Chapter 11
Ruth
I really didn’t know how to explain it to Esther. Parehong kaming tahimik habang kumakain. I was surprised when I saw her with Walter. But I guessed she felt the same when she saw Dylan kissed me. It only took a kiss then we weren’t able to speak at each other like before.
Hindi ko muna inungkat iyong tungkol sa kanila ni Walter. May araw din para roon. Nang mapag-isa ako ay palagi ko ring naiisip si Dylan. Hindi ko matanggal sa isipan ko. Kahit sa utak ay dikit pa rin nang dikit.
Was he serious about marriage?
Pumasok ako sa office. Doon ay binuhos ko ang buong lakas at atensyon para mabura sa isipan ko ang lalaking iyon. I started to enjoy my training. Kahit na medyo mababaw lang ang task ko. Kung minsan ay nauutusan pa akong magtimpla ng kape. Hindi ako nagrereklamo.
Nakikita ko rin kung paano magtrabaho ang mga journalist ng Bangon Pilipinas. May pagkaseryoso ang ambiance. Which I seriously understood. This was the field I wanted to blend in and render my service. Hindi madali ang trabaho at kailangan ng lakas ng loob sa ibang banda.
Mula sa pagta-type sa computer ay nag-angat ako ng mukha nang makitang hinahabol ng isang empleyado ang CEO namin.
“What’s the problem with my article?” reklamo nito habang tinataas pa ang mga papel na hawak.
Huminto sila hanggang sa salaming pinto ng opisina ng CEO.
“It wouldn’t be a problem kung hindi mo pinersonal ang report mo, Jules. Kung gusto mong isulat ‘yan, make sure na hindi ka bitter. Choose the right words! Revise it and then let’s see,”
“Pero Ma’am-“
Pinagsarhan na siya ng pinto at wala nang nagawa. Nanlulumong umalis si Sir Jules. Wala ni isa ang lumapit sa kanya para kausapin ito. Napalingon ako kay Ma’am Farrah nang malakas itong bumuntong hininga mula sa pagta-type.
“If I were Jules, ise-set aside ko ang personal motives ko sa article. Hindi ko isasangla ang reputasyon ko at ng kumpanya nang dahil sa personal na galit.” She looked at me and smiled. “Take note of that, Ruth. Kahit na gaano kaganda ang article mo pero kung puno ito ng galit at pangpersonal lamang, naghahanap ka lang ng away at hindi journalism ang tamang career. We should be neutral and responsible. At tapat sa paglalahad ng balita.”
“Yes, Ma’am.” Nakangiti kong sagot sa kanya.
Reputation. Isa iyon sa gusto kong i-build sa larangang ito. Bilang sa kamay ang mga hinahangaan kong journalist sa ngayon. Karamihan ay mga batikan at iyong gumagawa ng documentary talaga. Gustong-gusto ko ang linya ng dokumentaryo.
Mayroon din akong mga tinitingalang reporter at TV Anchor. That made me wanted to meet my grandmother. She was a former TV Anchor na nag-migrate sa ibang bansa matapos mamatay ang anak at ipaampon ang apo sa mga de Silva.
Binalik ko ang paningin sa aking monitor. Mula sa bulsa ng bag ay nilabas ko naman ang binabaong USB. Walang pasubali ko iyong sinaksak at hinanap ang file na nasimulan ko nang sulatin. Hindi pa buo ito. Kulang na kulang pa sa hitik na impormasyon.
The Melaflor Clan. My father’s.
Sa dalawang pahinang sinulat ko, kasama pati ang ilang copy-paste information na nakuha ko online at ilang mga litrato, alam kong hindi pa ito sapat.
Madali kong nahanap ang dating family business na si Jake Melaflor ang huling humawak. Dating nagmamay-ari ng iilang hotel sa Metro Manila at Luzon. Nag-expand sa Visayas at Mindanao. Pero hindi natapos ang construction at nalugi rin naman dahil sa mishandle ng management. May mga issue’ng nakapaloob na hindi detelyado sa media. Pati ang pagkakalulong ni Jake Melaflor sa pinagbabawal na gamot ay nalaman ko rin.
He got married with Denise Hilario. A daughter of a famous TV Anchor . . .
Nilingon ko si Ma’am Farrah. Pati ang ilang mga empleyado na busy naman sa kanya-kanyang trabaho at assignment. I was free. Napatingin ako sa entrance ng office nang may pumasok na dalawang tao. Isang cameraman at field reporter ng kumpanya.
Then I typed the name Socorro Hilario in the box. Madali ko siyang nakita dahil sa dati nitong trabaho. Mayroong mga video clip sa dati niyang news program. Sa YouTube ay napanood ko rin. Though there were old and looking vintage now, I could still see her resemblance to my mother. And once, in a scary way, Jake told me that I looked like her too. Nangilabot ako sa uri ng tinging tinawid niya sa akin.
Hindi ko na mahanap ang home address niya rito sa Pilipinas. Alam kong imposible rin iyong makita. Lalo na ang address nito sa ibang bansa. I could pull a string but I wouldn’t do it.
I went back to the Melaflors and typed the name. I had their family photo. My grandparents died in a fatal accident. Nadaganan sila ng cement mixer truck habang nasa loob ng kanilang sasakyan. Namatay ang tatlong sakay kabilang ang kanilang driver. Jake was the only son and a heir. Naiwan sa kanya ang pamamalakad ng kanilang negosyo hanggang sa ito ay magsara dahil sa pagkalugi o kapabayaan.
A few women were linked to him too. They called it illicit affairs since he was already married. And his wife Denise Melaflor was also linked to Matteo de Silva.
I stopped and stared at my screen. This was old news. Maybe those time, hindi uso ang discreet relationship. There was no need to backtrack the history of the de Silvas since I witnessed myself how they were with me. They were very famous of being a low-key family. Which made a lot of people felt intrigued and envied them. Their name was known but not detailed.
“Ruth?”
Bahagya akong napaigtad at agad na sinara ang files ko nang may tumawag sa akin. I looked up and found Leonard grinning at me.
“Leonard?”
“Mr. Montevista!”
Napalingon ako kina Ma’am Farrah. Tumayo sila at may pagmamadaling nilapitan si Leonard. He smiled then left them and went to my table.
“Hey, I didn’t know you’re here?”
I cleared my throat. Nakikita kong may mapanuring mga tingin sa amin sina Ma’am Farrah.
“Uh, dito ako nagte-training. Ikaw?”
Nagdalawang-isip ako kung tatayo o mananatiling nakaupo. I chose the latter.
He chuckled. “I’m one of the shareholder here. Not big time though,”
Napa-O shape ang labi ko. I noticed his clothes. Without the presence of necktie with his silver suit he still looked like the President of this company. “Really?”
“You look shocked. Well, anyway, nandito lang naman ako dahil sa meeting. Unexpectedly. But I guess, this day is a lucky day. Are you free later?”
Binigyan niya ako ng ngising alam kong magpapatumba kay John Lloyd Cruz. Naringgan ko rin ang ilang mahihinang singhap sa likuran ko.
“Uh, ano, bakit?” magalang kong tanong. Hindi ko lang napigilang sabihin kahit na may ideya na ako sa isipan ko.
“Have dinner with tonight. Pag-usapan na rin natin ‘yong meeting ninyo ni Atom. Game?”
Namilog ang mga mata ko. Okay. He got me when he mentioned him again.
“O-okay, sige,”
“Great! Hintayin kita mamaya paglabas mo,”
Just like that. Then he walked in the CEO’s glass office and sat in front of her table. Para kong dinaanan ng bagyo tapos mabilis ding umalis pero nag-iwan ng iisipin.
**
I was nearly speechless when he brought me in Manila Palace Hotel. Ang tagal ko na ring hindi nakapunta rito. May taon na yata. Sa loob ay may Japanese restaurant na paborito raw kainan ni Leonard at ng bunsong kapatid na si Rock.
Deep inside, natakam talaga ako nang makakita ulit ang maki. Those were my favorite. Ang tagal ko na ring hindi naisip na kumain nito kasi alam kong mataas ang presyo. I really enjoyed it now while Leonard was telling me about his friend.
“Malapit ka na pa lang gumaraduate. Pwedeng sa Bangon Pilipinas ka na rin magtrabaho kung gusto mo?”
I immediately looked at him. How kind. “Naku, salamat. Pero baka hindi ako qualified,” sagot ko.
Kumunot ang noo niya. “You’re a journalist. Paanong hindi ka qualified?”
“I mean, wala pa akong masyadong experience. Alam ko naman na kapag nag-uumpisa pa lang ang kumpanya ay puro mga hasa na at sanay ang mga kinukuhang empleyado. Kalaliktaran ko,”
He shrugged his broad shoulders. “Adorable. But don’t be. Dapat ay palaban ka kapag nag-a-apply ng trabaho. T’yak naman na tinuturaan kayo sa eskwela kung paano ninyo ima-market ang sarili sa mga kumpanya, ‘di ba? I tell you, you’re very much qualified. Magpasa ka ng article. Tapos ilalabas namin sa website,”
Nanlamig ako at kinabahan. “Ha? Leonard-“
“Start building your name, Ruth. Practice your talent. Nakikita ko namang sinsero kang tao. I will be just your bridge to reach your goal,” then he smirked.
“Thank you,”
“Then you owe me a coffee?”
I chuckled. “Sana okay sa ‘yo ang 3-in-1 na kape?” biro ko.
Nagkibit ito ng balikat. “Count me in.”
Tinawanan ko na lang iyong sagot niya. Hindi ko batid kung dahil sa pag-alok niya ng trabaho kaya gumaan siyang kasama o dahil talagang magaan siyang kasama?
I felt excited. Hindi ko akalaing may maghihintay na trabaho sa akin hindi pa man din ako nakaka-graduate. Tatanawin ko itong malaking utang na loob sa kanya. Kahit papaano ay nabawasan ang aalalahanin ko after college.
Wala sa sariling napatingin ako sa labas ng kwartong pinagkakainan namin. Wala namang pinto kaya may nakikita rin akong dumaraan at nilalapitan din kami ng waiter. I knew I would expect this. Kuryosong nakatingin ngayon sa akin si Tito Dale at sa lalaking kasama ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya. He was the owner of Manila Palace. The last time I heard was he started to train Connor. His eldest son.
I kissed him on his cheek. “Hello, Tito Dale,”
“Dapat ay tinawagan mo ‘ko na nandito ka pala,” he demanded cutely.
I smiled at him. Naramdaman ko na lang ang pagtabi sa akin ni Leonard. He also looked at him.
“Good evening, Mr Montejo,” Leonard formally greeted him.
Nagsalubong ang mga kilay ni Tito Dale. Matikas pa rin siyang tingnan sa kanyang edad. He was sporting a white longsleeves polo and black pants. His hair started to turn gray just above his ears. But still so ruggedly handsome.
Nagkamayan silang dalawa.
“Nakabalik na ba ng Manila si Yale at Deanne?”
Tiningala ko si Leonard. I saw something in his eyes.
“Nasa isla pa po hanggang ngayon. Ayaw pa po yatang pakawalan ni Kuya si Ate Deanne,”
They both laughed. Tinapik naman siya ni Tito Dale sa balikat.
“Johann and Aaliyah will expect the couple’s baby this year,”
“Alam na alam naman po ‘yan ni Kuya Yale,”
Nalipat ang tingin sa akin ni Tito Dale.
“Are you with your parents, hija?”
Napalunok ako at kinabahang umiling. “Hindi po, Tito.”
“She’s our trainee in Bangon, Sir. May meeting akong dinaluhan doon at nakita ko si Ruth. I immediately asked her for a dinner,”
He smirked. Sa tingin ko naman ay satisfied siya sa narinig.
“I see. I’m with Connor and Earl. Nasa opisina lang ‘yong dalawa pero bababa na rin siguro,” sinilip niya ang relo sa palapulsuhan. “Pagkahatid namin kay Earl sa parents niya ay dederetso kaming grocery store.” Nakangiti na siyang tumingin sa akin. “May pinapabili kasing ingredients ang Tita Jam July mo. Alam mo na. Baker things,” at saka tila kumislap ang kanyang mga mata. “Gusto mo bang sumabay na sa amin, Ruth?”
“Ihahatid ko na po siya, Sir. Don’t worry about her,”
“Okay, then.”
I smiled at him. Naisip kong hindi naman na lalagyan ito ng kulay ni Tito Dale. Hindi mukhang threat ito ‘di katulad kina Uncle Rix at Auntie Lauriel. Malapit kasi sila kina daddy at mommy. Saka nagkataon ang pagkikita namin ni Leonard sa kumpanya. Tapos ay sinundan ako ni Dylan sa banyo.
Uh, well, mas disenteng magkita sa opisina kaysa sa cubicle ng banyo.
Pagkaalis ni Tito Dale ay bahagya namin siyang napag-usapan ni Leonard. He knew about the Sullivans. Hindi na rin kataka-taka dahil sa mundong ginagalawan nila.
He drove me home too. Tulad noong unang hatid niya sa akin ay nahiya akong papasukin siya sa loob. Wala si Esther at umuwi muna sa kanila. Kung aalukin kong magkape si Leonard ay mapipilitan siyang mag-stay pa. E, gabi na rin.
Hinatid pa niya ako hanggang sa tapat ng pinto. Tumikhim ako at binuksan ang pinto.
“Uh, Leonard-“
“It’s okay. Aalis na rin ako,”
Kumurap-kurap ako. Biglang nahiya sa sinabi niya. “E, paano ‘yung kape mo?” may kape rin naman siya sa bahay niya pero kasi pakiramdam ko ay obligado ko siyang paunlakan no’n dahil sa libreng hapunan. Pakiramdam ko lang naman.
“Sa susunod na lang siguro. Kapag hindi ka na nag-aalangan sa akin,”
“Leonard, okay ka naman. Mabait din,”
Tumaas ang kilay niya. “Mabait lang?”
Hilaw ko siyang nginitian. “Saka-“
“I’m just kidding. Paano? Alis na ‘ko,”
Napalitan ng sinserong ngiti ang labi ko. “Salamat ulit.”
He only nodded and went back to his car. Ilang magarang sasakyan na ba ang pumarada rito sa apartment? Siguro ay kotang-kota na ang mga mapanuring mga mata sa paligid.
Binuksan ko ang ilaw at sinarado na ang pinto. Nakaramdam ako ng pagod dahil sa maghapong ginawa. Though, nabawi naman sa masarap na hapunan, gustong-gusto ko pa ring umakyat na sa taas at humilata sa kutson.
Dumeretso muna ako ng banyo. Naiwan ko sa likod ng pinto ang suot na pantalon kahapon. Kinuha ko iyon at nilagay sa laundry basket. Kailangang makapaglaba muna bago matulog para may maisuot ako sa mga susunod na araw.
Kinuha ko ang maliit kong timba at nilagay sa lababo. Pinatuluan ko iyon at naglagay na rin ng sabong panlaba. Pinangalahatian ko ang tubig sa timba. Nagtuyo ako ng kamay at ii-on sana ang radyo nang makarinig ng malalakas at sunod-sunod na katok sa labas ng pinto.
What the hell?
Desperado at tila may humahabol ang gawi ng pagkatok. Pinuntahan ko ang pinto at binuksan. Ang unang taong naisip ko ay hindi si Geneva na may dalang malaking plastic, mga anak niya at nagsisiiyakan!
Nilakihan ko ang bukas sa pinto at agad silang pinapasok. “Anong nangyari?” sa labas ay nagtahulan ang ilang aso. Sinarado ko ang pinto at hinarap ang mag-iina.
Takot na takot si Geneva. Nang matapat sa liwanag ay nangunot ang noo ko nang makitang may malaking pasa na pala ito sa gilid ng putok na labi. She was crying so hard. Parang kanina pa umiiyak base sa kanyang minamalat na boses.
Binaba niya ang dalang plastic na nabanaag kong mga damit ang laman. Nilapitan ako at hinawakan sa kamay.
“P-papatayin ako ng Papa mo, Ruth. Papatayin niya ‘ko,” gumagaralgal nitong sabi.
Nilingon ko ang dalawa niyang anak na humihikbi rin. Tila may kumuyom sa puso ko habang pinapanood silang mag-iina na punong-puno ng takot at lito sa kanilang mga mukha.
“Sinaktan ka ni Papa?” nabuhay ang galit sa boses ko. “Pati ang dalawang bata?!”
Saka ko lang napansin ang gutay na kwelyo ng damit ni Geneva. Namumula ang leeg nito. Hindi maayos ang ipit sa buhok at wala siyang suot na pampaa. Damn it!
“Umuwi siyang lasing na lasing na naman. Sanay na ‘ko, e. Ako na lang din ang naghahanap ng makakain naming mag-iina. Pero ngayon, umuwi siyang may bitbit na babae. Dinala sa kwarto namin at gumawa ng milagro habang nasa labas lang kami at pinapakinggan silang dalawa,”
“Kaya lumaban ka sa kanya? He deserves it.”
Partly, parang alam ko na ang susunod pa niyang sasabihin pero hindi ko pa rin inasahan ang kanyang sumunod na salita.
“Pagkatapos nila ay nagtawag siya ng istambay sa labas. Dinala sa loob ng bahay at inutusan akong makipagtalik doon habang silang dalawa rin ng babaeng dinala niya,”
Pagkarinig ay para akong malakas na sinuntok sa dibdib. Nanlaki ang ulo ko.
“Nanlaban ako. Ginawa ko lang naman ang sa tingin ko ay tama pero nagalit si Jake. Sinuntok niya a-ako. Sinampal. Sinaktan na parang hindi ako tao sa paningin niya-“
“Geneva! Geneva!!”
Sabay kaming napalingon sa nakasaradong pinto. Nilapitan ni Geneva ang dalawang anak at niyakap. Umatras sa paanan ng hagdanan at takot na takot na nakatingin sa pinto habang nakatakip ang kamay sa bibig.
Kinuha ko ang dala niyang plastic at binigay sa kanya. “Umakyat kayo sa taas at ‘wag gumawa ng ingay.” I commanded.
“Halika mga anak,” dali-daling dinala ni Geneva ang dalawang bata sa taas.
Nang hindi na ako nakarinig ng mga hikbi ay saka ko binuksan ang pinto.
He was standing tall but lanky. Malaki na para sa kanya ang kumukupas na polo shirt. He was stinky. The foul evidence of his liquor. His faded denim pants looked so big and worn out. Ang balbas at bigote ay pinabayaang mabuhay sa kanyang mukha na tila hindi iyon nakikita. His hair was long and disheveled.
Malayong-malayo sa itsura ng mga litratong nakita ko online at magazine.
With his bloodshot eyes, full of anger and with the look of a man who just finished with woman and beaten his partner. He spat on my door.
“Si Geneva?!”
He didn’t have that business voice anymore. Ang boses niya ay t’yak na nabago na ng panahon, droga at alak.
Humalukipkip ako. “Wala rito.” Malamig at tipid kong sagot.
“Wala,” he mockingly repeated. “Ilabas mo kung ayaw mong pati ikaw ay madamay,”
I sighed calmly. “Wala rito.”
Dinuro niya ako. “Anak lang kita. Ako ang sundin mo kung ayaw mong masaktan!”
I felt the first roll of fear. But I could still manage not to tremble nor step back.
“I’m a Hilario not a Melaflor.”
Nakakatakot siyang ngumisi at dumura ulit sa gilid ng pinto ko.
“Hilario? Sinong pinagmamalaki mo, ha? ‘Yong Lola mong inabandona ka sa hayup na Matteo de Silva na ‘yon? Ni hindi ka nga kilala no’n, Ruth! Ako lang, ako lang nagmalasakit sa ‘yo kahit na iniputan ako sa ulo ng Mama mo!”
My jaw hardened. Ni hindi ko gustong masambit niya ang tungkol kay Mama Denise.
“Ikaw ang unang nanloko kay Mama.”
“Hindi mo ba alam? Matagal na nilandi ng Mama mo si Matteo de Silva bago siya namatay!” marahas niya akong tinulak at pumasok sa loob. “Geneva!! Putangina mo lumabas kang babae ka!” tumingala siya sa kisame.
This is my house.
Buong-lakas at tapang ko siyang tinulak palabas ng bahay. Wala na akong pakielam kung mas malaki man siya sa akin at babae ako. Kahit na kargado pa siya ng alak sa katawan. This is my house. This is my place not his hell.
He lost his balance. He got angry. He cursed me painfully in my ears and grabbed my hair. Napaigik ako sa sakit ng sabunot niya sa akin.
“Para kang walang pinag-aralan na babae ka. Pati sarili mong ama, binabastos mo, ha?!”
He made me looked up at him and slapped me. I gasped and felt the heat from my cheek. Akala ko’y nawalan ako ng pandinig o malay. Minura niya ako ng kabastusan.
“Hoy wala kang maipagmamalaki sa ‘kin. Ni wala ngang gustong maging pamilya ka!”
Padarag niya akong binitawan. Nawalan ako ng balanse at tumama sa plastic na mesa. Hindi niyon nakaya ang bigat ko kaya’t umusod ang mesa at ako ay sumalampak sa sahig.
“Geneva!!”
Hindi ko ininda ang sakit ng braso at siko--agad ko siyang nilingon. Pinilit kong bumangon dahil akma niyang aakyatin ang hagdanan. Hinila ko siya sa malaki niyang damit. Malakas na hila. Dahil sa lasing din ay napaatras at upo ito sa sahig.
“Putang-“
Nagulo ang mesa ko at ang upuan. Nanginginig ang mga kamay ko. Mabilis kong pinasadahan ang tingin ng bahay. Pinakamalapit ang plastic na upuan. Dala ng takot at galit ay binuhat ko iyon at pinagsangga sa kanya.
“Umalis ka rito!” sabi ko ng ilang ulit.
Nagmura na naman siya at pagapang na pumunta sa pinto. Kumapit sa hamba at tinulungan ang sariling tumayo habang ang mga namumulang mata ay bangag akong tiningnan.
“Wala kang mararating, Ruth! Itatapon ka lang din ng mga tao dahil basura ka!”
“Ikaw ang basura, Jake. Ginawa mong basura ang sarili mo at pangalan mo.”
Nag-aapoy ang mga mata niya sa galit sa akin. Matagal niya akong tinitigan bago nagsalita ulit. Dinuro ako.
“Wala kang pinagkaiba sa Mama mo!”
***
“Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili magpakailanman.” – Mateo 24:35