Tatiana DUMAAN muna ako sa clinic ng doktor ko dahil pinabalik niya ako roon. She told me that my examination result is out. Seryoso niyang tinitingnan ang mga resulta ng test na isinagawa niya. “Sabi na, something’s odd about your pregnancy. Hindi ko pa lamang na klaro sa ‘yo last checkup dahil baka mali ako. Nanatili ang seryoso kong ekspresyon habang nakikinig sa aking doktor. “Is there something wrong with the baby?” Umiling ang doktor sa akin at inilapag ang mga resulta ng examinations ko sa kanyang mesa. “No, nothing’s wrong with the baby—sorry, babies.” Ngumiti sa akin ang doktor at pinagsalikop ang kanyang kamay. “You’re going to have triplets, Miss Benavidez. Congratulations!” Tulala ako nang makauwi sa bahay at wala sa sarili. Paulit-ulit sa aking isipan ang sinabi ng dokt