Tatiana “MASASAMAHAN mo ba ako sa mall, Chaos?” Tumingin siya sa akin. Wala akong gagawin ngayon at kaya ko pa namang maglakad-lakad. Gusto ko lang mamili ng gamit ng babies namin. May mga gamit na kaming nabili, pero para bang nagugustuhan ko ang ipamili sila ng mga bagay-bagay. Bago sa akin pero excited na akong makita at mahawakan sila. “Sure, wala naman akong gagawin ngayon—kailangan ko pa lang pumunta sa bagong airport na pinapagawa ko.” Tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. “Hmm, akala ko ba airlines langang mayroon kayo? Mukhng dino-dominate mo na rin ang airports, ah?” Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Simula nang magpakasal kaming dalawa ni Chaos, nagagawa ko nang magpakatotoo sa sarili ko nang hindi natatakot. Kasi alam ko na naandiyan si Chaos at