Chapter Nine

5000 Words
Chapter 9 Ruth Nang matapos ang pagkanta nina kuya Grey ay umalis na rin ako. Bumalik ako sa villa para makapagpahinga na rin. Nahihiya kasi akong makita ulit sina uncle Rix at auntie Lauriel. Para ko na rin silang tinakasan sa posibleng komprontasyon. Dahil alam kong magkikita at mag-uusap sila nina daddy. Natatakot akong malaman ang magiging reaksyon nila tungkol sa nakita nila sa amin ni Dylan. Though alam kong walanaman sila talagang nakita. Pero kasi tiyak na kay hinala na silang mag-asawa agad doon. Makita banaman kami ni Dylan sa lumabas sa pambabaeng banyo. Pero sana ay huwag nang mabanggit nina uncle. Ang huling pag-uusap namin ni Dylan ay tila pasimula rin ng bago naming iringan. Wala nang kinalaman doon ang tungkol sa apelyido o pera. Ibang bagay na ang gusto niya. O iyong talagang pinupuntirya na niya talaga ang hanap niya ngayon. Walang halaga sa kanya ang pangalan. He was chasing fire. Ako ba ang kailangang magbigay no’n sa kanya? Bakit hindi na lang sa ibang babae? I wasn’t even in my right kind when I asked him about having s*x. Damn. Pinagsisihan kong sinabi ko nga iyon sa kanya. But it was too late for regret. He is now on the game. Like as if I lit something in him. He was after the fire. Most of the Hilarios were living abroad. Iyong natitirang Lola ko ay nasa ibang bansa rin. Hindi nanila ako kinokontak dahil ang alam naman nila ay maayos ang buhay ko sa mga de Silva. Like they were more than okay with it. Hindi yata nila nabalitaan ang nangyari saakin. I was too hesitant to contact them too. Pagka-graduate ko ay hahanapin ko ang Lola ko. Kapag may matatag na akong trabaho. Iyong walang tulong ng iba kundi ako lang na nakatayo sa sarili kong mga paa. Like what Dylan said, gagamitin ko rin ang kakayahan ko para makuha ang gustoko. Naligo ako bago pumwesto sa kama. I locked the doors. Hindi naman ako masyadong natatakot mag-isa. Hello? Ilang taon na akong namumuhay mag-isa sa apartment ko. Kahit nga sa alulong ng aso ay hindi ko na kinatatakutan. It was like, wala namang rason para matakot sa mga espiritu. They needed prayers so they could rest finally. Mas nakakatakot pa ang buhay. Siguro ay namamahay ako kaya ang tagal kong nakahiga at dilat na dilat ang mga mata ko. Pabaling-baling din ako sa malapad na kama. Madaling-araw nang mag-decide akong tumayo na at magpahangin sa tabing dagat. Gabi na naman at tiyak na pagod ang karamihan ng mga bisita sa isla. Hindi ko lang alam kung may umuwi rin ngayong gabi. I was wearing an apple green maong shorts and a light brown colored sando. Wala akong suot na bra kaya sinuot ko iyong puting roba ng isla. Pagkalabas ko ay binati ako ng malamig na hangin na para bang kanina pa nito ako hinihintay na lumabas. Ang bango. Gusto ko iyong pinagsamang amoy ng lupa, halaman at dagat. Pati ang katahimikan ng gabi. Niyakap ko ang sarili habang tinatalunton ang pathway papuntang shore. I didn’t even glance at Dylan’s villa. Wala rin naman akong nakitang bukas na ilaw mula roon. Baka tulog na. Ngumuso ako at nagkibit ng balikat. Pagkatawid ko sa mga halaman ay mas lalong lumakas ang hangin. Nakabukas ang poste ng ilaw ng isla. Tahimik na rin maliban sa musika ng dagat. Pinanood ko ang mga paa kong nakasuot ng itim na gomang tsinelas na natatabunan ng pinong buhangin. I smiled a bit. Kung kaya kong mag-extend dito, magpapaiwan ako. Kaso hindi ko alam kung open sa lahat itong isla. Nahihiya naman akong kausapin iyong magkakapatid na may-ari. Leonard looked so weird. Rock looked funny and naughty. Si kuya Yale naman ay parang mainitin ang ulo. Well, ewan ko lang kung kaya niya si ate Deanne. I smiled wider. I would be a big fan of Yale and Deanne loveteam if they were a celebrity. They looked good together. I wished them happiness. And peace. And love. Umupo ako sa puting buhangin. Pinagkrus ko ang mga binti. Hinila ko pa sa akin ang suot na roba para maitago ang init sa loob ng katawan. Sinasayaw ng hangin ang nakalugay kong buhok. Tumingala ako sa nangangasul na langit. There were still stars. Tinitigan ko iyong may pinakamalakas na liwanag. Ang pinakamalapit sa mundo? O ang pinakamalaking bituin mula sa kalawakan. Siguro, payapa sa kalawakan. Kung pipiliin akong tumira sa ISS ay sisige ako. For what? Experience. Gusto kong tingnan sa labas ang mundo. Kung paano ito nagliliwanag sa tama ng sinag ng araw at kumikinang sa gabi. Gusto kong tingnan ang mundong nagkait sa akin ng pamilya. Gusto kong makita ang mundong naglalayo sa akin sa tunay kong kadugo at kamag-anakan. But then, wala naman talagang kasalanan sa akin ang mundo. Kundi ang mga nilalang dito. Bakit ko sisisihin ang nilikha Niya para sa mga tao? Hindi ba’t ang tao rin ang naunang natukso sa kalinlangan? Sa ganitong yugto ng buhay ko ay nagplano pa ako para sa sarili. Daddy Matteo said, he was going to return my cousin’s money. Hindi ko na iyon mapipigil pa. Maghihintay na lang akong gumaraduate at wala munang iintindihing negosyo. Hindi ko rin masabing susubok ako ulit doon. Pero tiyak kong susubok si Esther. Maybe, sa kanya na lang ako mag-i-invest at siya naman ang boss. Napangiti ako. Hindi rin naman masama ang ganito. “Uh . . .” I twisted my lips and stared continually at the sky. Hindi ko mabilang ang mga bituin. “Uhh . . .” I combed my hair back nang sumabog sa mukha ko iyon. I looked back. Pinagmasdan kong maigi ang halamanan. Wala namang tao. Pati ang kaliwa’t kanan ko, wala ring tao. “Oh f**k . . .” Kumurap-kurap ako. Pinilit kong ibalik ang payapang pag-iisa. Pero nalalabuan na ang isipan ko. I heard someone’s struggling curse. Pinasadahan ko ulit ng tingin ang paligid ko. Nangingibaw man ang huni ng dagat ay unti-unti pa ring sumasabay ang mabibigat na hininga at bulungan. Multo? “No way!” agad kong salungat sa sarili. Tumayo ako at pinagpag ang puwitan. Kung may tao nga, makikita naman ako rito. Sandali akong hindi nakahinga. Whatever it was, itutulog ko na lang at guni-guni ko na iyon. Muli kong niyakap ang sarili at naglakad patungo sa pathway. Sa unang tungtong ko pa lang doon ay natigilan na naman ako. There was another moan. I immediately looked at my left. Natatabunan iyon ng mga halaman. “Dammit!” “s**t! Faster!” Dahan-dahan kong nilipat ang mukha sa kanan. Hindi na ito guni-guni. Talagang may mga boses akong naririnig. I wondered, where? Ano nga ba ang mga narinig ko? Ungol, mura, ungol, mura . . . bilisan daw . . . tapos ay mura ulit. Kaluskos at—dammit they were having s*x! Natigilan ako at nanlamig. But then I also questioned it. Really? Dito talaga sa labas? Para akong naestatwa sa lupa. I could move. I could shout and scream. Nasira ang pagmumuni-muni ko nang dahil sa dalawang individual na pinili ang wild coupling sa isla. In a very expensive island. Lumakas ang kaluskos at bungguan ng kung anumang bahagi. The struggling was there na parang mauubusan ng hangin na hinihigop. Napailing ako. Mas lumilinaw ang boses ng babae. Humalukipkip na lang ako at nagsimulang humakbang pabalik sa villa ko. Bukas din naman ay pwede na akong umuwi. “You’re a monster, Red,” Agad akong huminto sa paghakbang at nasamid. Umubo ako. Kasunod ang pagbilog ng mga mata ko. Pero bago pa ako mahuli ay nagtatakbo na ako palayo roon. Hindi ko na iyon nilingon. Hindi ako makapaniwalang . . . si Red iyon? Palapit sa harap ng villa ay natatawa kong hinilot ang sintindo. He was still a baby for me but I think I already missed his new stage. He was growing! Tumatandang gwapo. He was a new version of daddy Matteo. Pag-angat ko ng mukha ay nakita kong nakaupo sa labas ng pintuan si Leonard. Kumunot ang noo ko. “Leonard?” humakbang ako palapit. He looked up at me. He already changed his clothes into something very comfortable. Maluwag na pag-itaas na puti. Bukas ang tatlong butones sa harap ng dibdib. Ang pang-ibaba ay khaki shorts. “Hi. Where have you been?” Tinuro ko ang pinanggalingan. “Nagpahingin lang sandali. Hindi kasi ako makatulog,” Tumango siya at yumuko. Nag-angat ulit ng tingin sa akin. “Sorry. Doon sa inasal ko kanina,” He looked refreshed too. Baka dahil sa pag-shower ay nahismasmasan din. “I-I didn’t mean to upset or offend you, Ruth. I was just a little drunk,” he said like as if he was begging at me. Pinigilan ko ang sariling mangiti. Tinaas ko na lang ang isang kilay at bumuntong hininga. “If you’re really sorry about it, then I forgive you.” that’s it? Well, yes. I gave him allowance since I really didn’t know him very much. He sighed heavily. Parang nakahinga nang maluwag. “This means so much to me,” “Pero gabi na? Talagang dinayo mo pa ako sa ganitong oras para mag-sorry?” He chuckled fakely. “I can’t sleep too. I keep thinking about you,” “Baka konsensya lang ‘yan. It’s normal for good people.” I smiled and admired him for his effort. Tinitigan niya ako. Napagtanto kong nasa madilim pala kaming parte ng lugar na ito. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya kaya naglakad ako patungo sa harap ng pinto ng villa. I didn’t mean to talk longer. The timing was too bad. And weird. I couldn’t associate much this time around. “Uh, Leonard,” simula ko nang makaapak sa unang baitang sa harap ng pinto. Hinarap ko siya. He was still looking at me. Probably, watching me. Para bang wala pa siyang balak na umalis. So, I cleared my throat. “Gabi na rin-“ lumagpas ang tingin sa kanya. May isang tao pang nakatayo malapit sa villa. Nakaharap sa amin. Nakatitig sa amin ng masama. Nagsalubong ang mga kilay ko. “Anong ginagawa mo r’yan, Dylan?” Ni hindi ko kailangang sumigaw para marinig ako. Nilingon din iyon ni Leonard. Napalunok ako. What the hell? Sana pala ay pinilit ko na lang na matulog. Pumikit ako na parang sumakit nga ang ulo ko. Men would malfunction my heart. Nang maglakad palapit si Dylan ay saka binalik ni Leonard ang atensyon sa akin. Namulsa. He wasn’t alarm or disturb when he saw him here. “I didn’t know na nagche-check pala ng mga kamag-anak ‘yang pinsan mo,” biro niya. Napaawang ang labi ko. “She’s not my cousin. Not even related or whatsoever, Mr. Montevista. Hindi ka ba na-inform sa balitang ‘yan?” Dylan answered him with a mocking tone. I rolled up my eyes. Here we go again . . . Nilingon ito ni Leonard. “Which one? When you threw her out at the party or when you meticulously changed all her papers back to her root?” Bahagya akong nagulat sa matatas na iyong sagot ni Leonard. Dylan stopped at his side. Napansin kong hindi pa ito nakakapagpalit ng damit. Nakasampay na lamang ang suit niya sa kanyang kanang balikat at nakarolyo ang sleeves hanggang sa baba ng siko. Mas matangkad lang siya nang kaunti kay Leonard. O mas makapal lang ang buhok niya kaysa rito. Pero hindi ko maitatangging . . . Dylan was manlier than Leonard. Well, ofcourse, Leonard was manly enough on his own way. But for me, Dylan looked dashingly handsome compared to him. At tila naghahamon ang tinging binigay ni Dylan sa kanya. “You are well-informed, Mr. Montevista. I’m glad,” “Looks like you don’t really like her,” Dylan scoffed. Isang beses akong sinulyapan. “Looks like you don’t really know me.” Kumunot ang noo ni Leonard. Sandaling hindi nakapagsalita bago nakabawi sa umusad na katahimikan. “Ruth’s a nice woman,” Ngumisi si Dylan. “I’m well aware of that. Thank you for reminding me.” “I kind of like her. I want you to know that too.” Nalusaw ang ngisi sa labi ni Dylan. Napalunok ako. Gusto ko nang pumagitna perotila may pumipigil sa akin. I didn’t wantto entertain what was in my head. Para sa akin ay malayo pa iyon sa katotohanan. But knowing Dylan? Ang kayabangan nito at matabil na dila ang magdadala sa kanya ng panibagong kaaway. “Then stop liking her. Walang kapupuntahan ‘yan.” He warned him. Leonard tilted his head. Like as ifhe saw his weakness. “Why? Bantay-sarado pa ba ng mga de Silva si Ruth? Kung ang pagkakaalam ng buong mundo ay inalisan na siya ng karapatang maging kapamilya mo?” Tumalim angmga mata ni Dylan. “Bantay-sarado lang ng isang de Silva.” Leonard scoffed. “I can talk to her adopted father if that’s the case. Malinis ang motibo ko para sa kanya,” Napatampal naako sa noo. “Leonard, Dylan, tumigil na kayo,” Hindi nila ako pinansin. Parang walang narinig ang dalawa. “The problem is, I am that de Silva. Not her father, not her brothers and any member of my family. Mahirap akong kabangga, Montevista. Kapag binakuran ko na, akin na. Walang makakaagaw.” Napasinghap ako sa pahayag na iyon ni Dylan. “You mean,” sinulyapan ako ni Leonard. “Ikaw at si Ruth ay—“ “We’re together.” Tapos ni Dylan. “That’s not true!” agadkong tanggi. Mas lalong kumunot ang noo ni Leonard. Tinitigan ako na parang dini-develop pa ang tamang sagot sa isipan niya. Dylan could poison his mind and everyone else. Dylan also looked at me. His eyes were mad. “I’m her lover.” “Ofcourse not!” nanginig ang mga kamay ko. Parang binangga ang dibdib ko at bumulusok ang pagbilis ng t***k ng puso ko. “Stop lying, Dylan! I hate you!” Hindi nakapagsalita si Leonard. Ang bibig niya ay bahagyang nakaawang sa pagkagulat. Damn! “You hate me? You hate me because you like me.” giit ni Dylan. “Shut up!!” I finally lashed out. Lumapit ako at madilim siyang tiningnan. “I will never like you. I will never get interested with you. What I feel for you right now is purely hatred.” And what you felt towards me was purely lust. Humarap sa akin si Dylan. Tila nag-aapoy ang mga mata niyang deretsong nakatitig sa akin. I didn’t want him to speak again. Dahil tiyak na tutumba na sa pagkamangha itong si Leonard na hindi na yata naproseso ang narinig sa lalaking ito. Napakayabang. Napakaangas. Iyon ba ang pinagmamalaki niyang dala ng katalinuhan? Still, too shallow. Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat na agad na sinangga ni Leonard na tila nagising nang hawakan ako ni Dylan. “Step aside, Montevista.” He said with a gritted teeth. “Narinig mo ang sinabi niya. She hates you. Kaya mas mabuti pang umalis ka na lang dito, Mr de Silva.” Dylan scoffed. “Nagpapatawa ka?” Hindi nagsalita si Leonard. Andthe air was making me sweat. “I will undertand kung gugustuhin mo nang umuwi bukas din, Ruth?” tanongsa akin ni Leonard nang hindi ako nililingon. Napalunok ako. “O-oo.” “Ihahatid kita,” sabi niya athindi paalok. Dylan stepped forward. Mas lalong galit ang mga mata kay Leonard. “Ako ang kasama niya sa pag-alis dito,” “She can change her plans,” Awtomatikong lumipat sa akin ang maiinit na mga mata ni Dylan. Without asking me, “Kay Leonard na ako magpapahatid.” “Sa tingin mo papayag ako?” matalim pa rin niyang salita. “I don’t need you f*****g permission! I can stand on my own,” “I am your f*****g guardian!” he almost shouted. “Tumigil ka na nga! You’re not my guardian and will never be my lover! I will never be yours! Ever! You hear?” I shouted. “Wala ka nang magandang dinulot sa akin, Dylan. You’re evil. You’re selfish. You’re blinded of your own power. If I just didn’t know you well enough, I could be your victim. Pero hindi. Kilala kita at malupit ka sa akin. I will never entangle myself to you! So, leave me alone!” Tinalikuran ko siya at nagmartsa papasok sa villa. He called my name once but I didn’t look back. Agad ko ring ni-lock ang pinto sa takot na sugurin ako rito ni Dylan. He could pin me on the cold tiles of comfort room. What more in this big and wide villa. He could pin me anywhere he like. For as long as he has that f*****g power, he could do almosteverything. ** Hindi pa nagliliwanag ay nakagayak na ako para umalis. Wala kaming usapan ni Leonard kung anong oras aalis pero maigi nang handa. I still needed to tell my parents too. Ayoko namang umalis ng isla nang hindi nila alam. Hindi ko na sila sinilip kagabi kung anong oras silang umalis. Tinabunan ko ng kumot ang buong katawan. Kinatok ako ng butler at hinatidsa restaurant para makapag-breakfast. I was wearing my faded maong pants and fitted longsleeves. Rubber shoes at sling bag ko na dala ang mga importanteng gamit. Naabutan ko ang halos lahat ngmga de Silva sa tatlong magkakahiwalay na mesa. But my eyes centered on Uncle Johann’s family table. Apat lang silang naroon. Wala ang kanilang kambal. Maiintidihan kong wala si ate Deanne at baka kasama ang asawa. Pero angkakambal niya ay ewan ko. Binati ko silang lahat bago dumeretso sa mesa nina Daddy Matteo. Matamis na ngiti ang natanggap ko kay Mommy Jahcia at minuwestra sa akin ang uupuan ko. They didn’t look like they were ready to leave the island. O baka mamaya pa sila uuwi. Tanging ako lang yata ang handang-handa. That was why I earned questionable look from my daddy. He asked me and I confirmed it. They became speechless. Nilingon ko si Red. Halatang bagong gising pa at namumungay ang magagandang mga matang namana sa kanyang ama. Malalim akong bumuntong hininga. Binata na talaga ito. Parang ang bilis ng panahon. “Pwede ka namang mag-stay pa ng ilang araw dito, hija. Bakit gusto mong umalis agad? Ang sabi ni Yale ay sa ating mag-anak lang muna ang isla nila,” daddy said. Alam kong kinokontra niya ang pag-alis ko. Kaya lang . . . “Good morning, Sir,” Napaangat ako ng tingin sa gilid ko. Bahagya akong napasinghap nangmakita si Leonard. Looking so fresh with his sunglasses, black wrist watch, black pants and V-neck T-shirt. Naamoy ko rin ang perfume na gamit. He flashed his white teeth at my family. “Nariyan na po kasi ang pilot namin ni Ruth,” paalam niya sa kanila. Agad kong tiningnan ang reaksyon ni daddy. Kumunot ang noo niya. Nilingon ang Mommy. Bago binalik sa akin. “So, you’re really leaving?” Nahimigan ko ang kalungkutan sa boses niya. Kaya’t tumayo ako. Habang nakaupo siya ay umikot ako sa likod niya at inikot ang mga braso sa kanyang leeg. I hugged him and kissed his cheek. “I got school and my training, dad,” malambing kong sabi sa kanya. Tinapik niya ang braso ko. Lumipat naman ako ng yakap kay Mommy Jahcia ko at pinugpog siya ng halik sa kanyang malabot na pisngi. “I love you, Mom. I really do,” gumaralgal pa ang boses ko nang bigla ko iyong sinabi. Binalikan ko si daddy at sinabi rin iyon. “I love you, dad. I’m sorry I need to go,” “I know your commitments, Princess. Hindi lang ako sanay na hindi ka namin kasama magbakasyon. But if you’re really in a hurry like as if you’re avoiding something or someone, then, you’re free to go.” “Matt.” My mommy’s simple warning. She did glance at me too but didn’t say a thing. Tumayo si Red at inakbayan naman ako. “I see to it na maayos kangmakakasakay sa plane, ate Ruth,” As if on cue ay tumayo rin si Cam. “I’m coming with you too.” he said. At that moment, I knew then that I was really blessed. Napatanong tuloy akokung kailangan ko pa bang hanapin ang pinagmulan ko gayong may ganito na akong mapagkalingang pamilya? Na baka hindi rin naman mahalaga kung makita o makilala ko man ang side ni Denise Melaflor. Na hindi talaga kailangan ng closure sa parteng ito ng buhay ko. But then, at the end of the day, I would be alone again. And that would make me longed for my real family. Maayos akong nakapagpaalam sa ibang pamilya. Pinasadahan ko ng tingin ang kainan kung mahahagip ko sina uncle Rix at auntie Lauriel. Pero hindi ko na sila nakita. Mukha namang walang alam ang daddy at mommy. I guess, they didn’t tell them after all. Hinatid ngaako nina Red at Cam hanggangsa makasakay samaliit na eroplanong sasakyan. May iba pa kaming kasabay kaya hindi naman ako kinabahan na makasama lang si Leonard. Habang nasa ere ay hindiko maiwasang isipin si Dylan. Nasaan kaya siya? Natutulog dahil mukhang nakainom kagabi? Nauna nang umalis dahil nabanas sa akin? Pilitin ko man ang sariling huwag siyang isipin ay hindi ko rin magawa. Parang sirang plaka ang utak ko na patuloy pini-play ang huling imahe ni Dylan saisipan ko. Last night, he look alarmed. Worried. At may isang salita pang hindi ko alam kung paano pumasok. Hurt? Maybe I bumped with his ego. The mighty Dylan de Silva was defeated last night by his ex-adopted cousin. Ganoon kaya? Nang makababa sa ereplano ay nagmagandang-loob pa rin si Leonard na ihatid ako hanggang sa Valenzuela. I was too occupied to say no. Kaya naman sumakay na rin ako sa naghihintay na SUV niya. Medyo nakapagkwentuhan kami. Tulad ng pag-aaral ko at kurso. He looked so interested. He was part of their family business. Naalala ko tuloy iyong narinig ko roon sa tatlong bruha. Baka may kinalaman din sa negosyo kung bakit biglang nagpakasal sina ate Deanne at kuya Yale. “Gusto mo bang maging news anchor? Well, I can recommend you sa mga TV station,” Nagitla man ay hindi ko pinakita iyon sa kanya. Umiling ako. “That’s too early, Leonard. Saka marami pa akong kailangang pagdaaan bago marating ‘yan. Kung mararating ko nga. Marami pa akong gustong matutunan tungkol sa pamamahayag.” Matapat kong sagot sa kanya. “But I truly appreaciate your offer. Thanks.” He smiled. “I am friends with Atom Araullo. Do you know him?” Bumagsak ang panga ko. “Ofcourse!” Ofcourse. Kilalang-kilala at hinahangaan ko iyon. Marami ngang nagkaka-crush doon na mga kaklase ko. Maisip ko pa lang na kilala niya si Sir Atom ay ninerbyos na ako bigla. He chuckled. “I can make an arrangement. Let say, dinner? With Atom. You can gain insight and advice directly from him too. Do you like that?” My jaw dropped. Nananaginip ba ako? Really? Dinner with Sir Atom? Katabi ko sa upuan si Leonard. Gusto ko siyang kurutin kung nananaginip ba ako o hindi. Iniisip kong magandang experience iyon. Kung pwede kong idokumento ang mga maririnig mula kay Sir Atom ay gagawin ko talaga. Kahit pa nasa dinner kami. Pagkarating sa apartment ay nahiya akong imbitahin si Leonard sa loob. Siya ang nagbaba ng gamit ko sa tapat ng pinto. Pinasadahan pa niya ng tingin ang paligid. Namangha ba siya sa tinitirhan ko? Iyong may mga standby na nakatingin sa makintab niyang sasakyan at ang landlady kong nagpapaypay sa tapat ng pinto niya at nakamasid saamin. Kay Leonard. He smiled atme. “Gusto ko sanang magkape sandali kaya lang kailangan na ako sa trabaho. Can I see you again, Ruth?” “Ha? Ba-bakit?” “Iyong dinner with Atom?” “Ahh. Sige. Tawagan mo na lang ako,” hindi pa nga ako nakaka-oo roon ay talagang gagawin pa rin niya. “Anong number mo?” Binigay ko sa kanya ng cellphone number ko. Binigay niya rin sa akin ang cellphone number niya. “If you need anything, you can call me.” he even winked at me. Ngumiti na lang ako. “Salamat, Leonard. Ingat ka.” Nginitian niya na lang ako bago bumalik sa kanyang sasakyan at umalis na. Pagharap ko sa pinto at siya namang salita ng landlady ko. “Ang gwapo no’n Ruth, ha? Pero mas gwapo ‘yong isa. Kahit parang may delubyo ang mukha,” Sinulyapan ko na lang siya at saka binuksan ang pintuan. “Sige po.” Paalam ko. Pagkapasok ko ay naabutan kong bukas ang ilaw sa sala. Naroon pa rin ang computer pero nakapatay naman. Tumingala ako sa hagdanan. Nasa taas kaya si Esther? Hindi naman siguro no’n iiwan nang bukas ang ilaw ko sala. Mataas din ang rate per kilowatt ng apartment. Pinasok ko ang gamit at nilapag lang. Kumuha ako ng malamig na tubig. Pagkainom ay sinilip ko ang laman ng rice cooker. May kanin pero walang bawas. Kumunot ang noo ko. Malamig na rin iyon. Kagabi pa kaya ito? Parang. Hinubad ko ang sling bag at nilapag sa mesa. Umakyat ako sa hagdanan. Sa taas ay dinig ko pa ang pag-ikot ng electric fan. Baka tulog pa si Esther. Aasarin ko nga kasi nagsaing pero hindi kumain. Diet ba ulit, Esther? Diet na hindi mapanindigan? I grinned at the thought. Pag-landing ko sa huling baitang ay tila ako namatanda. My lips parted a bit. My breathing hitched in an instant. Narito nga si Esther. Tulog na tulog pa. Nababalutan ng kumot. Ang lalaking nakayakap mula sa likod niya ay tulog din at tila nababakas ang ngiti sa labi. Agad akong pumihit pababa ng hagdanan. Pinagaan ko ang mga yakap sa takot na magising ko sina Esther at Walter. Pumunta akong lababo at doon nagtago. Napatakip ako ng bibig. But a low giggle escaped from my lips. I looked up at the ceiling and smiled. Aalis ba muna ako o hihintayin ko silang gumising? Tiyak na hindi ako titigilan ni Esther kapag nalaman niyang naabutan ko silang dalawa. Mas mabuti pang lumabas muna ako. Will I give them one hour para makapagbihis? I giggled again. Sinuot ko ulit ang sling bag ko at walang ingay na lumabas ng apartment. I could go to the nearest eatery. Nagugutom din naman ako. Sa labas ay wala na ang nagpapaypay kong landlady. May mga maliliit na bata nang naglalaro sa labas. Binabato ang tsinelas sa lata. Gumilid ako at sa lilim naglakad. Napanguso ako. Naisip kong lumayo pa ng kaunti sa apartment para bigyan nang mas maraming minuto sina Esther para makapagbihis. Kaya naman sa fast food na lang ako kakain. Tapos ay uuwiian ko na lang sila. Natawa ako. Kung pati si Walter ay may pasalubong sa akin ay tiyak na alam nilang nakita ko nga silang dalawa. Well, I couldn’t deny it anymore then. Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong gumagasgas na gulong sa sementadong sahig. Tila binundol ang dibdib ko nang biglang huminto sa gilid ko ang isang itim na sasakyan. Bumukas ang likurang pinto at bumaba ang dalawang naka-civilian na damit na mga lalaki. Mangha ko silang tiningnan. I panicked when they held me on both my elbow and pushed me inside the van! “S-sino kayo?! Bitawan niyo nga ako!” lumingon-lingon ako sa magkabila kong side. May nakita akong tao na nakapansin sa amin pero hindi ito tuminag. Natakot agad at ayaw makielam. “Tulong! Tulong! This is kidnapping! Help!!” I screamed my lungs out and until my throat roughened. “Ma’am? Ma’am? Sumunod na lang po kayo para hindi kayo masaktan,” Na-shock ako. Halos buhatin nila ako papasok sa van na iyon. Madali at mabilis. Pinaggitnaan nila akong dalawa. May tao pa sa harapan at isa pa bilang nagmamaneho. Nilingon ko ang likod, walang na. “Sino ba kayo? W-wala kayong kikitain sa akin! Hindi ako mayaman! Wala akong pera!” Ohgosh. Anong ibibigay ko sa mga ito? Lugi pa nga ang negosyo ko! Ohgosh! Tumawa iyong lalaking nasa kanan ko. Pinasadahan ko siya ng tingin. They looked organized. They looked fed and paid well. Sindikato?! Ohgosh! “Kami wala. Pero ang boss namin meron. Kaya chill ka lang, Ma’am.” “Sino ba ang boss niyo, ha??” I asked nervously. Who are these people?! Hindi na nila ako sinagot. I was panting. Suot ko pa rin ang sling bag ko. Kaya agad kong nilabas ang cellphone para makahingi ng tulong. Sinong tatawagan ko? Si Esther? Yes! Tama! Kaya nilang isumbong ito sa mga pulis- “Akin na ‘yang cellphone ko!” sabi ko nang agawin nila iyon sa akin. The man on my left sighed. Tinago ang phone ko sa kanyang bulsa. “Bawal ang tumawag, Ma’am. Bilisan niyo na,” sabay-utos sa driver. My lips parted. I couldn’t believe this. I was kidnapped! Sinong tatawagan nila? Sina Daddy Matteo? They would ask for ransom, ofcourse! Ang laking problema nito para sa kanila. I could . . . I could sell my computer, vans and or give away my savings. Huwag lang maperwisyo ang daddy at mommy. “Sino ba ang may utos nito? Anong pangalan ng boss ninyo?!” I kept asking thembut they remained unmoved. Hindi alintana ang nerbyos kong sigaw. Iyong isa nga ay naglinis pa ng tainga niya. Napahikbi na ako kahit ayokong magpakita ng kahinaan. Paano ang gagawin nila sa akin? Wala nga silang makukuha! Ohgosh! Napadasal na lang ako sa huli dahil sumakit na rin ang lalamunan ko.Pagdilat ko'y nakita ko ang lugar na tinatahak namin. Pamilyar sa akin. Sobrang pamilyar. Bago ko pa masagot ang sariling tanong ay pinasok nila ang sasakyan sa loob ng engrandeng mansyon ngmga de Silva. ** “Humingi kayo at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y makakatagpo; kumatok kayo at kayo’y pagbubuksan.” – Mateo 7:7
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD