Chapter Ten

3784 Words
Chapter 10 Ruth My teeth gritted uncontrollably. My heart pumped faster. My chest panting rapidly. I was mad. I was furiously mad! Pagkababa ko sa van na iyon ay nagmartsa pa ako papasok ng mansyon. Nakakuyom ang mga kamao ko at handang-handa nang dumapo sa mukha ni Dylan. How dare he kidnapped me like this? Sa ganito karumi niya talaga gagamitin ang kapangyarihan niya at pera? Aabot na sa ganitong kawalanghiyaan. Kasukdulan. I knew that the mansion was under renovation. Pero sa mga oras na ito ay wala akong naririnig na mga boses ng tao o mga tunog ng mga manggagawa. Pagkapasok ko ay nababalutan pa rin ng mga puting kumot ang mga naiwang furniture. The walls were scraped and bared. The baluster was covered with newspapers as well as the stairs. I saw some changes but it couldn’t shade my anger. I looked for him in the mansion. Wala na akong kasunod na goons niya. I walked in the living room, it was empty. I walked in the kitchen, it was empty. I looked up at the second floor. Umakyat ako at nagpalingon-lingon sa magkabilang wing. Nakita kong lumalabas ang liwanag mula sa bukas na pinto ng master bedroom. Mabibigat na mga paa ko iyong tinungo. I invited myself in. The room was almost bared. Wala na akong nakitang kutson pati ang lumang bedframe. Tila regalong tinanggalan ng balot ang buong kwarto. Siguro pati ang ibang kwarto ay ganito na rin ang kalagayan. He was dead serious about the renovation and the rebirth of the mansion from his clan. Nakita ko siyang prenteng nakaupo sa recliner chair. He looked at the door. Eyes were slit like as if he just woke up. So, nauna na siyang umalis ng isla. Mukha siyang wala pang tulog base sa pagod na nakikita ko sa mukha niya. Nabuhay ulit ang galit ko. “Anong problema mo sa buhay?!” sigaw ko. Ngumuso siya. Hindi alintana ang malakas kong boses na halos yumanig yata sa bawat pader nitong kwarto. He didn’t even move. Moored on his own throne. Nilapitan ko siya. I stopped right in front of him. “Can’t you just f*****g leave me alone!” bulyaw ko kung sakaling hirap pa rin siyang i-absorb ang gusto kong mangyari sa aming dalawa. I literally had problem with air. With breathing. Umaalon ang dibdib ko dahil sa sobrang galit na nararamdaman. At kanina ay sobrang takot pa. “Anong oras ka nakauwi?” Kalmado ka pa? Pagkatapos ng ginawang pag-kidnap sa akin. I almost tilted my head and mock him. Matagal ko siyang tinitigan. Nagngingitngit ang kalooban ko. Pero ayokong magwala rito na parang siraulong hindi mapakalma. He would only enjoy it. So, I bit my lower lip and calm myself. Ngunit hindi ko rin nagawang pigilang umalpas ang nararamdamang pait at galit sa boses ko at pananalita. Ang hirap. “Alam mo, ang hirap sa ‘yo? Sarili mo lang ang iniisip mo. Manhid ka pagdating sa kapwa mo!” Hindi ba niya naisip ang takot na mararamdaman ko sa pag-kidnap sa akin? Ang daming lumutang na problema at sobrang pag-aalala kung sakaling totoong na-kidnap nga ako. Habangbuhay kong pagbabayarin iyon sa mga magulang ko. Dahil alam kong sa kanila rin uuwi ang gulong iyon. Sino pa ba ang tatawagin ng mga kidnapper kundi ang mag-asawang Matteo at Jahcia. Para sa ransom ng kanilang ampon na anak. Tears unashamedly escaped from my eyes. Sa kabila ng panginginig ng mga labi ko at pumapanaw na takot sa didbib ay bumalong pa rin ang luha sa mga mata ko. I stared angrily at him. He was staring at my face. He stood up. Nang akmang ilalapit niya ang kamay sa pisngi ko ay malakas ko iyong pinalo huwag lang lumapat sa balat ko. My body was shaking. Out of anger. Out of shockwave. Ang paghinga ko ay para ba akong mauubusan na ng hangin sa mundo. “Kung talagang malaki ang problema mo sa akin, Dylan, patayin mo na lang ako? Huwag mo na akong pahirapan at takutin, saksakin mo na lang ako o ipapatay para mawala na ako sa buhay mo!” Now, he was turned to be angered. His eyes lit the danger from his body. Hinaklit niya ako sa siko at hindi ko na iyon naiwasan. I would only struggle so I didn’t give him any idea of fear. I looked up at him furiously as same as his. “Mapapadali lang ang lahat kapag pinatay kita. Kaya hinding-hindi ka mawawala sa buhay ko, Ruth. Itatak mo ‘yan sa isipan mo.” Halos hindi kumibot ang labi niya. Tinitigan niya ako ng kanyang nagbabagang mga mata. “Ang sabi ko, tigilan mo na ‘ko! Layuan mo ako at lubayan! Hinding-hindi ako manggagapas ng pera o tulong sa buong pamilya mo,” “But it was too late. Palagi mong sinasabing hindi mo kailangan ng tulong ng mga de Silva. Pero paano nangyaring nag-transfer ng pera si uncle Matteo sa account nina Deanne at Nick, ha? At nakikipagtagpo ka sa isang Montevista. Bakit? Nalaman mo ba kung gaano sila kayaman? Nasilaw ka-“ “Damn you!” “Yes, damn me!” ganting sigaw niya. “Dahil hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba!” Malakas na lumapat ang palad ko sa dibdib niya. Tila may sumabog sa loob ng dome ang naging tunog niyon. Pero hindi pa rin siya natinag. Masakit pa rin ang hawak niya sa siko ko at madilim pa rin ang titig niya sa akin. “I didn’t ask anyone! Daddy insisted to pay them back! I could suck up my savings ‘till the very last cent but daddy didn’t listen to me!” “You can stop him,” “But I can’t! I respect and love him!” May kung anong gumalaw sa panga niya. “What about Leonard Montevista? Huh? Respect and love?” Namilog ang mga mata ko. “He’s a friend!” “Friend? Na dumadalaw sa gitna ng gabi? Hindi mo ba narinig ang sinabi niya sa akin? May gusto siya sa ‘yo!” “Anong pakiealam mo ro’n?!” “Kaya ko siyang durugin, Ruth. Kaya ko siyang pahirapan. I already told you, I can be your guardian and lover at the same time. I can give you the life you had before. Hihigitan ko pa ‘yon!” “Did I already answer you? I f*****g hate you.” Padaskol niya akong hinila kaya’t halos humampas ako sa dibdib niya. “I f*****g want you. You hear that? Huh? I want you.” Nagpumiglas ako at galit na galit siyang pinagpapalo sa malapad niyang dibdib. “Bitawan mo ‘ko! Bitawan mo ‘ko!” I slapped him. Hard. Pero tila kasing tigas ng pader ang mukha niya at ni hindi ito natinag o gumalaw man lang. I slapped him again. But still, he looked like a faithful statue. Habang tinititigan ko siya ay mas nakikita ko kung gaano siya kalakas. Lakas na kailanman ay hindi ko kakayaning kalabanin. Sigaw ang bumalot sa bawat sulok ng kwartong iyon nang bigla niya akong binuhat. Sinalo niya ang puwitan ko gamit ang dalawang mga kamay o braso. Dala ng takot at pagkabigla ay awtomatikong umikot ang mga nanginginig kong braso sa leeg niya. He was so strong I couldn’t measure. Dinalawang hakbang niya lang yata ang pintuan. Sinipa niya iyon pasara pero ang likod ko na ang naglapat sa hamba ang pinto. Malakas iyong nagsara. Tila nagdadabog. He wrapped my legs and thighs around his waist. And he pinned me against the door. Napaigik ako sa pagtama ng likod sa pinto. Then he firmly held my jaw and crashed his mouth into mine. I gasped. Diniin niya ang baywang sa pagitan ng mga hita ko. The foul cloth could hurt me but all I could feel was the gushed of undeniable pressure even if I was currently angry with him. He didn’t let me protest nor stop him from kissing me roughly. Not even wanting to check on me if I was alright when he pinned me on the closed door. The ornate design of the vintage door curved on my skin that brought a little pain at my back and bones. Nanigas ang lalamunan ko sa bawat galit na hagod ng labi niya sa labi ko. My lips were unbelievably opened and freed to taste. And he got the time of his life to do it with me. Nakatabingi ang ulo niya. Ang mga kamay ay pinipirme ang panga ko. I protested a moan. But he only sped up the sliding of his kiss like as if he was urged to. Nalunod ako. I was even forbidden to kiss him back properly since his kisses were improper and full of surprises. He bit my lower lip. Freed and bit again. I released a sexy moan and regret it silently. Tapos ay sinugod niya ulit ng malalim na halik ang bibig ko. Naramdaman ko ang mainit niyang dila. Pinasok at nilalabas sa loob ng bibig ko. Para akong binuhusan ng timbang may lamang baga o naglalagablab na tubig o langis sa mukha. I could even feel how he made my lips wet using his experience mouth and tongue. He made me looked up when his lips moved down on my waiting neck. My lips were still parted and sore. Binabasa niya ang leeg ko. Kinakagat habang tila nababanas sa akin. Para niya akong pinaparusahan sa paraan ng kanyang paghalik na mabagsik. I felt the shockwave down under when he cupped my breast. Tinaas niya ako ulit. Diniin ang sariling katawan sa akin na para akong pinapako. Pagkatapos ay tinaas ang damit ko at bra. Bago ko pa siya mapigilan ay naroon na ang bibig niya. Sinakop nang buo ang isang dibdib ko. My chest panting in an indescribable feeling. Hinatak ko ang manggas ng damit niya dahil sa nag-aapoy na pressure. I tried to look down. His red lips were so moist. His face started to turn crimson. I gulped and only watched him wildly enjoying my breast and its taut tips. Tapos ay inulit niya rin iyon sa kakambal nito. Kinahihiya kong makita ang sarili sa ganoong estado. Nakakabaliw sa pakiramdam. Parang parusa. Parang mali. Pero nagpapaalipin pa rin ang nag-aapoy kong katawan sa kanya. He wasn’t made of glass. He was made of steel. I was made of paper. Fragile from his flame. The lapping sounds made my face burnt. He cupped, kneaded and unruly kissed me there. He was already sweating when my fingers landed on his scalp and gripped on his sweaty hair. I was sweating too. The pressure and heat were too much. Tigtatlong beses niyang binalik-balikan ako roon nang walang kasawa-sawa. I was palpitating. Hindi ko na alam kung saan kakapit. Hindi ko na alam kung paano kakalma. Nang binaba niya ako ay siya na ring nagbaba ng damit ko. My arms were too heavy to even cover myself against his eyes. Though he let me touched the floor, his hands automatically caged me and pinned his hands on the door. In between my shuddering shoulder. He buried his face on my hair. We were both gasping for air. Yumuko lang ako at tila hinigop niya ang lakas ko. Dinig na dinig ko ang dagundong sa dibdib niya at malakas na paghinga. “I will marry you.” he said in between his breath. Napapikit ako. Pagod na ako para makipagtalo sa mga kagaguhan niya. Tinaas ko lang ang kaliwang kamay para itulak siya nang makahinga ako nang maayos. He was crowding me. “I said I will marry you,” Hinuli niya ang kamay kong tumulak sa kanya at maingay na hinalikan. “Ruth. Babe?” malambing niyang tawag. Tiningala ko siya. Pulang-pula ang labi niya. Nangangakapal pa ang labi ko. He stared at my lips. Umiling ako. “No,” “No? No escaping you mean, my baby?” hinihingal niyang bulong. His bedroom voice made me shiver all over again. Ginawa pa niyang biro ang sinagot ko. I licked my own lips. “Kabaliwan ‘to, de Silva. You’re after my body,” bintang ko kahit hindi pa humuhupa ang puso ko. Tila nakikipag-unahan sa kanya. Though I was at fault too, I would never give him the full access just so he could score on me. He made feel something I never felt before. He made me shiver. He made me flush. He made me moan and I heard groans I had never met before. He could ruin me. But I will never fall. “I am after you, babe. You’re going to be mine. I’ll marry you,” Pagalit kong hinila ang kamay kong hawak niya. Ang kalabog na nararamdaman ay tila nakakaramdaman na naman ng bagong takot. Ni hindi ko alam kung bakit niya iyon nasabi o naisip man lang. Inaalok na niya akong magpakasal! Kahit masikip ay nagawa ko siyang talikuran at hinawakan ang doorknob. Tila ahas naman na gumapang ang mga braso niya sa baywang ko. Ginapos niya ako sa kanyang katawan. Ang mukha ay nilibing niya sa leeg ko na parang naghahanap ng pahingahan. “Mababaliw ako Ruth kapag hindi ka napasaakin. Mababaliw ako,” Napalunok ako. Bigla akong nahilo. “Sinasabi mo lang ‘yan para pasakitan ako. Pagkatapos mong makuha ang gusto.” He was still a man. Kakakita ko lang kanina ng lakas ng kanyang pagnanasa. He must have been like that with other women too. “Marry me. Kapag nakuha kita sa kasal, nakuha ko na rin ang lahat ng sa iyo. Nakuha na kita.” Kamuntik pa akong mapangisi dahil doon. Hindi ko makita ang kaseryosohan sa pagkatao niya. This was lust. Init ng katawan kaya umabot kami sa ganoon. He might be the first man to see my naked breast but definitely he wouldn’t be the only man. He was too tough to stop. Wala akong sapat na lakas at inaamin kong nagkasala rin ako. Nadala ako. Nagustuhan. Napaso. Pero hindi ko hahayaang masunog ako mula roon. Umiling ako. “Ayoko. Nag-aaral ako at marami pa akong pangarap sa buhay,” Kahit na ano na lang na dahilan para tanggihan ito. He wasn’t serious so was I. Umahon ang ulo niya sa leeg ko. Pilit akong inaabot na makita. “I will wait for you until you graduate. Ilang buwan na lang naman, ‘di ba? Then we can marry!” tila excited pa niyang sabi sa huli. I smirked. Wow. He could act this way. This far. Wow. Umiling ako ulit. “Magtatrabaho pa ako. May gusto pa akong gawin bago mag-asawa,” Hahanapin ko pa ang Lola ko. Gagawa pa ako ng sarili kong buhay at pangalan sa larangang gusto ko. Marriage was still far from my priority. “You’ll going to get your dream job while married to me. I will help you reach what you want. I will be your supportive husband, babe. Let’s get married. I want you. I really want you,” “Oh, stop it, Dylan! Sinabi ko na ngang ayaw ko pa!” nagtitimpi kong sagot. “Okay, okay. I will just wait then until your graduation,” Galit ko siyang nilingon. “Stop f*****g with me, please!” “We will get there. We will.” Pinihit niya ang doorknob. Umatras siya kasama ako at binuksan ang pinto. Nauna akong lumabas pero hinuli niya ang kamay ko at pilit pinagsalikop ang mga daliri ko sa kanya. “I don’t want you to talk with Leonard Montevista ever again.” He said with full conviction and authority. Na para bang iyon ang pinakamahalagang batas. Natigilan ako lalo. “Wala kang karapatan,” paalala ko. He looked down at me. His face changed. Something has changed. “You can deny all you want but starting today, you’re my girlfriend. We’re getting married after your graduation.” My jaw dropped. Nilagpasan niya ako. Dahil magkasalikop ang mga kamay namin ay awtomatiko akong sumunod sa kanya na parang asong hinihila ng kanyang amo sa tali. Tumigil ako sa paghakbang. He was halted too and looked back at me with question laid on his forehead. “Wala akong sinabing magpapakasal ako sa ‘yo. Wala tayong napagkasunduan,” Giit ko. Hindi ako papayag na pagharian niya ang kakayahan kong magdesisyon at pati buhay ko. Humakbang siya pabalik. Umatras ako at nabunggo na lamang ang balustre. Kahit na anong layo ko ay wala na akong mauusuran pa. Yumuko siya at mababaw akong hinalikan sa labi. Matagal niya akong tinitigan. “What do you want? A contract? Deal.” “I said no!” “I’ll get you. Stop arguing with me. You’re getting prettier.” His hoarse voice made looked at him in the eyes. Siniil niya ako ng halik. Pagkatapos ay hinila na ako pababa sa hagdanan. Pagalit kong hinila ang kamay pagkababa namin. “Uuwi na ‘ko.” sabi ko at nagtuloy-tuloy na sa front door palabas. Nakita ko roon ang mga goon niya. Lahat ay napatingin sa akin at nagulat pa na parang naghagis ako ng granada sa harapan nila. Pero sa huli ay namataan kong sa likuran ko sila nakatingin at nagbigay-galang pa. Nilapitan ko iyong isa at nilahad ang kamay. “Cellphone ko?” hingi ko sa gamit. Dinukot niya iyon mula sa bulsa at pinatong sa naghihintay kong kamay. “Pasensya na po, Ma’am,” nahihiya pa niyang sambit sa akin. Inirapan ko siya at tinago ang cellphone sa bag. Hinila na naman ako ni Dylan at sinakay sa sasakyan niya. Hindi na ako nagprotesta o pagsalitaan siya. Dahil wala naman siyang pinapakinggan. He drove me home in the apartment. Pagkababa ay kamuntik ko pang makalimutang nasa taas pa nga pala sina Esther at Walter. Sana ay gising na silang dalawa. Natatakot na akong umalis ulit at baka may nakasunod na namang tauhan si Dylan. Isa pa, wala na akong ganang kumain sa labas pagkatapos ng nangyari ngayon. Pinagkaguluhan sa harapan ng apartment ang sasakyan niya. He look unaffected. Dumeretso ako sa pintuan. Mabuti at wala iyong landlady ko at baka magpalakpakan pa ang mga tainga ng lalaking ito. Hindi kami nagkibuan habang nasa byahe. All I knew