuka ko. Kumain ako ng prutas kanina at habang nagpapahinga, bigla akong nakaramdam ng pagsusuka. “Nasa banyo po siya, Sir.” Bumukas ang pinto ng banyo. Hindi ko nagawang tumingin doon dahil panay ang pagsusuka ko. “Miss Tatiana!” Kahit hindi ako tumingin sa kanya, alam ko na si Chaos ang dumating. Nahilo ako lalo nang maamoy ko ang pabango niya. Hinawakan ni Chaos ang aking buhok at itinaas iyon. Hinagod niya rin ang likod ko. “Should I call the doctor?” Itinaas ko ang kamay ko at itinulak ko siya papalayo sa akin. “Get…out—” Hindi ko nagawang maayos na sabihin ang binabalak ko dahil sa pagsusuka ko. Napatayo si Chaos nang marahan ko siyang itinulak papalayo. Natigilan siya at hindi pa rin umalis. Nahilo na naman ako nang maamoy ko ang pabango niya. “Can you please get out?” Hindi maganda ang tono ko dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Umawang ang bibig ni Chaos pero sa huli ay tumango rin. “I’ll be outside.” Isinuka ko ang lahat ng dapat kong isuka. Ipinikit ko ang aking mga mata at kahit papaano ay umayos na ang pakiramdam ko. I cleaned myself after that. Tiningnan ko ang sarili sa salamin at naalala ko kung paano ko itaboy si Chaos kanina. “I’m sure he will misunderstand me, just like everyone else.” Pinaalis ko si Chaos kanina dahil ayoko sa pabango niya. Nahihilo ako nang maamoy ko iyon. Pinunasan ko ang mukha ko at lumabas ng banyo. Inaasahan ko na wala akong madadatnan doon nang mapatigil ako dahil nakita ko si Chaos. Mabilis siyang lumapit sa akin, but when he saw me flinched, lumayo rin siya. “Are you okay?” tanong ni Chaos sa akin. Napakurap-kurap ako, hindi inaasahan na makikita ko pa siya rito. “Did I upset you or something? I assumed I did something since you pushed me away. Ayaw mo ba na hinahawakan kita?” May kung anong bumaliktad sa sikmura ko nang marinig ko ang huling sinabi niya. Gladly, I didn’t vomit. Nakatitig sa akin si Chaos at nang mapansin ko iyon, mabilis akong nag-iwas. Why am I being conscious? Inaasahan ko na aalis siya at iiwan ako dahil sa sinabi ko kanina, but he’s still here. “Your smell…” I can’t comprehend myself to why I am acting like this. “I don’t like it. It makes my head spin.” Sandaling natigilan si Chaos at para bang prinoseso niya ang sinabi ko. “Oh!” Inamoy ni Chaos ang kanyang sarili. “Kung ganoon ay aalis na muna ako. Magpahinga ka na, Miss Tatiana. I will call the doctor to check on you.” “You don’t have to call the doctor. I’m fine.” Iyon lang ang sinabi ko at naglakad papunta sa kama. Tumango si Chaos at naglakad na papaaalis. Bago siya tuluyang umalis, napansin ko na inamoy niya ulit ang sarili. Bumuntong-hininga ako. Hindi naman mabaho si Chaos. Kung tutuusin ay alam kong mamahalin ang pabango niya dahil naamoy ko na iyon sa isa sa mga pinsan ko. It’s just so happened that I don’t like the smell right now. My head is still throbbing pero nabawasan na. Roon ko lang napagtanto na amoy lavender ang aking kuwarto. Napapikit ang aking mga mata dahil nare-relax ako sa amoy nito. May kumatok sa pinto ng kuwarto. Bumangon ako at tumingin kung sino iyon. Nakita ko si Elin. “Hello, Miss Tatiana. Itatanong ko lang po kung okay sa inyo ang amoy ng lavender?” Tumango ako sa kanya dahil hindi ako nahihilo sa amoy nito. “Sinong nagdala niyan dito?” Hindi ko matandaan na may scented incense ako rito kanina. “Pinadala po ni Sir Chaos. Nabanggit ko po kasi na gusto ninyo ang amoy ng living room kaya’t nagpalagay rin po siya rito sa kuwarto ninyo.” Natahimik ulit ako sa narinig. Hindi ko akalain na gagawin iyon ni Chaos dahil lang nalaman niya na gusto ko ang amoy ng living room. Napakagat ako sa aking labi at napahawak sa dibdib ko. Ito na naman iyong mabilis na pagkabog ng dibdib ko. I don’t even know why. Maghapon akong nakatulog ng araw na iyon dahil na rin hindi kagandahan ang pakiramdam ko. Ilang araw kong hindi nakita si Chaos. Hindi ko sigurado kung sadyang busy ba siya o iniiwasan niya lang ako. Maybe he did interpret me wrong. Sanay na naman ako. Madalas sa mga kilos at aksyon ko, nakikita ng iba bilang iba sa ibig sabihin na gusto kong ipakita sa kanila. Whether I care for someone, they will interpret my actions differently. “You’re selfish, Tatiana.” Naalala ko ang mga salitang iyon. Para akong biglang nawalan ng gana. Sinabi ko sa sarili na okay na ang lahat pero…mukhang hinding-hindi ko makakalimutan ang mga salitang iyon na sa mismong kapatid ko pa narinig. People always think the worst in me. Siguro dahil mukha naman talaga akong makasarili at walang pakealam. Do I intend to change the misinterpretation of other people to me? No. Kung ano mang pagkakaintindi ng ibang tao sa akin, wala akong pakealam. Nabubuhay naman ako kahit anong opinyon ang mayroon sila sa akin. Maybe this is my defense mechanism. Dahil mas malayo ang loob ng tao sa akin, mas mapoprotektahan ko ang sarili ko. “Wala po si Sir Chaos ngayon, Miss. May party po siyang pupuntahan.” Tumango ako. At some point, I want to see him. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ko siya gustong makita. “May kailangan po ba kayo kay Sir? Ipaparating ko po kung gusto ninyo—” “None. Thanks.” Nagsimula na akong kumain, but I was having a small appetite. Siguro dahil iniisip ko na baka isuka ko lang din kung kakain ako nang marami. That must be it. Hindi ako makatulog nang gabing iyon. Iniisip ko na dahil maghapon akong tulog, wala na akong itutulog ngayong gabi. Nakatitig ako sa kisame at nakahiga nang tuwid. Nakapatong sa aking tiyan ang aking dalawang kamay. Noong una, klaro ang isipan ko hanggang tila dahan-dahan akong may naalala. Tinangka kong gumalaw pero hindi ako makagalaw. Para akong na-sleep paralysis, pero mas maganda nga kung ganoon ang nangyari. I can deal with mythical creatures rather than humans who can actually…kill you. Those eyes. The dark green and terrifying eyes of my past. It feels like they are staring straight to me, deadly and tormenting. Kagaya ng kung paano niya ako tingnan noon. Tinangka kong gumalaw pero hindi ko magawa. Para akong ibinalik sa gabing iyon, sa gabing tuluyang nagpabago ng takbo ng buhay ko. I can’t breathe. Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ay may sumasakal kahit wala namang sumasakal sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata. Move, Tatiana. Move! Nagawa kong igalaw ang isang daliri ko. I gasped for air at nakagalaw ako. Mabilis akong bumangon at hinawakan ang leeg ko. Hinahabol ko ang aking paghinga. Nanginginig ang aking buong katawan. Niyakap ko ang tuhod ko at pinagmasdan ang kinaroroonan ko. I am still in my room. Wala ako sa lugar na iyon kung nasaan ang lalaki, at hinding-hindi na ako babalik doon. Naalala ko na naman ang dark green na kulay ng kanyang mga mata. Itinuon ko ang aking noo sa tuhod ko, pinakalma at inalo ko ang aking sarili. Just like the night of that incident, no one was here. I was all alone in that dark place trying to scream for help, but no one came. Ganoon din ngayon, mag-isa na naman ako sa madilim na silid na ito. Itinunghay ko ang aking ulo, nananalaytay ang galit sa aking ugat. No, no one can harm me again. No one can hurt me. I will fight tooth and nail if I have, too. I am no longer the crybaby. I can fight back now. So, raise your head high, Tatiana. Don’t you ever bow it again, not to the demons of your past or anyone else.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD