Chaos TUMAAS ang isang kilay ni Shun Yamada. Kilala ko ito dahil ilang beses na rin siyang nakausap ni Zeke at ni Azriel, pinsan ni Zeke. Narinig ko na may alliance ngang nabubuo sa mga Benavidez at Yakuza. Nasa Bohol ako nang malaman ko kay Coen na umalis si Tatiana sa Puerto Rivas at hindi siya isinama. Mabilis kong pinag-aralan kung saan papunta si Tatiana at nalaman ko, gamit ang chopper ng pamilya niya ay pumunta siya sa Cebu. Tinapos ko kaagad ang mga trabaho ko sa Bohol. “Sir, may meeting pa po kayo with Mr. De Vera—” “Cancel it,” pagputol ko sa sinasabi ng sekretarya ko. Alam ko na ikinagulat niya iyon dahil hindi niya naman itinatago sa akin ang ekspresyon ng mukha niya. “But Sir, gusto po kayong makausap ni Mr. De Vera para sa investment na ipapasok niya sa bagong airlin