was he was messing up with me. With my plans. With my future. With my life! He wanted marriage with me. He wanted it immediately like as if I wanted that too. Binuksan ko ang pinto. Pinaalalahan ko ang sariling maging alisto. Kailangan kong pakiramdaman ang mga binabalak niya sa akin. Nagalit siya nang magbayad ang daddy kina Ate Deanne at Kuya Nick. His lips were mad. Despite of it, he asked me to marry him. Kapag pinagsama ang init at galit ay nagpoporma ng delikadong bundok. Bundok na hindi magtatagal. Dahil kapag humupa ang init at natira ang galit, hindi ko na ma-imagine kung anong susunod na mangyayari. We could nurture the heat. But we should free the anger. It wouldn’t make you good for the rest of your life. It was so ugly. Napatayo si Esther at tila kabado akong hinarap. Panay ang kurot niya sa kanyang mga kamay. “Ruth!” Tiningnan ko ang hagdanan. Tapos ay binalik ulit sa kanya. “Morning,” bati ko. Alam kong dahil kay Walter kaya siya ganito. Nakita niya ang bag ko sa sala. She must be freakingly nervous. “S-saan nanggaling?” tinuro niya ang bag ko. “Pagkababa ko kasi kanina nakita ko na ang bag mo. A-nong oras ka dumating?” She was so tense. Bumuntong hininga ako. Napalingon kami sa bukana ng pinto nang lumapit doon si Dylan. Pumasok na siyang kusa. Tiningnan niya si Esther pero hindi naman kumibo o nagbigay ng kahit na anong reaksyon. Hinubad ko ang sling bag at nilapag sa upuan. “May nangyari kasi kanina kaya hindi kita nakita,” pumunta ako sa lababo at naghugas ng mga kamay. Aasikasuhin ko ang bag ko at mag-aayos ng gamit. Wala akong balak na i-entertain si Dylan. Isasahog ko siya sa pagkain kung magtatagal naman. “Uh, gano’n ba? Akala ko kasi maaga kang nakauwi,” Esther’s laughed made her sound awkward. Wala akong makitang problema sa relasyon nila ni Walter. Mukhang nakauwi na rin iyon. Gusto ko siyang chikahin tungkol doon dahil masaya naman ako para sa kanya. Pero dahil sa nararamdaman ko pa ay hindi ako makasubok. Mamaya na lang siguro kapag okay na ang t***k ng puso ko. Pagharap ko sa kanila ay nakatayo pa rin silang dalawa. Si Esther ay may pagkamangha, hiya at litong naka-drawing sa mukha. Tinitingnan ako at si Dylan. Si Dylan ay pirmeng nakatayo sa tapat ng nakabukas na pinto. Nakapamulsa at pinapanood ako. His was staring at me intently like as if I was the only one alive in this place. I cleared my throat. “May gagawin na ‘ko, Dylan. Hindi ka pa ba uuwi?” kinuha ko ang sling bag. Nilabas ko ang cellphone at nagkunwaring may titingnan kahit na zero new messages iyon. I looked at my gallery. Pretending it was so important. “Uh, nagsangag ako, Ruth. B-aka gusto niyo ring makakain muna ni Mr de Silva,” nag-aalangang alok ni Esther at banggit sa pangalan niya. Tumaas ang kilay ko at nag-angat na ng tingin kay Dylan. He was waiting for my attention. He shook his head. “Thanks. But I have work,” sagot niya. I smirked. “Okay, Bye.” Binalik ko ulit ang atensyon sa cellphone. Mga lumang pictures na ang tinitingnan ko pero wala roon ang kaisipan ko. “Gano’n po ba? Next time na lang pala, Mr de Silva,” “Call me Dylan. You’re my girlfriend’s bestfriend, Esther,” “Ha-hah?” I sighed. Esther’s mind was now disturbed. “I’ll be coming back. Babe?” Hindi ko iyon pinansin. My hands were trembling. Nakita ko na lang ang mukha ni Dylan sa harapan ko at maingay akong hinalikan sa labi. Hinaplos pa niya ang likod ko. “We’ll talk again.” He whispered. Hindi ako nagpatinag sa kinatatayuan. Mayroong katahimikan sa pag-alis ni Dylan. Pagsara ng pinto ay saka ako napapikit at baba ng cellphone. Napamaywang ako at haplos din sa tapat ng puso ko. Masakit na ito. Masakit na masakit na. Dumilat ako at nilingon ang natahimik na si Esther. Nakabukas pa ang bibig niya. “Ano ‘yon?” gulat niyang tanong sa akin. I nervously sighed. “It’s just a kiss from the devil.” My voice roughened at each words while thinking about him. ** Tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, “Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.” – Marcos 10:27
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD