Chapter 6
Ruth
Naramdaman ko ang pagyapos niyang humigpit. Ang labi niya ay mas dumiin din sa labi ko. My lips were open. Shocked. Speechless.
“Mmmp!” I protested, late. I know. Nagulat ako at hindi ko siya naitulak kaagad. Kaya naman nang magkaroon ng lakas ay agad ko siyang tinulak sa dibdib. Ang tigas ng dibdib niya. “Ano ba!?” pero hindi ko pinahalatang naghatid iyon ng epekto sa kaisipan ko.
He glared at me. His lips were still moist and red. Hinihingal pa siya dala ng galit at . . . intense ng passion na ngayon ko lang nakita. Kung tama akong dalawang pakiramdam iyon na pinaghalo, ito ang resulta niyon.
“Walanghiya ka talaga ‘no? Wala kang sini-sino at walang pinipiling lugar,”
It was a real and full kiss! Hindi na niya lang tinutukso ang labi ko, talagang lumapat na ang labi niya sa akin!
I couldn’t believe it. We kissed. I tasted Dylan de Silva. What the f**k?
Iyong titig na binigay niya ay sa akin ay para bang sinusunog ang kaluluwa ko. Nilingon niya sina Walter. Nagkilusan ang panga niya. Ang titig na binigay ay para bang handang makipag-away sa mga oras na iyon.
“If you think you can get along with him,” he looked down at me.
Pinunasan ko ang labi gamit ang likod ng palad.
“Think again.” He finished. Nilagpasan niya ako. Sinundan ko siya ng tingin at napaawang ang labi ko nang makitang inapakan niya ang mga bulaklak. Dinurog-durog hanggang sa malagas ang petals nito at sinipa sa malayo ang bouquet.
“Dylan!”
Malakas ko siyang tinulak sa likod niya. Nilingon niya ako at hinaklit ang braso ko. Masakit. Iniipit niya ang daloy ng dugo sa porma ng pagkakahawak niya sa akin.
“Nahiwalay ka lang sa amin, nagpapaligaw ka na? Bakit? Dahil maluwag na ang sekyuridad mo rito? Dahil wala kang magulang na magbabantay sa ‘yo?”
I winced at his grip. Nilingon ko sina Esther. Nakaawang na ang labi niya at gulat na gulat habang pinapanood lang kami. Si Geneva ay napatakip pa ng bibig. Si Walter ay walang reaksyon pero nakatanaw din sa amin.
“Bitawan mo nga ako. Pumunta ka ba rito para manggulo? Umalis ka na nga,” tinulak ko siya sa balikat. Ayaw niya pa ring bitawan ang braso ko. Ang respetong natitira ko para sa kanya ay malapit ng sumaid.
“Hindi ka pwedeng magpaligaw. O, baka boyfriend mo na ang totoy na ‘yon?” nilingon niya ulit si Walter.
Namilog ang mga mata ko. “Shut up!” napipikon na ako.
“I am warning you. Hindi mo siya pwedeng magustuhan man lang!” deretso niyang sabi kay Walter. “Back off.” Nanggigil niyang dagdag.
Ang eksenang ginagawa niya ay naghahatid ng hiya at galit sa akin. Pinalo ko ang kamay niyang hawak ang braso ko. Nang lumuwag ay malakas ko siyang tinulak ulit. Napaatras siya at tingin sa akin. Hinanap ko ang binagsakan ng bulaklak. Gusto ko iyong kunin dahil nakakahiya sa effort at pera ni Walter. Pero hindi ko mabigyan ng puwang sa nagugulo kong isipan.
Nakita ko na lang iyon sa malayo. Pinagkaguluhan na ng mga bata.
“Ikaw ang umalis!” tinalikuran ko siya at nagmartsa papasok sa loob ng apartment ko. Baka maya-maya lang ay lumabas pa ang landlady at mapagsabihan ako sa komosyong ito.
Tumabi sa dadaanan ko sina Geneva at Esther. I was so ashamed. Binuksan ko ang pinto at malakas iyong sinarado. Saka ko napagtantong nanginginig na pala ako. Ang mga kamay ko at kalamnan. Ang aga-aga, sira na agad ang araw ko.
Namaywang ako at pumikit. Pilit kong pinapakalma ang sarili, ang dibdib, dahil sa dagundong nitong kalabog. Hindi na ako magtataka kung atakihin ako sa puso. Sa kawalanghiyang iyon ni Dylan? Manghihina ang lakas ko at puso.
Bumukas ang pinto. Hindi ko na nilingon dahil alam kong Esther na iyon. Dumilat ako at nanginginig na mga kamay kong binuksan ang ref at naglabas ng tubig. Kamuntik ko pang mabitawan ang pitsel nang padabog na nagsara ang pinto.
“From now on, I’ll be your guardian!”
Tila kulog ang sigaw ni Dylan. Ang lakas pa ng loob na magdabog sa loob ng pamamahay ko.
“At pinagbabawalan kong maligawan ka ng kung sinong lalaki!”
Sinarado ko ang pinto ng ref at binaba ang pitsel sa mesa. He was still glaring at me.
I scoffed. “Guardian? Are you insane? Hindi na ako menor de edad at hindi kita kaanu-ano. Wala kang karapatang manduhan at pagbawalan ako sa gusto kong gawin sa buhay ko!” asik kong sagot sa kanya.
He stepped forward. Natigilan ako.
“Ano pang ginagawa mo mula nang umalis ako? Nagpaligaw? Nag-boyfriend?”
Nakakapait ng laway itong mga tanong niya. Nakakatawa pa nga. Ngumisi ako at marahang sumagot.
“Anong pakielam mo?” mapakla kong tanong.
Gumalaw na naman ang panga niya.
“Sino?” mahina niyang tanong.
Namaywang ako. “Sinong ‘sino’?”
“Sino pang lalaki ang lumapit sa ‘yo?”
I felt that his low tone and calmed voice were part of his dangerous angst. Na kahit malumanay ang boses ay alam mong para na itong bulkan na unti-unting sasabog. Isang ebidensya ay ang pagtaas at baba ang dibdib niya.
He stepped forward again.
“Did he already kiss you? Or touch you? Then, what part of you?”
I could feel my jaw dropped. He looked so . . . possessive? Oh, ofcourse not.
“Dylan, nangingilabot na ako sa ‘yo.” Banta ko sa kanya para umatras siya.
But then, he smirked.
“Nangingilabot o natatamaan ka na, Ruth?”
Inabot niya ang magkabila kong siko. Walang hirap niya akong sinandal sa likod ng pinto. He pinned me there and managed to cage me in between his strong arms and thighs. He pressed his body against mine. There was no inhibitions in his blood.
“Tell your feelings about me, Ruth. Tell me now.” Pautos niyang sabi.
Tumingala ako sa kanya. Hinihingahan niya ako pero hindi ko iyon agad na kinagalit dahil . . .
“I. Hate You.” pabulong kong sagot sa kanya.
Matagal niya akong tinitigan. Nangangapa sa susunod na gagawin? O hindi niya inaasahan ang sagot ko.
He gulped.
“I loathe you.” I added to his misery.
Nanatili siyang nakatitig sa akin at hindi nakapagsalita.
“I don’t want to be with you again, Dylan. I don’t want you. I hate you so damn much. You made my life miserable. We can’t be friends, you know? I wanted you out of my life!” I strongly spat on his face.
I made it clear to him. Siguro naman ay malilinawan na siya sa gusto kong mangyari. Pero hindi nagbago ang pinta sa mukha niya. Ano, manhid na ba siya sa mga ganoong salita dahil sa ugali niya? Ngayon, mas aware na aware na siya. Tama lang iyon. Tama lang na makarinig din siya ng mga salitang dapat niyang marinig. Dahil baka masyadong mataas na ang tingin niya sa sarili niya at pakiramdam niya ay hari na siyang talaga.
I couldn’t remember Uncle Johann that kind of attitude. Dahil tiyak kong kagagalitan siya ni Auntie Aaliyah. But what happened to this man in front of me?
Napaigtad ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa baywang ko. Mangha ko siyang tiningnan dahil parang gusto niya akong durugin sa pagkakahawak niya.
“Bakit iba ang nakikita ko sa mga mata mo? Bakit ibang galit naman ang nababasa ko?” he stopped, “Nagsisinungaling ka sa akin?”
Napatda ako. Para akong dagang nasukol sa corner. “Hindi!”
He smirked. “You cannot fool me.”
“Well, you’re fooling yourself.” Tuya ko.
Nawala ang ngisi niya. Mabilis niyang binaba ang mukha at siniil ako ng maalab na halik. This time, I wasn’t surprise. Na para bang inaasahan ko na ang galaw niyang iyon matapos akong ipako sa likod ng pinto. But I didn’t kiss him. Nanatiling nakasara ang labi ko.
I’m not going to be your toy, de Silva.
Naramdaman niya ang panlalamig ko kaya’t nag-angat siya ng tingin sa akin. I stopped myself to even touch him. Tinitigan niya ako na parang pinag-aaralan ang kabuuan ko.
We were both inhaling each other’s breath. Marahan niya akong hinalikan sa noo. Napatda ako sa malamyos niyang higanti.
Sinunod niya ang mata ko kaya’t napapikit ako. Matunog na halik ang ginawa niya. Tila nananantya. Nang-iimok na sang-ayunan ang gusto niyang mangyari o gusto niya.
Hindi ako kumibo.
Sinunod niyang patakan ng halik ang kanang bahagi ng mukha ko. Mula mata ay bumaba sa pisngi ko ang labi niya. Umusod sa panga at tinukso ang gilid ng labi ko. Pagkatapos ay bumaba sa gilid ng leeg ko. Magaan na patak niyang dinantayan ng labi niya ang balat ko roon.
Napalunok ako. My heart started to pump violently.
Pagkatapos magsawa sa leeg ko ay sinunod niya ang lalamunan ko at iyon ang matagal na hinalikan. Puro patak sa umpisa at ngayon ay nararamdaman kong binabasa na niya ang lalamunan ko ng bibig niya.
When his kisses became so erotic, hinawakan ko na siya sa balikat at tinulak palayo. He was too drunk to fight with me. Kaya’t napalayo nga siya sa akin.
“S-stop this,” nanghina ako sa nangyari.
He moved forward again. Hinawakan niya ako sa baywang ko at diniin ang harapan niya sa akin. I didn’t protest. I bit my lower lip like as if I was already tipsy.
Niyuko niya ako at pilit hinahanap ang mga mata ko.
“Stop fooling yourself too, Ruth. You want this. You want more than kissing,” he whispered against my ear.
Kumuyom ang mga kamao ko. Nakahawak iyon sa sleeves ng damit niya. Nalukot ko pero hindi siya nagprotesta na magusot ang mamahalin niyang damit.
Napagtanto kong, ebidensya iyon ng pinaramdam niya sa akin. Hindi na pinsan ang tingin ko sa kanya. Matagal ko na siyang hindi tinuturing nang ganoon. Galit. Galit ang mayroon ako sa kanya. Dahil sina Red at Cam, pati ang mga pinsan ko ay mahal na mahal ko pa rin. Pero pagdating kay Dylan . . . hindi siya kabilang doon sa magaganda ko pang nararamdaman.
But when he kissed me, I felt like I was an ice and he melted me by his lips. Nanghina ako. Nalasing. Nawala sa sarili at hinayaan siyang paliguan ako ng mga halik niya.
Bakit? Dahil nananabik na ba akong mahalikan? Nananabik din ba akong magkaroon ng init sa katawan na hatid ng opposite s*x?
I questioned myself. Bata pa ako. Normal lang ang makaramdam ng init ng katawan. Ang maghanap ng haplos at hahalik sa ‘yo. It was all freaking normal. Pero ang hindi siguro normal ay ang maramdaman ito sa taong hindi ko kasundo. Or maybe, lust was so strong with the person you hate the most. There was challenge, there was something you could never feel with the other person. Finally, it was wrong and the temptation was so strong.
Mommy Jahcia didn’t want me to be entangled with him. So, it was all so wrong in all different angles.
And no. I never wanted more than kissing.
Umiling ako. Yumuko ako at umiling ulit. Hinapit niya ako ulit sa baywang at pinipilit pa rin ang gustong makuha. Alam kong nakaaawang pa rin ang labi niya. Tila taong sabik makakain. Pinigilan ko na siya.
“’Wag ako, Dylan. Sa iba mo na lang kunin ang gusto mo sa akin.” may diin kong sabi.
“I never wanted anyone because all I want is you.”
Mapakla akong tumawa. Marahan ko na lang siyang tinulak.
“Really? So, you just wanted to f**k me that’s why you remarkably kicked me out from your family?”
“It’s not-“
“Iyon ang rason mo. Hindi ka kuntento sa mga babaeng mayroon ka. Mas gusto mong may challenge. Mas gusto mong kakaiba ang experience mo.”
“Shut up.” He dangerously warned me.
“Then stop! Bakit gusto mong maging guardian ko? Meron ka bang gustong makuha sa akin? Kayamanan o impluwensya ng mga Melaflor? Well, FYI, Dylan, naghihirap na ngayon ang ama ko. Wala kang mahihita sa panggagago mo sa akin. Kaya tumigil ka na.” malakas ko na siyang tinulak kaya nakawala ako. Umalis ako sa likod ng pinto.
Lumapit ako sa mesa. I was still weak. I licked my own lips and-s**t-I could still taste him in my mouth.
“Hindi ako napigilan ng mga magulang ko. Sa tingin mo, sa isang sabi mo lang ay titigilan na kita?”
“Tantanan mo na lang ako! Utang na loob naman!”
“Not until-“
Sinaboy ko sa kanya ang malamig na tubig na laman ng pistel. Nabasa ng buhok niya, mukha at harapang damit niya. “Hayan. Para mahimas-masan ka naman.” Padabog kong nilapag ang pitsel sa mesa. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon para sa kanya. “You can leave.”
Inaamin kong natatakot na ako. Natatakot ako para sa sarili. Na para bang ang apoy na lumalapit ay magagawa kong haplusin kahit na mapaso ako’t malapnos ang balat ko.
“Then, accept my offer. Work with me.” giit niya.
Pagkamangha ang gumuhit sa mukha ko. Dinuro ko siya. “Sinasabotahe mo ang negosyo ko! Hindi mo ba alam kung ilang mga nanay ang naapektuhan sa paglalaro mo?”
Bumuntong hininga siya. Nilapitan ako at sinarado ulit ang pinto.
“Kaya kong ibalik ang lahat ng nawala sa ‘yo. Kaya ko ring higitan ang anumang meron ka ngayon. At kaya kong ibigay ang buhay na naranasan mo na noon.”
I scoffed. Humalukipkip ako. Tanging pagkamangha at dismaya lang naramdaman ko sa sinabi niya. Nalilito ako sa mga pinapakita niya sa akin. He could be annoying and ruthless. Then next, he could distract me by offering something in a friendly tone.
“What is it, Dylan?”
Dahil sa pagkabasa ay bumagsak ang buhok niya. Nagkaroon bigla ng bangs na bumagay naman sa kanya. Pulang-pula ang labi niya. Pinunasan niya ang mukha at bahagyang tinabingi ang ulo.
“We’re clearly not related. So, you can be my . . . woman.”
Napaawang ang labi ko. There you go. Iyon lang talaga ang habol niya kaya niya ginugulo ang buhay ko.
“Ano? Naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo, ha?”
“Yes. Let me have you.”
Napailing ako. He stepped forward. He looked alarmed at what he saw written on my face.
“Dalawa lang ang pagpipilian mo, ang maging guardian ako o lover mo,”
“Nababaliw ka na!”
He smirked. “Siguro nga. Pero alam ko ang sinasabi ko,”
“Well, duda ako r’yan. Mas marami ka nang kaaway ngayon dahil sa uri ng pag-iisip mo. Dylan, paano mong naisip na gawin akong babae mo, gayong matagal tayong nagturingang magpinsan?!”
“I never treated you as my cousin. I never treated you as my own blood even before I found out that you were adopted.”
Matabang akong ngumisi. “Unbelievable. So, pinagmamalaki mo bang tama lang ang naramdaman mo noon sa akin dahil ang totoo ay hindi tayo magkadugo? Ganoon? Na gusto mo lang akong matikman kaya mo ako pinalayas sa pamilya ninyo.”
“Bakit? Gusto mo bang maging de Silva ulit?” matapang niyang tanong.
“No! I’m contented with what I have right now. Kung saan ka naroon, ayokong mapuntahan pa! Leave!” singhal ko.
“You’re lying.”
I scoffed. “Kahit kailan ay hindi kita pinagnasaan tulad ng pagnanasa mo sa akin.”
“Liar.” his teeth gritted.
“Mahirap bang tanggapin ang katotohanan, ha, Dylan? Na hindi lahat ng babae ay kaya kang luhuran.”
I saw his jaw clenched. One single moment, ang akala ko ay masasaktan na niya ako. Kamuntik na akong umatras palayo sa kanya nang titigan niya akong tila nagpupuyos na ito ng galit. Gumamit ako ng mga salitang hindi ko akalaing lalabas sa bibig ko. But I used them to state the truth.
Gosh. Dylan was lusting over me?
Hindi ko alam kung totoo nga pero base sa mga lumabas sa bibig niya ay parang kaunting tulak pa ay aamin na siyang ganoon nga.
Sa loob ng ilang segundo ay nagtagis ang bagang niya at tahimik akong tinitigan. I didn’t back down.
He quietly left my apartment. Halos magiba ang bahay nang malakas niyang sinarado ang pinto ko. Pagkaalis ng sasakyan niya ay siyang karipas ng pasok nina Esther at Geneva sa loob. Kinumusta nila ako at agad na nag-usisa.
“Umalis na si Walter. Akala niya ay boyfriend mo ‘yong si Mr. de Silva.”
“de Silva? As in isa sa mga de Silva ‘yon? Ibig sabihin may nagkagusto sa ‘yong dati mong pamilya, Ruth?” si Geneva na mas mangha kaysa kay Ruth. Nakita niya ang paghalik ni Dylan sa akin kanina.
Naupo ako sa harap ng mesa at niyuko ang ulo roon. I couldn’t answer their questions right now. Bumibigat ang dibdib ko at katawan. Parang hinigop lahat ni Dylan ang lakas ko.
“Hindi. Galit ‘yon kay Ruth.”
“Paanong galit?”
“Kasi nakinabang si Ruth kayamanan ng angkan nila kaya mainit ang dugo no’n sa kanya. E, hindi naman ginusto ‘yon ng kaibigan ko. Pero talagang pursigidong pabagsakin si Ruth!”
“Ah. Akala ko naman nagalit kasi nakitang may ibang nagkakagusto sa kanya. Nagselos kumbaga.”
Napapikit ako nang hindi nila nakikita. Nag-isip ako ng paraan kung paano ba patitigilin si Dylan sa paglapit at pagsira sa akin. Ano ba ang pwede kong gawin? Isumbong kina Uncle Johann at Auntie Aaliyah? Humingi ng tulong kina Red? Lumipat ako ng bahay? Pero sapat ba iyon para tigilan na niya ako?
Paano kung . . . ibigay ko ang gusto niya at tapusin na rin pagkatapos no’n? May saysay kaya?
I groaned silently. Bakit ko ibibigay ang sarili ko sa kanya! Napakababa naman ng tingin ko kung sakali sa sarili ko, ‘di ba? I would just let him know who he really is. Baka naman kailangan niya lang ng may yuyugyog sa ulo niya.
At bilang panghuli, kailangan ko siyang iwasan. Hindi na dapat maulit pa ang halik na iyon. Hindi na.
**
Habang namomoroblema ako sa operasyon ng cleaning services ko ay dumating sa bahay ang wedding invitation at gown na susuotin ko sa kasal ni Ate Deanne. Kumunot ang noo ko nang mabasang ibang pangalan ng lalaki ang nakalagay na groom. Hindi iyong miyembro ng banda na kilala kong matagal na niyang kasintahan.
Hiwalay na pala sila ni Kuya Grey? Ang pangalan ng lalaking papakasalan niya ngayon ay Yale Montevista.
Montevista? Parang pamilyar sa akin ang apelyido na iyon . . .
Meanwhile, binuksan ko ang malaking kahon at tiningnan ang gown na susuotin. Kasama ako sa mga abay. Nakita ko sa invitation card na ako ang nakatoka sa pagkabit ng veil sa kanila. Ka-partner iyong Leanard Montevista.
Kulay red iyong gown at sweatheart style ang bandang chest. I could see Ate Deanne’s style and touch to the theme of her wedding. May kasama na rin iyong sapatos. Knowing Ate Deanne? She would complete what she thought I needed. Lalo na ngayon sa estado ko.
Pagdating naman sa negosyo ko, naghintay ako ng may magbu-book sa site. Pero ni isang kliyente ay walang pumasok. Si Esther ay nasa kanila pa. Panay ang text sa akin ng mga empleyado ko kung may schedule na sila para sa maglinis. Ang sabi ko ay wala pa. At hanggang ngayon nga ay wala pa rin.
Tumakbo ang tatlong araw. Zero booking ang naranasan ko. Kahit nag-update na ako ng bagong rates namin ay wala talagang booking na pumapasok. I even blamed our internet provider, at baka sira lang ang koneksyon pero napagtanto ko rin sa huli na hindi naman iyon ang problema.
Sinubukan ko ring bumalik sa dati naming pwesto at kausapin si Aling Babes. Napatitig na lang ako sa labas ng pwesto. Walang tao roon at sarado lang. Bakit ganoon? Ang sabi niya ay nagmamadali ang bagong umuupa. Bakit walang tao naman?
Iniwasan din akong kausapin ni Aling Babes. Halos hindi siya makatingin sa akin at pinagtabuyan ako sa labas ng bahay niya.
Bigo lang ako bumalik ulit sa bahay. Pinili kong sa lunes na lang na mag-umpisa sa OJT ko. Hindi ako makapag-concentrate sa eskwela at iniisip ko ang cleaning service. Sa tatlong araw na walang booking ay palagi ko pa ring sinasaksak ang computer. Lalo na at nagpo-post pa rin si Esther sa f*******: page namin. Sumubok na kaming maglagay ng Ads. Gumastos kami roon. Marketing na rin. Pero pagdating ng kinagabihan ay bigla, hindi na namin ma-access ang page.
“Anong nangyari?” inusisa ko si Esther at tiningnan ang screen. Ni-refresh ko na lahat pero ang sabi ay may nilabag daw kami.
“Baka suspended lang. Hindi kaya?” ani Esther.
Napasuklay ako ng buhok. Down din ang website namin ngayon. Naghintay pa kami ng progress. Pero sa huli ay nawalan na ako ng lakas.
Magagawa kaya ito ni Dylan? Ang pagsabay-sabayin ang problem ko?
Natulala ako sa harap ng monitor. Malalim na suminghap. Nanubig ang mga mata ko. I bit my lower lip.
Tatlong araw pa lang naman kaming tengga. Hindi pa naman sukdulan iyon para sumuko, ‘di ba? Pero bakit ang pakiramdam ko ay dead end na agad? Nasaan ang fighting spirit ko?
“Haaayy,”
Pinagmamasdan ako ni Esther. Nilingon ko siya at pilit na ngumuso na parang biro lang ang lahat ng nangyari.
“I-liquidate ko na lang kaya ang assets para maibalik ang pinuhunan nina Ate Deanne at Kuya Nick?”
Iyong dalawang sasakyan at vacuum. Isama pa ang savings ko. Kinompyut ko kung kakasya ba.
“Ruth,” nanghihinang tawag ni Esther.
Kumurap-kurap ako para mawala ang luha sa mga mata ko.
“K-kasi iniisip ko, hangga’t maaga ay gumawa na ako ng paraan para maibalik ang pera nila. Baka kapag pinatagal ko pa, ako rin ang mahihirapan. Nakakahiya sa kanila.”
“Sumusuko ka na agad?”
I sighed heavily. Tiningnan ko ulit ang monitor. “Baka nagsasayang lang ako ng oras sa ginagawa kong ito. Wala naman talaga akong talent sa business management,” sinundan ko iyon ng pilit na tawa. Pero nanginig ang labi ko. “W-wala na yata akong nagawang okay sa buhay ko,” pagak akong tumawa.
Hinagod ni Esther ang likod ko. Napayuko na ako at tahimik na humikbi.
“Ruth naman, e! Pati ako naiiyak na rin!”
Pinunasan ko ang pisngi. Ilang sandali pa ang tinagal ko sa pagyuko bago ako nag-angat sa kanya ng tingin.
“Failure talaga ako, Esther.” Suminghap ako. “Mula sa pagkakaroon ng pamilya hanggang sa kakayahang meron ako.”
“Ano ka ba! ‘Wag mong ibaba ang sarili mo! Failure is an education din, ‘no!”
I weakly smirked at her. Inisip ko ring, ano kaya ang mangyayari sa akin kapag naka-graduate na ako? May mahahanap kaya akong trabaho? May tatanggap kaya sa akin? Paano kung harangan ni Dylan ang napipinto kong tagumpay?
Now, I tasted how bitter he was. Gusto ko lang naman maging maayos ang buhay ko ng mag-isa. Hindi ba iyon pwede?
Bigong-bigo ako ngayon. Sobra akong na-stress, nalungkot at nawalan na ng pag-asa sa negosyo ko. My source of income could be my downfall too. Kaya, mas lalong nabuo sa isipan kong isarado na lang ang cleaning services ko. Pinal na ang desisyon ko. Baka nga sa ganoon ay tigilan na rin ako ni Dylan. Wala na siyang mapepesteng negosyo.
Ang balak ko ay pagkakasyahin na lang ang matitira kong savings hanggang sa makatapos at makahanap ng trabaho. Kailangan ko ngayong magdoble sikap para sa kinabukasan ko.
Parting ways were never easy. Nag-iyakan ang mga staff ko nang sabihin ang plano. Alam kong masyadong mabilis ang desisyon ko tungkol sa pagsya-shutdown pero gusto ko lang iligtas ang maaari pang isalba. Bakit ko pa patatagalin? Gayong nararamdaman kong ito rin ang kahihinatnan sa huli.
It will all comes down to someone’s wrath for me.
I gave their last salary. Agad kong binenta ang dalawang service van. Ang mga vacuum ay nilagay kong sale online. I will collect the money and send it to Ate Deanne at Kuya Nick’s bank accounts.
“Sana okay lang.” tapik sa akin ni Esther.
Naghahanda na ako ng araw na iyon para sa pag-alis. Bukas na ang kasal ni Ate Deanne kay Yale Montevista. Sa isang isla gaganapin. Hihintayin daw nila ako sa helipad sa building ng kumpanya ni Uncle Johann.
Nagpresinta si Esther na magbantay muna sa apartment at makikigamit na rin ng computer sa paghahanap ng trabaho. Pero ang sabi niya ay mas gusto niyang magtayo ng negosyo ulit. Magse-search daw siya.
Bumuntong hininga ako. “Sana pwede kitang isama ro’n,”
“Okay lang. Saka puro mayayaman ang nandoon. Hindi ako bagay,”
Sumimangot ako. “Hindi ‘yan totoo. Mababait sina Daddy at Mommy.”
I could ask Ate Deanne about this. Pero ayaw din talaga ni Esther. Mas busy siya sa paghahanap ng pagkakakitaan.
“Uuwian na lang kita.”
“Sige. Iyong pogi, ha?”
Natigilan ako sa pagsukbit ng bag sa balikat ko at tiningnan siya.
“Gusto mo si Dylan na lang.”
Umasim ang mukha niya. “Sa ‘yo na lang siya!”
Napasimangot ako at irap sa kanya.
“Pero aminin mo, nagwapuhan ka ro’n kaya siya ang una mong inalok. Ano, ha?”
“Ang panget no’n.” sabay bawi ko.
“Nye, nye.”
“Tsk.”
Nakawala ako sa kanya nang umiirap. Oo nga naman, bakit si Dylan agad ang binanggit ko? Gwapo rin naman iyong iba. Wala lang siguro akong masabi sa kanya.
Sumakay ako ng taxi papuntang opisina ni Uncle Johann. Agad nila akong pinapasok at tinulungan pa ako ng guard sa bitbitin ko. Hinatid ako hanggang sa taas.
Walang masyadong tao sa building. O baka nasa kanilang mga opisina rin. Malamang na invited din ang mga executive rito sa kasal.
“Dito na po, Ma’am. Kanina pa po naghihintay sa ‘yo si Sir.”
Nginitian ko na lang ang gwardya. Sinong Sir? Si Kuya Yale kaya? Wala kasing sinabing pangalan si Ate Deanne kung sinong maghahatid sa akin sa venue ng kasal nila. Sina Red ay nauna na raw doon.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Umakyat pa kami sa hagdaan. Malakas ang hangin at napuwing ako pagtuntong sa taas. Nahagip ko ang helicopter na naroon.
“Sir Dylan,”
Natigilan ako. Para akong namatanda sa tinawag ng guard. Kumurap-kurap ako para maalis ang puwing sa mata.
“Thank you.” baritonong sabi niya sa guard.
“Sige po, Ma’am Ruth. Ingat po.”
Sinikop ko ang nililipad kong buhok at hilaw na ngumiti sa kanya. Pambihira. Hindi man lang sinabi sa akin na ito pala ang makakasama ko sa byahe.
Pagkalagpas ng gwardya at saka ko tiningnan si Dylan. Nakapamulsa ito at naka-corporate attire pa rin. Maluwag lang ang bandang dibdib. Nakatitig sa akin.
Nagpalinga-linga ako. “Ikaw lang ba?”
“Ako lang, Ruth.” matigas niyang sagot.