Galaxy's POV: "P-Pasensya na, mali yata a-ako ng timing. Balik na lang u-ulit ako bukas," nahihiya kong sabi at tumakbo palabas. Hindi ko inaasahang ganoong eksena ang maabutan ko. Parang nangangarera ang puso ko sa kaba dahil sa naabutan kong ayos nila kanina. Naalala ko na namang nakaupo si Nitron at nakayuko habang may babaeng nasa tapat ng mesa niya na nakataas ang isang binti roon. Bahagya pang nakalihis ang suot nitong short dress kaya aninag ko kanina ang dilaw niyang panloob. Hindi maganda ang eksenang iyon at ayaw ko nang alalahanin. Napailing na lamang ako at binilisan ang paglalakad. Baka sabihin nila chismosa ako o pakialamera. Eh kasi naman, ay ewan ko ba! Nang makalapit na ako sa elevator ay pipindutin ko pa lang ang buton nang may humila sa braso ko. Napaharap naman a