Paano kung ang inaakala ninyong tahimik at simula ng masayang buhay ay siya pa lang simula pa lamang ng tunay na pagsubok sa mga buhay ninyo? Ang mga nakaraang pilit na kinakalimutan ay muling mga mauungkat. Paano kung ang perpektong buhay na pinapanagarap ninyo ay siyang magsisimula pa lamang na gumuho? Sa pangalawang yugto ng kwento nina Tatiana at Chaos, ito pa lamang ang tunay na simula ng istorya ng buhay nilang kadikit ang dilim at trahedya. AGE FIVE – CHAOS “Mama! Mama!” Mabilis akong tumakbo papalapit sa aking ina. May kinakausap siyang mga kaibigan at nakikipagtawanan. Kagaya ng parati kong nakikita sa kanya, sobrang elegante ng aking ina. Hindi niya ako narinig kaya’t hindi ito tumitingin sa akin. “Mama!” Mas nilakasan ko ang boses ko at lumapit sa kanya. Nakita ko ang pa