Tatiana NANATILI pa kami sa hotel nang isang araw. Bukas na kami uuwi ni Chaos. Katabi ko siya ngayon at natutulog. Hindi pa ulit ako dinadalaw ng antok ko magmula kanina at wala akong ibang ginawa kung hindi ang titigan si Chaos. Naalala ko ang napag-usapan namin kanina. He told me he loves me. Napakapit ako sa dibdib ko nang mabilis itong kumabog. Sa tuwing inaalala ko ang sinabi ni Chaos sa akin kanina ay mabilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko kailanman inasahan na mararamdaman ko ang ganito para sa ibang tao. Hindi ko akalain na mahuhulog ako nang tuluyan sa kagaya ni Chaos. We’re complete opposite. Kung tutuusin, ang mga taong kagaya ni Chaos ang nilalayuan ko dahil ayoko sa maiingay. And yet, I am drowned to him. Hindi ko rin makakalimutan ang ilang bagay na sinabi niya sa