Chapter Seven Part 1

3796 Words
Chapter 7 Ruth He was the pilot. Ito ang unang beses na masaksihan ko kung paano niya pinalipad ang helicopter at nagmando hanggang sa marating namin ang isang ekslusibong isla. I could say he was smooth, very familiar and very calm. Ako pa nga ang mas ninerbyos sa buong byahe namin. I barely enjoyed the flight since my heart was hammering inside its cage. A four uniformed staff waited on the ground. May mga nakapilang puting golf cart at doon ay binuhat nila ang mga dala naming bag. Isang bag lang naman ang dala ni Dylan. And all of them were very polite at us. I wasn’t surprise that they already knew him. I was escorted at my villa. Gusto ko sanang puntahan agad sina Mommy at Daddy pero gusto ko ring magpahinga muna saglit bago mangumusta sa kanila. Kasama ko namang dumating si Dylan. Tiyak na malalaman din nila na nandito na rin ako. The assigned butler opened the villa’s door for me. “Thank you,” “You’re welcome, Ma’am Ruth! Please enjoy staying in our island!” he happily said before he left the villa. Sandali akong hindi nakagalaw at nanatiling mangha sa sariling kwarto. Villa pa nga. Noon, madalas kaming magbakasyon na pamilya. I went to Boracay, Siargao at kahit sa ibang bansa. Daddy made it possible. Nakakapunta ako ng ibang bansa at bakasyon dahil din sa kanila. Pero pagkatapos ng delubyo ay naputol ang lahat ng iyon. Ngayon na lang ulit ako nakapunta sa mga mamahaling lugar tulad nito. Masaya ako dahil naaalala pa rin ako ng mga de Silva sa mga ganitong importanteng okasyon. It felt like home. Maliban na lang na walang-wala ako ngayon. I didn’t have any power now or even connection na masasabi. I am just Ruth Hilario. Nilapitan ko ang isang pabilog na mesa at kinain ang nakahandang chocolate bar doon. Puro glass wall ang paligid. Mahalaman ang labas kaya hindi kita ang kalapit-bahay. Alam kong may katabi akong villa na nadaanan ko pa. Sa tapat ng kama ay mayroong swimming pool. Pati banyo sa labas ay glass wall din. Kumpyansa ang may-ari nitong isla na walang magkakasilipan kaya may ganitong banyo sa villa. Well, matataas ang mga puno at halaman kaya’t hindi naman talaga kita. Mahina rin ang signal at hindi ko ma-text si Esther na nakarating na ako. Nang makapag-settle ako ay kinatok ako ng butler. Pinapatawag na raw ako ng parents ko para maghapunan. Ang laki ng ngiti ko. Nagmadali pa ako sa pagkilos. I wore my halter top white dress. Flat sandals at nilugay ko na lang ang buhok ko. Wala na akong ibang bitbit maliban syempre sa cellphone para makapag-picture sa lugar. The butler drove the golf cart. Ang lamig ng hangin at dinig na dinig ko ang daluyong ng dagat. Ang sarap sigurong tumira sa lugar na ito. Tahimik at payapa. Parang kay layo-layo sa problema. Pagdating sa restaurant ay natanaw ko kaagad ang angkan ng de Silva. I immediately saw Uncle Johann. Nakatayo ito at may kausap na staff ng restaurant. Naharangan nga lang nang biglang tumayo si Dulce at excited akong kinawayan. Then all of them looked at the entrance where I was standing so hesitantly. Shyly. Nahinto lang ako roon. Tinalo ng hiya at panliliit sa sarili. Nalusaw na nga yata ang excitement na naramdaman ko kanina lang. Nandito silang lahat. Hindi lang sina daddy at mommy. I barely saw them. Kapag iniimbitahan nila akong magpasko o bagong taon sa kanila ay bihira akong sumama. I could still receive gifts from them. Napalunok ako. “Ate Ruth!” I heard Red’s deep voice. Lumingon ako sa kaliwa