Tatiana ANG SABI ng doktor ko, next week ay kailangan ko nang magpa-admit sa ospital para sa panganganak ko. Excited na ako. Ang bilis ng panahon na parang kailan lang ay nalaman kong buntis ako at hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang balitang iyon at ngayon ay malapit na akong manganak. Ang dami na ring nagbago sa mga panahong nagdaan na hindi ko inaasahan. “Next week ka manganganak, ‘no?” tanong ni Chaos sa akin. Tumango ako sa kanya. “Magpapa-admit na ako ng Friday sa hospital para ma-monitor na ako. Mahirap na kung bigla akong abutin dito sa bahay.” Tumango si Chaos at kahit na may ngiti sa labi niya, may kakaiba roon. “Anong problema?” Alam ko na may malalim siyang iniisip. Hindi nakakawala sa akin ang pagbabago ng mood niya. Normally, magtatalon siya sa excitement kapag