Tatiana NAKATINGIN ako sa pinto ng apartment ko. Ang sabi ni Chaos sa akin kanina ay babalik siya. Kahit sinabi ko sa kanya na hindi naman siya welcome rito, ito ako at para bang hinihintay ang pagdating niya. Kalagitnaan na ng gabi at hindi ako dinadalaw ng antok. Lumilipad ang aking isapan sa mga kung ano-anong bagay. Sinasabi ko sa sarili na kung hindi pupunta si Chaos ay wala akong pakealam. Ganoon naman dapat talaga. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa sofa habang hinihintay kung darating ba si Chaos. Nagising lamang ako nang may kumatok sa pinto ng apartment ko. Tumayo ako at binuksan ang pinto ng kung sino mang kumakatok. I just know it was Chaos. Hindi nga ako nagkamali dahil pagbukas ko pa lamang ng pinto, nakita ko na si Chaos doon. Nakatuon siya sa frame ng pinto ng un