ko. Naroon ang mahabang mesa para sa buong pamilya ng Daddy at Mommy. Sa katabi at separate na mesa naman ang pamilya ni Uncle Johann. Sa tabi nito ay ang mesa nina Uncle Reynald. I didn’t see any or even the visitors for the wedding. But I saw a separate table. May nakaupo roong dalawang matangkad at malalaking lalaki. Nakatingin sa akin ang isa. Kumunot ang noo habang umiinom ng shake. Napansin iyon ng kasama kaya natatawang nilingon din ako. Hindi ko pa sila nakita noon. O baka kaibigan ng bride o ng groom? Baka nga. They looked so accustomed at the place. “Ruth,” Humangin nang malakas. Nakangiting nilapitan ako ni Auntie Aaliyah. Kasunod niya si Auntie Kristina. They were so beautiful in their beach dresses. Sinong mag-aakalang mga binata at dalaga na ang mga anak nila? Kaya nga marami ang gustong magpaalaga sa mga binatang de Silva. Nakikita kasi nila ang kalagayan at kasiyahan sa mga mukha ng mga Auntie ko. The shine of being contented and first of all, loved. Kakaunting tao na lang yata ang nakakatagpo no’n sa ngayon. Mahaba pa rin ang buhok ni Auntie Aaliyah. Alam kong natural lang ang pag-aalaga niya roon. Manipis lamang ang makeup niya sa mukha pero labas pa rin ang tingkad ng kagandahan nito. I really loved her gorgeous and addicting smile. Kapag ngumingiti siya ay para bang bumababa rin ang mga anghel sa langit. I kissed on her cheek. “Magandang gabi po, Auntie,” but she gave me a tight embrace that I didn’t expect. Napatda ako. “We missed you so much, Ruth.” she said. Naramdaman ko ang sincere at init mula sa mahigpit niyang yakap. Narinig ko ang banayad na pagtawa ni Auntie Kristina. Pagbitaw sa akin ni Auntie Aaliyah ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at niyakap din ako. Auntie Kristina was shining. Her milky white skin gave her elegance which incorporated with her pretty and kind face. Napakahinhin at talagang busilak din ang puso niya sa kahit sino. I remember, dati, kung gaano kabantay-sarado si Uncle Reynald sa kanya. Magpahanggang ngayon pa rin naman. Tulad ngayon, nakatanaw sa asawa habang kausap ako. “Kanina ka pa namin hinihintay, hija. Late kayo ni Dylan?” she asked smilingly. Sinuklay pa niya ang buhok kong nililipad ng malakas na hangin. Tumikhim ako. Nilingon ko si Auntie Aaliyah. Pero wala naman akong nakitang pagtataka o duda sa maganda niyang mukha. “O-opo, Auntie. May tinapos pa po kasi ako sa bahay.” Magalang at nahihiya kong sagot sa kanila. Hinaplos ni Auntie Aaliyah ang balikat ko. Those motherly touch, I so missed from her. “We understand, Ruth. Are you still living in Valenzuela?” Ngumiti ako at tumango. “Yes, Auntie.” Nagkatinginan silang dalawa. “Malamang naman na pinabantayan ito ni Matt.” Auntie Kristina calmly said. Kumunot ang noo ko. Tumango si Auntie Aaliyah at bumuntong hininga. “I’m sure of it. That Melaflor is very-“ She didn’t finish her sentence. Bigla na lang tumigil at mabigat na bumuntong hininga. Nakita ko ang kakaibang tingin ni Auntie Kristina sa kanya. I wanted to ask but their children lurked around me and hugged me. Pinaligiran ako ng nga pinsan ko na para bang isa akong importanteng bisita. Hindi mapagod-pagod ang pagngiti ko at sayang kausapin sila ulit. Tulad lang dati. Noong isa pa rin akong de Silva. Nag-uusap na bumalik sa kani-kanilang asawa ang mga Auntie ko. Nawala lang ang tingin ko sa kanila nang umabrisiete sa akin si Dulce. Hinila ni Dean ang buhok niya kaya inirapan ito ng kapatid. I chuckled. Ilang taon na ang lumipas ay mahilig pa ring mang-asar si Dean sa kapatid na babae. “Ingat ka r’yan, Ruth. Baka gamitin ka niyan para makapagpa-cute sa Montevista brothers,” Pinisil ni Anton ang pisngi ko bago binalik sa bulsa ng maong na pantalon ang kamay. Yandrei on the other hand made fun of her brother. “Wala kasi silang kapatid na babae kaya boring na boring ka, Kuya Anton!” “’Wag niyo na lang kulitin si Ruth at baka may magalit,” Nag-angat ako ng tingin kay Kuya Nick. Nakahilig ito sa barandilya at ngumingisi sa akin. “Sinong magagalit?” kuryosong tanong ni Dulce na nakakapit pa rin sa braso ko. She looked up at me, “May boyfriend ka na, Ate Ruth? Pinayagan ka na ni Uncle Matt?” Lumabi si Dulce. Lumapit sa kanya si Yandrei at may binulong. Malakas akong tumikhim. “W-wala akong boyfriend.” Deklara ko bago pa sila makabuo ng sariling konklusyon. Napatingin silang lahat sa akin. Nakita ko ang pagkamot ng tainga ni Kuya Nick. Ewan ko. Bigla akong kinabahan sa mga galaw niya. “Oo nga! Bantay-sarado pa rin si Ate kina Uncle Matt.” Segunda ni Dulce. Tila hindi naniwala sa binulong ni Yandrei. “Malaman lang ni Kuya Dylan na magka-boyfriend ka, t’yak na mauulol ‘yon,” natatawang biro ni Dean. Tumawa rin si Anton sa sinabi ni Dean. “He--what? Gosh, enough, boys!” nagugulantang reaksyon ni Dulce. “I still hate Kuya for what he did to Ate Ruth kaya!” inirapan pa niya ang kapatid. Kuya Nick barked a laughter. Kinilabutan ako roon. Hinila naman ako ni Dulce papunta sa dereksyon no’ng dalawang lalaking kumakain sa mesa. “Let’s go there, Ate Ruth! Ipapakilala kita kina Kuya Leonard at Kuya Rock!” she was giggling. “Huy!” “Dulce!” Nakarinig ako ng pagpigil sa gustong gawin ni Dulce. Pamilyar sa tainga ko iyong Leonard. So, magkapatid na Montevista pala iyong nakita ko kanina at tumingin. Nasaan kaya sina Kuya Yale at Ate Deanne? And Dylan? Hindi pa ba siya pinapatawag? “Hep! Hep! Hep!” Sabay-sabay kaming huminto. Umayos ng upo si Kuya Nick para makadaan nang maayos ang Daddy. Nasa likuran niya si Red na may ngisi sa labi. Tiyak kong alam niya ang gustong gawin si Dulce sa akin. “Daddy!” I excitedly ran to him. His arms were already opened wide for me. At tila ako isang batang tumakbo at yumakap sa kanyang ama. “I missed you so much, Dad!” He chuckled and patted my hair. “My Princess.” he declared. “Hello, Ruth.” Napatingin ako sa gilid nang marinig ang malaking boses ni Uncle Johann. He was smirking at me. Ngumiti ako at lumipat din ng yakap sa kanya. At hindi rin nagpahuli si Uncle Reynald. Kinurot din niya ang pisngi ko. Bumalik ako sa tabi ng Daddy Matteo. My eyes pooled by my happy tears. I missed them so much. I missed their laughter and teasing at each other. I missed them. Nangingiting ginulo ko ang mga buhok nina Red at Cam. “Ate naman,” kunwaring reklamo ni Cam. Nagbibinata na rin ang bunso namin. “Don’t you miss me? Ha?” pang-aasar ko. Humalukipkip pa ako sa harapan niya. Nagtawanan silang nakarinig. Then Cam looked at me. Gulped. He looked so shy. Tapos ay bigla na lang niya akong sinugod ng yakap. “I missed you too, Ate! Bumalik ka na sa bahay?” “Kapag bumalik na ang Ate niyo, hindi na mahihirapan ang Mommy niyo sa pagsuway,” “Babe.” I heard Mommy Jahcia’s calm voice and warning. Hinapit siya sa baywang ng Daddy at matagal na hinalikan sa kanyang buhok. Si Mommy ko na yata ang may pinakamatagal na yumakap at naglambing sa akin. Kahit na kailan lang ay binisita niya ako sa apartment. Nalusaw ang hiya ko nang masaya nila akong tanggapin at batiin. Pakiramdam ko kasi kanina ay nagbalik iyong atensyon at vibe noon sa birthday party ni Uncle Johann. Hinila ako ni Mommy sa kanilang mesa. But I looked at Uncle Johann’s. There, I caught his stares at me. He leaned down at his wife and whispered. Pasimpleng lingon din ang ginawa sa akin ni Auntie Aaliyah bago ako unang umiwas. Tulad ng pagtawag sa akin ni Daddy, their princess, ganoon din ang naramdaman ko sa buong oras na magkakasama kami. Kinuwento ko sa kanila ang nangyayari sa eskwela. Sa OJT na pinasukan. Sa kalagayan ng apartment ko at kahit sina Geneva ay tinanong din ni Daddy. Nakarating kasi sa kanya iyong pag-aaway nina Red at Geneva noon. “Hindi mo ba gusto sa condo unit ni Red, hija? O kung gusto mo ay ikukuha kita ng bago,” Natigilan ako sa pagkain. Ang Mommy ay nakangiting nag-angat ng tingin sa akin. “Mas gusto ko nga na roon ka na tumira, Ruth. Nag-iisa ka lang sa apartment mo at babae.” “Maganda pa!” segunda ni Red. I sighed with so much gratitude in my heart. “Okay lang naman po ako ro’n sa apartment, dad, mom. Saka mura at sanay na po ako.” Daddy stopped from chewing. Naging seryoso ang kanyang mukha. His thick eyebrows shown authorization I hadn’t seen for so long. “Dahil lang ba ro’n kaya ka nagtitiis? I’ll give you your own house if that’s the case!” Napaawang ang labi ko. Nilingon ko ang dalawa kong kapatid. Pero pareho silang nagpatuloy lang sa pagkain. “Hindi na po kailangan ‘yun, Dad. I’m perfectly satisfied sa apartment ko. Saka . . . mababait pa po ang mga kapitbahay ko,” giit ko. “Hindi ba, dad, nasabi ko sa ‘yong pinagawa pa ni Ate ang bubong ng bahay. Kaya mas mura niyang nakuha ‘yon kasi marurupok na ang materyales,” Red grinned. Napasandal ako sa upuan. “See? Ruth, pagkauwi mo roon ay mag-impake ka na agad. Ililipat kita!” “Pero dad,” pakiusap ko. I didn’t want him to meddle in what I really deserve. Iyon lang naman talaga ang kakayahan ko. Kung tutulungan pa rin nila ako ay baka dumating ang panahon na maging dependent pa rin ako sa kanila. Malaking tulong na iyong minahal nila akong anak nila. Isa pa, kung imumudmod nila sa akin ang tulong, paparatangan na naman ako ni Dylan na ginagamit o nakikinabang sa kayamanan ng pamilya niya. Tama na ito. Na ito lang ang kaya ko para sa buhay ko. I looked at Mommy Jahcia. Alam kong alam na niya ang saad ko tungkol sa bagay na iyan. She sighed and caressed dad’s forearm. “Hayaan mo muna ang anak mo, Matt. She’s a grown up woman. She can decide for herself now,” “Then what about those men na gustong manligaw sa kanya? May nirereto pa nga si Geneva para maging nobyo niya,” Namilog ang mga mata ko. Paano niya nalaman ang tungkol kay Walter? Red and Cam looked at my way. Napalunok ako. “Who is it, Ate Ruth?” Red dangerously asked. “Stop it, hijo.” Maagap na saway ni Mommy. Red murmured something I didn’t hear. “Red.” But Mommy heard him. “Kailangan namin siyang makilala para makilatis, Ate.” Cam said and smirking. Inabot ang tubig at sumimsim. He wiggled his thick eyebrows at me. “Pinaimbestiga ko na ‘yon.” Matiim na sabi ng daddy. Napasinghap ako. Si Mommy ay napapailing na lang. Ngayon pa lang ay ramdam ko na ang stress na maaaring nararanasan ni Mommy sa bahay. Para kaming may mga kasamang sundalo at pulis sa hapag. Nagkaroon ng munting ingay nang dumating si Dylan. Mag-isa lang at hindi pa rin kasama si Ate Deanne. Maingay siyang tinawag ni Kuya Nick. He only glanced at him. Inikot niya ng tingin ng paligid hangang huminto sa akin. Nagsalubong ang mga kilay. Pagkakita sa akin ay saka siya umupo sa mesa ng kanyang mga magulang at kapatid. He said something to his father. “Sino nga pala ang nag-arrange ng villa para sa atin?” Mommy asked. “Dylan did.” Daddy answered. Nilingon ako ni Red. “Kaya pala magkatabi ang inyo ni Kuya Dylan.” Kumunot ang noo niya. “Magsabi ka lang sa akin, ate, kapag inaway ka ni Kuya. Ako’ng bahala sa ‘yo.” Sabay kindat pa sa akin. I . . . didn’t . . . know . . . that. Nagkaroon ng katahimikan sa mesa namin. Kahit wala akong alam ay nahiya pa rin ako kina daddy at mommy. Totoo kayang may bantay ako sa bahay? Kung meron man, siguro ay hanggang doon lang. Dahil kita ko pa rin ang excitement at interest nila noong kinuwento ko ang tungkol sa eskwela. “How’s your business, Ruth? Wala kang nabanggit?” daddy asked. Sumimsim muna ako ng tubig bago nakasagot. Kinabahan ako na parang may graded recitation ako sa harapan nila. Well, I told them the truth. Then they became quiet again. Hilaw akong ngumiti sa kanila. “Hindi ko po talaga gamay ang pagnenegosyo, dad. Kaya po, sinarado ko na. Ibabalik ko rin po ang capital nina Kuya Nick at Ate Deanne,” Daddy Matteo sighed. “There’s no need. Ako na ang bahala.” Tumutol ako ulit. Hindi ako papayag na saluhin pa niya ang katangahan ko. “No, dad.” He then gave me a firmed look. “Just once, hija, let me do something for you. Hindi ako papayag na maubos ang savings mo.” “Malapit na rin naman po ako gumaraduate, dad. Makakakuha rin po ako ng trabaho.” “You’re just starting. Kung nakikita kong hindi mo kailangan ay hindi ko rin naman gagawin ito. That jerk Jake is the f*****g irresponsible father for you.” Pero si Dylan naman talaga ang naglagay sa akin dito. Mga salitang hindi ko na nasambit pa. Kilala ko siya masyado para salungatin ko. Nagawa na nilang pagbigyan ako sa iba pero hindi sa pangkabuhayan. “Once a de Silva, will always be a de Silva.” Red uttered after a while. Walang kumontra sa sinabi niya. Even mommy Jahcia. Nilingon niya si daddy at hinaplos ang braso nito. Dad looked at her. Hindi sila nagsalita pero naroon ang palitan at intindihan sa pagtitig nila sa isa’t-isa. Pagkatapos naming kumain ay nagkayayaang uminom sina daddy at mga pinsan niya. Agad na pinagbawalan ni Mommy ang Daddy na uminom kaya sa huli ay juice na lang ang hiningi. Matalim na tingin ang ginawad ni Mommy sa kanya. Kaya naman nagtawanan sina Uncle Johann at Uncle Reynald. Humiwalay sila sa amin. Tinubuan ako ng kaba nang lumipat ako sa mesa ng mga pinsan ko. Niyaya nila ako at hindi rin naman ako makakatanggi. I didn’t drink. Dahil bukas na rin ang kasal ni Ate Deanne. Mayroon silang rehearsal kanina na hindi ko rin naabutan. Tiningnan ni Dulce ang cellphone. Sumimsim ako ng mango shake na pagkamahal-mahal. “Maaga raw matutulog si Ate D kaya bahala na raw tayo rito,” Dulce declared. Muli niyang nilingon ang Montevista brothers. Sa kanila ko lang din nalaman na sa tatlong magkakapatid pala itong exclusive island. They were still on their table. Nagyoyosi na. It just made me curious. Kasi parang hindi pa sila malapit doon at nagkakahiyaan pa yata. Though, I saw Dean talked with them after the dinner. “’Yung mga guest, nasa kanya-kanya na ring villa at room. Siguro ‘yung iba ay nasa tabing dagat din,” sabi naman ni Yandrei na katabi ni Dulce. Parehong nagse-cellphone. Napatingin ako sa entrance nang may umakyat na matangkad at parang masungit na lalaki. Kumurap-kurap ako. He looked at our table. Simpleng ngumiti at bati kina Kuya Nick at Dylan bago tinungo ang mesa nu’ng magkapatid na Montevista. They called him Yale. So, ito pala ang fiancé ni Ate Deanne. He looked so authoritative. Base sa itsura ay malamang na ito rin ang pinakamatanda kina Leonard at Rock. I was curious. No one mention about Kuya Grey. Iyon ang matagal na boyfriend ni Ate Deanne. What happened to him? Pumangalumbaba ako at pinanood ang tatlong magkakapatid na Montevista. Para silang nagmi-meeting na tatlo. Lahat ay puro may sarili at kakaibang tindig. Si Kuya Yale ay may mumunting stubble sa kanyang panga. Puyat malamang sa paghahanda ng kasal niya. Pagkatapos niyang kausapin ang dalawang kapatid ay nilapitan niya ang bar kung saan umiinom sina Uncle Johann. He stopped there. Napatingin ako kina Dean. Kasama niya sina Red at Cam. Niyuko ko ang mataas na baso at inikot-ikot ang straw ng shake. Sumimsim ako ulit at binalik ang tanaw sa mga Montevista. I was stunned when I caught Leonard staring at me. Hindi pa kami pormal na magkakilala pero kasi tinuro na ni Dulce na siya si Leonard. Ang kapareha ko bukas sa kasal. He smiled at me. Kumunot ang noo ko. He tilted his head. Then, I answered his smile with a smile too. Bigla akong nahiya-- Napaigtad ako nang pabalang na binaba ni Dylan ang baso ng brandy na iniinom niya sa mesa namin. Namilog pa nga ang mga mata ko sa gulat. Malakas na tumawa si Kuya Nick. Si Dulce naman ay hinampas sa braso ang Kuya niya at hawak sa tapat ng dibdib. “Kuya naman!” she complaint. Dylan was staring at me. Na para bang may nagawa na naman akong kasalanan sa kanya. He was mad. Halos magdugtong ang mga kilay niya. Ang mapulang labi ay tila iniipit sa galit. “What is it?” I asked. Tumahimik ang mesa namin. Napatingin ang mga kasama na tila nakaamoy ng gulo. He stood up straight without cutting his magnetic stare at me. “Don’t look around.” Umigting pa ang panga niya. Shit! Is he going to humiliate me here? Really? Sa harap ng pamilya ulit? Napalunok ako at sabay-tingin sa mga pinsan. I found Red curious eyes. He looked at Dylan too. “’Yang Kuya mo, sinusumpong na naman. Dala niyo ba ang gamot niya?” natatawang sabi ni Kuya Nick kay Dulce. Nakakunot ang noo na tiningnan ako ni Dulce. She was still holding her phone. “What’s wrong ba, Kuya Dylan? Wala namang ginagawang masama si Ate Ruth.” Kumalabog ang dibdib ko. All of their attention went to me. Tumayo pa sa likod ko si Red. I knew, he was staring at Dylan. “Anong problema, Kuya Dylan?” Sinulyapan ko si Red at hinila ang hem ng T-shirt na suot. “Red.” Nag-angat ako ng tingin kay Dylan. Nakita ko ang matiim niyang titig sa kapatid ko. Na para bang namangha sa lakas loob na tanong sa kanya nito. He didn’t speak. He looked down at me then grinned. Tumikhim ako. Tumayo na ako. “Mag-magpapahinga na ako. Excuse me,” I barely looked at each of them. Pero agad akong hinawakan sa siko ni Red. “You belong here, Ate Ruth.” marahan niyang sabi. Hilaw ko siyang nginitian at halos hindi ko rin matingnan sa hiya. “T-thank you, Red. Inaantok na rin kasi ako. Don’t worry.” I assured him with my faked smile. Tinapik ko ang kamay niya. He let me go. Lumapit ako kina daddy at mommy para makapagpaalam. They let me go but I knew they were tailing my back as I went out of the restaurant. Nagpahatid na ako sa butler hanggang sa villa. Erasing from my mind the anger from Dylan’s eyes and evil grin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD