CHAPTER 4

2150 Words
Galaxy's POV: Tanghali na akong nagising dahil sa kakaiyak ko kahapon. Masakit masyado ang mga salitang naibato sa akin ng nanay ni Nitron kahit hindi naman talaga niya ako nililigawan. Parang totoo. Grabe naman siyang manghusga sa akin, wala naman akong ginagawang masama. May mga katulad pala niyang tao at wala akong magagawa roon. Hindi ko alam kung karapat-dapat ba para sa akin ang mga salitang sinabi niya pero masakit kasi ang mga iyon. Tagos na tagos. Napabuntong hininga na lamang ako at naligo muna. Mabilis lang akong nagshower at nagkuskos ng mabuti. Namiss ko ang paliligo ng matagal at pagbababad sa bath tub. Pagkatapos ko namang maligo ay nagsuot na ako ng damit. Nagsuot ako ng denim shorts at isang loose orange shirt na may tatak na 'Movie Mode'. Nahirapan pa akong mamili pero panandalian akong sumaya dahil doon. Namiss ko kasi ang marami kong koleksyon ng mga damit. Nakapaa naman akong nagtungo sa kusina para humanap ng makakain. Kumalam naman ang sikmura ko at napanguso na lamang ako. Kainis, wala pala akong stock ng pagkain. Nauna ko ang damit at nakalimutan ko naman ang mga kakainin kong bilhin noong nakaraan. Gutom na ako tinatamad naman akong magorder pa dahil mas matagal iyon, hays. Nagsuot ako ng Birkenstock bago kinuha ang aking wallet at lumang cellphone. Nagtungo sa may pinto ngunit saglit akong napatigil. Nag-alinlangan pa ako kung maglalagay ako ng pulbos o hindi ngunit sa huli ay napagdesiyunan kong huwag na. Matatanggal din naman dahil mainit sa labas. At isa pa, wala namang titingin sa akin. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Nitron na nagkakamot ng ulo. Napatikhim naman ako para makuha ang atensyon niya. Anong ginagawa niya rito? Paano niya rin nalaman ang hotel room ko? Bigla siyang pasulpot-sulpot. "Hi, ang aga mo naman mapadpad dito. Wala ka bang duty? Bakit ka nga pala napadalaw? Ayos ka lang ba?" tanong ko. "I'm sorry sa nangyari kagabi. I am really sorry, Galaxy. I want to apologize kagabi pa kaso baka tulog ka na kaya kumuha na lang ako kagabi ng bakanteng kwarto luckily bakante ang tapat mo. Kanina pa kita iniintay lumabas pero mukhang malalim ang tulog mo. Nahihiya naman akong kumatok dahil baka magising kita," nahihiyang pag-amin niya. Lihim naman akong napatawa dahil sa pagiging totoo ni Nitron. Hindi siya malihim ha. Kaso nahihiya ako dahil napakatagal niya palang naghintay. Gumastos pa siya ng malaki para mahintay lang akong makalabas at magsorry! Grabe, doon pa lang ang sincere niya na. Ang bait naman ni Nitron. "Hala, pasensya na talaga. Hindi ko alam na gagawin mo iyon sana ay kumatok ka na lang. Pasensya na rin sa pang-iiwan ko sa 'yo kagabi," sabi ko. "No, I'm the one who needs to say sorry. Masyadong naging masakit magsalita ang ina ko kaya pasensya. Forget about that. Teka kumain ka na ba?" tanong niya. Bigla namang natahimik kaming dalawa dahil nautal akong sumagot. Doon din niya narinig ang kalam ng sikmura ko kaya napatawa si Nitron. Bahagya pa akong napanganga dahil sa mahina niyang pagtawa. He chuckled! Pero nakakahiya ang pagtunog ng tiyan ko. Wrong timing naman ang tiyan ko, tsk. Ngayon ko natitigan ang postura ni Nitron. Napakagwapo talaga niya sa suot niyang white Gucci shirt at navy blue board shorts. Nakasandals din itong panglalaki at napakagwapo niya talaga. Mukhang crush na crush ko na yata si Nitron. Kahit noong highschool pa ako ay napakagwapo niya na. Hanggang ngayon naman syempre. "Hey Galaxy?" pagkuha niya sa atensyon ko. "A-Ayy sorry may naisip lang ako. Hindi pa ako kumakain eh, bibili sana ako sa labas grocery kumbaga. Wala pala akong stock ng pagkain at hindi pa ako nakakapamili," sagot ko. Nakakahiya dahil natulala ako. Baka mahalata niyang may gusto ako sa kaniya. Maikwento niya pa kay Kelly at asarin ako no'n. Kaso hindi naman si Nitron 'yong tipo na mahilig magsabi sa iba. "Hmm, let's go. Samahan na rin kita dahil rest day ko naman ngayon. Pambawi man lang kahapon sa nangyari sa bahay. I'll treat you brunch na rin," cool na sabi nito. Tumango na lamang ako at sabay kaming bumaba. Nagkukumustahan lang kami sa elevator hanggang pumunta kaming lobby. Iba naman ngayon ang dala niyang sasakyan. Isa itong sports car na Lamborghini. Hindi halatang mayaman siya ha, grabe. Paniguradong sariling yaman niya rin iyan. Doktor kaya si Nitron at malaki ang sahod ng psychiatrist! "Ang ganda ng sasakyan mo," puri ko sa kotse niya. "Thanks," cool ulit nitong tugon. Kahit anong sabihin niya ay ang cool pakinggan. 'Yong parang cold lang sa iba iyong kaniya ay cool. Ano ba iyan, lalo akong nagkakacrush kay Nitron. Para na naman akong bata. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok ako sa loob. Nagsuot din ako ng seatbelt dahil alam kong mabilis ito. Porsche dati ang pagmamay-ari ni Kuya Zodiac na ilang taon na mula noong huli kong nasakyan. Ngayon na lamang ako sasakay ng sports car ulit. Pagkasakay ni Nitron ay nagpatakbo na siya. Hindi naman pala siya kaskasero at maingat pa itong magdrive dahil na rin siguro kasama niya ako. Inilabas ko naman ang cellphone ko at sinubukan itong buhayin. Mahina naman akong napamura dahil deadbat na pala ito. Sabi na at dapat bumili na ako ng bagong cellphone. Baka marami nang missed calls sa akin si Kelly. Paniguradong nag-aalala na iyon sa akin dahil hindi ako nagpaalam sa kaniya noong umalis ako kagabi. "Don't worry, nasabihan ko na si Kelly. I told her na magkasama tayo," sabi ni Nitron. Napalingon ako sa kaniya at nagpasalamat. Tinanguhan naman niya ako. Bihira lang talaga siyang ngumiti. Once in a blue moon, char. Nang makarating kami sa mall ay mabilis kaming kumain. Tinanong niya ako kung saan ko raw gusto at ang isinagot ko ay sa Jollibee. Pumayag naman si Nitron dahil request ko naman daw. Umorder siya ng chickenjoy at tig-isa kami. May macaroni soup ako ganoon din siya. Marami rin kaming gravy at may tig-isang ice cream. May peach mango pie pa dahil gusto niya raw iyong tikman. Habang kumakain kami ay naaaliw ako kay Nitron. Masarap daw pala rito. Ngayon lang siya nakakain sa Jollibee dahil ang madalas niyang kainan dati kung fastfood man ay sa KFC at McDonald's. Mas nauso rin kasi iyon sa ibang bansa. Pagkatapos naming kumain ay pareho kaming nagtake-out. Nag-insist akong sa akin naman ang bayad pero ayaw niya. Nilibre niya pa akong peach mango pie. Tig-tatlong piraso kami. Sunod naman kaming pumunta sa grocery at namili na ako. Hindi siya namili at tumitingin-tingin lang. Siya pa ang nagsusuggest sa akin ng magagandang brand at tamang pagpili sa mga gulay. Matagal kasi akong nawala sa labas kaya wala ako gaanong alam. Isa pa, marami na palang bagong brand ng pagkain, sabon, detergent, at iba pa. Huwag daw ako basta bibili ng maganda ang packaging dahil ang iba ay hindi naman mabisa o masarap. Nakailang libo na rin ako bago namin napag desisyunang magbayad. Tinulungan niya akong magbitbit at halos naka-limang grocery bags ako. Hinatid niya ako pabalik sa unit. Sabi niya ay bukas ng umaga babalik na siya sa kaniyang hotel talaga. Pinag-iisipan niya nga kung lilipat daw ba siya o hindi. Mas mura daw kasi ang condo rito sa tinutuluyan ko at mas malapit sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. Mas madali nga naman siyang makakapunta roon, tipid pa. Pinigilan ko naman si Nitron dahil gusto niya pang tulungan akong maglagay ng mga pinamili sa refrigerator. Nakakahiya na at isa pa bisita ko siya. Dapat nga ay nasa living room siya para magpahinga o kaya ay kumain. Kaso sa huli ay wala naman akong nagawa dahil nag-insist siya. "Uhm Galaxy, do you want a job? Nabalitaan kong nurse ka at sabi ni Kelly ay alukin daw kita ng trabaho. Nagkataong kailangan ko ng assistant sa ospital dahil tambak ako ng paper works. Maganda rin iyong head start para sa 'yo kung papasok ka bilang isang nurse sa ospital. Full na ang ibabayad ko sa 'yo at hindi mo na kailangan pang mag-OJT," tanong niya. Napangiti naman ako sa alok ni Nitron. Ibig sabihin ay magkakasama kami sa trabaho tapos lagi ko pa siyang makikita? Mukhang masaya iyon. Kailangan ko nga lang huwag magpahalata na crush ko siya. "Sige ba, maraming salamat ha. Ang dami mo nang naitulong sa akin. Don't worry sa susunod ako naman ang babawi sa 'yo. By the way kailan pala ang simula ko if ever?" tanong ko. "You will start next week dahil tinatapos pa ang bago kong opisina. Bibigyan naman kita ng guide at tuturuan din sa gagawin mo. You can visit naman para makita mo ang ospital. Just call me kapag pupunta ka," sagot ni Nitron. Inilabas niya ang wallet niya at inabutan ako ng calling card. Lihim naman akong napangiti dahil may number na ako ni Nitron. Ang cute pa ng design ng calling card niya. Black and gold ang kulay. Nagpaalam na siyang babalik sa unit niya. Nabili ko na kasi itong unit ko at matagal na ito sa akin kaya walang problema. Si Kuya Zodiac naman ang nagbabayad ng mga sinisingil pang fees. Nagpatugtog naman ako dahil sa saya. Ang pinatugtog ko ay iyong alam ko pa dahil puro modern songs na ang lumalabas. Pinatugtog ko ang Having You Near Me by Air Supply. "I came to you and never asked to much Wondering what you would say Hoping you'd understand It's not a role I usually play Don't speak too much of what's been going on The past is over and gone Give me your troubled mind You know it's due I can do so much for you I want you Having you near me Holding you near me I want you to stay and never go away It's so right, having you near me Holding you near me I'll love you tonight, it feels so right Feels so right You are brave to say that you will get lost in love But you've opened your heart to me Underneath all you feel You know how deep our love could be Tonight we'll touch until it's time to go Then I'm leaving it up to you Even a fool would know That I'm not through I can do so much for you I want you Having you near me Holding you near me I want you to stay and never go away It's so right, having you near me Holding you near me I'll love you tonight, it feels so right Feels so right," pagkanta ko kasabay ng tugtog. Napakasaya ko habang sumasayaw pa at kinakain ang peach mango pie na libre sa akin ni Nitron. Hindi ko akalaing sasaya ulit ako ng ganito kasaya mula noon pagkatapos ng mga nangyari. Masaya akong nararamdaman ko ang mga ito. Narinig ko namang tumunog ang cellphone ko. Mabuti na lamang at naicharge ko ito kanina at bumili na rin ako ng bagong sim card. Syempre tinulungan ako ni Nitron sa pagpili ng magandang model at brand. Sino naman kaya itong tumatawag? Pagtingin ko ay galing pala sa Messenger iyong tawag. Si mom ang tumatawag sa akin. Handa na ba ulit akong makita sila? Pamilya ko sila at mahal na mahal. Wala akong dapat na ikatakot. At saka, hindi naman iba si mom. Miss na miss ko na rin siya at paniguradong alalang-alala na iyon sa akin. "Hello, mom! Kumusta ka na? Parang bumabata tayo ah. Ni hindi ka man lang tumanda after so many years! Fresh na fresh pa rin mana ako," masaya kong sabi. "Anak, kumusta ka na? I'm glad na nakakalabas ka na ulit ngayon," emosyonal na sabi ni mom. "I am also glad, mom. Kumusta naman sila Kuya Zodiac at Ate Stella? Huwag ka nang umiyak, mom. Papanget ka niyan sige ka. Ako nga tingnan mo oh masaya," biro ko. "A-Ayos lang sila, anak. Nandito ang ate at kuya mo maging ang mga pamangkin mo. May masama kasing nangyari," naiiyak na namang sabi ni mom. Nakaramdam naman ako ng kaba. Kutob ko nang may hindi talaga magandang nangyari at nagtipon-tipon na rin ang mga kapatid ko. Mukhang hindi iyon basta-basta. "A-Anong nangyari mom? Nasaan din po pala si dad? Galit ba siya sa akin?" tanong ko. "A-Anak Galaxy, huwag kang mabibigla. Patay na ang d-dad mo kahapon lang dahil sa heart attack. P-pasensya na a-anak dahil huli na naming naibalita sa 'yo. Pumunta ka na r-rito," umiiyak na sabi ni mom. Nanlalambot naman akong napa-upo sa sahig at pinatay muna ang tawag namin. Doon na ako napahagulgol habang yakap-yakap ang aking tuhod. Huli na ako. Dapat mas maaga ko na silang binisita naabutan ko pa sana si dad. Bakit ganoon? Bakit kung kailan mayroon nang unting kasiyahan na namumuo sa puso ko ay lulungkot na naman ako ng ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD