Chapter 8
Ruth
His lips went deeper. I was shocked. Bilog na bilog na siguro ang mga mata ko habang malayang humahalik sa akin si Dylan. He pinned me on the cold blue tiles. He devoured his own lips on my mouth like as if he owned it. His mouth was wide opened. I could feel his warm tongue wandering inside and sliding together with my own tongue.
Nagitla ako. I couldn’t move nor push him away. I couldn’t even stop his devilish mouth against mine. Para akong naengkanto sa paraan ng halik na iyon ni Dylan.
Mapusok. Marubdob. Madiin. Mapaghanap. Lahat na halos ng naiisip kong paliwanag sa paraan ng paghalik ay ginawa niya sa akin. I knew how ruthless he was. But I didn’t know I would feel this kind of erotic and sensual kiss. Para bang ilang buwan siyang hindi nakatikim ng halik at hayok na hayok ngayon sa aking labi.
Bumilis ang t***k ng puso ko. Parang sasabog pa ang dibdib ko. Naririnig ko ang usapan sa labas ng mga babaeng nag-CR din. Pero walang panama iyon sa distraction na ginagawa ni Dylan sa buong sistema ko.
Matapos nang ilang sandali ay umahon siya. He nibbled my lips then stared at me. He lifted my chin. He was panting because of his own roughed kiss. His lips parted. Parang siya rin ay hindi kinaya ang ginawang halikan.
“I hope you’re wearing a kiss-proof lipstick, babe,” he whispered. He fanned his own breath on my face. “I want to kiss your more.”
Mangha ko siyang tiningala. Ang labi ko ay hindi nakasara para mas makahigop ng hangin. Pero ang mabango niyang hininga lang ang bumubuhay sa akin sa oras na ito.
Tinitigan niya ako. Pati ang lahat na bahagi ng mukha ko ay pinasadahan niya ng kanyang titig. Walang parteng hindi niya pinalagpas na tila kailangan niyang imemorya ang itsura ko.
Napalunok ako at natauhan sa malalim na pagkakatulog. Nang akmang ilalapit ang labi ulit sa akin ay agad kong tinungkod ang mga kamay sa matigas niyang dibdib. No! Hindi! Hindi ako papayag na basta-basta niya na lang akong ipapako sa isang sulok at biglang hahalikan ng mapag-angkin.
He groaned at my protest. Hinawakan niya ulit ang palapulsuhan ko at pilit binaba. Matalim ko siyang tiningnan.
“Stop it! Wala kang karapatang-“may diin kong bulong sa takot na marinig ng mga maiingay na babae sa labas.
Pinigil niya ako sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagsakop ulit sa labi ko.
I moaned—in protest! I swear. It was a protest not a pleasured one. But he kissed me more like as if I was asking him to kiss me like there was no tomorrow.
Bukang-buka ang bibig ko. Pinasok niya ang dila sa akin. Namilog ang mga mata ko nang maramdamang naabot na yata niya ang tonsil ko. Damn you, Dylan! Damn you!
Pilit kong pinapakawalan ang hawak niya pero napakahigpit ng kanyang mga kamay sa akin. Ang sunod kong ginawa ay kinagat ko ang labi niya. He groaned. Pero hindi niya ako pinakawalan. Sa halip ay nagawa ko lang na iilag ang labi sa kanya. Pinilig ko ang mukha paharap sa pinto. Bumagsak ang halik niya sa panga ko at ilalim ng tainga. Iyon ang pinagdiskitahan ng maalab niyang labi.
I bit my lower lip. I couldn’t deny the pleasure. The heat. I was shocked to know that I wanted more of it. But my mind said I should have push him away. There would be more damages in both my mind and body if I let him treat me this way.
“Sino ba ‘yon? Muk’a ngang pamilyar sa akin,”
“Ha!”
“Siya ‘yong pinalayas sa birthday party ni Johann de Silva. Iyong ampon pala. Si Ruth de Silva—I mean, ex-de Silva!”
“Ows?”
Naramdaman ko ang paghinto ng kagat ni Dylan sa leeg ko. He heard it too. Bakit parang mas gusto kong ipagpatuloy niya ang nakakabaliw na halik sa akin imbes na pakinggan pa ang mga malulupit na salita ng ibang tao?
Wala na sana akong pakielam kung makarinig pa ako no’n pero kasama ko siya. Pati sa harapan niya ay napapahiya ako. Oo, masakit. May kirot pa rin sa dibdib ko na mapag-usapang ampon ako. Inampon ako. Pero kaya ko sanang palampasin ito kung mag-isa lamang ako.
His face was still buried on my neck. I knew he became alert because of the conversation. We were eavesdropping without wanting it.
“Ang kapal ng muk’ang buhusan tayo ng tubig. E, ampon lang naman. Baka kaya sinipa sa pamilya kasi maldita,”
Nagtawanan sila. Napapikit ako. Kinagat ko ang labi. Hawak pa rin ako ni Dylan. Hindi rin siya gumagalaw.
“Sina Dulce at Yandrei de Silva lang ba ang may karapatang magmaldita, gano’n?”
“Oo! Magmaldita kung may karapatan. Pero ‘yong Ruth, ni wala nga siya sa level natin, e. Basura lang! Trash! She’s a daughter of w***e!”
Nagtawanan ulit sila. Pinagtawanan nila ang usap-usapang pinanggalingan ko. Nagpalitan ng haka-hakang mga impormasyon na karamihan ay hindi totoo. Ano nga ba ang alam ng publiko? Edi iyong gusto lang malaman at pawang walang basehan. Kung ano lang ang gustong pakinggan. Iyong nakakaintriga at nakakatuwa lang.
For as long as know, my mother Denise was not a w***e. I still need to search more but I knew in my heart she was hurt and sad. That’s my priority now. To discover my mother’s history.
Ang sabi nila, ang isang ampon ay hindi kumpleto ang pagkatao hangga’t hindi natatagpuan ang tunay na pinanggalingan o pamilya. Maybe I was that kind of person. But the love of the de Silva completed me enough too. I am just going to learn something about my own clan.
Unti-unting humina ang kanilang boses. I heard their footsteps and the closes of door. Saka lamang bumagsak ang mga balikat ko dahil alam kong nakalabas na ang mga babae. Nilingon ko si Dylan at malakas na tinulak sa dibdib. Napaatras siya. Kinuha ko na iyong pagkakataon para makalabas ng cubicle.
Dumeretso ako sa harap ng sink at salamin. Nanginginig ang mga kamay ko. Binuksan ko ang gripo at tinapat doon ang mga kamay. Wala sa isipan ko ito. Hinihingal pa akong tiningnan ang sarili sa salamin. Natigilan ako. My face was flushed. My sore lips were still moist from his kisses. Nabura nang kaunti ang lipstick ko pero naroon pa rin ang stain nito. May dala akong lipstick pero ibang kulay at brand.
Tiningnan ko si Dylan mula sa salamin. Tahimik itong lumabas sa cubicle. Nakatingin sa sahig na para bang may nakasulat doon. Bahagyang nakaparte ang labi niya. From here, I could see the color of my lipstick on his lips. Tila may sumipa sa dibdib ko. Napakainosente pa niyang tingnan pero mukhang makasalanan naman ang labi niya.
Nakapamulsa siyang tumabi sa akin. He looked at me from the wide mirror. Ang hiling ko lang ay wala sanang pumasok ngayon dito. Dahil sa itsura ng mga labi namin ay tiyak na maaarok nila ang tamang sagot.
“I hate it.” he murmured.
Bumuntong hininga ako. Pinatay ko ang gripo at winagwag ang mga kamay sa sink. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Dahil kung tungkol iyon sa halikan namin, ang layo naman ng sagot niya. Dahil alam kong gustong-gusto niya ang ginawa. Namin. Damn.
Tinapat ko ang mga kamay sa dryer. Ang tunog mula roon ang kumain sa sunod na sinabi niya. I didn’t know what he said next. Napasinghap na lang ako nang maramdaman ang pagyakap niya sa akin mula sa likod ko. “Dylan!” tumigilid ako para maalis ang yakap niya dahil kinabahan ako at napatingin sa nakasaradong pintuan. “Ano ba?”
Humarap akong muli sa salamin. Napunta siya sa gilid ko. Ako lang naman ang gumalaw. He was still hugging me. Ang kaliwang balikat ko ay nakasandig sa dibdib niya. His one arm rested across my breast and the other on my back. I looked so small in between his big arms and body. Kayang-kaya niya akong durugin sa pagyakap pa lang sa akin.
Mabilis na mabilis ang t***k ng puso ko. I could feel his heart too. Tila pasuntok na yata ang t***k ng sa kanya.
I watched ourselves on the mirror. His black suit looked perfectly fit on him. Yumayakap sa mga binti niya ang tela. He was sexy. I admired his looks which he inherited from his equally gorgeous parents. Ang tindig, mukha at katawang kinababaliwan ng mga kababaihan.
He was staring down at me. Hindi siya natatakot sa galit kong boses. Baka nag-e-enjoy pa siya sa tuwing nabibwisit niya ako.
May gusto ba siya sa akin? Bakit ganito siya kung kumilos?
Ah! He is chasing my body. Ano pa nga ba? Katawan ko lang ang gusto nito. He found me a challenge or a puzzle he wanted to solve. Or just another prey he wanted to possess. Kung ano pa man ‘yan, walang matino para sa isang Dylan de Silva. Kalaban niya ang lahat kapalit ang gustong makuha.
“I know those girls. Palalayasin ko sila ngayong gabi sa isla,” bulong niya na para bang bandaid ang sinabi niya sa akin.
Sa tingin niya ay nasugatan ako sa narinig. I scoffed. Inalis ko ang braso niya sa harap dibdib ko. “Magpunas ka ng labi mo. May bahid ng lipstick,” pag-iiba ko. Well, kung talagang gagawin niya iyon. Sana para kay ate Deanne ang dahilan at hindi para sa akin. “Hindi ko nagustuhan ang sinabi nila kay ate Deanne. Kaya, ayun, hindi ko napigilan ang sarili ko.”
Ang braso niyang inalis ko ay nilipat naman niya sa tiyan ko. Matalim ko siyang tiningnan sa salamin. Nakatitig pa rin siya sa akin pero ako lang ang tumitingin sa salamin.
“What did they say about her?”
Napaisip ako. Sasabihin ko ba ang buong detalye? Ni hindi ko nga iyon kayang sabihin kay ate Deanne, sa kanya pa kaya? It was too personal. But how dare those women talked about it publicly?
But then I sighed. I caught him licked his lips.
“Something about kuya Grey, her and her husband. Usapang chismis na hindi maganda sa pandinig,”
“Can you give me exact details?”
“It’s too personal. Ni hindi ko kayang sabihin,”
Kumunot ang noo niya. Ginalaw niya ang kamay na nasa tiyan ko. “That personal, huh? Well, I heard enough that I can kick them out of this island.”
Nanindig ang balahibo sa gawi ng paggalaw ng kamay niya. Malakas akong tumikhim. Umusod ako palayo sa kanya.
He watched me carefully. He twitched his lips. Sa huli ay sinuksok na lang ang mga kamay nito sa bulsa ng pantalon.
“Stop whatever you’re thinking, Dylan. Iyong nangyari sa cubicle na ‘yan, hindi na dapat maulit pa.”
I knew it was too late but it was still relevant to both of us.
“Ano bang nangyari ro’n?”
Pagod akong bumuntong hininga. “Kailangan ko pang i-explain sa ‘yo?”
“Yes, please.”
Humarap ako sa kanya. I looked at his lips. The stains were still there. Galit ko siyang nilapitan. Tinaas ko ang kanang kamay at pinunasan ang paligid ng namumula niyang labi. He didn’t care. Hindi ba niya nakita ito sa salamin? Malakas ba ang loob niyang lumabas ng ganito ang itsura?
“First, check yourself before you leave. Lalabas ka ng female comfort room na may lipstick sa labi? Hindi ka ba kinakabahan o natatakot sa makakakita sa ‘yo?”
I deliberately erased the trace of my lipstick over his lips and around of it. Kahit na mas lalong pumula iyon dahil sa dahas kong magbura. I just wanted to erase it like as if I wasn’t the culprit of his red lips. Mamahaling brand naman iyong ginamit sa akin na makeup. Pero kung ang katulad ni Dylan ang hahalik sa iyo ng walang bukas, mukhang kakailangin ng malakasang formula para sa isang kiss-proof lipstick.
He gulped. “That’s exaggerated anxiety. So what if I was found guilty kissing you? I wanted it. Been wanting it.”
Tinulak ko ang labi niya. Namaywang ako. “Sa tingin mo ba ay hindi masisira ang image mo kapag kumalat ito? You kissed your adopted cousin?”
Matagal niya akong tinitigan hanggang sa lumamlam ang mga matang iyon sa akin. Kamuntik akong mapaatras dahil doon.
“I don’t f*****g care about my image. I don’t even taking care of it. That won’t matter much, babe.”
“Your name is important! Your image is important as well as your last name! Hindi mo ba papahalagahan ang pamana sa iyo ni uncle Johann?”
Using his forefinger, he tapped twice his temple. “I’m using this for my job. This is my weapon in the f*****g dirty battle. My name is just a name. Everybody could make their own images but the brain is the most important here,”
He was intelligent. Iyon ang ibig niyang sabihin. Hindi mahalaga ang pangalan sa kanya pero ang kanyang pag-iisip at kakayahan ang kanyang panlaban.
I thought about it. Dirty battle? What is it? Where is it?
“Kung hindi pala importante sa ‘yo ang pangalan, kung gano’n, bakit mo ako kailangang tanggalan ng pangalan, Dylan? Bakit kailangan mo akong palayasin na parang nakakadiring nilalang sa pamilya mo?” mapait kong tanong sa kanya.
Walang humpay ang titig niya sa akin. Akala ko’y hindi niya ako masasagot pero . . . tinuro niya ulit ang sintido.
“As I said, I’m using this for a battle. I wouldn’t be able to kiss you like a mad man if you’re still my cousin. Your case is different. I f*****g need to correct some details so I can do whatever I want,”
“Na paglaruan ako?”
Hindi niya ako nagawang sagutin.
“You want me? My body?”
Tinitigan niya lang ako. Hindi ito umimik.
Napangisi ako. Kung ganoon ay tama ako. Ginagamit niya ang katalinuhan sa katarantaduhan.
“So shallow. So selfish.” I said carefully. Napailing ako. “Ano pa nga ba ang hahabulin sa akin ng isang Dylan de Silva na walang problema sa buhay? Challenge? Trophy? Award? Sa anong larangan ba?”
May pag-uuyam kong sinulyapan ang harapan ng zipper niya.
“Sa s*x? Gusto mo rin akong maka-s*x?”
I knew I was bold. I never been so bold before. Anong alam ko sa s*x? Kung sa paghalik pa lang niya sa akin ay natutunaw na ako. What more about s****l intercourse?
But Dylan knew what botton to push. I always knew that.
Hindi ko mabasa kung nagulat ba siya sa tanong kong iyon. Matagal ang titig niya. Parang nag-iisip sa isasagot.
Habang tumatagal ang katahimikan ay unti-unti lang akong natatauhan sa lumabas sa bibig ko. Kung pwede lang sampalin ang dila ay ginawa ko na sa harapan niya.
Humakbang ako palabas. Pagkalagpas ko sa kanya ay hinaklit naman niya ang siko ko. I stopped and looked at him.
I regret it. I regret that I looked at him. He was mad now.
“Papayag ka ba?” mahina pero sigurado niyang sagot sa akin.
Malinaw na malinaw ko iyong narinig. He wanted s*x with me!
Napalunok ako. It felt like everything I threw at him ricocheted. Dumiin ang hawak niya sa siko ko. Ang titig niya ay parang apoy na sumusunog ngayon sa akin.
“My place or your place?” he grinned like a devil. “Pero sa nipis ng dingding ng apartment mo ay baka marinig ng ibang kapitbabay mo ang daing mo habang inaangkin kita, Ruth. So better choose my place. We can have privacy.”
Padarag kong binawi ang siko. Matalim ang tinging binigay ko sa kanya.
“Nangangarap ka ng gising!”
He laughed with insult stares. “Sinimulan mo. Hindi ako aatras.”
Ramdam kong may mas malalim pa siyang ibig ipakahulugan doon. Pero hindi ko na kayang makipagbatuhan sa kanya. Isang malaking pader na ang dinagan niya sa akin.
Malalaking hakbang kong tinungo ang pinto at binuksan iyon. Pareho kaming nagkagulatan ng napagbuksan ko.
“Ruth?”
Napahawak ako sa dibdib. “A-auntie Lauriel,” napalunok ako at sabay lingon sa likuran ko. Napapikit ako nang lumapit pa si Dylan.
“Dylan? You and . . .”
“Hi, Auntie.” Relax na relax niyang bati.
Payuko akong humarap ulit kay Auntie Lauriel. Ang sarap humiling na sana ay bumuka ang lupa at kainin si Dylan.
Pag-angat ko ng tingin kay auntie Lauriel ay hindi na niya mapirme ang tingin sa akin at sa lalaking nasa likuran ko. Her pink lips parted. Eyes amused. She must be so confused now.
Gusto ko nang makawala. Humakbang ako palabas ng banyo. My feet froze when I also saw uncle Rix. Nakatayo lang siya hindi kalayuan sa likod ng kanyang asawa. Siguro ay hihintayin niya lang matapos sa banyo si auntie. He looked at us. Nakahalukipkip at may kuryosong tingin sa amin.
“Nagkamali ka yata ng pasok, Dylan?” natatawang sabi ni auntie Lauriel.
Ngumisi si Dylan. Yumuko at nagkamot ng ulo.
“Hindi pa naman ako nagkakamali, auntie.”
She beautifully laughed. Tinapik ako sa balikat. Hilaw ko siyang nginitian.
“Marami ka pang pagdadaanan, hijo.”
“I’m very much ready.” He answered.
Nakangiting pumasok sa loob ng banyo si auntie Lauriel. Nilapitan naman kami ni uncle Rix at tinanguan si Dylan. Mukhang suplado talaga tingnan si uncle Rix. Tila gipit na gipit sa ngiti. Pero sanay na rin ako sa ganito niyang reaksyon. Kasi kapag nariyan sa tabi niya si auntie Lauriel, lumiliwanag din ang mukha niya.
“Dylan, I will never advise you to kidnap your woman. But then I will never support you for dragging her in the powder room. It’s too public here,” he even smirked at him.
“I actually followed her here, uncle.” He straightly answered.
Uncle Rix barked a laughter. s**t. Sasabihin niya ito kay daddy!
Malakas akong tumikhim para makuha ang mga atensyon nila.
“Nagkamali lang po ng p-pasok si Dylan, uncle.”
Tumaas ang isang kilay niya. Sabay-tingin sa nakasulat sa harap ng pinto.
“Nakakabulag talaga kapag nabaliw sa isang babae, hija. Clouded na ang isipan at hindi makapag-isip ng matino. Hayaan mo at ipapa-check ko ‘tong isa,” malakas niyang tinapik sa balikat si Dylan.
Dylan looked at me. Tinitigan niya ako. Sinuklian ko iyon ng masamang tingin at saka nag-excuse sa kanila pabalik sa mesa.
Kumakanta pa rin si kuya Grey. Halos lahat ay nag-e-enjoy naman sa tugtog nila. May ilang tahimik na nanood at walang reaksyon na parang nagkakahiyaang pumalakpak. At tulad kanina ay puro pang heartbreak pa rin ang lyrics nila.
“Ba’t ‘di mo sinabi? Paano nangyari? Kayo . . . na . . . pala. Kayo na pala. Kayo na pala . . .”
Malakas ang hampas sa drums. Ang mga ilaw ay sumasayaw kasabay ng tugtog.
“Ba’t ‘di mo sinabi? Paano nangyari? Kayo . . . na pala . . .”
Inabutan kong nakataas ang cellphone ni Dulce. Kinukunan niya ng video sina kuya Grey. Tila hindi niya alintana ang history ng ate niya at ng kumakanta ngayon.
“Sinabi mong ako lang ang nag-iisa. ‘Yun pala’y matagal ng reserba. Sa huli ikaw pa ang tama. Ba’t gan’on? Ba’t gano’n?”
(Song used: “Reserba” by Callalily)
Hindi ko na nilingon ang grupo ng mga babaeng binuhusan ko ng tubig. Ramdam ko naman kasi ng titig at irap nila sa akin.
Tumataas-taas pa ang mga kamay nina Dulce at Yandrei na parang nanonood lang ng concert. Sumasabay pa sa lyrics ang dalawa. Tiningnan ko sina ate Deanne. Hindi na siya nakatingin kay kuya Grey. Kinakausap naman siya ni kuya Yale. He look unbothered now. Okay lang na magmukhang concert ito ni kuya Grey kaso iyong kanta niya ay may patama naman.
Basta ang alam ko, lahat sila ay nasasaktan sa mga oras na ito.
