Chaos NAGISING AKO na katabi ko si Tatiana. Hindi ko maiwasan na mapangiti nang maamoy ko ang bango ng buhok niya. Mas isiniksik ko ang aking sarili sa kanya at tumama ang likod niya sa aking dibdib. I am not wearing any top. Kaya mas nararamdaman ko ang init ng katawan ni Tatiana. She didn’t give any response to my confession last night aside from a thank you. Natatawa ako sa tuwing naalala ko iyon. Ipinikit kong muli ang aking mga mata. I am liking this peacefulness and comfort that Tatiana could give me. Sa tuwing wala siya sa tabi ko, maging ako ay hindi makilala ang sarili. Sa paglamon ng dilim sa aking paningin, naalala ko kung anong mga bagay ang nagagawa ko sa tuwing hindi ko nararamdaman ang ganitong ginhawa sa dibdib ko. Para akong nakawalang hayop na walang ibang ginawa ku