(Flashback) Galaxy's POV: "Mom, alis na po ako! Kinuha ko na ang lunch ko!" sigaw ko na nakaagaw sa atensyon ni mom. "Sige anak, mag-iingat ka ha! Pasundo ka sa driver mo mamaya. Kapag naman may gagawing activity or hindi kaya ay mag-eextend ka sa school magsabi agad," nakangiting paalala ni mom. "Yes commander, noted! Mag-iingat po ako mamaya!" sigaw ko bago naglakad palabas ng bahay. Pumasok na ako sa Chevrolet ko. Kahit eighteen na ako ay hindi pa rin ako pinapayagan nila mommy na magdrive mag-isa. 4th year college na ako next year pero hindi pa rin ako gaano kagaling magmaneho. Pero marunong naman na ako. Pwede naman ako kumuha ng driver's license pero ayaw akong payagan ni Kuya Zodiac. Lingid sa kaalaman niya eh kumuha pa rin ako. Gusto ko talagang magdrive. Gusto ko nga ri