Nahanap naman ng mga mata ko si auntie Aaliyah. She was with the Montejos and watching kuya Grey. May sinabi si Tita Jam July sa kanya na kinatango naman ni auntie Aaliyah. May tinawag ito sa malayo. Hinapit ni Tito Dale sa baywang ang asawa. Sumimsim sa baso at umigting ang panga.
I didn’t think everyone’s enjoying this wedding night anymore.
“Wooh! I love you, kuya Grey! You’re the best talaga!”
“Encore! Encore!”
Sina Dulce at Yandrei lang yata ang nag-e-enjoy dito.
Nahagip ko rin ng tingin si Dylan. May kausap siyang lalaki pero ang mga mata ay sa akin nakasentro. Napalunok ako. Tumingin na lang ako sa ibang dereksyon. Si Leonard at Rock naman ang nakita ko. Kinawayan ako ni Leonard. Tumango ako. Tinapik naman niya ang kapatid at humakbang palapit sa mesa namin.
Wala sa sariling nilingon ko ulit si Dylan. Nakita niya ang paglapit ni Leonard sa akin. Then he looked at me. Umiwas na ako ng tingin at baka iba pa ang isipan nito.
“Hi! May I?”
“Ha? Sige,” sagot ko na lang. Sa ilang sandali ay nahirapan akong tingnan siya at si Dylan sa malayo.
Mas madaling tingnan ang nasa tabi ko kaysa iyong nasa malayo at galit naman. Kahit ang kaisapang iyon ay naghatid ng kakaibang init sa dibdib ko. Hindi naman siguro siya gagawa ng eksena rito? Kasama ang kapatid niya at pinsan?
Leonard boyishly smiled at me. Hindi na niya suot ang suit at tanging puting polo na lang ang naiwan.
“Hindi tayo masyadong nakapag-usap kanina,”
Bahagya siyang lumapit sa tainga ko. Nakangiti akong tumango.
“Saan ka nakatira?”
Napatingin ako sa kanya. Very unusual question for someone na kakaupo pa lang sa tabi ko at bagong kilala pa. “I’m sorry?”
He chuckled. “Are you still single? May magagalit ba?”
Nagsalubong na ang mga kilay ko. Hindi na ako makangiti kahit pa sabihin niyang biro lang iyon. Naamoy ko rin ang alak sa hininga niya. So, most probably, lasing na ito.
“Baka kailangan mong magpahinga na? You don’t look okay,”
He scoffed. Yumuko at saka kinuha ang kanang kamay ko. Dinala niya iyon sa labi. Namilog ang mga mata ko.
“I’m just too tired. Sa trabaho, sa mga kapatid. Pero nang makita kita, saka lang gumaan ang dibdib ko,”
Great. Lasing na nga. Binawi ko ang kamay ko.
“Ate Ruth?”
Tiningnan ko sina Dulce. Pareho na sila ni Yandrei na nakatingin sa akin. Marahil ay nakita ang ginawa ko.
“I’m okay.” Sabi ko.
Nilagay ni Leonard ang braso sa ibabaw ng sandalan ng upuan ko. He leaned forward. Nilalapit niya ang mukha sa tainga ko.
“Can I date you, Ruth?”
“No.” deretso kong sagot.
Tumawa siya. Tinagilid ang ulo.
“No agad? Do you have a boyfriend?”
I sighed. I looked for Red and Cam. “I’m not allowed to have a boyfriend,”
“Ow. Strict ang parents? I mean, bantay-sarado ka pa rin kina Sir Matteo? Or you’re not just interested?”
Hindi ko na iyon sinagot para hindi na rin humaba ang usapan.
“Okay. I’m sorry,”
Napalingon ako sa kanya. Naghilamos ito ng mukha bago tumayo. Sinundan ko siya ng tingin. Nilagpasan niya lang si Rock na pinagtatawanan ang kapatid.
Nilingon ko ang dereksyon ng kinatatayuan ni Dylan. Naroon pa rin siya. Mag-isa na nga lang at nakahalukipkip na habang nakatitig sa akin. He wasn’t happy. He wasn’t sad. Walang ekspresyon ang mukha. Parang batong nagkatawang tao ang kanyang hubog ngayon.
Nagkibit na lang ako ng balikat at sumimsim ng juice na parang walang nakita.
**
“Maging alisto sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit.” – Santiago 1:19